You are on page 1of 4

1. Sa kasalukuyan, ano ang suliraning kinakaharap ng mga bansa sa mundo?

Ang buong mundo ay maraming mga suliraning kinakaharap hanggang sa ngayon,

kabilang dito ang kahirapan, korupsiyon, katiwalian, giyera, krisis sa pagkain, mga sakit

at marami pang iba. Sa kasalukuyan, bukod sa giyera at kudetang nagaganap sa ilang mga

bansa sa mundo, buong mundo pa rin ang humaharap sa higit isang taon ng laban sa

pandemya buhat ng Covid-19 virus (maliban sa iilang mga bansang matagumpay na

naresolba at nakontrol ang pagkakaroon ng mga panibagong mga kaso sa kanilang mga

bansa). Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagtaas at pagdami ng mga kaso ng

nagkaroon ng Covid-19 sa buong mundo at marami pa rin ang namamatay bawat araw

dahil sa sakit na ito.

2. Ano ang mga naging impak nito sa buhay ng mga tao, sa ekonomiya ng mga bansa

at maging sa edukasyon?

Dahil sa pandemyang kinahaharap natin ngayon, maraming mga bansa ang bumagsak ang

ekonomiya, maraming mga industriya ang nagsara at bumagsak sa kasagsagan ng

pandemyang ito, libo-libong mga negosyo ang nalugi at napilitang magsara, milyon-

milyong mga manggagawa sa buong mundo ang nawalan ng trabaho, tumaas ang mga

presyo ng bilihin at pangunahing pangangailangan dahil sa kakulangan ng supply, mas

dumami rin ang mga naghihirap, nagugutom at mga walang trabaho. Bukod pa rito,

maraming buhay ang lubusang naapektuhan ng pandemyang ito, mula sa mga nag-

positibo sa Covid-19, mga pumanaw dahil sa sakit na ito, pati ang hirap ng kanilang mga

pamilyang naulila at malalapit sa buhay. Malaki rin ang naging epekto nito sa mental

health ng lahat ng tao. Tumaas ang kaso ng mga taong nakaranas ng anxiety at

depression dahil sa pandemyang ito. May mga naitala ring kaso ng pagpapakamatay sa
iba’t ibang kadahilanang bunga rin ng pandemyang ito. Limitado na rin ang mga

maaaring gawin ng mga tao lalo na sa paglabas ng bahay, maraming mga bagong polisiya

at mga batas ang inilunsad sa pagtugon sa pandemyang ito. Lahat ng mga transaksiyon,

maging ang pagtatrabaho ng ilan at edukasyon ng mga estudyante ay ginagawa na ring

online upang maiwasan ang posibleng hawaan (work from home at online classes). Ang

mga selebrasyon at pagdiriwang naman sa buong mundo ay kanselado na rin, ang iba ay

itinuloy ang mga ito sa pamamagitan ng teknolohiya kung saan sa mga gadgets lamang

sila magkikita-kita at makakapanuod sa isa’t isa. Maraming mga estudyante at guro ang

sobrang nahirapan mag-adjust sa panibagong paraan ng edukasyong inilunsad buhat ng

pandemya, bukod sa mahal pa rin ang matrikula sa mga pribadong paaralan ay

kailangang may gadget ka at sapat na signal ng internet o data nang sa gayon ay

makadalo at makasabay ka sa klase. Dahil dito, maraming mga estudyante ang talagang

hirap na makisabay, may mga estudyanteng hindi na kaya pagsabayin ang pag-aaral at

mga responsibilidad sa bahay, mayroon ding mga napilitan na magtrabaho may

maipangtustos lang sa matrikula, at ang iba naman ay napilitan na lang huminto sa pag-

aaral dahil hindi na kaya ng pamilya nilang tustusan ang matrikula sa taas din ng mga

bilihin.

3. Paano ito nakapagdulot ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa ating bansa sa

kasalukuyan?

Malaki ang naging pagbabago sa sistema ng edukasyon sa ating bansa buhat ng pagtama

ng pandemyang ito. Inihinto ang pagkakaroon ng face to face na klase sa mga silid-aralan

at naging online classes na ang mga ito. Napakalaking pagbabago nito sa mga guro at

mag-aaral na hindi naman nakaranas na magkaroon ng blended learning o online class


bago magkaroon ng pandemya. Ang mga nasa ilalim naman ng DepEd ay kung hindi

online classes ay modular learning ang ipinapatupad kung saan binibigyan ng mga

modules ang mga bata upang aralin at sagutan na siya namang ipapasa sa katapusan ng

linggo upang masukat ng mga guro ang natutunan ng mga bata. Sa mga panibagong

paraan ng edukasyong aking nabanggit, kapuna-puna ang kredibilidad ng mga

nakukuhang marka ng mga estudyante dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na

mayroong mga magulang na sila ang nagsasagot ng mga modules ng kanilang mga anak

at mayroong mga estudyante sa online class na hindi naman lubusang naiintindihan ang

mga itinuturo sa klase at umaasa na lamang sa Google para sa mga sagot. Hindi rin lahat

ay kayang sumabay sa online classes, mapa-estudyante o guro pa iyan. Naging sobrang

hirap din ito para sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong nangangailangan ng hands-

on at practical demo tulad na lamang ng mga kumukuha ng kursong may kaugnayan sa

medisina dahil hindi naman lahat ay kayang ituro sa online classes. Malaking kwestiyon

din ang kalidad ng mga nakapagtapos at magtatapos sa kasagsagan ng pandemya dahil

halos lahat ay virtual o online ang naging klase at ang kanilang mga on the job training.

Bukod pa rito, tulad nga ng aking nabanggit sa itaas ay malaki rin ang naging epekto ng

mga pagbabagong ito sa mental health ng mga mag-aaral at guro. Bukod sa dami ng

responsibilidad sa pag-aaral at pag-tuturo ay kasabay na rin nito ang kanilang mga

responsibilidad sa kanilang pamilya. Hindi maikakailang may mga panahong hindi na

nakakapagpahinga ang mga ito sa dami ng gawain at trabaho, at sa bahay na dapat ay

pahingahan nila ay hindi na rin nila magawang magpahinga ng maayos. Dumami rin ang

kaso ng mga estudyante at guro na nagkaroon ng sobrang stress, anxiety, depression at

iba pang mga mental condition. Sa totoo lang, ang malaking katanungan sa pagbabagong
sa sistema ng edukasyon sa ating bansa ay, may kalidad pa rin ba ang edukasyon sa ating

bansa, may natututunan pa rin ba ang ating mga estudyante sa makabagong sistemang ito

o pinipilit na lang nilang mairaos ang kanilang pag-aaral sa panahon ng pandemyang

kinahaharap natin?

You might also like