You are on page 1of 2

Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat!

“Ang magandang kinabukasan ay para sa mga taong nagtitiwala sa kanilang


kakayahan”

Maihahalintulad natin ito sa isang taong pursigido, may paninindigan, may


determinasyon at may tiwala sa sarili na kaya niyang abutin ang kanyang mga
pangarap.

Isang malaking karangalan sa akin ang maatasan na ipakilala sa inyo ang ating
panauhing pandangal.
Ngayon, sa Ikalwang Pagtatapos sa Junior High School ng ating paaralan, sa temang
“GRADWEYT NG K-12: HINUBOG NG MATATAG NA EDUKASYON!” patutunayan
ng ating pinagpipitaganang panauhing pandangal na ang angking talino, sipag, at
determinasyon sa buhay na kinambalan ng magandang edukasyon ang tunay na
kaagapay ng isang tao upang matamo niya ang isang maningning na kinabukasan.

Ang ating panauhing pangdangal ay ipinanganak noong May 3,1991 , likas na


tubong Balagan at pangalawa sa limang anak ni Ginoong ABRAHAM at Ginang VILMA
MARTINEZ, ang ating panauhin ay  maluwalhating nakapagtapos ng elementarya
noong 2005 sa Ueg Elementary School.

Kaakibat ang angking talino na pinanday noong elementarya, itinuloy niya  ang


kanyang pag-aaral ng sekundarya sa Ueg National High School taong 2009.

Sa loob ng apat na taong pamamalagi rito,  katulad nang nakasanayan sa


simula pa lamang ng pag-aaral noong elementarya, masikhay niyang isinaisip,
isinapuso at isinagawa ang pagpapahalaga sa edukasyon sa paniniwalang ito
talaga ang magdadala sa kanya sa rurok ng tagumpay pagdating ng panahon.

Dahil sa ipinamalas na galing, sipag at determinasyon sa pag-


aaral, akademiko o ko-kurikular man, nagtapos siya ng Kolehiyo noong 2013,
ng Bachelor of Science in Criminology sa Isabela State University-Cauayan
Campus.

Naging ganap na Registered Criminologist nang maipasa niya


ang Criminologists Licensure Examination taong 2013.

Taong 2014 ng siya ay simulang manungkulan bilang pulis sa NCR(National


Capitla Region) hanggang 2020.

Sa kasalukuyan, siya ay mahusay at tapat na nanunungkulan bilang Police


Corporal sa San Mariano Police Station.

Kaakibat ng kanyang propesyon, ang ating marangal na bisita ay dumalo rin sa


napakaraming training-seminar na patuloy na nagpapaunlad ng kanyang pagkatao
para sa napiling propesyon.
Mga kaibigan, nais ko pong ipakilala sa inyo, ang isang dating mag-aaral ng
Balagan Elementary School na ngayon ay Balagan Integrated School  na simula’t
sapul ay kinakitaan na kakaibang galing, sipag,  talento at determinasyon sa pag-
aaral na siyang puhunan n’ya ngayon kung bakit n’ya tinatamasa ang isang
magandang buhay at pangalan.

Ikinagagalak ko pong ipakilala sa inyo ang mabunyi nating panauhing


pandangal. Sabay’sabay tayong tumayo at palakpakan, Police Corporal, ARNEL
MANAGUELOD MARTINEZ.

You might also like