You are on page 1of 4

“Huwag Magmadali sa Face-to-face Classes”

Paksa: Pagbabalik ng Face-to-face Classes pagtapos ng Covid-19


Panig: Hindi sumasangayon sa Pagbabalik ng Face-to-face Classes.

Huwag Magmadali sa Face-to-face Classes

NAKAPAGTATAKA kung bakit atat na atat ang Department of Education (DepEd) sa


pagkakaroon ng face-to-face classes sa Enero. Para bang hindi natatakot ang DepEd at ura-
uradang inirekomenda kay President Duterte na magkaroon na ng trial para implementation ng
face-to-face sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19. Pinayagan naman agad ng
Presidente ang rekomendasyon ni Briones at itinakda sa Enero ang pilot implementation ng
face-to-face classes. Nilinaw na sa mga lugar lamang na may mababang COVID cases ito
gagawin.

Pero noong Sabado, binawi ng Presidente ang naunang order sa pagsasagawa ng face-to-face
classes. Ayon sa Presidente, ayaw niyang malagay sa panganib ang buhay ng mga bata. Ang
kautusan sa pagpapatigil sa face-to-face classes ay kasunod ng balitang may bagong variant
ng COVID-19 na nadiskubre sa United Kingdom.

Sinabi ng Presidente na hindi na magkakaroon ng face-to-face classes. Nakipag-meeting ang


Presidente sa infectious disease experts at nagpasya na bawiin ang naunang order para sa
face-to-face classes. “I’m calling back the order and I will not allow face-to-face classes for
children until we are through with this. Wala pa tayong alam. I cannot take the risk,” sabing
seryoso ng Presidente.

Sinabi naman ni Secretary Briones na tatalima siya sa kautusan ng Presidente. Ipagpapaliban


umano niya ang planong face-to-face classes sa Enero.

Nakapagtataka naman ang DepEd kung bakit ipinagpipilitan agad ang pagkakaroon ng face-to-
face classes gayung nananalasa pa ang COVID-19. Kahit pa sabihing sa mga walang kaso ng
COVID idaraos ang face-to-face classes, gaano nakasiguro na walang mai-infect sa mga guro
at estudyante.

Hindi dapat isapalaran ang kalusugan at buhay ng mga bata sa pagkakataong ito. Huwag
munang igiit ang face-to-face classes. Wala pa ngang bakunang nakakarating sa bansa ay ang
pagbabalik na agad sa klase ang gusto ng DepEd.Huwag magmadali ang DepEd. Sabi nga ang
pagmamadali kadalasan ay maraming mali.

Maghintay sa paghupa ng virus. Dapat 100 percent nang walang virus at may bakuna na bago
hayaang makatungo sa school ang mga bata. Kaligtasan ng mga bata ang unahin kaysa
edukasyon.

__ - Panimula

__-Kaligiran ng Paksa

__- Ebidensyang Susuporta sa Posisyon

__- Counter Argument

__- Kongklusyon sa Sinulat

__-Kongklyusyon

REBISYON

Huwag Magmadali sa Face-to-face Classes

NAKAPAGTATAKA kung bakit atat na atat ang Department of Education (DepEd) sa


pagkakaroon ng face-to-face classes sa Enero. Para bang hindi natatakot ang DepEd at ura-
uradang inirekomenda kay President Duterte na magkaroon na ng trial para implementation ng
face-to-face sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19. Pinayagan naman agad ng
Presidente ang rekomendasyon ni Briones at itinakda sa Enero ang pilot implementation ng
face-to-face classes. Nilinaw na sa mga lugar lamang na may mababang COVID cases ito
gagawin.
Pero noong Sabado, binawi ng Presidente ang naunang order sa pagsasagawa ng face-to-face
classes. Ayon sa Presidente, ayaw niyang malagay sa panganib ang buhay ng mga bata. Ang
kautusan sa pagpapatigil sa face-to-face classes ay kasunod ng balitang may bagong variant
ng COVID-19 na nadiskubre sa United Kingdom.

Sinabi ng Presidente na hindi na magkakaroon ng face-to-face classes. Nakipag-meeting ang


Presidente sa infectious disease experts at nagpasya na bawiin ang naunang order para sa
face-to-face classes. “I’m calling back the order and I will not allow face-to-face classes for
children until we are through with this. Wala pa tayong alam. I cannot take the risk,” sabing
seryoso ng Presidente.

Sinabi naman ni Secretary Briones na tatalima siya sa kautusan ng Presidente. Ipagpapaliban


umano niya ang planong face-to-face classes sa Enero.

Mayroong ilang mga panig na nagtatangka na tingnan ang sitwasyon mula sa iba't ibang
perspektiba. Una, ang ilan ay naniniwala na mahalaga ang patuloy na pag-unlad ng edukasyon
sa kabila ng mga hamon ng pandemya.

Maaari rin ang pagpapatupad ng maingat na health protocols sa mga paaralan upang
maiwasan ang maaaring magdulot na panganib kaysa sa ibang pampublikong lugar. Sa
tamang pagpapatupad ng physical distancing, mask-wearing, at sanitation measures, maaaring
mabawasan ang potensyal na pagkalat ng virus sa loob sa mga paaralan.

At panghuli, hindi dapat balewalain ang epekto ng pisikal na paghihiwalay sa mga kabataan
mula sa normal na karanasan ng paaralan. Ang kanilang sosyalisasyon at pang-emosyonal na
pag-unlad ay hindi dapat isakripisyo sa kabila ng mga panganib. Samakatuwid, maaaring
pagtuunan ng pansin ang mga alternatibong paraan upang mapanatili ang kaligtasan habang
pinapanatili ang mga benepisyo ng face-to-face na pag-aaral.

Ngunit, hiindi naman ibig sabihin na titigil ang edukasyon kung hindi pa maaaring magkaroon ng
face-to-face classes. Maaring mag-focus ang mga paaralan sa pagpapaunlad ng alternative
learning modalities katulad ng online class o modular na mas accessible para sa lahat habang
patuloy pa rin ang paghahanda para sa ligtas na pagbabalik sa paaralan. At kahit na may mga
health protocols na ipapatupad, hindi pa rin ito garantiya na hindi magkakaroon ng pagkalat ng
virus sa loob ng paaralan. Ang mga bata ay maaaring maging mga asymptomatic carriers at
magdulot ng pagkalat kahit na sila ay sumusunod sa mga patakaran.

Nakapagtataka naman ang DepEd kung bakit ipinagpipilitan agad ang pagkakaroon ng face-to-
face classes gayung nananalasa pa ang COVID-19. Kahit pa sabihing sa mga walang kaso ng
COVID idaraos ang face-to-face classes, ay hindi sigurado na walang mai-infect sa mga guro at
estudyante.

Hindi dapat isapalaran ang kalusugan at buhay ng mga bata sa pagkakataong ito. Huwag
munang igiit ang face-to-face classes. Wala pa ngang bakunang nakakarating sa bansa ay ang
pagbabalik na agad sa klase ang gusto ng DepEd.

Sa huli, hindi kailangang magmadali ang DepEd. Sabi nga ang pagmamadali kadalasan ay
maraming mali. Maghintay sa paghupa ng virus. Dapat 100 percent nang walang virus at may
bakuna na bago hayaang makatungo sa school ang mga bata. Kaligtasan ng mga bata ang
unahin kaysa edukasyon.

You might also like