You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office III
5
Learning Activity Sheet
Health 5
Quarter 4 – Week 1-2
Katangian, Layunin at
Panuntunan ng Pangunang
Lunas

MAPEH (Health) – Ikalimang Baitang


Guided Learning Activity Sheet
MAPEH (Health) – Ikalimang Baitang
Learning Activity Sheet
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Katangian, Layunin at Panuntunan ng
Pangunang Lunas

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.)
na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng LAS

Mga Manunulat: Mary Ann A. Aglibot, LPT

Editor: Jose Tala, EdD


Tagasuri: Saturnino D. Dumlao
Tagaguhit: Mary Ann A. Aglibot
Tagalapat: Mary Ann A. Aglibot
Layout Evaluator: Jose C. Tala, EdD, SDO-LRMDS
Cover Designer: Paul Marion R. Vallentos

Tagapamahala: May B. Eclar, PhD,CESO III


Roda T. Razon,PhD ,CESO V
Librada M. Rubio,PhD,Chief-CLMD
Ma.Editha R. Caparas,EdD,EPS-LRMS
Engelbert B. Agunday,EdD,EPS-MAPEH

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address :
Telefax :
E-mail Address :
I. Alamin
Ang materyal na ito sa pag-aaral ay isinulat at idinisenyo upang
makapagbigay sa iyo bilang isang mag-aaral ng mga pagsasanay na makatutulong
sa iyong maipaliwanag ang konsepto ng pangunang lunas, ang katangian pati na rin
ang layunin nito.

Matapos mong basahin at sagutin ang Learning Activity Sheet na ito, narito
ang mga inaasahang layunin na dapat mong matutunan o makamit:
H5IS-Iva-34:
i. Naipaliliwanang ang kahulugan ng pangunang lunas
ii. Natutukoy ang mga katangian ng pangunang lunas
iii. Natutukoy at naipaliliwanang ang layunin ng pangunang lunas

H5IS-Ivb-35:

i. Natutukoy ang mga panuntunan ng pangunang lunas


ii. Naipaliliwanang ang bawat panuntunan sa pangunang lunas
iii. Nasusunod at natutupad ang panuntunan ng pangunang lunas

II. Subukin
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay konektado o may
kinalaman sa konsepto ng pangunang lunas. Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung
mayroon, at ekis ( X ) naman kung wala.

_____1. “First aider” ang tawag sa taong nagsasagawa ng pangunang tulong sa


tao.
_____2. Ang gateway drugs ay anumang gamot na ang paggamit ay nagiging
daan sa pagkagumon o pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot.
_____3. Ang sobrang caffeine sa isang araw ay maaaring magdulot ng ilang
epekto sa katawan partikular sa nervous system at mga kalamnan.
_____4. Mahalagang magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa pagbibigay ng
paunang-tulong sa isang tao.
_____5. Maaaring mabawasan ang sakit na nararamdaman ng isang taong
nabigyan ng tulong-lunas.
KATANGIAN, LAYUNIN
Aralin
1
AT PANUNTUNAN NG
PANGUNANG LUNAS

III. Balikan
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng wastong kaalaman
tungkol sa Drogang Gateway at MALI naman kung hindi.

_______1. Ipinagbabawal ng batas sa bansang Pilipinas ang pagbebenta ng


sigarilyo at alak sa mga batang wala pang 18-taong gulang.

_______2. Hindi nakaaadik ang paggamit ng gateway drugs.

_______3. May mababang sangkap ng caffeine ang kape.

_______4. Ang Batas Republika 9211, Tobacco regulation Act of 2003 ay nauukol
sa pagkontrol sa paggamit ng produktong tobako.

_______5. Ang komunikasyon ay isang paraan upang mapigilan at maiwasan ang


pang-aabuso sa gateway drugs.

_______6. Pinapayagan ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar na may


simbolong “No Smoking”.

_______7. Ang mga passive smokers ay hindi naninigarilyo subalit maaaring


magkasakit sa usok ng sigarilyo na kanilang nalalanghap.

_______8. May mabuting epekto ang gateway drugs sa taong gumagamit ng mga
ito.

_______9. Ang caffeine ay nakapagdaragdag ng enerhiya subalit ang labis na


paggamit ay nakasasama sa kalusugan.

_______10. Nakatutulong ang mabuting pagpapasya ng isang tao sa pag-iwas sa


pang-aabuso ng gateway drugs.
IV. Tuklasin
Panuto: Basahin ang maikling kuwento sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga
katanungan tungkol dito.

Aray,Naku!

Si Nina, at ang kaniyang matalik


na kaibigang si Denise ay nagbabalak
na magbisikleta malayo sa kanilang
mga tahanan ngunit dahil sa pandemya,
ito ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang
magkaibigan ay nagdesisyon na
manatili na lamang sa bahay ni Nina, at
magbisikleta sa maluwag nilang
bakuran.Si Denise, na hindi marunong
mag-bike ay umangkas sa bisikleta ni
Nina. Masaya silang umikot sa bakuran
habang pinag-uusapan ang modyul na
kanilang sinagutan noong nakaraang
lingo. Habang sila’y nag-uusap, si
Denise ay biglang bumaba ng bike nang
hindi pa ito humihinto. Dahil dito, siya ay
natumba at nagkaroon ng malalim na
sugat sa kaniyang braso. “Aray!” Sigaw
niya.

“Naku!” Higit na pag-aalala ni


Nina, ngunit pinili niya pa ring tulungan ang kaniyang kaibigan. Kinalma ni Nina ang
kaniyang sarili upang siya’y makapag-isip, at pinakalma niya rin ang kaniyang
kaibigan. Itinaas niya ang bahagi ng katawan na may sugat at naghanap ng
pambalot, gaya ng malapad na panyo, gasa, o malinis na tela. Kaniyang napagtanto
na importanteng mapigilan ang pagdurugo. Matapos nito, kaniyang hinugasan ang
sugat gamit ang sabon at tubig. Pagkatapos ay gumamit siya ng hydrogen peroxide
at betadine upang tiyak na malinisan ang sugat. Dahil ang sugat ay sa may braso,
nilagyan ni Nina ng improvised arm sling gamit ang panyo para hindi ito magalaw,
hindi mamaga, at hindi sumakit.

Pagkatapos, ipinaliwanag ni Nina sa magulang ni Denise ang nangyari, at


dinala na si Denise sa pagamutan upang tuluyang magamot ang sugat niya.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang ginawa ni Nina sa kaniyang kaibigan?


2. Tama ba ang ginawa niyang pagtulong?
3. Kung ikaw si Nina na may sapat na kaalaman tungkol sa mga ganoong
bagay, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit?

V. Suriin
Ano ang pangunang lunas o first aid? Bakit mahalagang malaman ang
tamang panuntunan at pamamaraan ng pangunang lunas sa mga pangkaraniwang
pinsala at karamdaman?

Ang paunang tulong-lunas o pangunang lunas na mas kilala sa tawag na “first


aid” ay ang pagbibigay ng pangunang tulong at pangangalaga sa taong napinsala
mula sa sakuna o karamdaman habang hinihintay ang pagdating ng doktor. Kabilang
sa mga katangian ng pangunang lunas ang simple ngunit nakapagliligtas na mga
kasanayang may kaugnayan sa panggagamot. Ito rin ay nagsisilbing pampakalma at
pampabawas sa kirot na nararamdaman ng taong napinsala.

Ang paglalapat ng pangunang


lunas ay isang sibikong responsibilidad.
Sa pagdating ng mga pagkakataong
ang medikal na serbisyo ay limitado,
ang pagkakaroon ng kaalaman at
kasanayan sa pagbibigay ng paunang
tulong-lunas ay makatutulong sa
pagligtas ng buhay at makapaglingkod
sa komunidad.

Ang pangunang lunas ay may


malaking tulong upang mapahaba at mapatagal ang buhay ng isang tao. Kailangang
maging handa tayo sa lahat ng pagkakataon sapagkat hindi natin masasabi kung
kalian mangyayari ang sakuna at kung sino ang maaaring maging biktima nito.

LAYUNIN NG PANGUNANG LUNAS

1. Mapatagal o mapanatili ang buhay ng tao


2. Maiwasan ang paglala ng pinsala o karamdaman
3. Mabawasan o maibsan ang kirot na nararamdaman

Ang paglalapat ng pangunang lunas ay nakapagbibigay ng pansamantalang


kaluwagan bago dumating ang mas kwalipikadong tulong-medikal. Hindi ito basta-
basta lamang ibinibigay sa taong naapektuhan ng isang sakuna o nakararanas ng
isang karamdaman, sapagkat maaari itong makapagpalala pa ng kondisyon ng tao
sa halip na mabawasan ang sakit. Kaya naman mahalaga ang kaalaman at
kasanayan sa tamang pagbibigay nito upang mayroon silang kamalayan sa kung
ano ang dapat at hindi dapat gawin para sa kapakanan ng biktima.
Sa paglalapat ng pangunang lunas, tayo ay mayroong panuntunang
sinusunod. Ano ang mga ito?

MGA PANUNTUNAN NG PANGUNANG LUNAS

1. Tiyaking ligtas na lapatan ng pangunang


lunas ang biktima.

Mahalagang maging mapanuri bago lapitan


ang biktima. Suriin at magmasid sa paligid;
siguraduhing ligtas na lapitan ang biktima. Alamin
ang karamdaman ng taong napinsala.

2. Isaalang-alang ang kaligtasan ng biktima.

Sa lahat ng pagkakataon, isaalang-alang ang


kapakanan ng biktima. Alisin kaagad sa katawan niya ang mga bagay na nakadagan
sa kaniya. Sa mga taong biktima ng kuryente, kaagad na patayin ang pinagmumulan
ng kuryente at ilipat sa ligtas na lugar ang biktima.

3. Magsagawa ng pangunang pagsusuri.

Suriin ang biktima bago lapatan ng paunang tulong-lunas. Unahin ang may
kaugnayan sa daanan ng hininga. Isunod kaagad ang pinsala na may kinalaman sa
sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan. Alamin kung kailangan ng biktima ng
resusitasyong kardyopulmonaryo o CPR (Cardiopulmonary Resuscitation).

4. Isagawa ang madaliang aksiyon o kilos. Unahin ang dapat unahin.

Kumilos kaagad at unahin ang nararapat gawin. Kung mahigit sa isa ang mga
naapektuhan, unahin ang taong walang malay—ang mga tahimik ay maaaring hindi
na humihinga. Bilang tagapaglapat ng pangunang lunas, manatiling kalmado upang
makapag-isip nang maayos.

Tandaan ang ABC o hakbang sa pagbibigay ng paunang tulong-pansagip ng


buhay bago magpatuloy sa pagbibigay ng iba pang paglalapat ng pangunang lunas.

ABC:

1. A- Airway o Daanan ng Hangin


Suriin ang bibig at ilong bilang daanan ng hangin.
2. B-Breathing o Paghinga
Pakinggan, tingnan, at damhin ang senyales o palatandaan ng
paghinga. Kapag nahihirapang huminga, luwagan ang kasuotan at
siguraduhing walang nakabara sa ilong, bibig, at lalamunan ng biktima.
3. C- Circulation o Pagdaloy ng Dugo sa Katawan
Hanapin ang pulso sa galanggalangan (wrist) o sa leeg.
Kapag naiayos at napainam na ang ABC, maaari nang magbigay ng iba pang
pangunang lunas sa biktima kung kinakailangan.

3B:

1. Breathing o Buga ng Paghinga (Bantay-hininga)


2. Bleeding o Balong ng Dugo
3. Broken bones o Baling Buto

5. Humingi ng tulong.

Kapag wala nang sapat na kaalaman sa


paglapat ng pangunang lunas sa taong nakatamo
ng pinsala mula sa aksidente o biglaang
karamdaman, huwag magdalawang-isip na
humingi ng tulong nang sa gayon ay
makapagsalba ng isa o mahigit pang buhay.

Habang iniisip ang sasabihin, mainam na


mayroong nakahandang mga emergency hotlines
tulad ng pinakamalapit na ospital at fire station,
kung kinakailangan. Ilagay ang mga numerong ito
sa telepono, cellphone o sa wallet upang mabilis
na makatawag at humingi ng tulong.

Huwag na huwag tatawag ng emergency numbers para lamang sa katuwaan


o prank call. Isipin ang ibang taong nangangailangan talaga ng tulong nila.

VI. Pagyamanin
Gawain 1. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap na may
kinalaman sa panuntunan ng pangunang lunas. Isulat sa patlang bago ang bilang
ang:

A- Kung ito ay kabilang sa unang panuntunan


B- Kung ito ay kabilang sa ikalawang panuntunan
C- Kung ito ay kabilang sa ikatlong panuntunan
D- Kung ito ay kabilang sa ikaapat na panuntunan
E- Kung ito ay kabilang sa ikalimang panuntunan

_____1. Alamin ang karamdaman ng taong napinsala.

_____2. Suriin ang biktima bago lapatan ng paunang tulong-lunas.

_____3. Huwag magdalawang-isip na humingi ng tulong sa mga eksperto.

_____4. Laging isaalang-alang ang kapakanan ng biktima.

_____5. Manatiling kalmado upang makapag-isip nang maayos.

Tasahin 1. Panuto: Piliin sa loob ng panaklong at salungguhitan ang salitang


angkop upang mabuo ang tamang kaisipan tungkol sa panuntunan ng pangunang
lunas.
1. (Ugaliing, Huwag) tatawag ng emergency numbers para lamang sa katuwaan
o prank call.
2. Hanapin ang pulso sa (galanggalangan, buhok).
3. Suriin ang (bibig at ilong, tainga at leeg) bilang daanan ng hangin.
4. Sa pagsusuri sa biktima, unahin ang may kaugnayan sa (daanan ng tubig,
daanan ng hininga)
5. Sa lahat ng pagkakataon, laging isaalang-alang ang kapakanan ng (biktima,
teleponong pantawag).

Gawain 2. Panuto: Piliin ang letrang katumbas ng bawat numero upang mabuo ang
hinihinging salita ng bawat bilang
A – 01 B – 02 C – 03 D – 04 E – 05 F – 06
G – 07 H – 08 I – 09 J – 10 K – 11 L – 12
M – 13 N – 14 O – 15 P – 16 Q – 17 R – 18
S – 19 T – 20 U – 21 V – 22 W – 23 X – 24
Y – 25 Z – 26

1. 01 09 18 23 01 25
____ ____ ____ ____ ____ ____
-Daanan ng hangin
2. 02 18 05 01 20 08 09 14 07
____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____
-Paghinga
3. 02 12 05 05 04 09 14 07
____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____
-Balong ng dugo
4. 03 09 18 03 21 12 01 20 09 15 14
____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____
-Pagdaloy ng dugo sa katawan

5. 05 13 05 18 07 05 14 03 25
____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____ ____
14 21 13 02 05 18 19
____ ____ ____ ____ ____ ____ ____
-Mga numerong maaring tawagan upang humingi ng tulong

Tasahin 2. Panuto: Iguhit ang puso ( ) kung ang pahayag ay nagsasaad ng


katotohanan tungkol sa pangunang lunas at bilog ( ) naman kung hindi. Iguhit
ang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_____1. Mahalaga ang pagbibigay ng paunang lunas upang mapahaba ang buhay
ng biktima.
_____2. Inilalapat ang paunang tulong-lunas sa tao pagkatapos itong mabigyan ng
medikal na atensyon ng doktor.
_____3. Maaaring maibsan ang pinsalang natamo ng biktima kung wasto ang
inilapat na pangunang lunas.
_____4. Ang first aid ay ibinibigay ng biktima sa isang first aider.
_____5. Second aid ang tawag sa pangunang tulong at pangangalaga sa taong
napinsala mula sa sakuna o karamdaman habang hinihintay ang pagresponda ng
isang doktor.

Gawain 3. Panuto: Ayusin ang mga letra na nasa loob ng panaklong upang
tumugma ang hinihinging salita ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
__________1. (P G U N G N A A N N A S U L) – Pagbibigay ng pangunang tulong
at pangangalaga sa taong napinsala mula sa sakuna o karamdaman.
__________2. (S W R I T) – Isang sa mga bahagi ng katawan na pinaghahanapan
ng pulso.
__________3. (I K B I T A M) – Taong nakatamo ng pinsala mula sa aksidente,
karamdaman, o sakuna.
__________4. (L U T N G O) – Hinihingi kung wala nang sapat na kaalaman sa
paglapat ng pangunang lunas.
__________5. (I K O R T) – Ang nararamdaman ng taong napinsala na maaaring
maibsan sa paglalapat ng pangunang lunas.
Tasahin 3. Panuto: Isulat ang OO kung ang pahayag tungkol sa pangunang lunas
ay tama at HINDI naman kung mali.
_____1. Hindi basta-basta ibinibigay ang pangunang lunas sa isang biktima.
_____2. Nakatutulong din sa sarili ang pag-aaral ng pangunang lunas.
_____3. Naiibsan ang sakit na nararamdaman ng isang tao kung wasto ang
pangunang lunas na inilapat ng isang first aider.
_____4. Hinihikayat ang pagtawag sa mga emergency numbers para sa katuwaan.
_____5. Ang pagsunod sa panuntunan ng pangunang lunas ay hindi nakatutulong
upang maiwasan ang paglala ng pinsalang natamo ng biktima.

VII. Isaisip
Panuto: Piliin sa kahon sa ibaba ang tamang salita o parirala upang mabuo ang
mga talata tungkol sa katangian at kahalagahan ng pangunang lunas.

Ang paunang (1)_____________ o pangunang lunas ay ang tulong na


ibinibigay habang hinihintay ang pagdating ng isang (2)_________. Nakatutulong ito
sa (3)_________________ at pagbawas ng kirot na nararamdaman mula sa
(4)___________ natamo ng isang tao.

Mahalaga ang magkaroon ng sapat na (5&6)_____________________ sa


pangunang lunas upang maging handa sa anumang maaaring mangyari. Ang
(7)__________ ay isang biglaang pangyayari, kaya mainam ang maging alerto sa
lahat ng pagkakataon.

Hindi (8)______________ ibinibigay ang pangunang lunas sa taong


nakatamo ng pinsala sa isang sakuna. Isa itong (9)________________________
kaya naman ang wastong paglalapat nito sa isang tao ay maaaring makatulong sa
(10)_________ sa pagligtas ng kaniyang buhay.

sibikong responsibilidad basta-basta

pinsalang biktima

tulong-lunas pagpapakalma

doktor sakuna
VIII. Isagawa
Gawain 1. Panuto: Sa tseklist na ito, suriin ang mga sitwasyon tungkol sa tamang
paglalapat ng pangunang lunas sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek ( ) sa
angkop na kolum.

PAHAYAG TAMA MALI

1. Nakakita si Rhian ng isang batang natumba sa kaniyang


sinasakyang bisikleta. Bago niya ito nilapitan, sinigurado
niya munang ligtas na lapitan ang biktima.

2. Ang ABC ng pangunang lunas ang unang ginawa ni Maria


bago ang iba pang pangunang lunas na kailangan ng
biktima.

3. Hindi na alam ni Kit ang susunod na gagawin sa


paglalapat niya ng pangunang lunas kaya’t iniwan na niya
ang taong napinsala.

4. Si Tommy ay nakakita ng isang lalaking naaksidente.


Matapos niyang suriin ang biktima, nilapatan niya ng
pangunang lunas ito ngunit hinuling tignan ang kalagayan
ng biktima na may kaugnayan sa daanan ng kaniyang
paghinga.

5. Si Ruth at Annie ay naglalaro ng manika. Ipinagpalagay


nila na buhay ang mga ito, at ang manika ni Ruth ay
nahihirapang huminga dahil sa sikip ng damit na suot niya.
Iminungkahi ni Annie na luwagan ang kaniyang kasuotan.

Gawain 2. Panuto: Basahin ang maikling sitwasyon sa ibaba. Gamit ang bilang 1-5,
pagsunud-sunurin ang mga pangyayari ayon sa tamang paglalapat ng pangunang
lunas sa isang biktima.

Sitwasyon:
Ikaw ay naatasang magbantay sa iyong nakababatang kapatid habang ang
iyong nanay ay nagtatrabaho. Habang kayong dalawa ay naglalaro,hindi
sinasadyang mabasag ng iyong kapatid ang baso, at siya ay nasugatan.

Ano ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga gawain ayon sa


panuntunan ng pangunang lunas ang dapat mong isagawa?
_____ Humingi ng tulong sa nakatatanda sa kapitbahay o tawagan ang nanay at
ipaalam ang nangyari.
_____ Titingnan kung ligtas na malapitan ang kapatid.
_____ Isasagawa ang pangunang lunas: huhugasan at gagamutin ang sugat ng
nakababatang kapatid.
_____ Isasaalang-alang ang kaligtasan niya sa pamamagitan ng mahinanong
pagsasabi na huwag munang malikot dahil baka makatapak ito ng bubog at
madagdagan ang sugat.
_____ Susuriin ang natamong sugat ng nakababatang kapatid bago lapatan ng
pangunang lunas.

IX. Tayahin
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa pangunang lunas.
Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang pangunang lunas ay ang pagbibigay ng pangunang tulong at
pangangalaga sa taong napinsala. Ito ay kilala rin sa tawag na _______.
a. First paid
b. First aid
c. First one
d. Aid one

2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin ng pangunang lunas?


a. Mabawasan ang kirot na nararamdaman ng taong napinsala.
b. Mapatagal ang buhay ng biktima.
c. Magamot ang tutulong sa taong naaksidente.
d. Maiwasan ang paglala ng karamdaman ng biktima.

3. Bakit mahalagang malaman ang tamang pangunang lunas sa iba’t ibang


kondisyon o karamdaman?
a. Sapagkat ang pangunang lunas ay makatutulong upang bigyan ng tulong
ang taong napinsala.
b. Sapagkat ang pangunang lunas ay may layuning maiwasan ang paglala
ng pinsalang natamo ng biktima.
c. Sapagkat ang kaalaman at kasanayan dito ay makatutulong sa ibang tao.
d. Lahat ng nabanggit.

4. Anong hakbang sa pagbibigay ng paunang tulong-pansagip ng buhay ang


dapat na tinatandaan?
a. Ang XYZ
b. Ang MNL
c. Ang ABC
d. Ang EFG
5. Kung wala nang sapat na kaalaman sa paglalapat ng pangunang lunas sa
biktima, ano ang dapat na gawin?
a. Iwanan ang biktima.
b. Takutin ang biktima.
c. Humingi ng tulong o tumawag ng emergency hotline.
d. Ituloy lang ang paglalapat kahit walang kasiguraduhan dito.

6. Alamin kung kailangan ng biktima ang resusitasyong kardyopulmonaryo o


mas kilala sa tawag na?
a. CPR
b. ABC
c. 3B
d. LBM

7. Ano ang kahulugan ng 3B ng Pangunang Lunas?


a. Breathing, Baking, Buying
b. Bleeding, Breaking, Borrowing
c. Breathing, Bleeding, Broken Bones
d. Broken Bones, Broken Stick, Broken Glass

8. Kung ang taong napinsala ay nahihirapang huminga, alin sa mga sumusunod


ang maaaring gawin ng first aider?
a. Harangan ang daanan ng hangin.
b. Siguraduhing walang nakabara sa ilong, bibig, at lalamunan ng biktima.
c. Luwagan ang kasuotan ng biktima.
d. Mga kasagutan sa titik b at c.

9. Ano ang pinakaunang panuntunan ng paglalapat ng pangunang lunas?


a. Tiyaking ligtas na lapatan ng pangunang lunas ang biktima.
b. Humingi ng tulong.
c. Isaalang-alang ang kaligtasan ng biktima.
d. Magsagawa ng pangunang pagsusuri.

10. Bakit hindi dapat tawagan ang mga emergency hotlines para sa katuwaan?
a. Dahil ang kanilang oras ay mahalaga sa pagtulong sa talagang
nangangailangan.
b. Dapat iniisip ang kapakanan ng ibang taong kailangan sila.
c. Dapat isinasaalang-alang ang mga taong mas may kailangan ng tulong
nila.
d. Lahat ng nabanggit
TAYAHIN
1. b. 6. a.
2. c. 7. c.
3. d. 8. d.
4. c. 9. a.
ISAGAWA Gawain 1 5. c. 10. d.
BILANG TAMA MALI
ISAISIP
1 1. Tulong-lunas
2. Doktor
Gawain 2 2
3. Pagpapakalma
51423 3 4. Pinsalang
5-6. Kaalaman at kasanayan
4
7. Sakuna
5 8. Basta-basta
9. Sibikong responsibilidad
10. Biktima
PAGYAMANIN Tasahin 3 Tasahin 2 Tasahin 1 BALIKAN
1. OO 1. Huwag 1. TAMA
1.
2. OO 2. Galanggalangan 2. MALI
2. 3. MALI
3. OO 3. Bibig at ilong
3. 4. TAMA
4. HINDI 4. Daanan ng hininga
5. HINDI 4. 5. Biktima 5. TAMA
5. 6. MALI
7. TAMA
Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1
8. MALI
1. PANGUNANG LUNAS 1. AIRWAY 1. A. 9. TAMA
2. WRIST 2. BREATHING 2. C. 10. TAMA
3. BIKTIMA 3. BLEEDING 3. E.
4. TULONG 4. CIRCULATION 4. B.
5. KIROT 5. EMERGENCY 5. D.
NUMBERS SUBUKIN
1.
2. X
TUKLASIN 3. X
Batay sa sariling sagot ng 4.
mga mag-aaral 5.
X.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
1. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan, p. 200-202; 204-206
2. Enjoying Life Through Music, Arts, Physical Education and Health, p. 409-410;
414-418
3. https://www.canva.com/design/DAEYRrLA9CI/x9NOL5r4Funr2nXUUCLHig/edit#
brand:BADpu1nZ1yE
4. https://www.aspiretrainingteam.co.uk/wp-content/uploads/2020/08/First-Aid.jpg
5. https://www.canva.com/design/DAEYRrLA9CI/x9NOL5r4Funr2nXUUCLHig/edit#
brand:BAD5X7O_jMQ
6. https://www.canva.com/design/DAEYRrLA9CI/x9NOL5r4Funr2nXUUCLHig/edit#
brand:BADPSfoNnvM
7. https://engageinlearning.com/wp-content/uploads/What-Is-ABC-in-First-Aid.jpg

You might also like