You are on page 1of 1

EN: Magandang hapon po sa ating lahat.

Mangyari lamang na tumayo ang lahat para sa ating pambungad na


seremonya. Sisimulan natin ito sa pagpasok ng mga batang scouts na pinangungunahan ng ating mga Troop
Leaders.
EL: Ang pagpasok ng kulay.
EL: Mangyari po lamang na tayo ay tumahimik at damhin ang presensiya ng panginoon para sa ating panalangin
na pangungunahan ni Troop Leader Elisa M. Villaruel.
EN: Manatili po tayong nakatayo para sa pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa pagkumpas ni Troop
Leader Rose Ann Panganiban at susundan ito ng panunumpa sa Watawat ng Pilipinas na pangungunahan ni
Patrol leader Bjay A. Abay.
EL: Ang Pambansang Awit ng Pilipinas
EN: Maari na pong magsiupo.
EL: Muli isang mapagpalang hapon po sa lahat. Sa hapon pong ito ay ating masasaksihan ang pagtatalaga sa ating
mga batang scouts. Upang simulan ang programang ito, narito ang ating scout commissioner Josie P. Gancayco
para sa pambungad na pananalita. (Maraming salamat po ma’am)
EN: Ngayon naman po ay pakinggan natin nag mensahe ng ating District Scout Commissioner Ester P.
Salamatin. (Maraming salamat po ma’am Salamatin)
EL: Isang mensahe naman ang ating mapakikinggan mula sa kapitan ng Sapang 1, Kap. Larcon C. Diones.
EN: Atin namang ihanda ang ating mga pandinig para sa mensahe ni Kap. Jun Gomez ng Brgy. Bucana.
EL: At ang huli ngunit hindi papahuli, pakinggan natin ang mensahe ni Kap. Narciso Peji ng Brgy. Sapang II.
EN: Scouts, maghanda na para sa pansamantalang pag-exit bago natin simulan ang seremonya ng pagtatalaga.
EL: Ngayon po ay uumpisahan na natin ang pagtatalaga sa mga star scouts na pangungunahan ng ating mga
kawan Leaders na sina Aldine Jane D. Arco at Hermalyn Pelina.
EN: Atin namang tunghayan ang pagtatalaga sa mga kab Scouts sa pangunguna nina Kawan Leaders Mark
Anthony T. Dirain at Cherylen R. Borre.
EL: Saksihan ang pagtatalaga sa mga Girl Scouts, sa pangunguna nina Troop Leaders Adoris Z. Paulite at
Geraldine P. Catarroja.
EN: Ngayon ay ating masasaksihan ang pagtatalaga sa mga Boy Scouts. Tinatawagan sina Troop Leaders Ariel
A. Odango at Claire R. Dimaisip upang pangunahan ang seremonya.
EL/EN: Muli, magandang hapon at maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pagsuporta sa ating programa.

You might also like