You are on page 1of 2

EPEKTO NG PANDEMYA SA ONLINE/MODULAR NA PAGKATUTO NG

MGA MAG-AARAL SA PUNTURIN SENIOR HIGH SCHOOL

Taong 2020, nang dumating ang pandemyang kumulong sa ating kalayaang


mamasyal, maki-halubilo sa bawat isa at mag-saya ng walang iniisip na
karamdamang maaaring dumapo sa ating katawan. Maraming
establisyemento ang nag-sara, trabahong nawala, maging ang paaralan ay
isinara upang mailigtas ang mga tao sa sakuna

Ang edukasyon ang una at pinaka naapektuhan sa pandemyang ito, sapagkat


ang mga bata ay kailangan ng sapat na patnubay at atensyon upang matuto
ng mga aralin sa eskwela. Ngunit hindi maaaring matapos ang taon ng hindi
mabigyang pansin ang edukasyon. Isang alternatibo ang ipinasa ng
Kagawaran ng Edukasyon upang  mabigyang solusyon ang problema sa
edukasyon, ito ang: Distance Learning- Ito ay tumutukoy sa isang paraan ng
paghahatid ng pagkatuto kung saan ang pagtuturo ay nagaganap sa pagitan
ng guro at ng mga mag-aaral na heograpikal na malayo sa isa't isa habang
nagaganap ang klase. Ang modality na ito ay may tatlong uri: Modular
Distance Learning (MDL), Online Distance Learning (ODL), at TV/Radio-
Based Instruction.

Kasalukayang nagaganap ang Modular Distance Learning (MDL) sa


elementarya at ibang sector ng sekondarya kung saan kinapapalooban ng
indibidwal na pagtuturo na nagpapahintulot sa mga mag-aaral na gumamit ng
mga self-learning modules (SLMs) sa print o digital na format/electronic na
kopya, alinman ang naaangkop sa konteksto ng mag-aaral, at iba pang
mapagkukunan sa pag-aaral tulad ng Learner's Materials, textbooks, activity
sheet, gabay sa pag-aaral, at iba pang materyales sa pag-aaral. Ina-access
ng mga mag-aaral ang mga elektronikong kopya ng mga materyal sa pag-
aaral sa isang computer, tablet PC, o smartphone. Ang mga CD, DVD, USB
storage, at mga computer-based na application ay magagamit lahat para
maghatid ng mga e-learning na materyales, kabilang ang mga offline na E-
book. Inaako ng guro ang responsibilidad na subaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay maaaring humingi ng tulong mula sa
guro sa pamamagitan ng e-mail, telepono, text message/instant messaging,
atbp. Kung maaari, ang guro ay gagawa ng mga home visit sa mga mag-aaral
na nangangailangan ng remediation o tulong. Ang sinumang miyembro ng
pamilya o iba pang stakeholder sa komunidad ay kailangang magsilbi bilang
isang para-teacher. Samantalang nag simula na ang “Limited Face to face
classes” sa ibang sector ng Secondarya.

Sa pananaliksik na ito, tutukuyin ang mga naging epekto ng pandemya sa


pagkatuto ng mga mag-aaral ng Punturin Senior Highschool na mayroong
labing limang (15) mag aaral galing sa Science, Technology and Mathematics
Strand. Sa pagkuha ng mga impormasyon, gagamitin ang Zoom at Google
Meet para sa “virtual interview”, habang “soft copy forms” naman ang
gagamitin sa pag tala ng ng karadagang datos pamamagitan ng Google
Forms.

Ginawa ang panaliksik upang malaman kung naging epektibo nga ba ang
solusyong isinagawa ng Kagawaran ng Edukasyon upang maipagpatuloy ang
paghatid ng kaalaman sa mga mag aaral sa gitna ng pandemya.

You might also like