You are on page 1of 1

EDUKASYON SA GITNA NG PANDEMYA

“Edukasyon ang susi sa kahirapan.” Sa mga nakalipas na taon isa ito sa mga
kataga ng mga kabataang may dedikasyon sa pag-aaral. Ngunit ang bawat isa ay sinubok
ng mabangis na pandemya. Tumataas ng sobrang bilis ang mga kaso ng COVID-19 sa
Pilipinas. Lockdown dito, lockdown doon. Ang Pilipinas may batas “bawal lumabas”.
Maraming naapaektuhan, maraming nasaktan. Mula sa pinakamaliit na sektor ng lipunan
hanggang sa pinakamalaki. Kasama na rito ang edukasyon. Naging malaking banta ang
pandemya sa kalusugan ng bawat isa. Pansamantalang natigil ang pag-aaral dahil sa
bantang pangkalusugan. Ngunit nanindigan ang Kagawarang ng Edukasyon na hindi
hadlang ang pandemya upang matigil ang pagkakataon ng bawat kabataan na malinang ang
kanilang kaisipan. Ang Kagawaran ng Edukasyon katuwang ang mga eskwelahan ay gumawa
ng paraan upang patuloy na makapaghatid ng edukasyon sa bawat kabataang Pilipino sa gitna
ng pandemya. Nariyang naglunsad ng online learning at modyular upang maabot ang mga
malalayong barangay. Nagkaroon din ng mga pograma sa radyo at telebisyon kung saan
magkakaroong ng diskusyon patungkol sa mga aralin. Sa pamamaraang ganito ay
naipagpapatuloy pa rin ng mga kabataan ang kanilang edukasyon kasabay nito ang pagtiyak sa
kaligtasan mula sa pandemya. Isang malaking hamon para sa isang estudyante kung paano
makakasabay sa bagong Sistema ng pag-aaral. Nariyan pa ring ang mga kabataang
walang kakayahang sumabay sa bagong daluy ng edukasyon. Dahil sa kahirapang dinulot
ng pandemya.
Maraming problema ang kinaharap natin noong panahon ng pandemya. Hindi lahat
ay may kakayahang bumili ng kagamitan para sa online classes. Hidi in lahat ay may
maayos na internet connection. Hindi rin tayo magkakapareho ng kakayahan na umintindi
ng bababsahing modyul. Marami ring estudyante ang hindi makapagpukos sa pag-aaral
dahil sa mga gawaing bahay at mga problema ng pamilya. Lahat tayo ay hindi pare-pareho
ng sitwasyon at hindi natin batid ang kalagayan ng bawat isa. Dahil sa mga online claases
at modyular ang mga estudyante ay nababad sa paggamit ng gadyets. Nagkalabuan ng
mata, namayat at iba pa. Nasanay na din silang ikulong ang sa sarili sa kanilang mga silid
dahil na rin sa utos na bawal lumabas at bawal makisalamuha.
Ngunit hindi magiging matagumpay ang edukasyon sa gitna ng pandemya kung hindi
dahil sa gabay ng mga magulang sa kanilang mga anak. Hindi matutumbasan ang kanilang
sipag at tiyaga mula sa pagkuha at pagbalik ng mga modyul hanggang sa masusing paggabay
sa kanilang mga aralin.

Kaillangang matugunan ang pinsalang idinulot ng pandemya sa ating bansa, at


kasama na rito ang muling pagbubukas ng pisikal na edukasyon.
Ang pagsisimula ng klase sa gitna ng pandemya ay isang hakbang sa muling
pagbangon mula sa pandemyang ito. Kabataan ang pag-asa ng bayan ika nga, at
edukasyon ay isang napakalaking hakbang sa paghubog ng ating pag-unlad. Sa bawat
hamon ng pandemya, mahalagang maisaalang-alang natin ang kalidad at abot-kayang
edukasyon habang iniingatan natin ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral. Ang
laban para sa edukasyon ay laban ng buong bayan.

You might also like