Professional Documents
Culture Documents
Week 3-Tasks
Week 3-Tasks
TASK 1
ISAISIP
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong at isulat ito sa sagutang papel.
1. Sa iyong palagay, bakit kailangang pag-aralan ang mga katangian at kalikasan ng iba’t ibang
teksto?
2. Paano makatutulong sa iyo bilang mag-aaral ang pag-alam sa mga katangiang ito?
3. Masasabi mo bang naging makabuluhan ang panahong ginamit mo sa pagaaral ng iba’t ibang
uri ng teksto? Ipaliwanag ang sagot.
ISAGAWA
Panuto: Balikan ang iba’t ibang uri ng tekstong tinalakay sa mga naunang aralin. Ibigay ang mga
katangian nito sa pamamagitan ng graphic organizer sa ibaba. Isulat ang sagot sa isang buong
papel.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
TEKSTONG NARATIBO
TEKSTONG PROSIDYURAL
TEKSTONG PERSUWEYSIB
TEKSTONG ARGUMENTATIB
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung ito ay Tama o Mali. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
____________1. Isang halimbawa ng tekstong impormatibo ang balita kung saan naglalaman ito ng mga
makatotohanang impormasyon na maingat na sinaliksik at tinaya.
____________2. Nais ng tekstong persuweysib na mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at tanggapin
ang posisyon ng may-akda.
____________8. Isa sa katangian ng tekstong persuweysib ang pagiging subhetibo kung saan
nagpapakita ng personal na opinyon at paniniwala ang may akda.
____________9. Ang tauhang lapad ay tauhang may multidimensiyonal o maraming saklaw ang
personalidad.
____________15. Isang halimbawa ng tekstong argumentatibo ang debate kung saan ay layunin nitong
manghikayat ng mambabasa batay sa mga katotohanan at lohika.
Karagdagang Gawain
PAGSASANAY 1
Panuto: Isang halimbawa ng tekstong impormatibo ang balita. Basahin at suriin ang balitang
nasa ibaba at tukuyin ang mga katangian nito sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talata. Isulat
ito sa sagutang papel.
Timbog sa mga awtoridad ang isang barangay volunteer na ginagamit umano ang kaniyang frontliner ID
upang makapagbenta ng iligal na droga sa lungsod ng Maynila.
Sa impormasyong ibinigay ni Police Captain Philipp Ines, tagapagsalita ng Manila Police District Station 4,
kinilala ang suspek bilang si Hajib Cayandatu, 24, isang tricycle driver na residente ng Quiapo.
Naaresto siya ng mga awtoridad sa Barangay 445, Zone 44 sa Sampaloc nitong Martes.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad tungkol umano sa
talamak na bentahan ng shabu sa Sampaloc. Ginagamit umano ni Cayandatu ang kaniyang ID para
malayang makapunta sa Sampaloc at magbenta ng iligal na droga, ayon sa pulisya.
Sa isinagawang operasyon, nakuha sa suspek ang walong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu
na nagkakahalaga ng P272,000, isang black pouch, at buybust money na P500.
Sasampahan ang suspek ng kaso dahil umano sa paglabag ng Section 5 (Selling of Dangerous Drugs) at
Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Art II ng Republic Act No. 9165.
Sanggunian: Anna Felicia Bajo, “Lalaking gumagamit daw ng frontliner ID para magbenta ng shabu sa Maynila,
arestado,” Balitambayan, Mayo 13, 2020, https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita80
PAGSASANAY 2
Panuto: Tukuyin kung sa anong uri ng produkto ginagamit ang mga tagline na nasa ibaba. Suriin ang mga
katangian nito bilang tekstong persuweysib. Isulat ang sagot sa sagutang papel.