You are on page 1of 1

“Ang edukasyon ang daan sa pag-unlad!” – iyan ang paniniwala ng lahat.

Tayo ay nag-aaral upang mapaahon natin ang ating sarili mula sa kahirapan.
Subalit sa panahon natin ngayon, may ikakaharap na pagsubok ang karamihan
upang makamit ang kanilang kaunlaran.

Nang magsimulang kumalat ang COVID-19 sa Pilipinas, kinakailangan ang


mga tao na magkalayo-layo muna sa isa’t isa, kung saan ipinagbabawal ang
pagsasama-sama ng isang grupo ng tao, kagaya ng pagkaklase sa mga paaralan.
Subalit, walang plano ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na ihinto ang
pasukan ngayong taon, upang maiwasan ang pagkawalan ng trabaho ng
karamihan sa mga guro at para maiwasan ang pagkakulang sa demand ng
propesyonal. Dahil dito, naghanap ng alternatibo ang pamahalaan upang kahit
papaano ay may matutuhan pa rin ang mga mag-aaral, kung saan
napagdesisyunan ang pag-implementa ng “distance learning”.

Ngunit, hindi maganda ang kinalabasan ng biglaang transisyon mula sa


face-to-face classes patungo sa distance learning. Samu’t saring problema ang
lumitaw dito, kagaya ng kakulangan sa kagamitan na kinakailangan sa pag-aaral
at ang pagkawala ng gabay at presensiya ng mga guro sa pagtuturo ng mga
aralin sa mag-aaral. Maging ang DepEd ay hindi naging handa sa biglaang
transisyon ng pamamaraan sa pag-aaral. Patunay nito ang mga kamailang
mahahanap sa mga modules, sa mga materyales at sa mga bidyo na ginagawa ng
DepEd.

Hindi naging maganda ang kinalabasan ng distance learning sa karamihan.


bibigay-interes sa sinulatan o bumabasa. Sikaping maging mapagbigay sa lahat ng pagkakataon
nang sa gayon ay maipadama ang pagtitiwala at kabutihang loob.

You might also like