You are on page 1of 1

Filipino Sa Piling Larangan

T.P 2023 – 2024


Unang Kwarter
Unang Semestre

AKADEMIKONG SULATIN: ABSTRAK

Epekto ng Social Media

Bautista, Nicholas Gene F.

Gng. Arlene V. Dela Pasion

Sa panahon ngayon marami ng gumagamit ng SOCMED (Social Media) para makapaglibang, maging updated sa mga bagong
ngyayari, at para rin makapagsaliksik. Dahil sa social media ay pwede rin tayo makipagusap sa ibang tao at makipagdebate sa
partikular na issue. Sa social media rin pwedeng magsimula ng mga negosyo dahil maraming pwedeng maging suki pati narin mga
naghahanap ng trabaho.

Sa kasalukuyan, tayo ay narito sa tinatawag na social media era at digital age. Hindi maikakailang sa panahon ngayon, halos lahat ng
bagay ay makikita mo na online. Maraming uri ng impormasyon ang maaari mo na ngayong makuha sa iyong mga social media
accounts. Bagaman maraming positibong naidudulot ang internet at social media, mayroon din itong mga kaakibat na negatibong
epekto, lalo na kung hindi responsable ang paggamit natin dito. Pinatunayan ng social media na tayo, bilang isang pandaigdigang
lipunan, ay naging mas may ugnayan kaysa dati. Naging mas malinaw din na ang pagiging laging “online” ay nakakaapekto sa ating
pag-iisip. Maaari kang maging mas depressed at disconnected sa mahabang panahon. Mahalagang maunawaan ang mga epekto ng
social media sa mental health. Pagdating sa kapakanan ng pag-iisip, ang kabataan ay isa sa mga grupo sa maituturing na nasa pinaka
mapanganib. Ang pinakapopular na social media apps ay Snapchat, Instagram, Facebook, YouTube, at Twitter. Pagdating sa mga
aktibong gumagamit, ang 78% ay nasa 18-24 taong gulang na gumagamit ng Snapchat, 71% Ang gumagamit ng Instagram, at 68% na
ang gumagamit ng Facebook. Gayundin, 94% ng mga edad na nasa 18-24 ay gumagamit ng YouTube, at 45% na gumagamit ng
Twitter. Ang hindi pagkamit ng sapat na pagtulog ay isa rin sa mga epekto ng social media sa mental health. Ang kakulangan sa tulog
ay maaaring humantong sa pagkayamot, pananakit ng ulo, at iba pang kaugnay na mga sintomas. Mahalaga na magkaroon ng sapat na
tulog dahil ang sobrang gamit ng gadgets ay maaaring magresulta sa kahirapan na makatulog . Ang social media ay kadalasang
humahantong sa mga problema sa lusog isip (mental health) tulad ng pagkabalisa (anxiety) o depresyon (depression) kapag madalas at
padalos-dalos ang paggamit nito. Ayon sa isang 2018 poll, ⅓ ng generation Z ang iniulat na permanenteng umayaw sa social media.
Nasa 40% ang naniwalang ang mga social media platform ang dahilan ng kanilang pagkabalisa, pagkalungkot, o pagkalumbay.
Kahit na hindi mo kailangang lumayo mula sa social media sa kabuuan, isang mahusay na ideya ang bawasan ang iyong oras sa
paggamit nito. Baka sakaling gusto mong limitahan ang oras ng iyong pag-online sa isa o dalawang oras kada araw.

Para sakin kahit may masamang nabibigay ang social media satin ay nakakatuklong parin sya kahit papaano pero iwasan parin natin
ang sarili natin sa mga masamang dulot ng social media katulad ng mga scam, hacker, di na makatulog ng ayus dahil adik na sa social
media, di makafocus sa mental health o pag-aaral, etc. Gamitin natin ang social media sa tamang paraan at wag sa mali para sa ating
kalusugan at para narin iwas sa mga scam o hack.

You might also like