You are on page 1of 3

KAGAWARAN NG EDUKASYON

SANGAY NG MGA PAARALANG PANLUNGSOD

SANGAY NG ALAMINOS

ACTION RESEARCH SA FILIPINO

“EPEKTO NG PAGGAMIT NG PLATAPORMANG GOOGLE MEET SA MAKABAGONG SISTEMA NG


EDUKASYON SA MGA MAG-AARAL NG BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION-SECOND YEAR
SA PAARALANG MARCELINO FULE MEMORIAL COLLEGE.”
PAMAGAT: “EPEKTO NG PAGGAMIT NG PLATAPORMANG GOOGLE MEET SA MAKABAGONG
SISTEMA NG EDUKASYON SA MGA MAG-AARAL NG BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION-
SECOND YEAR SA PAARALANG MARCELINO FULE MEMORIAL COLLEGE”

I. INTRODUKSIYON

MAIKLING MALAY AT DANAS SA PAKSA

Sa pagpasok ng taong 2020, hindi inaasahan ng lahat ang pagdating ng nakakamatay at


nakakahawang coronavirus na kilala sa tawag na Covid-19 at maituturing na matinding paghinto ng
daigdig lalo na sa ekonomiya. Ang Covid-19 ay isang mapaminsalang virus na kung saan ang lahat ng tao
sa mundo ay naaapektuhan hanggang sa ngayon. Sa pagtaas ng bilang ng kaso nito, maraming nagbago
kagaya ng pagsunod sa mga protocols upang maiwasan ang bilang ng pagdami ng kasalukuyang
problemang kinakaharap ng bawat tao at kasunod nito ang pagpapatupad ng quarantine. Maging ang
edukasyon ay naapektuhan din. Subalit, umisip ang gobyerno ng alternatibong paraan upang
magpatuloy na dumaloy ang mga kaalaman sa bawat mag-aaral. Sa gitna ng pandemya, ang edukasyon
ay itinalaga sa makabagong sistema nito. Sa kadahilang kailangan nang masusing pag iingat at para na
din sa kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante ay kailangang sumubok sa pansamantalang
makabagong sistema at pangangalakad ng edukasyon.
Sa henerasyon ngayon, ang mga tao ay nabubuhay sa modernong panahon kung saan teknolohiya
ang nagiging balangkas sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Kung kaya't umusbong ang mga
teknolohiya kagaya ng kompyuter, laptop, at iba pang gadgets na kung saan mas mapapabilis ang
komunikasyon ng mga tao. Nang dahil sa pandemya, nagkaroon ng iba't-ibang plataporma upang mas
mapadali ang pag-aaral at komunikasyon ng guro at mga estudyante tulad ng Google Meet na kung saan
isa sa pangunahing ginagamit sa pag aaral ngayong panahon ng pandemya. Ngunit, iilan lamang ang
nakakagamit dahil hindi lahat ng mag-aaral ay maaring makabili ng kagamitang pang-komunikasyon
upang gamitin sa pag aaral at lalo na sa mga taga-rural na malayo sa kabihasnan at walang signal. Dahil
sa Google Meet naging posible ang pag aaral ngayong panahon ng pandemya. Nagagamit din ang Google
Meet sa pakikipagpalitan ng impormasyon upang magkaunawaan ang mga mag-aaral at guro nila sa
platapormang ito para talakayin ang mga aralin at ibigay ang mga aktibidad at proyekto na isusumite rin
online.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Napili ng mananaliksik ang naturang paksa sa kadahilanang ito ay napapanahon at nakakatulong


upang malaman kung ano nga ba ang epekto ng paggamit ng platapormang Google Meet sa
makabagong sistema ng edukasyon sa mga mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education-
Second Year sa Paaralang Marcelino Fule Memorial College. Bukod pa dito ay nais ng mananaliksik
na bigyang pansin ang di pag-unawa sa bagong sistema ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Karagdagan,
napansin ng mananaliksik na ang Google Meet ay pinakagamitin sa pag-aaral lalo na sa Paaralang
Marcelino Fule Memorial College kung kaya't nais ng mananaliksik na malaman ang epekto nito sa mga-
aaral.

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Pangkalahatang Suliranin at Layunin
Paano maisasagawa ng Paaralang Marcelino Fule Memorial College ang pag-aaral sa makabagong
sistema ng edukasyon sa mga mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education-Second Year gamit ang
platapormang Google Meet sa kanilang edukasyon at ang epekto nito sa bawat mag-aaral ng Bachelor of
Secondary Education-Second Year ng Paaralang Marcelino Fule Memorial College?

Mga Tiyak na Suliranin


1. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral ng Paaralang Marcelino Fule Memorial College sa paggamit ng
platapormang Google Meet sa makabagong sistema ng edukasyon ng Bachelor of Secondary Education-
Second Year?

2. Ano ang mabuting dulot nito sa mga mag-aaral ng Paaralang Marcelino Fule Memorial College ng
Bachelor of Secondary Education-Second Year?

3. Ano ang masamang epekto nito sa mga mag-aaral ng Paaralang Marcelino Fule Memorial College ng
Bachelor of Secondary Education-Second Year?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

1. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral at mambabasa na malaman ang mga
positibo at negatibong epekto ng paggamit ng platapormang Google Meet sa makabagong sistema ng
edukasyon, na kung saan maaring nilang bigyang solusyon ang mga hindi magandang epekto nito.

2. Ang mga guro na magkaroon ng kaalaman at ideya sa kung ano-ano ba ang epekto ng paggamit ng
platapormang Google Meet sa mga mag-aaral at maaari din nilang tugunan ang ilan sa mga suliranin
nito.

3. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay hinuha sa mga magulang sa kung ano ang maaaring
solusyon sa mga suliranin ng kanilang mga anak sa paggamit ng platapormang Google Meet.

4. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay at reperensya sa mga susunod pang pananaliksik at
mananaliksik.

You might also like