You are on page 1of 6

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

WEEK 2 - OCTOBER 12-16, 2020

TASK 1

Pagyamanin
A. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit sa binasang teksto.
Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang wastong sagot.

1. Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o
hugasan gamit ang sabon at tubig.

A. Palagian B. Malimit C. Mabilisan D. Lahat ng ito

2. Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan.

A. Hindi alam B. Wala sa katinuan C. Hindi apektado D. Wala sa nabanggit

3. Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod sa tamang respiratory
hygiene.

A. Pagtakip ng ilog at bibig B. Paghuhugas ng paa C. Pagpapahinga D. Pagpapapawis

4. Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig


o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao.

A. Talsik na likido na nagmula sa ilong at bibig B. Talamsik ng tubig sa kanal

C. Tulo ng tubig sa gripo D. Patak ng ulan sa bubong

5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.

A. Pagtigil C. A at B

B. Pagpirmi D. Paghinto

B. Panuto: Tukuyin ang katangian ng mahahalagang salitang nakaitim na ginamit sa teksto.


Piliin at isulat sa inyong sagutang papel ang wastong sagot.

1. Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong maibibigay sa ’yo, ikaw ay maituturo
sa tamang health facility, at maiwawasan mong makahawa sa iba.
A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin D. Balbal

2. Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang


awtoridad.

A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin D. Balbal

3. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang


sintomas at gagaling.

A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin D. Balbal

4. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang
bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o
paggamit ng hand sanitizer na may alkohol.

A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin D. Balbal

5. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID19 sa lagnat at
tuyong ubo.

A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin D. Balbal

Isaisip
Panuto: Kumpletuhin ang mga patlang sa ibaba upang makabuo ng isang makabuluhang
pahayag ukol sa pagpapatukoy ng kahulugan at katangian ng isang salita sa loob ng
pangungusap. Piliin ang mga mahahalagang salita na maaaring gamitin sa loob ng
pangungusap.

Hindi sa Iahat ng pagkakataon ay kailangang sumangguni sa 1.__________ tuwing may


mababasang salitang mahirap unawain. Maaaring gumawa ng tentatibong 2.___________sa
maaaring kahulugan ng salita sa pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap. Tukuyin din kung
ano ang 3.__________ ng salita halimbawa kung ito ay pormal at di pormal. 4.__________ ang
kahulugan ng salita batay sa kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap, sa sinundang
pahayag, o sa susunod na pahayag. Kapag hindi pa rin makuha ang 5.__________, kumonsulta
na sa diksiyunaryo. Maaari ding tumingin sa 6__________ ng aklat kung mayroon ito. Ang
malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit na maging
mahusay at 7.__________ ang pakikipagkomunikasyon. Ang kaantasan ng wika ay nahahati sa
dalawa, ang pormal at 8.___________. Ang mga uri ng pormal na wika ay 9__________at
Pampanitikan. Samantala ang impormal na wika ay Lalawiganin, Kolokyal at 10.__________.
Mga Mahahalagang Salita

diksyunaryo hulaan

kahulugan katangian

paghihinuha balbal

di pormal epektibo

glosari pambansa

Isagawa
Panuto: Sumulat ng isang tekstong impormativ tungkol sa iyong sarili, pamilya, komunidad,
bansa, at daigdig na kinakaharap ang problema kaugnay ng pandemyang COVID-19.
Salungguhitan ang mahahalagang salita na ginamit sa loob ng teksto, Tukuyin ang kahulugan at
katangian nito. Gawin ito sa isang malinis na papel.
Tayahin
Panuto: Tukuyin ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salita na ginamit sa iba’t ibang
tekstong binasa.

1. Lahat tayo ay apektado ng krisis na ito ngunit may mga itinuturo din itong aral sa atin.

2. Buhay pa rin ang Bayanihan sa ating bansa ngunit digital na sa tulong ng mga apps at
fund transfers.

3. Epektibo ito lalo na sa panahong hindi tayo makalabas sa ating bahay.

4. Ine-encourage ding gamitin ang cashless payment options via QR code sa mga groceries
bilang contactless way of payment ngayong may epidemya.

5. Updated digitally na ang halos lahat ng bagay pati ang pagtulong sa ating kapwa
ngayong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) kung saan kailangan
sundin ang physical/social distancing.

6. Nakabubuti din sa atin ang pagiging social media savvy dahil maaari nating gamitin ito sa
paggawa ng mabubuting hangarin o mga advocacies.

7. Epektibo din ito upang maengganyong lumahok ang ibang tao sa inyong
pagmomobilized.

8. Pagkatapos ng krisis na ito, hindi na tayo babalik sa normal nating pamumuhay.

9. Marami ang magbabago at iyon ang magiging “new normal” para sa ating lahat.

10. Nawa’y kasabay ng mga pagbabagong iyon, hindi mawawala ang ating kagustuhang
makatulong at tumulong sa ating kapwang nangangailangan.
A. Bago sa pangkaraniwan B. Hangarin C. Kasama

D. Mabilisang pagkahawa ng mga tao sa isang sakit E. Mabisa

F. Paggamit ng teknolohiya G. Paggawa nang mabuti H. Paglayo-layo ng mga tao

I. Pagtulong ng walang inaasahang kapalit J. Panahon ng kagipitan o peligro

K. Pangkaraniwan

Panuto: Tukuyin ang katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang tekstong
binasa. Tukuyin kung pambansa, pampanitikan, lalawiganin, kolokyal, at balbal. Isulat sa
wastong sagot sa inyong sagutang papel.

1. Daayud -____________________

2. Pamalit -_____________________

3. Tulong-Pinansiyal -____________________

4. Ayuda -____________________

5. Soc. Ame.-___________________

Karagdagang Gawain
Gumawa ng sariling talaan ng mahihirap na salitang nabasa. Itala ang mga salita, kabisahin ang
kahulugan nito at gamitin sa sariling pangungusap ang salitang binigyang kahulugan upang
maidagdag sa kaalaman sa talasalitan.

SALITA KAHULUGAN SARILING PANGUNGUSAP

You might also like