You are on page 1of 24

PAGDAMPI NG MASKARA: ISANG PAG-AARAL SA KUNG PAANO MINASKARA

NI CORONA ANG POSISYON NI JUAN SA GITNA NG FLEXIBLE LEARNING

Isang Pamanahong Papel na Ipinasa kay

FREDIELYN PONTEMAYOR

Departamento ng Edukasyon

Pamantasang Gitnang Mindanao

Bayan Pamantasan, Musuan,

Maramag Bukidnon

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan sa Asignaturang

Filipino 95 (Introdukyon sa Pananaliksik, Wika at Panitikan)

Nina
Caparida, Julius Ceasar
Galas, Aljon
Golez, Thrixie Mae Isobelle
Putol, Jaymar
Sapanta, Daryl Mae
Velasquez, Arman Jay

Mayo 24, 2021

1
ABSTRAK

Kaakibat ngayon ng sistema ng edukasyon ang paglitaw ng nakaaalarmang Covid-19, na


siyang dahilan kung bakit malaki ang naging pagbabago sa larangan ng edukasyon sa Pilipinas.
Lahat ay apektado hindi lamang ang mga pamumumuhay ng mga Pilipino kung hindi pati na rin
ang karapatang pang-edukasyon ng mga estudyante. Kasabay nito, umusbong ang iba’t ibang
balita na siyang pinagkukunan ng impormasyon ng mga mamamayan kaugnay sa pandemyang
kasalukuyang dinaranas. Nasilayan natin kung paano minaskarahan ni Corona ang posisyon ni
Juan sa gitna ng blended learning. Subalit ang tanong, may nagbago ba? Maaaring sa paulit-ulit na
takbo ng isyu, mayroon. Maging sa pagtingin natin sa paraan ng pagpapakilala sa atin ng mga isyu,
mayroon din. Ang gawing ito ay may kalakip na konsepto na para sa isyung tumutulong sa mga
tao sa pagbuo ng opinyon tungkol sa mga bagay-bagay. Sa pag-aaral na ito, nais masagot ng mga
mananaliksik ang mga suliraning sumusunod: a. paano kaya kumukuha ng mga ideolohiya na may
direktang kaugnayan sa pagmamasid sa iba, sa konteksto ng pakikisalamuha gamit ang social
media ang bawat estudyanteng na Pilipino? b. ano ang karanasang napagdaanan at kasalukuyan
nilang pinaglalabanan sa kabila ng pandemya; at c. Paano kaya minaskara ni Corona ang posisyon
ni Juan sa gitna ng flexible learning. Kung kaya, nilalayon din ng pag-aaral na ito na: (1) Makita
ang kaalaman ng indibidwal na pagkuha ng ideolohiya na maaaring direktang may kaugnayan at
impluwensiya sa labas ng media gamit ang lexicalization at Socio-Cognitive approach; (2)
Malaman ang karanasan ng mga estudyanteng Pilipino sa pag-usbong ng flexible learning gamit
ang Tranitivity Analysis at; (3) Matukoy kung paano minaskara o naging bias ang pagbabalita
hinggil sa flexible learning.
Sa pagsasagawa ng pag-aaral, gagamitan ito ng Input-process-output model. Ang kuwadro
ng proseso ay tumutukoy sa mga hakbang ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos
saklaw ang mga mapagkakatiwalaang Online News Portals (Inquirer at Manila Times) Ang
awtput o kinalabasan na kuwadro ay sumasaklaw sa mga salitang binigyang koneksyon sa iba’t
ibang salik ng isyu sa kasalukuyan (Flexible Learning). Sa paglalatag sa mga nalikom na datos,
pagbibigyan ng kaakibat na pag-aanalisa ang bawat salik na may kaugnayan sa isyung Flexible
Learning—bilang pangunahing paksa ng mga Ulo ng mga batitang pagbabasehan (Headlines).
Ang mga salik na nalikom ay ang mga sumusunod: a.) Mental Health b.) Government c.)
Institution d.) Distance Learning e.) Internet Connection f.) Positive Effects of Flexible Learning
g.) Education h.) Negative Effects of Flexible Learning.
Mga susing salita: flexible learning, transitivity analysis, corona, lexical theory, socio-cognitive
approach

2
INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pag-aaral

Kaakibat ngayon ng sistema ng edukasyon ang paglitaw ng nakaaalarmang Covid-19, na

siyang dahilan kung bakit malaki ang naging pagbabago sa larangan ng edukasyon sa Pilipinas.

Lahat ay apektado hindi lamang ang mga pamumumuhay ng mga Pilipino kung hindi pati na rin

ang karapatang pang-edukasyon ng mga estudyante. Iba’t iba ang naging paraan ng mga paaralan

at unibersidad sa Pilipinas upang matugunan ang problemang umusbong dahil sa virus na kumalap

sa ating lipunan. Kasamang ipinatupad ng mga opisyales ng edukasyon at ng gobyerno ang

tinatawag na “new normal classes”. Ito ang kanilang plano sa pagpapatuloy ng klase sa

pamamagitan ng isang “blended learning” na binubuo ng online learning kasabay ng pabibigay ng

mga modyul. Subalit kasabay pa rin dito ang iilan sa mga pagsubok na kinakaharap hindi lamang

ng mga paaralan at guro kun hindi pati na mismo sa mga estudyante. Marami ang hindi sumang-

ayon dito lalong-lalo na ang mga estudyante na malapit nang makapagtapos at magsagawa ng OJT,

ngunit habang ang banta ng corona virus ay malaki pa, wala silang magawa kung hindi sa internet

na lamang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Masakit isipin ang katotohanan na maaaring maraming mga estudyante ang mapag-iiwanan

sa edukasyon dahil sa kakulangan ng mga kagamitan dahil nga ipinagpatuloy ang bagong sistema.

Sa kabila ng pagsisikap ng mga opisyales ng edukasyon at ng gobyerno na makapagbigay ng

dekalidad na edukasyon sa bagong sistema, marami pa ring problemang nagsisipagsulputan.

Kabilang sa mga problemang ito ay ang diskriminasyong nagaganap sa mga estudyanteng may

sapat na kagamitan at sa mga estudyanteng naghihikahos sa buhay, kahinaan ng internet

connection, kakulangan ng mga modyul at walang kasiguraduhan sa pag-unlad ng karunungan ng

mag-aaral.

3
Marami sa mga Pilipino ang hindi kumbinsido sa bagong pamamaraan ng pagbibigay ng

edukasyon sa mga bata, marami sa kanila ang hindi maiwasang maglabas ng hinanaing ukol dito

at iginigiit na ito ay matatawag na “anti-poor” na aksyon. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na

pinagdadaraanan ng mga mag-aaral, nagsusumikap pa rin silang malampasan ito sa kadahilanang

may mga pangarap sila sa buhay.

Ayon kay (Mantes, Ira) isang mag-aaral sa isang unibersidad sa Manila “Mahalagang

ipagpatuloy ang pag-aaral sa gitna ng pandemya dahil bilang mag-aaral na may malaking

pagpapahalaga sa edukasyon, tinitingnan ko ito bilang hakbang para umunlad ang aming

pamumuhay. Hindi sapat na rason ang pandemya para matigil ang ating pagkatuto,” Noon pa man

ay masasabing buhol-buhol na ang mga problema sa edukasyon sa ating bansa ngunit mas

nadagdagan pa ang mga problemang ito sa panahong ating kinakaharap ngayon.

Hindi masukat kung gaano kalaki ang epekto sa pamumuhay ang pandemyang Covid-19.

Lahat tayo, ang buong mundo ay nahihirapan sa sitwasyon, subalit ang pag -aaral o pagkatuto ay

hindi dapat isawalang bahala na lamang. Karapatan ng mga kabataan na makapag-aral. Bagaman

nakalulungkot ang pagdating ng virus na ito at ang pagbabago ng ating nakagawiang sistema ng

edukasyon. Hindi ito ang panahon para huminto sa pagsusumikap na makapagtapos at makakuha

ng dekalidad na edukasyon sa gitna ng pademyang ating nararanasan. Ang pinakamalaking

ambisyon sa panahong ito ay maibalik ang dating kalidad at sistema ng pag-aaral.

Sa pag-aaral na ito, nais masagot ng mga mananaliksik ang mga suliraning sumusunod: a.

paano kaya kumukuha ng mga ideolohiya na may direktang kaugnayan sa pagmamasid sa iba, sa

konteksto ng pakikisalamuha gamit ang social media ang bawat estudyanteng na Pilipino?; b. ano

ang karanasang napagdaanan at kasalukuyan nilang pinaglalabanan sa kabila ng pandemya; at

c.paano kaya minaskara ni Corona ang posisyon ni Juan sa gitna ng flexible learning.

4
Nilalayon din ng pag-aaral na ito na:

1. Makita ang kaalaman ng indibidwal na pagkuha ng ideolohiya na maaaring direktang may

kaugnayan at impluwensiya sa labas ng media gamit ang lexicalization at Socio-Cognitive

approach;

2. Malaman ang karanasan ng mga estudyanteng Pilipino sa pag-usbong ng flexible learning

gamit ang Tranitivity Analysis at;

3. Matukoy kung paano minaskara o naging bias ang pagbabalita hinggil sa flexible learning.

5
KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Ang pag-aaral na ito ay nakasentro sa isang isyung panlipunan ng Pilipinas. Susuriin sa

pag-aaral na ito ang mga paraan ng paggamit ng iba’t ibang online news porta/website sa wika

upang makagawa ng espisipikong ideolohiya mula sa pagpili at maging sa kahulugan ng mga salita

na nakabaloob sa mga headlines.

Sa pagsasagawa ng pag-aaral, gagamitan ito ng Input-process-output model. Ang kuwadro

ng proseso ay tumutukoy sa mga hakbang ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos

saklaw ang mga mapagkakatiwalaang Online News Portals (Inquirer at Manila Times) Ang

awtput o kinalabasan na kuwadro ay sumasaklaw sa mga salitang binigyang koneksyon sa iba’t

ibang salik ng isyu sa kasalukuyan (Flexible Learning).


INPUT PROCESS OUTPUT

Pagkalap ng mga ✓ Thematical Approach ✓ Mga salitang binigyang


datos gamit ang mga Ulo ng - isang dulog na kung koneksyon sa iba’t
balita sa iba’t ibang sikat na saan ay nakatuon sa ibang salik ng isyu sa
online News portals/ Websites isang espisipikong tema kasalukuyan.
(Inquirer.net at Manila Times) upang maging mas
sa bansa sa Wika upang madali ang
makagawa ng ideolohiya mula pagbibiibgay-turing sa
✓ Ideolohiya patungkol sa
sa pagpili, dalas ng paggamit mga datos. bagong sistema ng
at pagpapakahulugan ng mga ✓ Lexicalization edukasyon dahil sa
salitang inilagay sa mga - Susuriin ang paggamit ng aspetong direktang
Headlines na may kaugnayan mga salita upang makabo nakakaapekto rito at sa
sa Flexible Learning. ng ideolohiya para sa mga gumagamit.
isang bagay.
Nararapat na ang mga
✓ Socio-Cognitive Approach ✓ Karanasang
datos ay may kaugnayan sa:
- paglikha ng mga pinapahiwatig ng mga
a. Bagong sistema ng ideolohiya na kung saan salitang ginamit sa mga
edukasyon sa gitna ng ito ay nagtatatag ng
balita. (Process Type)
pandemya. koneksyon sa pagitan ng
b. Karanasan ng mga ideolohiya at pag-uugali.
mag-aaral at mga guro ✓ Transitivity Analysis ✓ Malaman kung alin sa
hinggil sa bagong - Susuriin ang kinalabasan dalawang Online News
sistemang pang- ng lexicalization upang Site ang kakikitaan na
edukasyon makita ang bias o nagmamaskara
c. Resulta ng bagong representasyon ng sa mga Headlines na
sistemang pang- karanasang may kaugnayan sa
edukasyon sa iba’t pinapaihiwatig ng isang bagong sistema
6 ng
ibang aspekto. salita. (Process Type) edukasyon.
Makikita sa pigura sa itaas ang tatlong mga kuwadro na magiging daloy sa kabuoan ng

pag-aaral na ito. Ang unang kuwadro ng paghahanda na balankas ay ang nais na makamit na datos

ng mga tagapagsaliksik. Mga karaniwang ginagamit, dalas ng paggamit at kahulugan ng mga salita

na makukuha sa iba’t ibang online portal. Ang prosesong balangkas naman ay tumutukoy sa mga

hakbang na gagawin ng mga mananaliksik kung saan nanininwala sila na ito ang epektibong

paraan sa pagkalap ng datos saklaw ang iba’t ibang proseso ng mga nakalap na resulta. At bilang

panghuli, ang kinalabasang balangkas ay sumasaklaw sa implikasyon ng mga nakalap na datos.

ANG PAGMAMASKARA: METODOLOHIYA AT TEORYA

Maraming pamamaraan upang matumo kung naging makabuluhan ba ang pagbabalita ng

online media hinggil sa usaping blended learning o flexible learning sa gitna ng umaatikabong

paglaganap ng COVID-19. Maaaring timbangin ang bilang ng mga isyung may negatibong

konotasyon o maaari ring siyasatin ang dahilan nito. Subalit kung malaman man natin kung sa

anong anggulo ang lumutang, hindi pa rin ito sapat na dahilan para matamo natin kung ano ang

persepsyon na mayroon ang mamamayang Pilipino sa bawat salik ng isyu ng blended learning.

Maaari nating mahinuha ang posisyon nila subalit hindi ang nakatagong konteksto nito.

Dahil sa pamdemya, umiikot ang mundo ng tao sa internet, kung kaya pinili ang dalawang

online news site na Inquirer.net at The Manila Times sapagkat ang dalawang news site na ito ang

siyang nangunguna sa mga mamamayang Pilipino na mapagkukunan ng balita ukol sa

kasalukuyang mga pangyayari. Sa paggamit ng Thematical Approach, Transitivity Analysis at

Lexicalization bilang metodolohiya ng pagsusuri, hindi lamang panlabas na anyo ng balita ang

maipakikita ng pag-aaral—makikita natin ang loob at lawak ng bawat sangkap nito. Sa tulong ng

dalawang lapit, matutukoy kung nagkaroon ng master symbol ang mga salik ng isyu sa

pamamagitan ng paglalarawan o pagmomodipika ng flexible learning sa mga baryabol nito. Ang

7
master symbol ay tinukoy ni Harold Lasswell bilang isang bagay na may kakabit na katangiang

nagpapasiklab ng ating emosyon. Nakakamit ang ganitong estado ng simbolismo sa pamamagitan

ng makailang ulit na pagbababad sa atin ng iisang kahulugan para sa bagay. Dahil sa konsepto at

emosyong naihahatid sa atin ng mga master symbols, nakalilikha ito ng dahilan para kumilos ang

isang tao ayon sa kung paano idinikta ang kahulugan nito at emosyong dapat niyang maramdaman

sa bagay (Baran at Davis, 2010).

Upang makalikha ng master symbol, kinakailangan ng matalinong paggamit ng wika.

Kinakailangan ang kahulugan ng mga salitang ikinakabit sa isang bagay upang makabuo ng isang

konsepto para rito. Subalit hindi lamang nakaangkla sa pangkalahatang kahulugan ng pangungusap

ang ibig sabihin nito sapagkat maituturing na dinamiko ang wika. Maaaring maisilang pa ang higit

sa iisang kahulugan ang pangungusap depende sa pagkakabuo nito (Eggins, 1994). Kaya malaki

ang maitutulong ng lexicalization upang magisa ang konstruksyon ng isyu at ng master symbol.

Ang lexicalization ay ang susuri sa paggamit ng salita upang makabuo ng isang partikular na

ideolohiya para sa isang bagay. Ang mga lexical item ay bumubuo ng partikular na mga

representasyon sa ideolohiya ng mga karanasan o pangyayari. Bukod sa eksperimentong ito, ang

bokabularyo ay nagpahayag ng kahalagahan sa negatibo o positibong ebalwasyon ng mga aksyon,

kalahok, at kaganapan. Samakatuwid, ang istruktura ng bokabularyo ay maaaring ituring na batay

sa ideolohiya. Ang pagpili ng mga kahulugan sa pamamagitan ng lexicalization ay isa sa mga

pangunahing sukatan ng mga balita na minaskara sa pamamagitan ng ideolohiya. Ang sentro nito

ay ang kahulugan ng salita batay sa pagkakagamit (Jahedi at Abdullah, 2012; Guinto, 2013). Gamit

ang lexicalization, malalaman kung paano inilarawan ang blended learning, paano dumampi and

maskara ni Corona at paano minaskara ang posisyon ng mamamayang Pilipino sa gitna ng blended

learning. Ibig sabihin, bibigyan ng mga pagpapakahulugan ang mga salik ng Isyu na nabuo ng mga

8
mananaliksik base sa isyung may kaugnayan sa blended o flexible learning. Ang mga salik ng Isyu

ay ang mga sumusunod: : a.) Mental Health b.) Government c.) Institution d.) Distance Learning

e.) Internet Connection f.) Positive Effects of Flexible Learning g.) Education h.) Negative Effects

of Flexible Learning.

Ang mga isyung nabanggit ay pagbibigyan ng mga kaakibat na pagpapakahulugan base sa

dulog Lexicalization. Samantala, ginamit naman ang Transitivity bilang pagsusuri at beripikasyon

ng kinalabasan ng lexicalization. Ang Transitivity Analysis ay naglalayong maipakita ang

representasyon ng karanasang maipahihiwatig ng isang salita (Cunanan, 2011). Sa aspetong ito,

bibigyan ng paglilinaw ang karanasang hatid ng mga salitang makukuha sa proseso ng

Lexicalization sa pamamagitan ng pagklasipika gamit ang transitivity analysis na may kaakibat na

pagkakakilanlan sa bahaging Process Type (Material, Mental, relational, Behavioral, Verbal and

Existential) ng nasabing dulog. Ang pagpili sa pagitan ng proseso na nabanggit ay may epekto sa

katotohanang hatid ng isang balita, at ang gayong mga pagpipilian ay ideolohikal dahil ang

lubhang paggambala ng ahensiya sa sumulat ng balita ay nagbubunga ng pag-alis ng mga

katangian ng sanhi, katotohanan at responsibilidad. Sa ganitong paraan, makikita at malalaman

kung paano isinali ng mga manunulat ng balita ang kanilang sariling karanasan na paglalarawan

sa katotohanan. Dito, malalaman natin kung talaga bang pinanindigan niya bilang isang manunulat

ang tinatawag na 'the journalistic news value of objectivity.’

Ayon kay Halliday may anim na iba't ibang uri ng proseso na kung saan ay ang mga

sumusunod: material, mental, relational, behavioral, verbal, and existential process. Makikita sa

talahanayan 1 sa ibaba ang process types, category meaning at ang participants.

9
Tahayanayan 1. Process Types

Process Types Category Meaning Participant

Material: „doing‟ Actor, Goal

action „doing‟

event „happening‟

Behavioral „behaving‟ Behaver

Mental: sensing‟ Senser,

perception „seeing‟ Phenomenon

cognition „thinking‟

desideration „desiring‟

emotion „liking‟

Verbal „saying‟ Sayer, Target

Relational: „being‟ Carrier, Attribute,

attribution „attributing‟ Identified, Identifier

identification „identifying‟

Existential „existing‟ Existent

10
PAGLALAHAD NG MGA DATOS

Sa paglalatag sa mga nalikom na datos, pagbibigyan ng kaakibat na pag-aanalisa ang bawat

salik na may kaugnayan sa isyung Flexible Learning—bilang pangunahing paksa ng mga Ulo ng

mga batitang pagbabasehan (Headlines). Ang mga salik na nalikom ay ang mga sumusunod: a.)

Mental Health b.) Government c.) Institution d.) Distance Learning e.) Internet Connection f.)

Positive Effects of Flexible Learning g.) Education h.) Negative Effects of Flexible Learning.

Makikita sa Talahanayan 2 ang mga ideolohiya na nakuha base sa isinagawang pag-

aanalisa ng mga mananaliksik gamit ang Thematical Approach (Braun at Clarke) isang dulog na

kung saan ay nakatuon sa isang espisipikong tema upang maging mas madali ang pagbibibgay-

turing sa mga datos. Sa kabilang banda, isinali rin ang Socio- Cognitive approach sa paglikha ng

mga ideolohiya na kung saan ito ay nagtatatag ng koneksyon sa pagitan ng ideolohiya at pag-

uugali. Dahil ang isa sa pokus ng pag-aaral na ito ay makita ang kaalaman ng indibiduwal sa

pagkuha ng ideolohiya na maaaring direktang may kaugnayan sa pagmamasid sa iba, sa konteksto

ng pakikisalamuha, karanasan, at impluwensya sa labas ng media. Gayunidin, makikita sa

talahanayan ang process type na ginamit sa bawat salik ng isyu na matatagpuan sa paraan ng

pagkilos na ginawa o binigyang koneksyon sa salik. Sa huling bahagi ng talahanayan, na kung

saan makikita ang Process Type base sa Transitivity analysis, ibig sabihin ay naglalayong

maipakita ang representasyon ng karanasang maipahihiwatig ng isang salita (Cunanan, 2011). Sa

aspetong ito, bibigyan ng paglilinaw ang karanasang hatid ng mga salitang makukuha sa proseso

ng Lexicalization sa pamamagitan ng pagklasipika gamit ang transitivity analysis na may kaakibat

na pagkakakilanlan sa bahaging Process Type (Material, Mental, Relational, Behavioral, Verbal

and Existential) ng nasabing dulog.

11
Talahanayan 2. Mga Salik ng Flexible Learning sa Online News Media

News Sites Ulo ng mga Salik ng Isyu Ideological Concepts

Balita

(Headlines)

“Flaws aside, Trauma

Inquirer.net online learning Mental Health Less confidence, nervousness, panic,

takes toll on depression

student’s Mental

Health”

“Low achieving Student/Teachers Loyalty, availability of

students benefit Distance internet connection, easy access of

most from Learning learning materials, many sources of

COVID-19 online information, student’s adaptability,

switch” flexible ways to learn

“PH Lags Late submission of requirements, poor

behind in acting Internet performance of students in rural areas,

on Remote Connection high rate of unenrolled students.

Learning

problems amid

pandemic.”

“PMA top Learning is possible, hope, acquiring

graduates: digital skills, chance to do more, learn

Pandemic taught self-discipline, self-love, responsible.

12
us to offer Positive Impacts

more.” of Flexible

Learning

“Flexible

Manila Times Learning is a Government Trouble Maker, unsupportive, no

Government consideration, headache

made Disaster”

“Students in Not rational thinkers, lack of

online class, the Institution consideration to students’ situations,

silent victims of torturous, implanting uneasiness to

educational students.

institutions

policies?”

“Distance Affliction from distance learning, not

Learning not Negative Effects good, not effective, disadvantage for

Working” of Flexible students, learning is NOT possible,

Learning unproductive, will not boost students’

skills, it will result to negative,

Difficulties.

“Education think Educational crisis, brain drain

tank bats for law Education phenomenon, lack of opportunities for

institutionalizing growth, not qualify, not enough, low

quality education, lack of readiness,

13
online

Learning”

PAGSUSURI: LEXICALIZATION AT SOCIO-COGNITIVE APPROACH

Bagama’t nakasentro ang usaping ito sa Flexible Learning o ang bagong sistema ng

edukasyon ng bansa dahil pandemya. Hindi ito ipinakilala gamit ang tunay na kaligiran ng termino

bagkus ay minaskara ito ng masamang konotasyon ng mga Ulo ng Balita o Headlines. Hindi natin

maitatanggi na halos negatibo ang naging resulta sa bagong sistema ng edukasyon. instructional

modality at the height of COVID-19”oo sa panahon ng pandemya sa kasalukuyang panahon ang

FL ay ang siyang nagsisilbing daluyan ng talakayan ng mga estudyante at mga guro sa kanilang

mga paksa na dapat isinasagawa sa klasrum dahil sa paglago ng teknolohiya ay naging kaparaanan

ito na maipagpatuloy parin ang akademikong larang ng mga estudyante sa kabila ng balakid sa

problemang kinakaharap ng mundo, di mahihinto ang pagkatuto ng isang mag-aaral kaya mas

napaigting ang paggamit ng FL, di naman bago ang FL noon pama’y ginagamit na ito ngunit sa

ngayon ay halos lahat ng Kolehiyo at unibersidad sa bansa ang siyang gumagamit ng ganitong

daluyan sa pagsasagawa ng klase nila. Walang kasiguraduhan na tiyak at isang daang porseyento

na handa ang lahat sa bagong kaparaanang ito sapagkat batay pag-aaral ni (Sahu, 2020) “many

universities and colleges are not equipped with infrastructure that facilitates online teaching, and

students do not have access to computer hardware and internet services “ di naging handa ang

Departamento ng Edukasyon maging ang CHED sa pamamaraang FL kung kaya ang kakulangan

ng mga nasabing kagamitan ang siyang nagiging hadlang na maging mas epektibo pa ang

pagpapatupad ng FL sa bansa. Ngunit sa kung iisping mabuti, hindi na rin makikitaan ng tunay na

halaga kung ang mga positibong aspeto ng Flexible Learning kung patuloy itong minamaskara ng

14
mga Online News Sites. May kakaunting importansya ang kaisipan ng mga termino sa mga

nagbabasa nito lalo na sa mga headlines, kung kaya’t nababad ang kaisipan ng mga mambabasa sa

mas nangingibabaw na pagpapakahulugan at ginamit na mga salita sa sa Headlines na kanilang

nababasa. Sa kabilang banda, ayon kay Castillo 2015, ang pokus ng lexicalization ay ang

kahulugan ng salita batay sa pagkakagamit nito. Mayroong mga salitang sinadyang isali sa isang

partikular na texto halimbawa sa pananaliksik kung saan gumagamit ng talinghaga ang mga

tagasaliksik upang makakuhang atensyon sa mga mambabasa. Sa unang pagbasa ng mga readers

sa mismong headline ay meron na agad itong impak sa kanila. Ang bawat salitang makikita sa

pamagat ay hindi lamang matatawag na display kundi may kanya-kanya itong mensaheng

ipinapaabot. Sa pag-aaral na ito ay ipamamalas ang makabuluhang paggamit ng mga talinghagang

salitang nakapaskil sa headlineat ipaliliwanag kung paano minanipula ng nasabing lexicalization

ang pagpapakahulugan sa mga ito.

Ang pag-uulit sa pagbabanggit ng Flexible Learning/Blended Learning/ Remote

Learning/Distance Learning o kaya’y Online Class ay magmamarka ng negatibong paglalarawan

sa isipan ng bawat tao at ang nakasanayang “Palpak na sistema” ang siyang magiging master

symbol na may masamang konotasuon. Imbis na makilala ng mga mambabasa ang tunay na

kahulugan ng Flexible Learning, namulat ang mga mambabasa sa ideolohiyang ibinigay ng mga

Online News sa isyung ito. Nalilimitahan ng mga pagpapakahulugan ng mga News Site na ito sa

kung ano ang Flexible Learning kung kaya maaaring may bahagi ng termino ang maging lingid sa

kaalaman ng mambabasa. At sa huli, maaaring makondisyon na ang pananaw ng mambabasa sa

bahaging binigyang-diin ng News Sites.

Ang pagpili ng mga salita ay mahalaga sa pagbibigay ng mga mambabasa na may mga cue

para sa pagbibigay-kahulugan sa mga pangyayari. Mailalarawan nito kung paano natin nadarama

15
ang mga kilos at layunin ng mga kalahok sa mga pangyayari, at sa gayon ay maipakita ang

mensaheng nilayon ng tagagawa ng tekstong nilayon upang matanggap ng mga mambabasa. Ang

mga lexical item ay bumubuo ng partikular na mga representasyon sa ideolohiya ng mga karanasan

o pangyayari.

Ang isang hindi pangkaraniwang mataas na antas ng pagsasalita, madalas na

kinasasangkutan ng mga cluster ng mga kaugnay na mga tuntunin na malapit sa synonyms,

nangyayari, ito ay magigig overwording o overlexicalization madalas ay nagpapahiwatig ng isang

mahalagang konsepto na nagbibigay ng ilang mga paraan ng produkto ng mga salita (Feorlough

1989; Fowler 1991). Sa unang salik mapapansin natin sa unang Headline mula sa Inquirer.net na

may kaugnayan ito sa salik ng isyu bilang kabuuang tema sa nasabing headline. Gamit ang Socio-

Cognitive approach, masasabi natin na overwording ang pagkakagamit ng salita bilang

paglalarawan sa mental health. Kaugnay nito, gamit ang mga anunang salita sa Headline,

mabibigyan agad ng negatibong ideolohiya sa pamamaraan ng paggamit ng salitang “Flaws” na

siyang itinuturing sa Online Class/ Flexible Learning, kaakibat nito ang pagbibigay hinaing na ang

kabayaran sa palpak na sistema ay ang pagkaapekto sa mental health ng mga mag-aaral. Sa

ikalawang bahagi ng talahanayan, makikita ang iba’t ibang ideolohiya na nakuha dahil sa salik at

headlines na ibinahagi ng News Site. Sa kasunod na mga salik positibo ang naging pananaw ng

News Site sa Flexible Learning, ngunit ang naging kamalian lang ay ang paggamit ng “Low” sa

paglalarawan sa mga estudyante. Kung pagbibigyan ito ng kaakibat na ideolohiya, unang papasok

sa isipan ng nakararami ay ang pagiging mababa sa aspeto ng kakayahan o katalinuhan ng isang

mag-aaral. Sa kabilang banda, maayos ang naging pananaw sa aspetong ito ng headline sapagkat

ito ang siyang nagpapakita na may mga psoitibong paglalarawan o depinisyong kaakibat pa rin

ang Flexible Learning. Kaugnay nito, naging positibo rin ang pananaw ng Inquirer.net sa ikaapat

16
na headlines “Pandemic taught us to offer more” direkta itong mapagbibigyan ng positibong

ideolohiya ng mga mamababasa dahil sa mga salitang ginamit ng Inquirer.net. Halimbawa ng

ideolohiyang maiisip ng mga mambabasa na sa Flexible Learning possible pa rin ang pagkatuto at

pagtuturo. Ito rin ang magbibigay ng isang ideolohiya na may kaakibat na positibong resulta ang

bagong sistema, sapagkat ito ang maghihikayat sa mga mag-aaral na matuto sa sarili nila (Self-

descipline).

Sa kabilang banda, kung pag-uusapan ang mga Headlines na ginamit ng Manila Times,

mapapansin na malaki ang minaskara nila sa paglalarawan sa Flexible Learning. Ito ang siyang

magiging dahilan upang tunay na matakpan ang depinsiyon at maging sariling karanasan sa mga

estudyante at guro na kasalukuyang niraranas ang ganitong sistema ng edukasyon, Mapapansin sa

salik na Pamahalaan o Government, sa headline ginamit ang salitang “Disaster” na ang

pamahalaan ang nagbigay nito sa mga kasalukuyang nakararanas ng bagong sistemang pang

edukasyon. Kung pagbibigyan ito ng ideolohiya gamit ang Socio-Cognitive Approach, masasabi

natin na malaki ang naging kamalian sa paggamit ng salita. Maitatanto ng nakararami na sobrang

negatibo at masama ang epekto ng Flexible Learning. Mahihinuha ng ng mambabasa na sutil ang

pamahalaan o di kaya’y nagbibigay ng sakit sa ulo dahil sa pagpapatupad sa bagong sistemang

pang-edukasyong ito. Bukod pa irot, ang paglalarawan sa mga mag-aaral bilang “silent victims”

ang isa rin sa kamalian ng Manila Times, sapagkat nakatatak na sa isipan ng nakararami ang

kahulugan ng salitang “victims” ito ay maaaring biktima ng isang malalang krimen o iba pang

masalimuot na pangyayari. Sa mga aksunod na headlines ang paggamit ng mga salitang “Distance

Learning is not working” ay makapagbibigay ideolohiya ng kawalan ng pag-asa sa bagong

sistema. Kung susuriing mabuti, ang mga salitang ginamit nga Manila Times sa kanilang Headlines

ay talaga namang masasabing Overlexicalization o Overwording sapagkat bawat mambabasa ay

17
mahihinuha ang ibang pagpapakahulugan dito. Ang pagpili ng salitang gagamitin ay lubhang

napakaimportante sapagkat makapgbibigay ito ng iba;t ibang kahulugan depende sa mga salik o

aspetong nakaiipluwensiya sa mga pangyayaring panlipunan at ito ay habang buhay nang tatatak

sa isipan ng mga mambabasa.

PAGSUSURI: TRANSITIVITY ANALYSIS (Process Type)

Talahanayan 3: Online News Sites Process Type Interpretation

Headlines Participant Category meaning Process Types

“Flaws aside, online Flaws aside, online Takes toll On students mental

learning takes toll on learning health

student’s Mental SENSER SENSING MENTAL

Health”

“Low achieving Low achieving Benefit most From COVID-19 switch

students benefit most students RELATIONAL/VALUE

from COVID-19 TOKEN IDENTIFYING

online switch”

“PH Lags behind in PH lags Behind acting On remote learning

acting on Remote problems amid pandemic

Learning problems EXISTENT EXISTING EXISTENTIAL

amid pandemic.”

“PMA top PMA top graduates Pandemic taught us To offer more

graduates: Pandemic ACTOR MATERIAL MATERIAL/GOAL

18
taught us to offer

more.”

“Flexible Learning is Flexible learning Is A government made

a Government made disaster

Disaster” TOKEN IDENTIFYING RELATIONALVALUE

“Students in online Students in online The silent victims Of educational

class, the silent class institution policies

victims of ACTOR MATERIAL/GOAL

educational MATERIAL

institutions

policies?”

“Distance Learning Distance learning Is Not working

is not Working” TOKEN IDENTIFYING RELATIONAL/VALUE

“Education think Education Think thank bats for Law institutionalizing

tank bats for law online learning

institutionalizing EXISTENT EXISTING EXISTENTIAL

online Learning”

Sa Talahanayan 3 makikita ang interpretasyon sa mga process types ng headlines na mula

sa pinagkunahang online news sites na Inquirer.net at The Manila Times. Mapapansin din dito na

may apat na kulay, ang bawat kulay ay may nirerepresentang diwa at pagpapakahulugan: itim- ulo

ng mga balita, pula- participant o kung sino at ano ang gumaganap, asul- category meaning, at

berde- process type o kung anong tipo ito ng proseso. Ang material at relational/value process ang

19
nangunguna sa mga proseso sapagkat kakikitaan na ang flexible learning ay ramdam ng bawat

mamamayang Pilipino sa kadahilanag may relasyon ito sa kasalukuyan nating dinaramdam na

pandemya. Mapapansin din dito kung paano nangyari ang mga bagay-bagay. Ito ay sinundan

naman ng existential process na nagpapahiwatig na tunay ngang umiiral at nangyayari ang positibo

at negatibong epekto ng flexible learning sa kabila ng pandemya. Panghuli ang mental process na

nagpapahiwatig na naaapektuhan nga ang ating kamalayan. Ang unang apat na headlines ay mula

sa Inquirer.net at ang natitirang apat naman ay mula sa The Manila Times. Sa kabuaon, sa kabila

ng mga proseso at sa pagkuha ng pagpapakahulugan, kakikitaan din dito na iilan sa ulo ng mga

balita na mula sa The Manila Times ay bias sa paglalahad ng ideya at impormasyon. Hindi

maitatanggi, base sa naging resulta gamit ang dulog transitivity na may kaukulang pagkukulang

ang The Manila Times sa paglalahad ng mga Ulo ng balita na siyang naging dahilan upang

masabing bias ang naturang News Website. Sa unang bahagi pa lang ng paglalahad at

interpretasyon ng mga mananaliksik sa datos, mapapatunayan na minaskara ng The Manila Times

ang tunay na kahulugan ng Flexible Learning na siyang magdudulot ng pagpasok ng maling

kaisipan sa bawat makababasa sa mga nasabing headlines.

NAIDAMPI NA ANG MASKARA: LAGOT KA!

Nasilayan natin kung paano minaskarahan ni Corona ang posisyon ni Juan sa gitna ng

blended learning. Subalit ang tanong, may nagbago ba? Maaaring sa paulit-ulit na takbo ng isyu,

mayroon. Maging sa pagtingin natin sa paraan ng pagpapakilala sa atin ng mga isyu, mayroon din.

Ang gawing ito ay may kalakip na konsepto na para sa isyung tumutulong sa mga tao sa pagbuo

ng opinyon tungkol sa mga bagay-bagay. Ayon kay Norman Fairclough (1993, binanggit ni Jahedi

at Abdullah, 2012), nabubuo ang opinyon o posisyon ng tao sa mga isyu sa tulong ng midya hindi

lamang dahil sa ito ay naghahatid ng impormasyon sa lipunan kung hindi dahil nakapagbubuo ito

20
ng mga social entities at relasyon na may dominanteng anggulong tinatalakay. Nagreresulta ito sa

anggulong maituturing na minorya, o iyong hindi masyadong napaglalaanan ng pansin sa isyu, at

mayorya na siya namang mas nabigyang-tuon at pansin. Dahil dito, nabubuo ang opinyon ng mga

tao gamit ang paraan ng pagkakalahad sa tulong na rin ng paglalaro sa paggamit ng wika. Sa

usaping flexible learning, naipakilala tayo sa opresyon ng walang kahandaan sa sitwasyong bagong

naranasan. Bagama’t halata na sa una pa lamang na ang magiging resulta ng pag-aaral ay mas

pinalutang ng midya at pagkasilang ni Corona ang negatibong panig ng isyu maging ang pagiging

bias ng ilang news sites sa pagpapadaloy ng impormasyon, napakahalagang malaman kung ano

ang naging sangkap kung bakit naging negatibo ito. Gayundin, ang paghahalungkat ng mga

nakatagong koneksyon sa bawat salik ng isyu ay makapagbibigay ng ambag upang matanglaw

natin kung paano tayo nakabuo ng ating opinyon. Maaari nating maitanong, sariling opinyon nga

ba natin ito o idinampi na lamang sa atin ang maskara nang hindi natin namamalayan? Lalo pa na

ang bagong sistema ng edukasyon dito sa Pilipinas—flexible learning at ang espasyo ng social

networking, kung saan paunang nabubuo ang diskusyon at pagpapalitan ng kuro-kuro, ay nasa

iisang plataporma lamang. Naidampi na ang maskara. Ang kasunod naman ay kung paano natin

ito aalisin sa kabila ng hindi lubos maipaliwanang at mapigilang pagbabago.

REKOMENDASYON

Batay sa isinagawang pananaliksik ng mga mananaliksik patungkol sa PAGDAMPI NG MASKARA:

ISANG PAG-AARAL SA KUNG PAANO MINASKARA NI CORONA ANG POSISYON NI

JUAN SA GITNA NG FLEXIBLE LEARNING, ay humantong ang mga mananaliksik sa sumusunod

na mga rekomendasyon:

Nararapat na pagtuunan ng mga mananaliksik sa hinaharap ang mga institusyon na may sapat na

kahandaan sa pagpapatupad ng flexible learning.

21
Ang mga mananaliksik sa hinaharap ay dapat hindi lang nakapokus o nakalimita ang pag-aaral sa mga

negatibong dulot ng flexible learning, dapat pati na rin ang mga positibong dulot nito.

Sa mga pahayagan na gumagawa o gagawa pa lamang ng mga balita lalo na tungkol sa Flexible ay

kinakailangang maging tapat sa kanilang ibabalita, na isasaad ang buong detalye na walang pinapanigan at

itinatago

Sa mga institusyong pang-edukasyon naman ay dapat gumawa sila ng agarang solusyon base sa mga

kakulangan o mga kamaliang patungkol sa Flexible learning. Dapat manatili silang aktibo at laging

pagtuunan ng pansin ang mga kaganapan sa Flexible learning.

Ang pamahalaan at dapat palaging nakakonekta sa mga institusyong pang-edukasyong upang

masubaybayin ang mga pangyayari at upang laging updated sa sitwasyon

Sa mga Guro at mga kawani ng paaralan ay kinakainlangan din tutukan nila ng maagi ang bawat

pangyayari sa isinasagawang flexible learning upang masmapaayos ang takbo nito. Kinakailangan maging

mapagmatyag upang kung sakaling magkaproblema ay madali itong maagapan o di kaya'y maipaalam

kaagad sa kinauukulan. Dapat din nilang pagtuunang pansin at isalang-alang ang sitwasyon ng mga

estudyante o di kaya'y kumustahin nila ito kahit isa beses sa isang linggo. Dapat pa rin nilang e prayoridad

ang kaalaman, at kalusugan (pisikal at mental) ng bawat estudyante.

Sa mga magulang naman ng mga mag-aaral ay dapat palagi nilang susupurtahan, palakasin ang lood,

at aalalayan ang kanilang mga anak upang masmaging determinado sa kanilang pag-aaral sa kabila ng

hirap sa sitwasyon na kinakaharap nila ngayon.

At panghuli, para sa lahat ng mga estudynate ay dapat paring manatiling determinado at positibo sa

kanilang pag-aaral, na balang araw ay magbubunga ang kanilang mga paghihirap at maabot nila ang

inaasam-asam na pangarap.

22
SANGGUNIAN

Adonis, M. (2021, April 12). Flaws aside, online learning takes toll on students’ mental health.

https://newsinfo.inquirer.net/1417703/flaws-aside-online-learning-takes-toll-on-students-

mental-health

Adonis, M. (2021, April 13). PH lags behind in acting on remote learning problems amid

pandemic. https://newsinfo.inquirer.net/1418185/ph-lags-behind-in-acting-on-remote-

learning-problems-amid-pandemic

Cabreza, V. (2021, May 04). PMA top graduates: Pandemic taught us to offer more.

https://newsinfo.inquirer.net/1426824/pma-top-graduates-pandemic-taught-us-to-offer-

more

Cortes, S. T. (2020). Flexible learning as an Instructional Modality Course during COVID- 19.

Aquademia, 4(2), ep20024, http://doi.org/10.29333/aquademia/8444

Braun Et al (2020). A study on student views on blended learning environment. Turkish Online

Journal of distance Education, 7 (3), 43-56 [Google Scholar]

https://www.manilatimes.net/2021/04/15/campus-press/education-think-tank-bats-for-

law-institutionalizing-online-learning/864076

23
Ismael, J. (2021, April 25). Survey: Distance learning not working.

https://www.manilatimes.net/2021/04/25/news/national/survey-distance-learning-not-

working/867344

Lalu, G. P. (2021, March). 42% of school-age Filipinos don’t use devices for distance learning —

SWS. https://newsinfo-inquirer net.

NA (2021, May 5). Low achieving Students Benefits most from Covid-19 online switch.

https://www.eurekalert.org/pub_releases/2021-05/fu-las050521.ph

The Manila Times (2021, April 15). Education think tank bats for law institutionalizing online

learning. https://www.manilatimes.net/2021/04/15/campus-press/education-think-tank-

24

You might also like