You are on page 1of 2

PAGSASANAY C

Depresyon: Dulot ng Covid-19

Ngayong lumalaganap ang pandemya sa ating bansa, hindi lang pisikal na kalusugan
ang maaring maapektuhan sa atin kundi narin ang ating mental health. Sa panahon ngayon,
maaaring tumaas ang panganib na magkaroon ng depresyon kung nababalisa o nagigipit. Normal

lamang na makaramdam ng takot at pagkabalisa sa panahon ng COVID-19, lalo na’t tumatagal ang

krisis na ito. Ayon sa isang pag-aaral na ginawa noong mga unang bahagi ng pandemya na may 1879

na kalahok, 25% sa kanila ay nakararanas ng katamtaman hanggang malubhang pagkabagabag at 17%

naman ang nakararanas ng katamtaman hanggang malubhang depresyon at iba pang sikolohikal na

epekto (Tee et al., 2020).

Bukod sa pag-alaga ng ating kalusugan upang makaiwas sa coronavirus, mahalaga rin na

alagaan natin ang ating mental health habang nananatili sa loob ng bahay. Huwag natin hayaan na

tayo malugmok sa mga negatibong naiisip at huwag tayong mahihiyang humingi ng tulong kung

kailangan mo ito. Maraming paraan upang malagpasan natin ang mga problemang kinakaharap natin

ngayong panahon ng pandemya.

Ayon sa World Health Organization (WHO), kung ikaw ay nababalisa o nakakaramdam ng

pagkapuspos at pagkabigo, makakatulong kung makipag-usap ka sa kasamahang pinagkakatiwalaan

tungkol sa iyong nararamdaman. Mas mabuti rin na makipag-usap sa isang mental health professional

upang magabayan ka sa proseso ng pagbibigay lunas sa depresyong iyong kinakaharap. Bagama't ito

ay panahon ng kawalang-katiyakan at ang ating buhay ay nagbago sa loob ng maikling


panahon, mahalagang tandaan na maraming bagay ang ating magagawa upang mas bumuti
ang ating pakiramdam. Manatiling positibo at lagging tandaan na ang mga pagbabagong ito at
ang iyong pagsisikap ay tumutulong sa pagpapabagal ng pagkalat ng coronavirus (COVID-
19).
KARAGDAGANG GAWAIN
Ang Epekto ng ICT sa Pagtuturo sa Senior High School sa Domingo Yu Chu National High
School
Ang ICT ay ang mga kagamitan na maaring makuhaan ng impormasyon at magamit sa
pakikipag komunikasyon ng hindi harapan. Kabilang sa mga naaapektuhan nito ay ang mga
estudyante na nasa grade 11 at grade 12. Malaki ang naging ganap ng ICT sa taon na ito ng pag-aaral.
Dahil sa distance learning, kinailangan ng mga kagamitan tulad ng selpon, laptop, at internet upang
magkaroon ng pagpupulong ang mga estudyante at guro. Ito ay isang malaking tulong para sa mga
kumuha ng modalidad na Online Class, dahil nagagamit nila ang ICT sa pagdalo ng mga online
meetings, pagsasagot ng mga gawain, pakikiisa sa ibat ibang aktbidad na isinasagawa sa klase. Sa
kabilang banda, may mga problema parin na maaring harapin sa paggamit ng ICT o mga technical
Issue, halimbawa ang pag loloko ng mga gadget, mahinang signal o internet o pagkasira nito. Ngunit
masasabi parin na napakalaking tulong ng Gadget sa taong ito ng iskwela dahil isa ito sa naging
alternatibong kagamitan upang mabigyan ng kaalaman ang mga kabataan sa kabila ng kalungkutang
sanhi ng pandemya. Naunawaan ko na Ang pagbibigay-kahulugan ay naglalahad ng depinisyon o
kahulugan sa isang salita. Ito rin ay paglilinaw sa kahulugan ng isang salita upang tiyak na
maunawaan. Ngayon gagamitin ko lahat ng natutunan ko sa pamamagitan ng pagbahagi sa mga aking
mga kakilala kung ano ang aking bagong mga natutunan. 

Grapikong representasyon

Epek ti bong Kagamitan


ng ICT sa Pagkatuto
Selpon Kompyuter Internet

You might also like