You are on page 1of 2

Hamon na Kinakaharap ng Ika-12 na Baitang ng Salogon National High School sa Bagong

Panukalang New Normal sa Taong Panuruan 2022-2023

Introduskyon:

Sa mabilisang pagbabago ng panahon sa larangan ng teknolohiya at pagkakaroon ng


alternatibong pagtuturo dulot ng pandemya katulad ng modyular, mabilis din nabago ang pamumuhay
ng sangkatauhan lalo na ang mga mag-aaral sa panahon ngayon. Layunin nitong matugunan ang mga
kinakailangan ng mga estudyante patungkol sa kanilang eduskayon kabilang na ang mabilisang palitan
ng impormasyon lalo pa’t hindi pa bumabalik sa normal ang lahat. Ito ay isang importanteng bagay na
kailangan matutunan ng mga mag-aaral na gamitin at makasanayan lalo na ang teknolohiya sa panahon
ngayon ay napakamahalaga upang makasabay sa hamon ng buhay sa kasalukuyan kailangan mayroong
kasanayan muna sa paggamit ng mga ito. Ngunit, hindi maitatanggi ang hirap na kinakaharap ngayon ng
ating bansa dahil sa pandemya na ito kung saan ang mga mag-aaral ay may malaking problema sa
makabagong teknolohiya o mga kagamitan na kailangan nila para sa online classes at mga aktibidadis na
pinapagawa maging ito man ay modyular.

Noong buwan ng Marso 2020 nang isulong ang hard lockdown sa Pilipinas dulot ng coronavirus
(COVID-19), ito ay malubhang sakit na nakakahawa at wala pang lunas na gamot. Kaya’t minarapat ng
Kagawaran ng Edukasyon na isa alang-alang ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kaguruan sa
pamamagitan ng pagsuspende ng klase. At dito nagsimula ang malaking isyu ng pandemya ang malaking
hamon sa pang edukasyon.

Sa patuloy na paglaganap ng sakit na COVID 19 labis ang nagging epekto sa sektor ng edukasyon
kung saan kailangan mag adjust ng mga mag-aaral sa mga makabagong modalidad sa pagtuturo na
aangkop sa kinakaharap na sitwasyon at ang isa sa mga umusbong na suliranin ay ang kawalan ng
magagamit na gadget at internet ng mga mag-aaral sa ika-12 na baitang ng Salogon National High School
lalo na galing din sa kapos sa buhay na pamilya ang mga mag-aaral at isa pa ang hirap unawain ng mga
aralin na nakasaad sa modyul sapagkat hindi sapat ito upang maunawaan ng mabilisan at masugutan
ang mga Gawain lalo na’t hindi lahat ng mga mag-aaral ay mabilis makuha ang aralin sa isang tingin lang.
Iba’t iba ang klase ng pag-unawa ng bawat mag-aaral kaya’t marami ang nagsipagtigilan mag-aral
sapagkat hindi nila nagustuhan ang pamamaraan ng pag-aaral ngayon lalo pa’t hirap silang unawain ang
aralin sa modyul. Dito isang malaking hamon na para sa ika-12 na baitang sa nasabing paaralan at
maging sa mga magulang ang walang sapat na kahandaan sa ganitong sitawasyon. Mahirap makasabay
sa new normal lalo na’t kulang ang mga gamit na kinakailangan sa edukasyon. Ito ang mas umugong pa
na isyu at suliraning kinahaharap ng mag-aaral. Paano nga naman ang pag-unlad ng kasanayan ng mga
batang walang kakayahan makabili ng gamit dahil sa hirap ng buhay? Bukod dito ang mabagal na
koneksyon dahil sa lugar na kinatatayuan nila at walang pag suporta sa load upang magkaroon ng access
sa guro kahit na ang ibang tinuturo naman ay nasa modyul ngunit hindi pa din sapat upang maunawaan
ng lubos ang aralin at masagutan ang mga gawain na binigay.

Dahil sa mga isyung kinakaharap sa makabagong teknolohiya at modyular na paraan ng


pagtuturo bilang pangunahing instrumento ng mag-aaral ngayong pandemya. Layunin ng pananaliksik
na ito na alamin ang damdaming ng kanyang respondante at kung gaano ito nakapekto sa kanila.
Minarapat din ng pananaliksik na ito na suriin pa ang posibleng alternatibong paraan upang mabawasan
ang problema sa edukasyong na nasa ilalim ng pandemya. Bukod pa ditto nais ng mananaliksik na
mabigyan ng positibong pananaw ang mga mag-aaral sa kahalagahan ng paggamitng makabagong
teknolohiya at pagtugon sa modyular na pagtuturo sa panahon ngayon at makapag bigay ngaral o
kontribusyon para sa susunod na mananaliksik ukol sa usaping ito.

You might also like