You are on page 1of 1

REHIYON DOS: face to face classes’ Hindi pa uubra.

Arnel O. Mirasol (Imurung National High School)

Mahalaga ang Edukasyon sapagkat ito ang nagsisilbing susi ng tagumpay. Sa


makabagong panahon ngayon na kung san mayroon isang bangungot na pandemya na
hindi inaasahan. Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ng iba na ang edukasyon
pa kaya ngayong panahon ng pandemya ay susi pa ng tagumpay? Kaya naman ang
Kagawaran ng edukasyon ay hindi parin nag sayang ng oras at panahon upang malaman
o matukoy ang mga stratehiya upang mas lalong maging matagumpay ang Edukasyon
sa panahon ng pandemya at higit sa lahat hindi nagsawang mangalap ng mga
impormasyon kung paano isagawa ang pagtuturo ng limited face-to- face classes sa
ilang lugar ng bansa hanggang sa isang araw.

Ang kagawaran ng Edukasyon ay magkakaroon na ng limited face to face classes


sa Nobyembre 15, sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19. Ayon sa Kagawaran
ng Edukasyon 100 paaralan na ang kanilang natukoy na puwedeng magdaos na ng face-
to-face classes sapagkat ang mga lugar ay klasipikadog low risk sa COVID-19. Ang
lambak ng Cagayan ay hindi pa maaaring mag face-to-face classes sapagkat na sa high
risk parin ang lugar na kung saan maaaring ang mga mag-aaral ay maghahawaan ng
virus kung mag face to face classes na ang Cagayan Valley. Kaya minabuti ng DepEd na
hindi muna kabilang sa Limted face to face classes upang masiguro ang seguridad o
kaligtasan ng mga mag-aaral.

Gayunman, sinabi ng DepEd na hihintayin pa rin ang pagsang-ayon ni President


Duterte ukol dito. Nasa Presidente pa rin daw ang huling pagpapasya kung papayagan
na ang Lambak ng Cagayan ng limited face to face classes. Ayon pa sa pangulo ang
kalusugan ng mga bata ang unang dahilan. Ayaw nitong malagay sa alanganin ang buhay
ng mga bata. Walang nagawa ang DepEd kundi sumang-ayon sa utos na wala munang
face-to-face classes Ituloy na lamang ang Blended learning.

Ang Blended Learning ang porma na modality sa ngayon ang ginagawa na muna
ng mga guro sa lambak ng Cagayan upang masiguro na ang mga mag-aaral ay natututo
at nag lilibang sa pag-aaral, Nalilibang sapagkat ang blended learning ay nagkakaroon
ng interaksyon sa pagitan ng mag-aaral at guro dahilan sa maraming laro ang magagawa
ng mag-aaral.

Kaya naman ang edukasyon sa panahon ng pandemya ay huwag sayangin upang


makamit ang tagumapay na inaasam- asam. Kooperasyon rin ng bawat isa ang susi ng
tagumpay at ito’y hiwaga ng bagong buhay, kaya naman huwag ng pasaway upang
pandemya ay mawalan na.

You might also like