You are on page 1of 1

TAKDANG ARALIN

Kabanata 2: Fil104

A. Kurikulum ng ika-21 siglo at sa panahon ng pandemya.


-ito ay inituring na information age o panahon ng mga impormasyon, masasabing ang
kompyuter ay pinakaginagamit ng mga tao lalo na ang mga estudyante. Nangangailangan
ito ng mas mataas na antas ng pag-aaral para makapg trabaho. Ang isang 1st century
learner ay nagtataglay ng iba’t ibang karakteristiks.

B. Mag-aaral ng ika- 21siglo at sa kalagayan ng new normal.


- ang kalagayan ng isang mag-aaral ng ika 21 siglo ay pumapaloob sa buhay at
pang-karerang kakayahan, pag-aaral at inobasyon at media at teknolohiya.

C. Paaralan ng ika-21 siglo at sa kalagayan ng new normal


-Sa gitna ng mga pasulpot-sulpot na problemang hatid ng new normal sa mga
pampublikong paaralan, patuloy pa ring kinakaharap ng mga mag-aaral ang mga
epektong dulot nito sa kanilang edukasyon. Bagama’t nagsusulong ng solusyon ang
DepEd, hindi maipagkakaila ang kakulangan sa preparasyon o kahandaan para sa
online learning. Ayon sa isang pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones noong
Agosto, nais nilang iwasan ang pagkawala ng interes at pagkahuli ng mga Pilipinong
mag-aaral pagdating sa edukasyon. Kaya naman ang pangunahing misyon nito ay
patuloy na maibahagi ang serbisyong edukasyon para sa mga kabataan. Sa kabila ng
mga patong-patong na reklamo at problema na kinahaharap ng mga mag-aaral, pinipili
pa ring maging bingi ng ahensya sa isinisigaw ng mga kabataan na tumatawag ng
academic freeze. Nakababahalang isipin na mithiin ng ahensiya ang pagtibayin ang
kaalaman ng mga mag-aaral, ngunit may pag-unlad nga ba talagang nakikita sa mithiing
ito? Nakababahalang isipin na mahigpit ang paniniwala ng ahensya sa kanilang misyon
na magbahagi ng maayos na kalidad ng edukasyon nang walang solusyon sa mga
suliraning ito. Kinakailangan bang magdusa ng mga Pilipinong mag-aaral para lamang
makamit ang hinahangad ng DepEd? Talaga bang naghahatid-serbisyo ang ahensiya sa
mga magaaral kung ang “serbisyo” ay siyang nakikitaan ng problema? Ang “new
normal” ba ay nagsilbing solusyon upang muling makapag-aral o naging sanhi lamang
ito ng panibagong balakid sa karunungan? Kung ang mga mag-aaral noon ay lubusang
nagabayan ng mga guro, ang pinakamalaking ambisyon sa panahong ito ay maibalik
ang dating kalidad at sistema ng pag-aaral. Maaaring mas mabuti ang maghintay na
mayroong kasiguraduhang kaunlaran sa pagkatuto kaysa ang ipagpilitan ang mga
kondisyong hindi naaangkop sa kapasidad na mayroon ang ahensiya, pati na rin ang
mga mag-aaral. Oo, itunuturing 21st century learners ang henerasyong ito ngunit wala
itong magandang idudulot kung ang mismong sistema ang siyang problema.

You might also like