You are on page 1of 1

Mabuting anak, maalagang kapatid at magaling na edukador ang mga

salitang maiuugnay kay Bb. Femel S. De Quiroz.


Tubong Mabini, Caramoran ang ating panauhing pandagal sa umagang ito
ay ____________________ ng mag- asawang Francisco A. De Quiroz at
Imelda Sales De Quiroz. Siya ay nagtapos ng kanyang elementarya sa
Paaralang Elementarya ng Mabini noong 2000 at taong 2009 naman ng
magtapos siya ng sekondarya dito sa ating paaralan bitbit ang unang
karangalang banggit.
Nagtapos siya ng kursong Batsilyer ng Edukasyong Pang elementarya sa
Pampamahalaang Unibersidad ng Catanduanes bilang Cum Laude noong
2013 (dalawang libo labingtatlo) at nagbunsod ito upang gawaran siya ng
Congressional Award for excellence.
Sa paniniwalang ang edukasyon ang siyang susi sa tagumpay ng tao ay
pinagpursigehan niyang ipagpatuloy ang kanyang pag- aaral at
pagpapakadalubhasa. Kasalukuyan siya ngayong naka enrol sa Paaralang
Gradwado ng CSU sa kursong _____________________.
Sa kasalukuyan ay binabagtas niya ang mga pasilyo ng Paaralang
Elementarya ng Tubli at nagsisilbing guro at tagapayo sa mga
kindergarten.
Ikinagagalak ko pong ipakilala sa inyo ang makakatalamitam natin ngayong
umaga Si Bb. Femel S. De Quiroz.

You might also like