You are on page 1of 2

Kanta-simple reminder

Makabayan song
Prayer
Welcome remarks-ESP Coor (taal at covid 19)
Message-Sir Jeff
Presentation of compilation of outputs
Participation
Appreciation
Recognition
Awarding of Winners
Closing- Ma’am Grace Robledo
Reminders, before Prayer

Emcee: Isang maganda at mapagpalang araw po sa ating lahat Ang Lodlod Integrated Nat’l high school
ay buong bigkis na nakikiisa sa Pagiriwang Filipino Values Month na may Temang “"Pagpapaunlad ng
Pagkatao,pakikipagkapwa at pananampalataya, hamon sa panahon ng pandemya". Sama-sama nating
ipagmalaki ang mga Kaugaliang Pilipino na tunay naming maipagmamalaki saan mundo.
Emcee: At upang pasimulan ang ating programa, magsitayo po ang lahat para sa ating Makabayang
awitin.
MAKABAYAN SONG
Emcee: Hingin po natin ang mapagkalingang awa ng Diyos sa pamamagitan ng isang panalangin na
pangungunahan ni Bb. Camille Lique, Guro sa ESP 9.
PRAYER
Emcee: Sa puntong ito isang pambungad na mensa ang ibabahagi sa atin ng ating ESP Coordinator, siya
ay walang iba kundi si Bb. Camille Lique Guro sa ESP 9.
Maraming salamat po Ma’am Camille tunay na ngang ang pakikipagkapwa at pananampalataya ng mga
Pilipino ay nananatili at patuloy na pinatatatag sakabila ng hamon ng pandemya. Wika nga nila
“Pandemya ka lang, Pilipino kami.”
Emcee: Kaugnay ng ating pagdiriwang, ating pakinggan ang isang mensahe na magmumula sa ating
napakasipang na Principal II ng Lodlod Integrated National High School siya ya walang iba kundi si Sir
Jeffrey C. Santander.
MESSAGE
Maraming salamat po sir Jeffrey Santader, isa ring mensahe ang hatid sa atin ng napakasipag at
napakahusay nating Ulong-guro sa Ingles, siya ay walang iba kundi si Ma’am Helen B. Katigbak.
MESSAGE
Maraming salamat po Ma’am Helen sa inyong napakagandang mensahe para sa aming lahat. Filipino
Values Month Celebration 2021, isang selebrasyon na magpapatingkad sa magandang pag-uugali, kultura
at tradisyon ng ating lahi. Mga Lodenians, sama-sama nating saksihan ang mga gawaing nagpapakita ng
Pakikipagkawa-tao at pananampalataya ,Poster Slogan Making, Essay Writing, Jingle Making at Spoken
Word Poetry.
Ngayon naman ay ating bigyang parangal at pagpupugay ang mga Lodenians na nakilahok sa ating
patimpalak ito ay gagampanan ni Ma’am Maryann C. Floralde, Guro sa ESP 7, Sir Alvin Jose G. Basilan
Guro sa ESP 8, Ma’am Camille Lique Guro sa ESP 9 at Sir Jeffrey M. Gonzales Guro sa ESP 10.
PAGGAGAWAD NG PARANGAL
Mainit na pagbati ang aming handog para sa lahat ng mga nakilahok at nakibahagi sa ating pagdiriwang
ng FILIPINO VALUES MONTH. Tunay na napakahuhusay ng mga Lodenians.
Ngayon naman po, isang pagtatapos na mensahe ang ating matutunghayan, mula sa napakasipag at
napakahusay na Ulong-guro sa Matematika, walang iba kundi si Ma’am Grace V. Robledo.
MESSAGE
Maraming Salamat po Ma’am Grace sa inyong napakagandang mensahe, nawa’y magsilbing tanglaw ito
sa ating lahat upang pagyamanin pa natin ang ating pagiging isang mabuting mamamayan.
Mainit at taos puso pong pasasalamat sa Mga Lodenians, mga magulang, mga guro at miyembro ng ating
kuminidad sa pakikiisa Ninyo sa paggunita sa Pagdiriwang ng FILIPINO VALUES 2021. Ang lahat ng
ito at ang pagkatagumpay ng ating programa ay nagmula sa gabay ng ating Panginoon, kaya nararapat na
ibalik natin sa kanyang ang ating walang haggang pasasalamat.

CLOSING PRAYER

You might also like