You are on page 1of 1

TWINKLER INVESTITURE CEREMONY

Maningning na Bituin (Asst. Troop Leader): Magandang hapon mga bata! Maaari ko bang malaman
kung bakit kayo naririto?

Twinklers : Hinahanap po naming ang Mahiwagang Bituin. Nais po naming malamn kung maaari
kaming maging Twinklers.

Maningning na Bituin : Kung gayon, halikayo! Dadalhin ko kayo sa Gabay na Bituin. Ituturo niya
Sa inyo kung nasaan ang mahiwagang bituin.

Maningning na Bituin : Gabay na Bituin hinahanap ng mga batang ito ang Mahiwagang Bituin. Nais
nilang maging Twinklers at anis nilang malaman kung paano.

Gabay na Bituin (Troop Leader) : magaling kung gayon mga bata! Ito na ang tamang lugar para sa mga
Twinklers. Pero kailangang sabihin muna ninyo sa akin kung bakit nais ninyong maging
mga Twinklers.

Bata # 1 : Gusto ko pong maging masigla.

Bata # 2 : Gusto ko pong maging mabait.

Bata # 3 : Gusto ko pong maging matulungin.

Bata # 4 : Gusto ko pong makapgbigay ligaya sa aking kapwa.

Gabay na Bituin : Kung gayon, halikayo at tingnan ninyo ang Mahiwagang Bituin.

“TUMAYO SA HARAP NG MAHIWAGANG BITUIN


KUNG SINO MAY KANYANG SASABIHIN
TUMINGIN KA SA SARILI AT IYONG MAKIKITA
SASABIHIN SA IYO’Y MAGIGING TWINKLER KA!”

Maningning na Bituin : Ayon sa gabay na bituin, maaari daw kayong maging Twinklers. Ang mga
Twinklers ay maliliit na Girl Scouts na palaging Masaya sapagkat gumagawa sila ng
mabuti at makapagpapaligaya sila ng kanilang kapwa.Ngayon, nais marinig ng Gabay
na Bituin na binibigkas ninyo ang pangako ng isang Twinkler.

Twinklers : Mahal ko ang Diyos, ang bayan, at ang mga tao sa kapaligiran.

(Matapos ito ay tatawagin na ang mga itatalaga sa unahan upang ikabit ng Investing Officer ang
Twinkler Pin at World Pin).

Investing Officer : binabati ko kayong lahat ngayon ay kabilang na kayo sa samahan ng mga Girl Scouts
Bilang mga miyembro ng Twinkler Troop.

Twinklers : (Sabay-sabay na aawitin ang HAPPY LITTLE TWINKLER)

You might also like