You are on page 1of 1

Ang layunin ng aming adbokasiya ay ang mapaigting at mas maimpluwensyahan ang mga

tao kung papaano natin maititigil ang climate change sa ating bansa.
Layunin din ng adbokasiyang ito na maging bukas palad at tumanggap ng mga opinyon
ng ibang tao sa pamamagitan ng mga teknolohiya o sosyal media na ating ginagamit sa
pang -araw-araw na buhay.
Sa katunayan, isang pinakamahalagang layunin na inyong malalaman ay kung ano nga ba
ang ibig sabihin ng climate change o suliraning pangkapaligirang ito basi sa aming
presentasyon sa pamamagitan ng infographic poster.

Ang mga mahahalagang makukuha sa aming adbokasiya ay ang mga sumusunod:


una, marami kayong mapupulot na aral at kaalaman ukol sa Climate change, pangalawa,
ang mga solusyon o hakbang upang malutas ang suliraning pangkapaligirang ito ay
maaari nating maisabuhay kung ito'y ating ginagawa araw-araw.
pangatlo, hindi lamang mga mag-aaral ang maaaring makatulong upang sugpuin ito,
kung hindi tayong lahat na apektado ng suliraning ito.
Sa mga pag-aaral o datos mula sa department of health, halos marami sa ating mga
pilipino ang nagkakasakit dahil sa climate change kung kaya't ito'y isa sa mga
mahahalagang impormasyon na aking nakuha o aming nakuha

Sobrang mahalaga ang aming impormasyon na nakasaad sa aming adbokasiya dahil sa


ito'y upang magsilbing alerto at kamalayan para sa mga tao na makakarinig at
makakaunawa sa aming adbokasiya.

Naging basehan ng aming grupo ang aming adbokasiya sa mga totoong mga sites na
aming nahanap at nakalap. Kumuha din kami' ng impormasyon tungkol sa aming
adbokasiya base sa aming mga powerpoint presentations at sa mga natutunan namin sa
aming mga guro.

You might also like