You are on page 1of 9

University of Perpetual Help System Laguna- JONELTA

Basic Education Department – Senior High School

Epekto ng Gawaing bahay sa Kagalingang Pang-Akademiko ng mga mag-aaral ng STEM


11 Ngayong Panahong ng Pandemya sa UPHSL-IC.

Isang Kwalitatibong Pananaliksik na Iniharap

kay Bb. Arrah Lea Vidal

para sa Asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino sa

Unibersidad ng Perpetual Help System Laguna – Isabela Campus

San Fermin, Cauayan City, Isabela

Isinumite ni:

Lim, Monique B.

Disyembre 2021
University of Perpetual Help System Laguna- JONELTA
Basic Education Department – Senior High School

KABANATA 1

I. INTRODUKSIYON

Ang pagsiklab ng pandemya na dulot ng Covid-19 ay hindi lamang sa ating bansa,

maging sa buong mundo ay kumalat na rin. Ito ay unang natagpuan noong Disyembre 2019 sa

bansang Tsina. Naalarma ang iba’t ibang bansa at inihanda ang kani-kanilang mamamayan na

mag-ingat. Ang kanya-kanyang Gobyerno sa iba’t ibang bansa ay nagpatupad ng protocol at mga

stratehiya katulad ng maiging paghugas ng kamay, pagsusuot ng face masks, pagtatalaga ng

pisikal na distansya, pagbabawal ang iba’t ibang okasyon at pagtitipon. Upang kontrolado at

hindi mabilis kumalat ng virus, nagpatupad ng Lockdown ang pamahalaan bilang aksiyon sa

nakahahawang sakit (Sintema, 2020).

Dagdag pa rito, ayon sa pananaliksik ni Mahdy (2020), ang paghihigpit sa paglalakbay,

striktong quarantine para sa mga bumyahe papunta dito sa Pilipinas, pagsasara ng iba’t ibang

paaralan, negosyo, magtrabaho muna ang ilang mamamayan sa bahay at nagpatupad ng curfew

at lockdown. Ito ay idineklara ng pamahalaan bilang pagputol sa mabilis na pagkalat ng virus

ngunit inaasahan na may negatibong epekto ito sa ekonomiya, edukasyon, kalusugan at turismo.

Nagsimula ang pagpapatupad ng Enhance Community Quarantine sa Metro Manila at iba

pang probinsya noong Abril 2020. Suspendido ang iba’t ibang paaralan at mga klase sa

unibersidad, mahigpit na ipinagbawal ang pagsasama-sama, ang mga opisyal sa gobyerno ay

limitado at mahigpit na sumusunod sa mga protocols, ang iba’t ibang negosyo ay sarado maliban

sa mga nagbibigay ng mahahalagang gamit at serbisyo, pati na rin ang pampublikong


University of Perpetual Help System Laguna- JONELTA
Basic Education Department – Senior High School

transportasyon ay mahigpit na ipinagbawal. Inashan na manatili na lamang muna sa kanya-

kanyang tirahan (Hapal,2021).

Ayon kay Denworth (2020), ang isa sa mga pinaka apektadong sektor ngayong pandemya

ay ang edukasyon. Mahigit kumulang isang bilyon at dalawang daang libong mag-aaral sa buong

mundo at dalawampu’t walong milyong mag-aaral naman dito sa Pilipinas (UNESCO, 2020).

Dahil sa iba’t ibang naipatupad katulad ng community lockdown at community quarantine ay

walang nagawa ang mga guro at mga estudyante kundi ang mamalagi sa kanilang tahanan at dito

na nagsimulang ipatupad ang online learning platforms (UNESCO, 2020). Gayunpaman, ang

pagpapatupad ng online learning ay nagdulot ng panganib, problema, at hamon sa mga guro at

estudyante lalo na sa mga matataas na lebel ng edukasyon (Bao, 2020).

Ayon kay Obana (2020), Are learners really ready for the “new normal?” o handa na ba

ng mga magaaral sa bagong normal? Dahil ang pandemya ating nararanasan ngayon ay nagdulot

ng malaking pagbabago sa edukasyon ating naksanayan, mula face to face ay naging online

classes na ang ating bagong set up.

Ngunit ayon naman kay Noor-Ul-amin (2013), ang E-learning o Online Learning ay

napatunayang maasahang gamit para sa epektibong pagtutuloy ng edukasyon. Ngayong tayo ay

nakararanas ng pandemya, ang web ay naging isa sa mga mahalagang midyum ng pag-aaral na

maaaring gamitin ng lahat ng tao saan ka man sa mundo. Ito ay madali lamang gamitin at

maaaring matuto ng libre o sa mababang halaga lamang.

Karagdagan dito, ang video conferencing ay malayang ginagamit ng nakararami upang

mapag aralan ang kung ano ang tungkol sa teknolohiya. Ukol sa pananaliksik ni Wakefield
University of Perpetual Help System Laguna- JONELTA
Basic Education Department – Senior High School

(2020), ang mga apps katulad ng Zoom at Google ay karaniwang ginagamit bilang video

conferencing at nakitaan ng pinakamadaming tao na nagdownload simula nang nagkaroon ng

quarantine sa buong mundo. Ito ngayon ay ginagamit ng milyong tao para sa trabaho, sa paaralan

at mga pagtitipon online.

Ang pagpapatupad ng online learning ay makapagbibigay ng proteksyon sa mga mag-

aaral, mapabubuti rin nito ang kanilang pag-aaral. Dahil mananatili na lamang sila sa kanilang

tahanan, Madali na lamang sakanila ang pumili ng lugar para sakanilang pag-aaral at sila na rin

ang kumokontrol sa kanilang oras (Newhall, 2020). Sa kasamaang palad, marami rin ang hindi

sumang ayon at hindi gusto ang online class. Ayon sa mga estudyante, maraming gumagambala

sa kanila at naaapektuhan ang kanilang pag-aaral sa kanilang bahay katulad na lamang ng ingay

ng telebisyon, paggamit ng social media, at ang gawaing bahay. Ang sambit ng ilang mag-aaral

ay mas nakaka-stress pa ito kaysa sa regular na klase sa paaralan. Isa rin sa kanilang naging

problema ay ang hindi pakikipagusap sa mga kaibigan sa halip ay mga takdang aralin na lamang

ang kanilang ginagawa mag-isa (Angdhiri, 2020).

Ang mga sumusunod ay ang mga gawaing bahay, paglilinis ng buong bahay, pagluluto

ng pagkain, pagpaplantsa, paglalaba at paghuhugas ng pinagkainan at pinaglutuan, at iba pa

(Brazilian Institute of Geography and Statistics [IBGE], 2015). Ayon sa pananaliksik nina

Dellazzana-Zanon, Zanon, & Freitas (2014), ang paggawa ng gawaing bahay ay may negatibong

epekto sapagkat kulang na ang kanilang oras upang gawin ang iba’t ibang Gawain o takdang

aralin sa paaralan at ito ay maaapektuhan ang kagalingan ng mag-aaral sa akademiko. Maaari rin

itong magdulot ng pagbagsak at paglagtaw ng klase.


University of Perpetual Help System Laguna- JONELTA
Basic Education Department – Senior High School

Ayon rin sa pananaliksik ni Chinyoka at Ganga (2011), hindi makatarungang isipin na

ang mga bata ay makapagaaral pa kapag sila ay pagod pisikal at mental. Ang pananaliksik na

kanilang ginawa ay para sa mga batang babae na ang kanilang natitirang oras napupunta sa

pagpapahinga kaysa sa pag-aaral. Kaunti na lamang ang kanilang oras na ginugugol sa pag-aaral

at mga takdang-aralin. Kanila ring naobserbahan na pag-aaral ay huli na sa kanilang prayoridad

sapagkat ang kanilang oras ay napupunta sa paggawa ng gawaing bahay at ito ay nakaaapekto sa

kanilang kagalingang- pangakademiko.

Ngunit sa kabilang dako, ang mga awtor na sina Riggio, Valenzuela, & Weuser (2010) ay

may suhestiyon na ang paggawa ng gawaing bahay ay may positibong epekto. Ito ay nagsisilbing

unang trabaho ng mga tao sa kanilang bahay. Ito ay maaari maging isang oportunidad para sa

mga nagdadalaga’t nagbibinata na makaranas ng tagumpay. ito ay isang responsibilidad at

maaaring mahubog ang kanilang pagkatao upang kayanin nilang tumayo sa kanilang sariling paa

at ito ay kailangan upang mahubog ang kanilang self-efficacy. Ayon sa pananaliksik ni Pestana

et al. (2016), kung ang mga dalaga’t binate ay makikipagtulungan sa kanilang pamilya sa

paggawa ng iba’tibang gawaing bahay mapabubuti nila ang kanilang gawain at magiging

mahusay sa akademiko kaysa sa ibang hindi gumagawa ng gawaing bahay.

Ang Unibersidad ng Perpetual Help Laguna- Isabela Campus (UPHSL-IC) ay isang non-

sectarian na unibersidad na kung saan taong 2020 ay nagsimula umangkop na mula Face to Face

ay naging online class dulot ng pandemya.


University of Perpetual Help System Laguna- JONELTA
Basic Education Department – Senior High School

Nilalayon ng kwalitatibong pananaliksik na ito na matukoy ang epekto ng gawaing bahay

sa kagalingang pang-akademiko ng mga mag-aaral ng STEM 11 sa Unibersidad ng Perpetual

Help Laguna- Isabela Campus.


University of Perpetual Help System Laguna- JONELTA
Basic Education Department – Senior High School

II. Paglalahad ng suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang epekto ng gawaing bahay sa

kagalingang pang-akademiko sa mga mag aaral ng STEM 11 sa UPHSL-IC.

Sa pag-aaral na ito, nilalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Paano nakaaapekto ang gawaing bahay sa kagalingang pang-akademiko sa mga mag-

aaral ng stem 11?

2. Ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto ng gawaing bahay sa kagalingang pang

akademiko ng mga stem 11?

3. Mayroon bang epekto ang paggawa ng gawaing bahay sa pokus at grado at STEM11?

4. Ano-ano ang mga aksiyon na maaaring gawin upang hindi ito magkaroon ng epekto sa

kagalingang-pang akademiko ng mga stem 11?


University of Perpetual Help System Laguna- JONELTA
Basic Education Department – Senior High School

Sanggunian

Batbaatar N. & Amin G. (2021) Students' time management during online class

https://www.researchgate.net/publication/

352371978_Students'_time_management_during_online_class

Belgica C. et. Al. (2020) Online Distance Learning: Thematic Study on the Challenges Faced By

Educare College Inc. Primary Pupils

https://www.dpublication.com/wp-content/uploads/2020/12/30-10340.pdf

Chinyoka K. Naidu N. (2014) Influence of Home Based Factors on the Academic Performance

of Girl Learners from Poverty Stricken Families: A Case of Zimbabwe

http://citeseerx.ist.psu.edu/viewdoc/download?doi=10.1.1.1000.964&rep=rep1&type=pdf

Hapal, K. (2021) The Philippines’ COVID-19 Response: Securitising the Pandemic and

Disciplining the Pasaway. Journal of Current Southeast Asian Affairs, 40(2),

https://journals.sagepub.com/doi/full/10.1177/1868103421994261

Mahdy M. (2020) The Impact of COVID-19 Pandemic on the Academic Performance of

Veterinary Medical Students https://doi.org/10.3389/fvets.2020.594261

Pokhrel S. & Chhetri R. (2021) A Literature Review on Impact of COVID-19 Pandemic on

Teaching and Learning https://journals.sagepub.com/doi/full/10.1177/2347631120983481


University of Perpetual Help System Laguna- JONELTA
Basic Education Department – Senior High School

Tria J. (2020) The COVID-19 Pandemic through the Lens of Education in the Philippines: The

New Normal https://www.researchgate.net/publication/341981898_The_COVID-

19_Pandemic_through_the_Lens_of_Education_in_the_Philippines_The_New_Normal

Wichmann F. (2019). Relations among adolescents’ life purpose, household chores, and school

performance http://pepsic.bvsalud.org/pdf/ptp/v21n1/v21n1a09.pdf

You might also like