You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

5
Zest for Progress
Z Peal of artnership

HEALTH
QUARTER 4 – MODULE 2
Basic First Aid Principle

i
Filipino– Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: BASIC FIRST AID PRINCIPLE
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Angelina A. Galope
Editor:
Tagasuri: Anita D. Subebe EMD
Tagaguhit: Amid A. Codezar
Tagalapat: Amid A. Codezar
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Eugenio B. Penales, Ed. D.
Sonia D. Gonzales
Name of CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX


Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
____________________________________________

2
5
HEALTH 5
Quarter 4-Week 2

BASIC FIRST AID PRINCIPLE

3
Alamin

Isa sa mga katangian ng isang Pilipino ay ang pagiging matulungin sa


kapwa lalo na sa mga iba’t ibang sakuna o aksidente.
Sa pamamagitan ng paunang lunas o first aid tayo ay nakatutulong sa
pagsalba ng buhay sa mga hindi inaasahang sitwasyon na dumarating sa buhay.
Ang paunang lunas (first aid) ay maaring ibibigay ng sinumang may
wastong kaalaman sa pagbibigay nito sa taong nangangailangan ngunit mayroon
tayong mga bagay na dapat isaalang – alang bago natin ito isagawa upang
makasiguro tayo sa matagumpay na pagsalba ng buhay ng mga tao.
Sa Modyul na ito, inaasahan na makakamit mo ang layunin.
a. Natatalakay ang mga panuntunan sa pagbibigay ng paunang lunas
(first aid).

Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang
ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung mali ang isinasaad
nito.
_________1. Ang paunang tulong panlunas ay ibinibigay sa mga taong nais
maisalba ang buhay.
_________2. Sumasailalim sa pagsasanay ang mga taong nagbibigay ng pangu
nang lunas (first aid).
_________3. Ang pangunang lunas ay maari ding ibigay sa mga hayop.
_________4. Tulungan lamang natin ang taong kilala sa panahon ng aksidente.
_________5. Ang unang layunin natin ng pagbibigay ng pangunang lunas ay
maisalba ang buhay.

4
Aralin Natatalakay ang mga Panuntunan sa
2 Pagbibigay ng Paunang Lunas ( first aid)

PANIMULA
Bilang isang mamamayang Pilipino tayo ay may pananagutan sa isa’t
isa. Kailangan nating maging handa sa anumang hindi inaasahang
pangyayari tulad ng aksidente o sakuna upang tayo ay makatulong at
makapagbigay ng paunang lunas o first aid.

Tandaan natin na sa kunting kaalaman sa paunang lunas tayo ay


makakasagip ng buhay. Ang palaging handa ay isa sa mga pinakamabuting
kaugali-an na dapat nating isaisip.

Balikan

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang paunang tulong panlunas (first aid) ay _________.
a. Pagbibigay ng tulong sa taong walang pagkain
b. Pagbibigay ng tulong sa mga taong may kapansanan
c. Pagbibigay ng tulong sa taong napinsala ng sakuna o aksidente
d. Pagbibigay ng tulong sa taong namamalimos
2. Sino ang dapat lamang na magbigay ng paunang tulong lunas (first aid)?
a. Ang mga doctor, nars at midwife lamang
b. Lahat ng tao
c. Ang mga matatanda lamang
d. Ang mga bata
3. Ano ang ibig sabihin ng airway?
a. Ang daanan ng hangin
b. Ang daanan ng dugo
c. Ang daanan ng pagkain
d. Ang daanan ng ihi
4. May tatlong pangunahing layunin ang paunang tulong panlunas na kilala
bilang 3P .Alin dito ang hindi kasali??
a. Pagpapanatili ng buhay ( Preserve life )

5
b. Pag – iwas mula sa pagkaroon ng dagdag pinsala (prevent further
injury or illness )
c. Pagtaguyod sa paggaling ( promote recovery)
d. Pagtaguyod ng karamdaman ( promote injury )
5. Ano ang kahulugan ng ABC sa pagbibigay ng pangunahing tulong
panlunas?
a. Airway, Bleeding , Circulation
b. Airway , Breathing , Circulation
c. Airway , Bleeding , Conduction
d. Airway , Breathing , Conduction

Tuklasin

Panuto : Iaayos ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang salita .

1. TENEKADIS – isang sakuna

2. SAYNAMULAB – isang sasakyan

3. HUYAB – humihinga

4. TENEPSAY - taong may sakit

5. NASGATLIKA – seguridad

Suriin
Basahin at unawain ang teksto.
Mga Panuntunan na Dapat Isagawa sa Oras ng Biglaang Pangangailangan
o (Emergency Action Principle)

6
1. HUMINGI AGAD NG TULONG SA IBA. Humingi ng tulong sa iba
upang makatawag agad ng ambulansya para sa mga biktimang may
malalang kondisyon. Maari ding humingi ng pag – alalay mula sa iba
kung kinakailangan.
2. SIYASATIN ANG PINANGYARIHAN NG AKSIDENTE. Unang –
una ay isipin muna ang pansariling kaligtasan. Mainam na magmasid
muna sa paligid kung ito ba ay ligtas bago magsagawa ng paunang lunas
sa mga biktima.
Maaring ilipat sa ibang puwesto o lugar ang biktima kung kinakailangan
ngunit dapat siguraduhin na ang biktima ay hindi magtatamo ng iba pang
pinsala sa katawan sa proseso ng paglipat ng puwesto o lugar.
3. IHANDA ANG KAGAMITANG PANGMEDIKAL. Upang mas
mapadali ang pagbibigay ng paunang lunas , makabubuti na ihanda ang
mga kagamitang pang-medikal tulad ng bandaging tools, mga gamot,
stretcher at iba pa para sa natamong pinsala ng biktima. Kung walang
makitang mga gagamitan ay maaring gumawa ng mga pansamantalang
kagamitan tulad ng bandage na gawa sa malinis na damit, stretcher na
gawa sa dalawang kahoy (mas mahaba sa biktima ng isang metro) at mga
kamiseta.
4. ISAGAWA ANG PAGSISIYASAT SA BIKTIMA. Kung may
malayang biktima ay maari siyang kapanayamin tungkol sa mahalagang
detalye tulad ng kanyang pangalan, tirahan, at kung sino ang kanyang
mga kamag – anak na maaring tawagan. Kung walang malay ang biktima,
tingnang mabuti ang mahahalagang palatandaan ng pagkabuhay ng tulad
ng temperature ng katawan, tibok ng puso o pintig ng pulso, at paghinga.
Upang malaman na humihinga ang biktima, maaring tingnan ang dibdib
kung ito ay gumgalaw. Maari din itong pakinggan at pakiramdaman.

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto : Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon kung saan ito nabibilang
Piliin ang sagot sa kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang

7
a. Humingi agad ng tulong sa iba
b. Siyasatin ang pinangyarihan ng aksidente
c. Ihanda ang mga kagamitang pang- medikal
d. Isagawa ang pagsisiyasat sa biktima

______1. Tumawag agad ng ambulansya.


______2. Ihanda ang mga bandaging tools, mga gamot at stretcher.
______3. Tanungin ang mahalagang detalye ng biktima tulad ng pangalan
at tirahan.
______4. Magmasid muna sa paligid bago magsagawa ng paunang lunas sa
sa biktima.
______5. Gumawa ng pansamantalang stretcher na gawa sa dalawang kahoy
at mga kamesita.

Gawain 2
Panuto: Lagyan ng check (/) kung ang isinasaad ay tama at ekis (X) kung hindi
tama. Isulat ang sagot sa patlang.
______1. Ang wastong kaalaman sa paunang lunas( first aid) ay nakakatulong
sa panahon ng sakuna o aksidente.
______2. Ang paunang lunas (first aid) ay isang mabisang paraan upang maa-
gapan ang paglala ng matamong pinsala tulad ng sugat at paso.
______3. Huwag makialam sa mga sakuna para makaiwas sa disgrasya.
______4. Ang isang aksidente ay hindi inasahan na darating sa ating buhay,
ngunit sa pamamamgitang ng paunang lunas ay maari tayong makasalba ng
isang buhay ng tao.
______5. Mga pulis at barangay opisyal lang ang pwedeng magbigay ng mga
paunang tulong lunas sa mga biktima.

8
Isaisip

Panuto : Batay sa napag – aralan , punan ng wastong sagot ang mga patlang
para mabuo ang konsepto.Piliin ang sagot sa kahon.
Dibdib puso pagkabuhay temperatura paghinga

Sa pagsisiyasat ng biktima, tingnang mabuti ang mahalagang palatandaan ng


1.__________________ ng tao, tulad ng 2._____________________________
ng katawan, tibok ng 3.___________ o pintig ng pulso at 4. ________________
Upang malaman na humihinga ang biktima, maaring tingnan ang
5._____________ kung ito ay gumagalaw.

Isagawa

Panuto: Batay sa inyong natutunan o kaalaman. Punan ang talahanayan ng


paunang lunas (first aid) sa mga sumusunod na mga pinsala.
Pinsala Paunang lunas ( First Aid )

1. Sugat

2. Kagat ng
hayop

3. Pagkalason ng
pagkain

9
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at unawain ang mgatanong.


Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. May dalawang motorsiklong nagsalpukan lahat ng sakay ay duguan, ito


ay nakita mo. Ano ang una mong gawin?
a. Tumakbo palayo
b. Humingi agad ng tulong
c. Tatawag ng pulis
d. Hindi makialam
2. Sa pagsisiyasat sa biktima, kung ito ay may malay pa, ano ang una mong
gawin o itanong?
a. Ang kanyang pangalan, tirahan, at mga kamag- anak.
b. May pera ba siya para pambili ng gamot.
c. Saan ka pwedeng dalhin?
d. Sino ang iyong mga kaibigan?
3. Kung walang malay naman ang mga biktima. Ano ang dapat mong unang
gawin?
a. Hintayin silang magkamalay para tanungin sila
b. Tatakbo at hihingi ng tulong
c. Tingnan mabuti ang palatandaan ng pagkabuhay tulad ng tibok
ng puso, pintig ng pulso ,paghinga at pakiramdaman
d. Ihanda ang kagamitang pang medical
4. Sa pinangyarihan ng aksidente, kung walang stretcher na lalagyan ng
biktima. Ano ang pansamantalang gawing stretcher?
a. Upuan o bangko
b. Malaking kumot
c. Dalawang kahoy mas mahaba sa biktima at mga kamiseta
d. Maliit na mesa
5. Kung ikaw ay nasa paligid ng pinangyarihan ng aksidente. Ano ang iyong
gagawin upang makatulong ka sa mga biktima?
a. Maghanap agad ng gamot para sa mga biktima
b. Sisigaw, tatakbo para maraming tao ang darating
c. Pupunta agad sa barangay opisyal para humingi ng tulong
d. Magmasid muna sa paligid kung ito ay ligtas bago magsagawa
ng paunang tulong lunas ( first aid )

10
Karagdagang Gawain

Panuto : Sagutin ang mga tanong.


1. Anu- anong mga paunang lunas ang gingawa sa inyong bahay sa mga
karaniwang pinsala tulad ng pagkapaso?
______________________________________________
______________________________________________
2. Anong pangunahing lunas ang iyong naisagawa na ?
_______________________________________________
_______________________________________________

Isagawa

Pinsala Pangunang Lunas ( first Aid )

1. sugat *Hugasan ang sugat ng malinis na tubig at sabon.


*Pagpapatigil ng pagdurugo gamit ang malinis na tela o
bulak.
*Lagyan ng gamot o antibiotic.
*takpan ang sugat ng bandage.
*kung malalim ang sugat dalhin sa health center para tahiin
at paturukan ng anti- tetanus.
2. Kagat ng *Hugasan ang sugat sa malinis na tubig at sabon .
hayop *kung ang sugat ay malalim takpan ang sugat ng malinis na
tela upang maampat ang pagdurugo at daliang dalhin sa
doctor

3. Pagkalason *Painumin ng maraming tubig.


ng pagkain *kumuha ng isang basong mainit-init na tubig haluan ng
ilang patak ng kalamansi, lagyan ng kaunting asukal at asin
at ipainom.
*kumain ng isang kutsarang pulot o honey na may katas ng
luya.
*kung magtagal ang pagsusuka dalhin sa doctor.

11
12
Subukin Balikan Tuklasin
1.tama 1. c 1. aksidente
2. tama 2. b 2. ambulansya
3. tama 3. a 3. buhay
4. mali 4. d 4. pasyente
5. tama 5. b 5. kaligtasan
Pagyamanin
Gawain 1 Gawain 2 Isaisip
Tayahin
1. a 1. / 1. pagkabuhay 1. b
2. c 2. / 2. temperature 2. a
3. d 3. X 3. puso 3.
c
4. b 4. / 4. paghinga 4. c
5. c 5. X 5. dibdib 5. d
Susi sa Pagwawasto

You might also like