You are on page 1of 5

KABANATA I – Kaligirang Pangkasaysayan

Panimula

Noong ika-31 ng Disyembre 2019, naitala ang ilang kaso ng pneumonia na hindi pa

gaanong kilala sa Wuhan, China at naireport sa WHO (World Health Organization). Napag-

alaman na lamang na ang outbreak ay dulot ng isang uri ng hindi pa nakikilalang coronavirus.

Ang coronavirus na ito ay karaniwang natatagpuan sa mga hayop lamang, at hindi pa nakita sa

mga tao noon. (Department of Health, 2020)

Marami ang naging pagbabago noong naganap ang pandemya sa buong mundo at

magpasahanggang ngayon. Naapektuhan ang iba’t ibang salik ng pamumuhay ng bawat tao at

nakaroon ng tinatawag na “New Normal” kung nililimihatahan ang mga pampublikong mga

establisyemento, kabilang dito ay ang mga pampribado at pampublikong mga paaralan.

Sa bagong normal na sistema ng edukasyon na nararanasan ngayon mga kapanahunang

ito, maraming mga magulang, mga anak at maging mga guro ang nahihirapan dahil hindi lahat ng

mga kabilang sa sistemang ito ay kayang bumili ng mga kasangkapan sa bagong pamamaraang

ito.

Kaya ang pahayag ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd, 2020), harapin natin ang

“bagong normal” ng may kahabagan, sensibilidad, at pagiging makabayan upang and paraan ng

pag-aaral ay hindi maging isang pasanin para sa mga magulang, mga anak at guro ngunit isang

pag-asa sa gitna ng krisis. Sa kabila ng mga hamon na tatahakin, sisigurahin na magkakaroon ng

balanse sa pagitan ng pagbibigay ng kalidad ng edukasyon at pag-aaruga sa bawat isa.

Bininahagi naman ni Mayor Freddie Domingo (2021), prayoridad niya na maisulong ang

de-kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral sa kabila ng pandemya.  Bago pa man nagbukas ang
pasok sa mga pampublikong paaralan noong Oktubre ay nakipagpulong na ang kanyang

tanggapan sa Kagawaran ng Edukasyon, mga principal at guro upang pag-usapan ang mga

pangangailangan sa bagong pamamaraan ng pagtuturo. Pantay na ipinamahagi sa mga

eskwelahan ang pondo sa ilalim ng Special Education Fund para sa pagbili ng mga

kakailanganing kagamitan gaya ng laptop, photo copy machine, printer at iba pa. Naglaan ng

pondo ang pamahalaang bayan mula sa General Fund upang madagdagan ang mga photo copy

machine at bond paper na gagamitin para sa modular learning. Bukod dito, binanggit ni Domingo

ang scholarship program ng Pura para sa mga estudyanteng nasa kolehiyo. 

Likas sating mga Pilipino ang pagiging matatag sa kahit anong hamon na dumating sa

ating buhay. Hindi mangingiming na labanan ang kahit ano mang hamon; mapa salik man

panteknolohiya o panpisikal na paggawa. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman o alamin ang

epekto ng bagong normal na sistema ng edukasyon sa mga mag-aaral ng ika-11 Humanities and

Social Sciences 2 ng First City Providential College at higit na mapalawak ang pag-iisip at mas

mapalalalim ang kaalaman ng mga estudyante sa pagpapatuloy ng kanilang pagsasaliksik at pag-

aaral sa iba’t ibang mga pangyayari sa bansa.


Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na may paksang "Epekto ng Bagong Normal na Sistema ng

Edukasyon sa mga mag-aaral ng ika-11 Humanities and Social Sciences 2 ng First City

Providential College sa taon ng pag-aaral 2020-2021" ay naglalayong sagutin ang mga

sumusunod na suliranin:

1. Ano ang Epekto ng Bagong Normal na Sistema ng Edukasyon sa mga mag-aaral ng

ika-11 Humanities and Social Sciences 2 ng First City Providential College sa taon ng pag-aaral

2020-2021?

2. Paano nakakaapekto ang nasabing bagong normal na sistema ng edukasyon?

3. Ano ang naging mabuti at masamang epekto nito?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay kapakipakinabang sa pagtukoy ng epekto ng bagong normal

na sistema ng edukasyon sa mga mag-aaral ng ika-11 Humanities and Social Sciences 2 ng First

City Providential College.

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

 Mga mag-aaral ng Humanities and Social Sciences

Matukoy ang magandang epekto na hatid ng bagong normal na sistema

ng edukasyon.

 Mga magulang

Matukoy ang mga dapat gawin sa panahon ng bagong normal na sistema

ng edukasyon.
 Mga Guro

Matukoy ang mga pamamaraan na dapat gampanin sa panahon ng

bagong normal na sistema ng edukasyon.

 Mga susunod na mananaliksik

Mapalawak ang kaalaman sa kanilang pananaliksik na maaaring

makapag-ambag sa kasalukuyang lipunan at sa susunod.

Saklaw at Delimitasyon

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay ang kapaki-pakinabang sa pagtukoy ng bagong normal

na sistema ng edukasyon sa bawat mag-aaral.

Kahulugan ng mga Katawagan

● Pneumonia (Pulmonya) - Ang pulmonya ay isang pamamaga na kondisyon ng baga

na pangunahing nakakaapekto sa mga mikroskopikong air sac na kilala bilang alveoli. Ito ay

karaniwang sanhi ng impeksiyon sa mga birus o bakterya at sa hindi masyadong karaniwang mga

mikroorganismo, ilang mga gamot at ibang mga kondisyon tulad ng mga sakit na sanhi ng pag-

atake ng sistema ng resistensiya sa katawan.

● General Fund – Pondo

● Scholarship Program – Programa sa mga iskolorsip

● Modular learning - Ang module ay nakalimbag o printed na materyal na katumbas ng

isang aralin o leksyon sa isang asignatura.


● New normal – Kung saan ang pag-aaral ng bawat estudyante ay nasa module na

lamang na ipamimigay na lamang ng kani-kanilang mga guro sa kani-kanila ring mga

magulang.

● Laptop - Isang computer na idinisenyo para sa portability.

● Machine - Isang mekanikal o de-kuryenteng bagay ng naglilipat o nagbabago ng

enerhiya upang makagawa o makatulong sa mga gawain ng tao.

You might also like