You are on page 1of 6

I.

NILALAMAN

Teknolohiya ang pangunahing pangangailangan natin lalo na sa modernong panahon natin ngayon.

“Maraming naniniwala na ang teknolohiya ay may masamang epekto sa ating

lipunan”(Gutierrez,2021)dahil nga ang teknolohiya ay puno ng mga impormasyon na maaring may

epekto sa ating mga damdamin ani pa nya na “ Marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya

dahil ito ay nabibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino”(Gutierrez,2021) na para

sa akin ay tama dahil sa paggamit ng teknolohiya lalo na sa komunikasyon ay napapabilis nito ang

pakikipagusap sa ibang tao mas mabilis na nakakarating ang mga mensahe na epektibong pakikpag

uganayan lalo na ngayong pandemya. Dahil nga sa iba’t-iba ang epekto ng teknolohiya sa ating buhay

meron itong masama at magandang epekto sa atin,ayon kay Bea Ysabel Gutierrez (2021)” Maari

silang maglaro gamit ang PSP,laptop,at Cellphone o di kaya’y makinig ng musika sa iPod” ito ay isa

sa magandang maidudulot ng teknolohiya lalo na kapag wala naman tayong ginagawa o di kaya ay

nais lang natin magpahinga, lalo na ngayon ay nasa loob lamang tayo ng bahay at walang

ginagawa,ngunit kung susumahin ay mas marami ang masamang epekto ng teknolohiya sa atin ayon

kay Bea Ysabel Gutierrez,(2021) “maari itong magdulot ng masamang epekto ang iPod at PSP sa

kadahilanang maarinitong maging sanhi ng pagkatamad ng mga mag-aaral sakanilang pag-aaral” dahil

sa nalilibang silang maglaro ay mawawalan na sila ng gana na makilahok sa pag-aaral lalo na ngayon

na online ang pag-aaral mas lalo silang tatamarin dahil sa dami ng pwede nilang gawin habang

nakatapat sa gadgets.Social media ang isang uri ng komunikasyong teknolohiya na may maganda at

masamang dulot dahil dito laganap ang social media bata man o matanda ay mayroon ayon nga kay

Jayso rivera (2016)”dahil nagiging uso na ang social media kailangan nilang makiuso at gumawa ng

account” kagaya ng turan ko kanina na lahat ay mayroon bata man o matanda ay mayroong sariling
social media account ani pa nya “Minsan naman ay nagiging masyadong mapanghusga ang mga

kabataan ngayon marahil na din sa nakikita nila sa social media na kalayaan sa

pagpapahayag”(rivera,2016) na para sa akin ay nagiging dahilan kung bakit karamihan sa mga

kabataan ang nawawalan na ng respeto sa nakaktanda sa kanila ayon naman kay Jhem Bon

(2020)”kapag may sapat na kaalaman ang anak mo sa social media at sa digital age, mas malaki ang

pagkakataong maproteksyunan nila ang kanilang sarili online” dahil kung ang isang tao ay walang

sapat na pagunawa o kaalaman sa paggamit ng social media maari silang mapahamak dahil

namamangha sila sa kanilang nakikita,kagaya ngayon na patok ngayong pandemya ang paggamit

halimbawa na lamang ng tiktok ang magandang dulot nito habang nasa gitna tayo ng pandemya ay

ito ang ating ginagamit ayon pa sa kanya (jayson rivera (2016)“Ang pinaka pakinabang ng social

media ay para magkaroon tayo ng komunikasyon sa nga taong malayo sa atin” na isa sa pinaka

magandang epekto ng social media lalo na ngayog pandemya dahil tayo ay magkakalayo layo lahat

ngayong panahon na ito dahil na din sa pagiingat ngunit ang pinaka masamang epekto ng social

media ay ang paninibago sa pagamit nito akala nila ay maari nila itong ilagay sa social media na

sanhin ng iba’t-ibang emosyona ani pa niya “ malaki ang kontribusyon ng social media sa pagtaas ng

bilang ng mga kabataang nakakaranas ng depression at anxiety” (Jhem Bon,2020) base sa akin

karanasan bilang isa sa mga kabataan nakaranas ngayon ng kahirapan sa pandemya dahil ito sa lagina

lamang nakatutok ang ating mga mata sa mga gadgets at kung ano man ang mababasa natin sa socia

media o mapapanuod ay naapektuhan tayo ng sobra dahil ang ating damdamin ay mabilis na

nahahabag sa ating nakikita o napapanuod dahil din sa lagi lamang tayong nasa loob ng bahay at

walang ibag naiisip,nung nagsimula ang online ay isa din ito sa mas nagpahirap lalo n sa mga

kabataan na hindi alam kung saan kukuha ng panggastos sa pag-aaral online “Pumalo na sa 54

porsyento ng mga kabataan ang nagpahayag ng kalungkutan,takot at pangamba sa kasagsagan ng

coronavirus”( Cellona ,ABS-CBN,2020) sa katunayan ang artikulong ito ay kuha sa aming lugar na
nakita ko lamang na talaga namang masasabi kong totoo ang sinasabi dahil sa una kong sinabi na

mahirap at magastos dito sa amin ay karamihan sa mga kabataan ang hindi talaga nag-aral online

dahil hindi lamang sa mga kadahilanang ito kundi hindi sapat ang naipamigay na gadget at ang ibang

magulang ay hindi rin masubaybayan ang kanilang mga anak dahil wala din silang alam sa mga

gadgets dahil nga ang aming lugar na tinatawag na Baseco compound ay kakaunti lamang ang may

mga kaya at nakapag-aral kaya sila man ay salat din at nakikita yun dalawang mga mata ko. “Ngayon

ang lahat ay apektado ng pandemya,naging lalong napakahalaga at makabuluhan sa buhay ang

teknolohiya”(Bernardo,2021)kagaya ng mga nauna kong tinuran kanina na mula una na malaking

pakinabang ng teknolohiya sa buhay natin mas naging mahalaga pa ngayon dahil lahat ay tumatakbo

gamit ang ang teknolohiya maging sa komunikasyon.”patuloy na nakakapag-aral ang mga estudyante

kahit nasa loob ng bahay”(Bernardo,2021) dahil nga kalat na sa makabagong henerasyon ang

paggamit ng teknoohiya dahil sanay sila sa paggamit nito “naisasagawa ang mga kumperensiya

,seminar, pulong ,palakasan, at iba pang mga okasyon. Kahit nga mga beauty contest at sports

competition ay hindi mapipigilan.”(Bernardo,2021) dahil sa mas nakaupgrade n ang ating

teknolohiya ay mas mabilis nila itong nagawan ng paraan na talaga namang nakakamangha. Nais

kong ibalik ang tungkol sa onine class ayon kay Arnel Pelaco (2020)”Negatibo ang epekto ng

“online education” sa mga mag-aaral sa elementary, sekdarya at kolehiyo sa buong bansa.” Dahil nga

sa madaming epektong dulot nito sa mga kabataan nakakaramdam sila ng masamang epekto lalo na

ang pagkapagod at anxiety ayun kay Arnel Pelaco (2020)”mayorya sa mga estudyante ay

nakakaramdam ng ‘emotional problem' sa kanilang academic journey sa gitna ng COVID-19

pandemic” dahil karamihan ay mas nakakaramdam ng pagkabagot at pagkapagod kagaya ko ani pa “

inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas 846 na hindi makabuluhan ang buhay

kung walang “ups and down””(Pelaco,2020) dahil lahat naman tayo ay dumadaan sa mga

masasamang panyayari sa buhay natin natin nasa atin lamang kung paano ito kokontrolin at
lalabanan dahil lahat ng dulot ng online class ay nasa atin lamang kung paano natin ito dadalhin ani

nga ni Alexandra Altman,(2020)”Ang mga mag-aaral na may mga bata ay nagbabalanse ng kanilang

pag-aaral kasabay nga pangangalaga. Ang mga stress ng aming pandemic reality ay pinalakilamag ang

hamong ito” dito ay sinaad ang kabuuang problema ng online class na sa aking palaay ay may

dalawang pakahulugan kagayang ito ay negatibong pagungusap dahil mas pinahirap nitoang

sitwasyon ng teknolohiya sa komunikasyon dahil minsan ay mahirap ang internet ito din ay

positibong salita dahil sa sinaad na kahit may anak ay tuloy sa pag-aaral kaya wala ng ibang hirap ang

pwedeng makapigil upang makapagtapos ng pag-aaral kahit tayo ding walang mga anak ay maari

itong maging inspirasyon dahil katulad nila ay matibay na kayang pagdaanan ang lahat makapagtapos

lamang. Bukod sa edukasyon isa din sa nahirapan sa sitwasyon ng komunikasyong teknolohiya ay

ang mga nagtratrabaho ayon kay Ramon M. Bernardo,(2021)” hindi nauudlot ang mga trabaho ng

maraming empleyado dahil sa ipinatupad na work from home; nagpapatuloy ang mga negosyo at

kalakalan kahit na merong mga limitasyon” dahil dito ay kahit nasa loob ng bahay ay patuloy pa rin

ang pagsahod ng mga mangagawa na siyang nagiging pangastos sa gitna ng pandemya ngunit sa

kabila ng mga ito karamihan sa mga ordinaryong magagawa ang natangal sa trabaho dahil nga sa

online ay mas kakaunti na lamang ang kailangan at dahil na din sa karamihan ay hindi matunong

gumamitng teknolohiya “ Sa pagsusuri ng ABS-CBN investigative and Research Group (IRG) sa

datos ng Department of Labor and Employment (DOLE),118,210 ang mga nawalan ng trabaho

dahil sa pagbabawas ng empleyado o pernamenteng pagsasara ng negosyo”(Delizo, ABS-CBN

News,2021) dahil sa pagpapatupad ng lockdown ay madaming establisyamento ang nagsara dahil sa

konti at karamihan ay binibili lamang ay ang mga kailangan kaya ang iba ay na lugi at nagsara ito ay

noong ang teknolohiya sa komunikasyong ay nung hindi pa ganap na alam ng mga negosyante ang

paggamit ng teknolohiya bilang batayan ng kanilang pagbebenta “new normal”(Arreola,2020) ito ang

tawag ngayon sa sa lahat ng antas dahil ngayon ay lahat ay gumagamit ng onlie para mamiliisang
pindot ay maari na itong maihatid sa iyo “23% indicating an increase activity in their online shopping

activity”(Arreola,2020) dahil sa sobrang dali na lamang ng gagawin ay karamihan ay naiinganyong

bumili ng bumili na may magadang dulot sa mga manggawa ngayong pandemya dahil sa madami ang

kumukuha ay karamihan ngayong ay tinutulungan at tinuturuan ang mga trabahador na gumamit ng

teknolohiya para makipagkomunikasyon sa mga mamimili at para sa akin ay naging magandang

sitwasyon ng teknolohiya sa gitna ng pandemya

III. Konklusyon

Sa kabuuan madaming magaganda at massamang epekto ang teknoohiya ng komunikasyon sa gitna

ng pandemya iba-iba man ito,masama man o mabuti pa ito dahil gusto lamang iparanas sa atin na

ang mga araranasan natin ngayon ay parte lamang ng paghihirap na madali din nating

matatagumpayan maging ito man ay problema sa pag-aaral,trabaho ay patuloy tayong matuto sa mga

bagay na ito dahil sa teknolohiya sa panahon natin ngayon mabilis tayong makakasabay kahit

namayroon itong di magandang epekto ay matuloy pa ri itong mananatili dahil ito naang kailangan

nating lahat.

IV. Talasanggunian
Alexandra Altman(2020), Unahin ang Edukasyon sa isang Pandemik

Arnel Pelaco(2020), Online education,negatibo ang epekto sa mga estudyante

Bea Ysabel Gutierrez (2021), Epekto NG Teknolohiya

Jayson Rivera(2016), Maganda at masamang epekto ng social media

Jhem Bon(2020),Laging Online: Ano Nga Bang Epekto Ng Social Media Sa Iyong Teenager

Jonathan Cellona, ABS-CBN (2020), 54% ng mga bata nangangamba, malugkot sa kabila ng

pandemya, ayon sa child welfare office

Michael Joe Delizo, ABS-CBN(2021), Bilang ng mga nawalan ng trabaho sa unang 3 buwan ng

2021:higit 118,000

Ramon M. Bernardo (2021), Teknolohiya sa panahon ng pandemya

Renz Homer S. Arreola(2020), The “New Normal” of Increased Online Business

You might also like