You are on page 1of 1

EDITORYAL: Magpabakuna before face to face class

Balak na ng Department of Education (DepEd) na ibalik ang face to face classes sa mga
lugar na mababa ang COVID cases. Ganito rin ang panukala ng ilang senador sapagkat
para sa kanila, wala namang batayan na pinagmumulan ng pagkalat ng virus ang face to
face classes. Isa pa, nagsimula na ang rollout ng bakuna at nagdadatingan na rin ang mga
inorder na bakuna mula sa ibang bansa.

Ngunit maari bang makakuha ng bakuna para sa COVID-19 ang mga kabataan?

Ang pokus ng paggamit ng bakuna sa COVID-19 ay nasa mga may sapat na gulang
lamang. Ang pagkakaroon ng bakuna para sa kabataan ay depende sa pagkakaroon ng
bakunang pambata.

Ang bakuna ng Pfizer ay pinahintulutan para sa edad na 16 pataas. Ang bakuna naman ng
Moderna ay kasalukuyang pinahihintulutan para sa edad na 18 pataas. At nagpapatuloy
parin ang mga pag-aaral upang matiyak na ang mga bakuna ay ligtas at epektibo sa mga
batang edad 12 pataas bago sila pahintulutan na gamitin ito sa pangkat ng edad na iyon.

Sa kasalukuyan, ang isang bakuna sa bata ay hindi magagamit, at maaaring medyo matagal
bago aprubahan at maging ganap. Ang mga klinikal na pagsubok ay kailangang isagawa sa
mga bata bago matukoy kung ang umiiral na mga bakuna sa COVID-19 ay ligtas at epektibo
para sa kanila.

Hindi dapat isapalaran ang kalusugan at buhay ng mga kabataan sa pagkakataong ito.
Huwag munang igiit ang face to face classes. Sabi nga, “Ang pagmamadali kadalasan ay
maraming mali”.

Dapat pag-isipan muna ng DepEd ang balak na pagbabalik ng face to face classes. Hindi
basta-basta ang planong ito sapagkat ang kalusugan ng mga estudyante ang nakataya. Sa
kasalukuyan, patuloy paring dumadami ang kaso ng COVID-19 at kung hahayaan ang face
to face classes posibleng maraming estudyante ang tatamaan.

Mas makabubuti kung maghintay na lamang ng bakuna na naaayon para sa mga kabataan
bago sila hayaang makatungo sa paaralan.

You might also like