You are on page 1of 4

FILIPINO 6

IKAAPAT NA MARKAHAN-MODYUL 3
Pangalan: _____________________________________Seksyon: ___________________
Guro: Gng. Sandy B. Refe

Sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita isyu o


usapan.

Kasanayan: Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balita


isyu o usapan. (F6S-IVc-1)

TUKLASIN
Bago ka mag-umpisa sa ating aralin ngayon, nais ko munang sagutin mo ang mga sumusunod na
katanungan.
- Mahalaga ba sa iyo ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan?

- Ano ang dapat nating gawin upang makaiwas sa paglaganap ng covid19 na ating kalaban sa kasalukuyan?

Pakinggang mabuti at unawain ang isang napapanahong isyu tungkol sa mga dapat gawin dahil sa kasalukuyang
krisis na ating kinakaharap ngayon. Handa ka na ba?

Pagpabor ni Duterte sa 1 Meter Distancing,


Ibinatay sa Pag-aaral - DOH

Ibinatay umano sa resulta ng mga scientific studies ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin
ang isang metrong distansiya sa mga pasahero sa pampublikong mga sasakyan.
Ito ang binigyang diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sinabing batay sa local nap ag-
aaral, nasa 67 percent ang tsansang makaiwas sa sakit kung gagamit ng face mask.
Kung gagamit pa ang tao ng face shield at susunod sa physical distancing na isang metro ay aakyat ang
proteksyon nito sa 99 percent.
Iginiit ni Vergeire na kailangan ay samasamang sundin ang lahat ng protocols na ito kasama ang paghuhugas
ng kamay para maiwasan ang sakit.
Una nang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na kasabay ng pagpapatupad ng isang metrong
physical distancing sa mga pampublikong sasakyan, kailangan ay naka-face mask at face shield ang pasahero at bawal
kumain at magsalita sa loob ng sasakyan.

1. Ano ang nais panatilihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin ng mga pasahero?

_______________________________________________________________________________________________
2. Ilang porsiyento ang tsansang makaiiwas sa sakit kung gagamit ng face mask ang mga pasahero?

_______________________________________________________________________________________________
3. Kung ang lahat ng tao ay gagamit at susundin ang lahat ng mga ipinapatupad ng mga eksperto,
ano sa palagay mo ang magiging resulta nito?

_______________________________________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, malaki ba ang pag-asang makaiiwas tayo sa paglaganap ng covid 19 sa bansa
kung ang pagpabor ni Pangulong Duterte sa 1 meter distancing ay susundin? Magbigay ka ng
sariling opinyon mo tungkol sa isyung ito?

_______________________________________________________________________________________________

SURIIN
Ngayon, ating suriin ang inyong napakinggan, ano ang masasabi mo tungkol dito?

Ano ang opinyon? Ito ba ay mula sa personal na pahayag lamang?

Kung ang pahayag ay mula sa personal na kuro-kuro o palagay, naiuugnay sa sariling karanasan o nalalaman
na maaaring hindi katulad ng sa ibang tao , walang basehan at hindi napatunayang totoo, ito ay isang opinyon. Sa
pagpapahayag ng opinyon, makabubuti kung tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang pinag-uusapan upang masusing
mapagtimbangtimbang ang mga bagay. Ang bawat tao ay may sari-sariling palagay kaya dapat nating igalang sapagkat
para sa kanya, ito ang tama.

Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay o pagpapahayag ng opinyon?


Sa pagpapahayag ng opinyon, dapat nating tandaan ang mga sumusunod:
• Pagiging makatotohanan
• Paggamit ng magagalang na salita
• Pagtanggap sa opinyon ng iba, sapagkat lahat ng opinyon ay tama
• Paggalang sa opinyon ng iba upang igalang ka rin ng iba
• Paggamit ng mga salitang sa aking palagay/opinyon, sa nakikita ko, kung ako ang
tatanungin at iba pang mga kauring salita.

PAGYAMANIN
Panuto: Basahing mabuti ang balita sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang
pagsasanay.

12.9 Bilyon Kailangan sa Pagbili ng COVID19 Vaccines

Nangangailangan ang pamahalaan ng P12.9 bilyon para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID19, ayon sa
Department of Health. Sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa deliberasyon ng House Committee on
Appropriations sa P203.1 bilyong panukalang pondo ng DOH sa 2021 na target nilang mabakunahan ang 20 milyong
Pilipino na kabilang sa vulnerable sectors gaya ng medical frontliners, Barangay Health Workers, indigent group tulad ng
mga senior citizens, maysakit at maging ang mga Person with Disabilities (PWDs).

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOH sa mga suppliers na posibleng magbenta ng vaccines sa Pilipinas sa oras
na makapasa na ito sa regulatory standard ng Food and Drug Administration (FDA). Nabatid na ang clinical trials ng
World Health Organization sa COVID vaccines ay isasagawa sa Pilipinas sa katapusan ng Oktubre kung saan puwede
itong tumagal ng hanggang 6 na buwan.

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung angkop na opinyon at ekis (X ) kung hindi angkop ayon sa balitang
napakinggan.

_________1. Ang P12.9 bilyong piso para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID19 ay sapat na para sa
mga mamamayang Pilipino.
________ 2. Naniniwala ako na ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat ng makakaya upang
masugpo ang pagkalat ng virus.
________3. Ang hindi pagsunod sa mga tuntunin upang labanan ang virus ay makabubuti sa mga
tao.
________4. Sa aking palagay, magiging matagumpay ang patuloy na makikipag-ugnayan ng DOH
sa mga suppliers na posibleng magbenta ng bakuna sa Pilipinas.
________5. Maliligtas ang mga tao kahit walang bakuna .

ISAGAWA

Basahing maigi at humanda ka sa pagsagot sa mga pagsasanay pagkatapos nito.

Online Classes: Epektibo nga ba Para Matuloy ang Pasukan?


Sabi nga nila, ang edukasyon ay ang tanging yaman na hindi mananakaw ninuman kaya`t kailangang
pahalagahan. Paulit-ulit man nating naririnig ang salawikaing ito, hindi pa rin maikakaila ang katotohanang taglay nito.
Ngunit sa panahon ng pandemyang ito, paano kung hindi na lamang edukasyon ang nagbabadyang mawala sa atin
kundi maging ang sarili nating kaligtasan laban sa virus.
Umani ng samu`t saring reaksyon at opinyon ang mga pahayag ng Pangulong Duterte matapos niyang sabihing
hindi siya pabor rito at kailangang unahin muna raw ang bakuna bago ibalik ang klase. Bilang bahagi ng tinatawag na
“new normal” sa sistema ng edukasyon sa bansa, ang online education ang nakikitang daan para maipagpatuloy ang
taong panunuran sa darating na pasukan. Humaba ang usapin patungkol dito at nahahati ang mga pananaw kung ano ng
aba ang dapat gawin.
Handa na nga ba ang Pilipinas sa Sistema ng online education? Epektibo nga ba ang paraang ito para
masolusyunan ang mga suliraning kinakaharap nito?

Panuto: Ilagay ang OO kung sumasang-ayon ka sa isinasaad ng pahayag at HINDI kung hindi ka
sumasang-ayon.

__________1. Sabi nga nila, ang edukasyon ay ang tanging yaman na hindi mananakaw ninuman.
__________2. Sa nakikita ko, hindi na lamang edukasyon ang nagbabadyang mawala sa atin kundi
maging ang sarili nating kaligtasan laban sa virus.
__________3. Kailangang unahin muna raw ang bakuna bago ibalik ang klase, ayon sa pangulo.
__________4. Walang magaganap na pag-aaral sa panahon ng pandemya.
__________5. Makabubuting maging handa sa bagong Sistema ng edukasyon kahit sa panahong
laganap ang pandemya sa buong mundo

TAYAHIN

Panuto: Basahin ang mga isyu at ipahayag ang sariling opinyon o reaksiyon.Piliin at isulat ang
titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Pagpupuyat at pagkahilig ng kabataan sa paglalaro ng mga Online Games.
A. Dapat tangkilikin ang ganitong klase ng laro.
B. Pabayaan ang kabataan na tangkilikin ang Online Games.
C. Suportahan ang ganitong klase ng laro.
D. Dapat iwasan ang pagkalulong ng kabataan sa Online Games
2.Ang COVID 19 ay nagbigay daan sa mga Pilipino na magkaroon ng gulayan sa tahanan para
makatipid at makakain ng sariwang gulay.
A. Makapagtinda siya ng gulay sa kanilang lugar.
B. Wala kaming bakuran kaya hindi kami nakapagtanim.
C. Nadagdagan ang trabaho sa tahanan at nakapapagod.
D. Sa halip na lumabas at bumili sa tindahan mamimitas na lang ng sariwang gulay sa
mismong bakuran.
3. Isyu: Pagkahilig ng mga tao sa Online Shopping sa panahon ng pandemya upang maiwasan ang
pagdami ng kaso ng COVID 19.
A. Maaawa C. Masisiyahan
B. Maiiyak D. matatakot
4. Isyu: Pagbabawal sa paglabas ng bahay ng mga batang may edad 20 pababa sa panahong may
pandemyang COVID 19.
A. susunod C. iiyak
B. magrereklamo D. hindi susunod
5. Isyu: Isa sa paraan ng pagtuturo ay isasagawa sa himpapawid o radyo.
A. Maiiyak C. Sisigaw
B. Malulungkot D. mahihirapan

Karagdagang Gawain:
Panuto: Gamit ang organizer, isulat ang iyong reaksiyon sa kanang bahagi sa mga
isyu/balita na napakinggan sa kaliwang bahagi nito.

BALITA / ISYU REAKSIYON

1.Mga batang hindi makapagbasa hindi makakapasa.


2. Modyul ibalik

3. Pagbukas sa klase ibalik sa Hunyo

4. Dalawang aralin /asignatura sa isang araw

5.Set A at Set B na uri ng klase

Inihanda ni: Gng. Sandy B. Refe


Smart- 09198776652
Globe 09776800487

You might also like