You are on page 1of 1

Sa hindi inaasahang pagdating ng pandemya na hanggang ngayon ay patuloy pa rin

nating kinakaharap, lubos na naapektuhan ang mga mamamayan hindi lang sa ating bansa
ngunit maging sa buong mundo at tila ba’y naging isang bangungot sa nakararami sapagkat
naging apektado din ang pampubliko at pangpribadong kumpanya, mga paaralan, kabuhayan
pati na rin ang paraan ng pamumuhay ng mga tao. Dahil sa kaganapang ito, minabuti ng ating
pamahalaan na ipasara at ipagpaliban muna ang pagpasok sa opisina at eskwela at huwag
lumabas ng ating bahay upang magkwarantin ng ilang buwan nang sa gayon ay makaiwas at
mabawasan ang mabilis na pagkalat ng sakit na COVID-19 sa ating bansa.

Sa gitna ng pandemya, teknolohiya ang isang mabisang paraan at solusyon upang


magpatuloy ang paghahanap-buhay ng mga tao at pag-aaral ng mga estudyate. Malaki ang
ginampanang papel ng teknolohiya sa buhay ng mga kabataan lalong lalo na ngayong
pandemya. Bagama’t hindi sanay ang mga kabataan sa makabagong uri ng pagkatuto,
minabuting isulong ng Department of Education ang tinatawag na “Online Distance Learning”
upang maipagpatuloy ng mga estudyante ang pag-aaral sa kabila ng banta ng COVID-19, kung
saan ang mga estudyante ay kinakailangang umattend ng online class at magsagot ng mga
modules na ibinibigay ng paaralan. Dahil dito, nahahasa ang mga kabataan upang mas
mapalawak pa ang kaalaman nila sa mabuting paraan ng paggamit ng teknolohiya upang
makatulong ito sa kanilang pag-aaral. Ito ay nakatulong din upang higit na mas maunawaan ng
mga estudyante ang mga lesson na itinuturo sa kanila at pati na rin sa paggagawa ng iba’t-
ibang proyekto, takdang-aralin at aktibidad na ibinibigay ng kanilang mga guro. Ang pandemya
ay nagdulot din ng mga masasamang epekto sa mental health ng kabataan sapagkat marami
ang nakaranas ng depression at anxiety dulot ng matagal na pamamalagi sa tahanan. Ngunit
dahil sa makabagong teknolohiya tulad ng social media, internet at gadgets nagkakaroon ng
mga libangan o pampalipas-oras ang mga kabataan kagaya na lamang ng panonood ng mga
nakakaaliw na palabas, paglalaro ng online games, pagtitiktok atbp. Dahil na rin sa
makabagong sistema ng komunikasyon, patuloy nilang nakakausap ang mga mahal nila sa
buhay o ibang taong kailangan nilang makausap upang kahit papaano ay maibsan ang lungkot
ng mga nakakuwarantin nang isa o dalawang linggo saan man sila narooon. Nagdulot din ang
pandemya ng kahirapan sa ibang mga tao dahil sa kawalan ng trabaho ng karamihan sa ating
mga mamamamayan at ito ay nagtulak din sa ibang mga kabataan na gamitin ang teknolohiya
sa pagnenegosyo para makatulong sa kanilang pamilya. Gaya na lamang ng pagoonline-
selling, kung saan ginagamit nila ang iba’t-ibang social media tulad na lamang ng facebook
upang magpost ng iba’t-ibang mga pagkain o bagay na maaaaring pagkakitaan sa gitna ng
pandemya. Maraming kabataan ang sa murang edad ay nagiging madiskarte upang
maitaguyod ang kanilang mga pamilya.

Ito ay ilan lamang sa pagpapatunay na ang teknolohiya ay malaki ang natitutulong sa


ating mga kabataan ngayon sa gitna ng pandemya. Ganun pa man ay lagi rin nating tatandaan
na ang labis na paggamit ng teknolohiya o kahit ano pa mang bagay ay maaaring magdulot
nang masamang epekto hindi lamang sa ating mga sarili ngunit maaaaring pati na rin sa ating
kapwa. Lagi sana nating pakaisipin na dapat panatilihin natin ang pagiging wais at responsable
sa paggamit nito upang ito ay makapagdulot sa atin nang mabuti at magawa o magampanan
natin nang tama ang ating tungkulin sa tulong ng makabagong teknolohiya.

You might also like