You are on page 1of 1

Dahil sa pandemyang kasalukuyang hinaharap ng ating bansa, napagdesisyonan ng kagawaran

ng edukasyon na magpatupad ng iba’t-ibang learning modalities. Ito ay ang face—to-face at distance


learning. Ang face-to-face learning ay isang modality kung saan nakakaharap nang estudyante ang guro
ngunit ito ay pupwede lamang sa mga lugar na low risk at walang transmisyong naganap. Ang distance
learning naman ay walang pisikal na interaksyon sa pagitan ng guro at estudyante. Mayroon itong
tatlong uri: Modular Distance Learning(MDL), Online Distance Learning at TV/Radio-Based Instruction.

Bilang bahagi ng new normal, ang mga mag-aaral ay hinihimok na ipagpatuloy ang pag-aaral
online kung saan kailangan nilang pumili kung anong modality ang angkop sa kanila. Ngunit hindi lahat
ay may kakayahang makapag-aral sa bagong learning modalities na ito. Kahit modular ang piliin ng isang
mag-aaral kakailanganin pa rin nitong magkaroon ng cellphone o kahit anong uri ng gadget at internet
upang malaman ang dapat gawin at bilang gabay na rin upang masagutan ng tama ang modyul. Higit na
apektado sa sitwasyong ito ang mga estudyanteng kapos sa pera o mga nasa pampublikong paaralan
dahil hindi nila makakayang billhin ang mga kakailanganin pag nag-umpisa na ang pasukan. May mga
estudyanteng nagpasyang tumigil muna sa pag-aaral dahil sa problemang pinansyal at marami akong
nakikitang posts sa aking social media accounts kung gaano kahirap ang new normal bilang estudyangte.
Hindi lamang mag-aaral ang apektado kundi ang mga guro rin sapagkat marami sa kanila ang di bihasa sa
makabagong teknolohiya at walang printer o kaya’y laptop. Naglalaan din sila ng panahon upang
makontak at siguruhing nakarating sa lahat ang modyul.

Isa lamang ito sa maraming dahilan kung bakit nahihirapan ang ating bansa sa bagong learning
modalities. Kung sana’y may konkretong plano ang DepEd sa simula pa lamang hindi na magkandaugaga
ang mga guro sa pagasikaso ng mga modyul at paggawa nito. Ngunit wala namn tayong magagawa sa
sitwasyon kaya’t manalig na,ang tayona matapos na ang pandemyang itoatmakabalik na tayo sa ating
nakagawiang buhay.

You might also like