You are on page 1of 1

Paglunsad ng Face-To-Face Classes sa panahon ng pandemya

Sa paglaganap ng epidemyang ito sa ating bansa, maraming tao ang naaapektuhan at kasalukuyang
kinakaharap ang mga problema lalo na sa sektor ng edukasyon. Dahil hindi maaaring makalabas ng
bahay ang mga estudyante, sinuspinde muna ang pag-aaral nang higit sa anim na buwan. Ngunit
kinakailangan ng bawat estudyante na patuloy ang kanilang pag-aral at pagkaatuto, kaya ang mga online
classes, at modular learning ay ginanap sa ating bansa. Mahirap ang naging simula sa edukasyon dahil sa
kakulangan ng kagamitan at kaalaman sa mga makabagong teknolohiya na gagamitin. Sa kadahilanan ng
mabagal na internet at pagkabigla sa modular learning, maraming mag-aaral ang nahihirapan sa pag-
aaral at marami rin ang hindi pumapatuloy sa pag-aaral.

Dahil sa mga problemang kinakaharap ng mga online classes at modular learning, iminungkahi na
magsagawa ng limitadong face-to-face classes sa panahon ng pandemya. Ayon pa sa bagong panukala
ng Commission on Higher Education (CHED), limitado ang face-to-face classes ang pinapayagan sa
dalawamput-apat na mga paaralan at unibersidad sa ating bansa. Ngunit para sa akin, lubhang delikado
ito sa kalusugan ng mga guro at mag-aaral ang binabalak ng DepEd at CHED na ipagpatuloy ang face-to-
face classes sa taong 2021.

Ayon sa Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan (Secretary of Health) na si Francisco Duque, ang mga bata o
mga estudyante ay hindi dapat hayaang lumabas ng bahay dahil sa kadahilanang maaaring magdala ng
sakit sa komunidad at makahawa ng mga taong madaling kapitan ng sakit kagaya ng mga matatanda.
Dagdag pa niya, na 3-5% ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay mga kabataan. Kung ipagpatuloy ang
pano ng DepEd at CHED, maaaring maging instrumento ang mga mag-aaral at mg guro sa pagpasa ng
sakit at magkaroon ng panibagong bugso ng pagtaas ng mga magpopositibo sa virus. Sinasang-ayunan
naman ito ng pag-aaral ng bansang South Korea tungkol sa pagiging ‘silent spreader’ ng mga bata.
Kadalasang hindi nagpapakita ng sintomas ang mga batang nagkakaroon ng naturang sakit. Dumagdag
naman ang Centers for Disease Control and Prevention ng America, na sa isang daan at sampung (110)
mga estudyante na kanilang na-trace at tinest, labingdalawa (12) ang hindi nagpakita ng sintomas at
nakapanghawa pa ng kanilang pamilya.

Wala pang lunas ang sakit na ito, ngunit may mga bakuna na ito ngayon. At sa ngayon, patuloy paring
hinihikayat ang lahat ng tao sa ating bansa upang mapigilan na ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga
positibo ng COVID-19. Ngunit hindi ibig sabihin nito na hindi kana kapitan ng sakit na ito, kaya mag-ingat
parin tayo at patuloy na sumunod sa mga inilunsad ng mga health protocols.

Kaya ipagpaliban muna ang face-to-face classes hangga’t hindi pa nababakunahan ang lahat ng tao sa
ating bansa at kung patuloy parin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Dahil sa kabila ng lahat,
mas importante parin ang kalusugan at kaligtasan ng mga tao sa bansa.

At bilang isang mag-aaral, titiisin ko muna ang paghihirap sa distance learning sa halip na malagay sa
panganib ang aking kalusugan. Nagbibigay rin naman ang mga guro ng landas para sa mga mag-aaral.
Kailangan lang natin ng pagkakaisa at pagtutulungan para mapuksa ang pandemyang ito sa ating bansa.
Ipagpatuloy ang mga personal na pagsasanay at pagsunod sa mga umiiral na mga health protocols ng
ating bansa.

You might also like