You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Tarlac Agrucultural University

College of Arts and Sciences

“MGA PANANAW NG MGA KABATAAN


SA ONLINE FLEXI-LEARNING SA
PANAHON NG PANDEMIC”

Ipinasa Nina:

Freddie Ulimpain
Mery Rose Selinel
Airalih Kole Seralde
Mary Joy torres
Carmina Santos
Maudy Tadeo
Mary hannah Rom
John Nicole Velasco
BSDC – 2A

Ipinasa Kay:
Gng. Janet Mangrobang-Ladao
OKTOBRE 24, 2020

KABANATA I

INTRODUKSYON

Maraming pagsubok ang kinakaharap ngayon ng mga mamamayan pati na ang mga kabataan

ukol sa sitwasyon na pandemya. Isang malaking isyu sa gitna ng nararanasan na pandemya ngayon ay

ang mga problemang umuusbong patungkol sa edukasyon. Edukasyon, ang siyang susi upang makamit

ng isang tao ang kanyang mga mithiin sa buhay. Ngunit papaano nga ba makakamit ng isang tao ang

kanyang mga pangarap kung ang nangyayari ngayon sa kasalukuyan ay siyang magiging hadlang sa

pag-abot ng mga pangarap.

Ang nangyayari ngayon sa kasalukuyan ay tila isang panaginip sapagkat may kalaban na hindi

nakikita ng mga tao, ang COVID-19 na siyang naging dahilan ng malawakang pandemya. Dahil sa

pandemyang kinakaharap ng mga tao, ang kalakaran sa pag-aaral ng mga mag-aaral ay nabago. Mula

sa harapang pag-aaral ay naging online learning. Maraming kabataan ang nag-aalala para sa kanilang

pag-aaral dahil sa online learning. Halos karamihan ay nag-isip kung ipag papatuloy pa ba nila ang

kanilang pag-aaral o hindi na dahil samatinding hirap na maidudulot nito. Hndi lingid sa kaalam ng

nakararami na maraming kapos palad na estuyante ang pumapasok sa paaralan. Kung saa paaralan ay

nahihirapan na silang pumasok, papaano pa kaya kung sa online learning na.

Ang online learning ay ang pag-aaral na kung saan ginagamit ang mga makabagong

teknolohiya upang makadalo sa pag-aaral. Ginagamit ang mga gadgets upang gawing instrumento sa

pag-aaral. Isa itong malaking problema dahil hindi lahat ng estudyante ay may mga gadgets upang

gamitin. Sa online learning kinakailangan ding naka-konekta sa internet upang makadalo sa pag-aaral.

Hindi lahat ng estuyante ay may pera upang makapag pa-load o magkaroon ng WiFi. Kinakailangang
bigyan pansin ng nakakataas ang problemang ito ng mga estuyante upang walang mapag-iwanan sa

edukasyon.

Sa kabila ng lahat ng negatibong dulot ng online learning ay may maitutulong pa din naman

ito para sa mga estudyante. Nanatiling maalam at marunongang mga estudyante dahil sa mga

naibibigay na aralin ng mga guro na siya namang naging hamon sa masisigasig na guro. Hindi lamang

ang mga kabataan ang nahihirapan at nagkakaroon ng problema sa panibagong sistema ng edukasyon

na ito kundi pati na rin ang mga guro. Gaya ng mga estudyante, ang mga guro ay nangangapa at hindi

din sila sanay sa ganitong makabagong pamamaraan ng pag-aaral. Bago pa man nagkaroon ng

COVID-19 pandemic, ramdam na natin ang learning crisis sa ating bansa at bilang mga guro, alam

natin na habang tumatagal ang panahon na hindi nakakabalik ang ating mga estudyante sa formal

schooling, mas maraming negatibong epekto ang maaaring idulot nito sa kanilang mga sarili.

Gaya nga sa salaysay ni Galias (2020) nitong nangyari sa Sierra Leone sa panahon ng Ebola

outbreak kung saan inihinto ang mga pag-aaral sa loob ng isang academic year. Sa muling pagbubukas

ng kanilang mga paaralan, mas dumami ang hindi na nagpatuloy ng pag-aaral bunga ng child labor,

teenage pregnancy, child abuse and neglect, health and family economic problems. Ayon din sa mga

pandaigdigang pag-aaral, kahit sa normal na dalawang buwang bakasyon, 20-50% ng mga natutunang

skills ay maaaring mawala o nakalimutan na ng mag-aaral. Mas magiging mahirap din ang pag

monitor sa nutrisyon, at pisikal, mental at emosyonal na kalusugan ng mga bata kung tuluyang

magsasara ang mga paaralan sa loob ng isang taon. Gayundin noong panahon ng Ebola outbreak

naapektuhan din ang pag-aaral ng mga estudyante, huminto sila sa kanilang pag-aaral. Maaring ito din

ang mangyari ngunit ang pinagkaiba ay ngayong panahon ng pandemya na dulot ng COVID-19,

nagpatuloy ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng online learning.

Dapat din nating bigyan ng konsiderasyon na hindi lahat ng ating estudyante ay magiging

masaya sakaling tuluyang ihinto ang muling pagbubukas ng mga paaralan ngayong taon. At dahil mas

abala tayo sa pagiging kritiko sa mga ginagawang desisyon ng ating gobyerno, maaaring
nakakaligtaan na nating bigyan ng atensyon ang pagdinig sa boses ng ating mga nasasakupan – ang

mga musmos na tahimik na nagmamatyag sa ating mga ikinikilos. Naiiwan silang nakabitin sa pag-

aalinlangan at takot sa lumalaganap na sakit at kung paano na mabibigyan ng prayoridad ang kanilang

karapatan sa pag-aaral. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang ihayag ang bawat saloobin ng

estudyante patungkol sa online learning na siyang kinakaharap nila ngayon. Maraming hinaing ang

mga estudyante ukol sa online learning sa kadahilang nahihirapan silang sumabay at nahihirapan

silang intindihin ang kanilang mga aralin. Ang mga estudyante ay umaasa na madinig ng nakakataas

ang kanilang hinaing ukol sa online class upang maibsan ang hirap na kanilang nararanasan, hindi

lamang sa mga estudyante, kundi gayundin sa mga masisigasig na guro.


KABANATA II

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Sa pananaliksik na ito, ginamit and disenyong palarawan. Naniniwala ang mga nagsagawa ng

pag-aaral na ang disenyong palarawan o deskriptibong pananaliksik ay ang dapat na gamitin upang

makakalap ng sapat na impormasyon mula sa mga kalahok sa pag-aaral. Sa pamamagitan nito,

malalaman ng mga nagsagawa ang pananaw ng mga estudyante patungkol sa online learning, kung ito

ba ay epektibong solusyon sa pag-aaral sa makabagong kadaywan. Papasagutin ang dalawampu't

limang mag-aaral sa iba’t ibang unibersidad na iba-iba ang mga kurso. Sa taong 2020-2021 sa isang

uri ng talatanungan na inihanda ng mga mananaliksik upang makakuha at makapagtipon ng mga datos

batay sa impormasyong nakalap ukol sa online learning na kinakaharap ngayon.

Teknik sa Pagsusuri

Bibigyang kalutasan sa pagaaral na ito ang suliranin sa pamamagitan ng pagtitipon ng mga

kaisipang iniuugnay sa mga datos na nakalap. Sa pag-aaral na ito, susuriin ang mga pananaw ng mga

kabataan ukol sa online learning sa pamamagitan ng;

1) Pagbabasa ng artikulo na tumatalakay patungkol sa pag-aaral na naisagawa na hinggil sa

pananaw ng mga kabataan tungkol sa online learning na kanilang nararanasan ngayon.

2) Paggamit ng komputer upang makakuha ng mga datos sa internet at mga website patungkol sa

paksang pokus ng pagaaral na ito.


Paraan ng Pagbibigay Halaga sa Datos

Ang pangangalap ng mga datos ay hindi magiging makabuluhan kung hindi paguukulan ng

sapat na pagpapahalaga ang mga ito. Masusing hihimayin at lubos na uunawain ang mga nakalap na

datos nang sa gayon ay malaman kung ano ang mga solusyon na kailangan pagtuunan ng pansin

patungkol sa online learning. Gagamitin ang pamaraang istadistika upang mabigyan ng kaukulang

interpretasyon ang mga maitatalang datos na makakatulong upang mabigyang-linaw ang pagaaral na

ito.

KABANATA III
RESULTA

Nakapaloob sa kabanatang ito ang mga datos na nakalap at naitala habang isinasagawa ang

buong pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay itinala lahat ng bawat detalye at obserbasyon na

kanilang nakalap. Nakatakda rin dito ang pagkakaayos ng mga datos na siyang nakalap ng mga

mananaliksik.

Kabuuang bilang ng mga respondent

Responde Porsyento
Kababaihan 15 60%
Kalalakihan 10 40%
Kabuuan 25 100%

Ayon sa nakalap na datos, anim na pu’t porsyento (60%) ang kabuuang bilang ng kababaihan

samantala apat na pu’t porsyente (40%) naman ang kabuuang bilang ng kalalakihan sa kabuuang

dalawang pu’t limang tagatugon na pananaliksik (25) kabuuan ay isang daang porsyento (100%).

1. Naging epektibo ba sa inyong mga kabataan ang flexible learning sa panahon ng

pandemic?
Tugon Responde Porsyento
Oo 6 24%
Hindi 18 72%
Maaari 1 4%
Walang sagot 0 0%
Kabuuan 25 100%

Sa unang talatanungan ay may dalawang pu’t apat na porsyento (24%) ang tumugon

ng “Oo” sa pagpipilian na ang flexible learning ay naging epektibo sa kanilang pag-aaral.

Ayon sa paliwanag ng mga taga-tugon, “Ang flexible learningang tanging paraan upang sila

ay matuto at hindi hadlang ang pandemya upang magpatuloy ang pag-aaral ng bawat

estudyante dahil para din ito sa kanilang kinabukasan. Bukod pa doon ay magiging ligtas ang

mga estudyante sa kapahamakan ng pandemyaat hindi mahahawaan dahil sila ay mananatili sa

kanilang tahanan habang nag-aaral gamit ang flexible learning.”

Samantala pitong pu’t dalawang porsyente (72%) naman ang tumugon ng “Hindi”

dahil para sa kanila ay hindi epektibo ang flexible learning sa pag-aaral. Ayon naman sa

karaniwang paliwanag ng mga tumutugon, “Nahihirap silang mag adjust sa new normal ng

kanilang pag-aaral lalo na’t online class ito. Para sa kanila ay mas maganda pa rin ang face to

face dahil mas matututo pa sila sa ganoong sitwasyon kaysa ngayon na wala pa sa kalahati ng

isang daang porsyento (100%) ang kanilang natututunan sa kanilang mga klase. Maraming

estudyante ang hirap mag self-study sa kanya-kanya nilang lessons at module na siyang mas

nagpapahirap sa kanilang pag-aaral. Ayon pa dito, marami ang nahihirapan na mag-aral ng

maayos sa kadahilanang kahirapan lalo na’t walang pera pang load sa cellphone o kaya naman

ay mahina ang signal at higit sa lahat ay kulang o walang kagamitang gadget para makasabay

sa pag-aaral ng online class. At may apat na porsyento (4%) ang tumugon ng “Maari” na

epektibo ang flexible learning sa pag-aaral, ayon sa pahayag ng tagatugon “Maari, kasi ang
iniisip nalang natin minsan ay ang deadline pero meron naman tayong natutunan kahit na

ganito ang nangyayari.”

2. Nakabuti ba ang mga kasangkapan o kagamitan (gadget) na gamit niyo sa ganitong

proseso (online flexible learning)?

Tugon Responde Porsyento


Oo 13 52%
Hindi 8 32%
Maaari 4 16%
Walang sagot 0 0%
Kabuuan 25 100%

Sa pangalawang talatanungan ay may limang pu’t dalawang porsyento (52%) ang

tumugon ng “Oo” na ang kagamitan (gadget) ay nakakabuti sa proseso ng pag-aaral ng

flexible learning ayon sa kabuuang pahayag ng mga tagatugon ay, “Ang gadget ay kapaki-

pakinabang sa kanilang pag-aaral dahil ito ay napakalaking tulong sa pamamagitan ng flexible

learning o online class higit pa doon ay mapapadali ang kanilang pagsaliksik o pagsagot sa

kanilang mga takdang-aralin.” Dahil din daw sa kagamitan (gadget) ay mas napapadali ang

pag adjust ng bawat estudyante sa “new normal” sa proseso ng kanilang pag-aaral at dahil

dito, ay napagpapatuloy at nagtataguyod nila ang kanilang pag-aaral at nakakasunod pa rin sa

flexible learning kahit paaano.


Samantala tatlong pu’t dalawang porsyento (32%) ang tumugon o sumang-ayon sa

“Hindi” na ang kagamitan (gadget) ay hindi nakakabuti sa proseso ng pag-aaral ng flexible

learnign at ayon sa sa paliwanag ng kabuuang tagatugon ay “Para sa kanila maaaring malaki

ang maitutulong ng gadget sa kanilang pag-aaral ngunit sila ay nangangamba dahil sa bawat

paggamit nila nito ay may posibilidad na magkaroon ng negatibong epekto sa kanilang

kalusugan tulad na lamang ng paglabo ng kanilang mata dahil araw-araw silang tutok sa
kagamitan (gadget). Bukod pa doon ay kahit pa ito daw ang maaaring magamit sa pag-aaral ay

hindi lahat ng estudyante ay may gagamiting gadget para sa kanilang pag-aaral dahil sa

walang pambili o kaya naman kahit may gadget ay hindi makakasigurado na matututo nga ba

talaga ang mga estudyante dahil madaming sgabal sa kanilang pag-aaral katulad ng mga app

sa loob ng kanilang gadget tulad ng Facebook, Instagram, Messenger at hindi sila nakakapag

pokus sa kanilang mga aralin at higit sa lahat ay kahit mayroon man daw silang gadget ay

wala pa din daw itong silbi dahil sa kahinaan ng signal na maaring hindi nila agad maipasa

ang kanilang takdang-aralin sa tamang oras o araw dulot ng kahinaan ng signal.

Para sa karagdagang diskusyon na ito ay may labing anim na porsyento (16%) naman

ang tumugon sa pagpipilian ng “Maaari”at ang kabuuang tugon naman ng mga tagatugon na

estudyante ay “dahil sa paraan na ito ay nakakapag-aral tayo at at higit sa lahat online class

tayo kaya kailangan natin ang gadget ganitong sitwasyon ng pag-aaral. Sapagkat hindi pare-

pareho ang estado ng bawat mag-aaral sa katayuan sa buhay marami ang walang sapat na

kasangkapan at madami din ang hindi stable ang internet connection ng lahat.At bukod pa

doon nakaiwas sila sa pakikisalamuha sa ibang tayo kaya mas makakaiwas sila sa virus pero

limitado lang ang kanilang matutunan kasi pwede nilang isearch sa internet ang mga exercies,

quiz o exam.”

3. Naging positibo at negatibo ba ang naging pag-aaral ninyo sa ganitong proseso ng

edukasyon natin sa panahon ngayon?


Tugon Responde Porsyento
Postibo 6 24%
Negatibo 12 48%
Lahat ito 6 24%
Walang sagot 1 4%
Kabuuan 25 100%

Para sa ikahuling talatanungan ay may tumugon ng “Positibo” ang naging pag-aaral

ng bawat estudyante sa proseso ng edukasyon ngayong may pandemya dahil ayon sa mga

tagatugon, “Dahil sa pagkakataong ito, dito masusubok at mahuhubog ang mga istudyante na

mag-aral pa lalo, bukoddoon ay kahit papaano ay naipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang

pag-aaral kahit na hirap sila sa online class at may natutunan pa rin naman sila sa kanilang

klase.”

Samantala, may apat na pu’t walong porsyento (48%) naman ang tumugon ng

“Negatibo” ang naging pag-aaral ng bawat istudyante sa proseso ng edukasyon ngayong may

pandemya at ayon sa kabubuang paliwanag ng mga tagatugon, “Maraming mga estudyante

tulad nila ang hirap sa ganitong set-up ng edukasyon. Karaniwan sa mga problemang

kinakaharap nila ay hindi makasabay sa pag-aaral dahil sa walang gadget, walang pera pang

load dahil mismong mga magulang ay hirap kumayod para lang magkaroon ng load ang

kanilang anak, imbis na pangkain na lamang nila. At higit sa lahat ay mahina ang signal o

internet. Marami din daw estudyanteng imbis na edukasyon ang kanilang natatanggap ay

stress naman ang kanilang nakukuha dahil sa dami at sabay-sabay na gawain at naprepressure

sila na tapusin ang lahat ng ito sa tamang oras o araw; hirap din daw silang umintindi ng mga

lessons dahil hindi naman daw lahat ay madaling makaintindi at para sa kanila ay hindi pa rin

sila natututo sa ganitong proseso ng pag-aaral.

May dalawang pu’t apat na porsyento (24%) ang tumugon ng “Lahat ng ito” ay

pwedeng maging positibo o negatibo sa pag-aaral ng bawat estudyante sa proseso ng edukason


ngayong may pandemya at ang paliwanag ng karamihan ng mga tagatugon ay “Lahat ito ay

may positibo at negatibo epekto sa kanilang pag-aaral; positibo dahil sa ganitong proseso ng

pag-aaral ay mapagpapatuloy pa rin nila ang kanilang pag-aaral at higit pa doon ay matututo

pa rin sila. Samantala negatibo ito dahil hindi daw masisigurado na sila ay matututo sa klase,

madami ang hadlang upang sila ay makapag focus sa ganitong sitwasyon higit pa doon ay

hirap talaga silang mag self-study bukod pa doon ay madami ang walang gadget pang online

class, pera pangload at higit sa lahat ay problema rin nila ang internet connection o signal. At

apat na porsyento (4%) ang tumugon ng “walang sagot” dahil ayon sa tagatugon ay “hindi

niya naintindihan ang talatanungan.”

KABANATA IV

DISKUSYON/KONKLUSYON
Batay sa mga nakalap na impormasyon, karamihan sa mga estudyante ay nakakaranas ng

problema sa online class, sa kadahilanan na walang maayos na internet connection, walang perang

pantustos sa load, mataas na gastos para sa data, kawalan ng tahimik na silid, at hindi makasabay sa

mga lectures ng guro. Halos lahat din ay nakakaranas ng problema sa pagpokus sa online class dulot

ng hindi stable na internet connection dahilan para hindi makasunod ang mga estudyante sa

nakatakdang leksyon. Ang panibagong sistema ng pag aaral na ito ay hindi madali ayon sa mga

negatibong pananaw ng mga estudyante subalit kailangan nilang gawin ang kanilang makakaya upang

mairaos ang taong ito at masuklian ang sakripisyo ng kanilang mga magulang.

Talaga nga namang sinubok ng mga problemang ito ang mga estudyante upang abutin ang

kanilang mga pangarap sa buhay. Marahil ang ilan sa atin ay dumaranas na ng depresyon dulot ng

matinding dagok na ito, hindi lamang sa mga estudyante, kundi pati rin sa mga guro na patuloy pa ring

tinutustusan ang mga pangangailangan ng mga bata sa edukasyon. Lahat ay naghihinagpis, umaasa na

mapapakinggan ang saklolo ng nakakarami, at higit sa lahat ay nasa bingit na ng pagsuko sa malaking

pagsubok na ito na kumitil na ng mga matatayog na pangarap. Ngunit sa huli, nanatili ang karamihan

na magpatuloy, bumangon, at lumaban muli matapos ng ilang pagkakadapa. Naniniwala na

makakaraos din sa matinding dagok na itona nagpalunod sa libo-libong tao mundo.

Ang munting pananaliksik na ito ay naging saksi sa bawat hinaing at saklolo ng mga

estudyante. Ito ang patunay na halos lahat ay naghihikaos, pilit na lumalaban sa bagay na walang

kasigaruduhan, at nagmakakaawa na mapakinggan sa kabila ng pagbibingi-bingihan ng awtoridad.

Ang mga mananaliksik ay umaasa na magsilbing tulay ito upang makarating sa nakatataas, nang sa

ganon ay maibsan na ang hirap na nararanasan ng lahat.

BIBLIOGRAPHY
Galias, M. (2020). Mga Simpleng Aksyon ng Suporta para sa Mag-aaral. Itinala nong Oktobre 13,
2020, galing sa https://www.teacherph.com/mga-simpleng-aksyon-ng-suporta-para-sa-mag-aaral/?
fbclid=IwAR1fvOiLSbcTKm-ngMsVL9dTEkF6vTw6zmpLFEV-B-9-_eT8kJQ9sOcU0U8

Rappler, (2020). Mga problemang pasan ng mga estudyante sa panahon ng pandemya. Itinala nong
Oktobbre 14, 2020, galing sa https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/beyond-stories-
problems-burden-students-coronavirus-pandemic-philippines?
fbclid=IwAR1lWES_t5mZ5M2d4aeolxsjm2sR5NRDJQ3f5vvIXFCdji9KNc11yOH_Qog

You might also like