You are on page 1of 6

Girl Scouts of the Philippines

LAGUNA COUNCIL
Los Baños Laguna

HUWARANG SEREMONYANG CELESTIAL

Pook : Isang Halamanan, bakuran, maaliwalas na bulwagan, liwasan o anumang lantad ng lugar.

Kagamitan: Magic Carpet (matingkad na bughaw na tela na hugis bilog, 5 talampakan ang gitnang
pahalang. May tatlong malaking bituin sa gitna sa sunod-sunod ang laki. Ang pinakamalaki ay
sagisag ng NORTH STAR ang susunod ay MORNING STAR, at ang pinakamaliit sa tatlo ay ang
BRIGHT STAR. Ang bilog ay nahahti sa limang bahagi sa pamamgitan ng tabing outi at ang
bawat bahagi ay may sabog na tig 5 mga bituibg pula, dilaw, dalandan at rosas.

BAHAGI I- Pagpasok
Ang Lider North Star at Morning Star ay tatayo sa gitna ng halamanan o bulwagan at sa kalayuan sag
awing harapan ay naroroon ang Magic Carpet.

HAKBANG I

Lumulukso at umaawit ang Star Scout. Dito ay papsok ang mga Star Scout Clusters na pangkat-pangkat. Sila ay
hahanay na hating pabilog sa tabi ng Magic Carpet, tatayo ng tuwid at aawitin ang kanilang awiting
pampangkat.

a. Kami’y Starlight na makinang, matulungin kanino man (2x)


b. Kami’y Starbeam na Masaya, kami’y nagpapaligaya (2x)
c. Kami’y Stardust na tunay lagging handa araw-araw (2x)
d. Kami’y Starglow na matapat, maglilingkod kanino man (2x)
e. Kami’y Starray na magalang, nangongopo kanino man (2x)

HAKBANG 2

Si Morning Star ay lalapit kay North Star isasagawa ang palatandaan ng Girl Scout na gagantihan ng North Star,
at wiwikaing malakas “North Star, mayroon akong natagpuang mga munting Twinklers na nasa kalipunan ng
mga bituin na ibig maging Stars”. Sasabihin ni North Star, “Paparituhin mo sila sa harapan ko”.

HAKBANG 3

(Kakaunin ni Morning Star ang mga Twinklers na nagtatago sa mga halamanan na kunwari ay mga alapaap.)

HAKBANG 4

Tatanungin ni North Star ang mga Twinklers.Bakit ibig niyong maging Stars?

HAKBANG 5

(Isa-isang sasagot ang mga Twinklers)

1. Ninanais ko pong magbigay liwanag


2. Ibig ko rin naming maging matapat.
3. Maging matulungin mataos kong hangad.
4. Paggalang sa kapwa matutuhan agad.
5. Ang maging masaya ang lubos kong ibig.
6. Nais kong matuto na maging matipid.
7. Tiwala ng iba’y nais kong makamit.
8. Sa gawa’t salita ibig ko’y malinis.

HAKBANG 6
North Star : Ang mga Star ay mga munting bat na nagbibigay liwanag sa kanilang tahanan sa pamamgitan
ng mga ngiti at mabuting gawa. Ang bawat Star ay dapat paligayahin ang kanilang ina, ama at
mga kapatid.

Siya ay marunong magdala sa pamamgitan ng kalinisan, katapatan at pagkamasunurin. Ibig ba


ninyong maging Stars sa inyong tahanan.
HAKBANG 7

Twinklers : “Opo, North Star”.

HAKBANG 8

North Star : “Kung gayon kayo ay pumunta sa tumpak na lugar, ngunit nago tayo pumisan sa mga clusters
ay mangako muna kayong magsasabi ng inyong Panata”.

HAKBANG 9

Lalapit na isa-isa ang mga Twinklers kay North Star, itataas ang kanilang kanang kamay at isasagawa ang
palatandaan kasabay ang pagbigkas ng panata nang malakas, at marahan

“Nangangako akong lubos na magmamahal sa Diyos at sa aking bayan. Tutulong ako sa king
kapwa araw-araw at higit sa lahat sa mga kasambahay.”

HAKBANG 10

Samantalang binibigkas ng Twinklers ang panata ay isasagawa rin ni North Star ang palatandaan. Pagkatapos
bigkasin ng Twinklers ang panata ay ikakabit ni North Star ang alpiler sa kanilang kuwelyo ng uniforme, isang
sentimetro ang layo sa dulo. Kakamayan niya ng kamayang Girl Scout ang bagong Star Scout at kasabay ng
palitan ay sasabihin,” isa ka na ngayong Star Scout sa troop bilang _______ ng _______ Laguna Council ng Girl
Scout of the Philippines.

HAKBANG 11

Sasabihin ni North Star sa lahat ng bagong Star Scout,”Ngayon tunay na kayong kaanib sa tropa ng Star Scout,
ngunit bago kayo pumisan sa inyong cluster ay hayaan ninyong ilagay ng inyong tagatangkilik (sponsors) ang
inyong cap.”

(Ang mga tagatankilik mula sa kanilang upuan na malapit sa pook ng seremonya ay lalapit sa mga bata at
ilalagay ang kani-kanilang cap).

HAKBANG 12

(Kukunin ni Morning Star ang bagong Star Scout at ihahatid niya ito sa cluster na kaanib)

HAKBANG 13

North Star: “Nasa inyo na ngayon ang inyong mga cap ngunit Star Scout ay may mga batas na sinusunod.
Alam ba ninyo ito? Kung gayon bigkasin ninyo ng sabay sabay ang batas ng Star Scout.

Star Scout; “OPO”


“Ang Star Scout ay matapat.
Ang Star Scout ay masunurin.”
HAKBANG 14

North Star: “Malugod naming kayong tinatanggap, mga bagong Stars na hanay ng Milky Way”.

Ang Milky Way ay pabilog na pulutong ng mga stars maghahawakan ng mga kamay ang bagong Stars
at hahanay ng palibot sa Magic Carpet. Aawitin nila ang awit ng Stars at lalbas na habang umaawit at
sumasayaw.
Girl Scouts of the Philippines
LAGUNA COUNCIL
Los Baños Laguna

Seremonya ng Pagbibinyag
Twinklers

Pook : Isang malawak na lugar na napaplamutian ng bituin ang buong paligid

Isang malaking bituin na nabablutan ng tin foil ang nakalagay sa harapan ng lugar. Sa gitna ng
bituin ay may malaking salamin na hustong kakikitaan ng mukha ng Twinklers. Bago ang
seremonya, ang bituin ay natatkpan ng damit na aalisin lamang kung kalian nararpat alisin sa
bahagi ng seremonya.
Sa tabi ng bituin ay may malaking trefoil na sumasagisag sa GSP Movement.
Sa simula ng seremonya ay magpapatugtog ng masiglang awitin habang ang mga Twinklers ay
masiglang umiigpaw patungo sa lugar na mayroong hinahanap na bagay.

Shining Star : (Haharap sa mga bagong Twinklers) Hello, mga munting kaibigan.
Malaman ko nga kung bakit kayo naririto?
Bagong Twinklers : Hinahanp po namin ang Magic Star. Gusto po naming malaman kung maari po kaming
maging Twinklers.
Shining Star : Mabuti, sumam kayo sa akin at dadlhin ko kayo sa Guiding Star. (Sasamahan ng Shining
Star ang mga batang baba sa Guiding Star)
Shining Star : Guiding Star, ito pong mga munting batang babae ito ay nagpapahanap ng Magic Star.
Gusto po nilang maging Twinklers at nais din po nilang malaman kung maari silang
maging Twinklers.
Guiding Star : Tuloy kayo, mga mumunting kaibigan. Pero bago ang lahat, dapat sabihin ninyo sa akin
kung bakit gusto niyong maging Twinklers.
Batang Babae Blg. 1: Gusto ko pong maging Masaya!
Blg. 2: Gusto ko pong maging mabuti!
Blg. 3: Gusto ko pong maglaro.
Blg. 4: Gusto ko pong gawing masaya ang iba pang tao.
Guiding Star : Halikayo at tingnan natin ang Magic Star. (Lalapit sa Magic Star at aalisin ang nakatakip
na damit habang may iparirinig na kaugnay na himig)
“Sa harap ng Magic Star, tumayo kayo. Sasabihin niya kung kayo ay sino.”
“Sa pagtingin ninyo at inyong mukha nag nakita. Sa katotohanan, kayo ay Twinkler na.”

(Bawat Twinkler ay titingin sa salamin at kapag nakita ang kanilang mukha, siya ay
masayang sisigaw – “Ako ay Twinkler!” sasabayan ng kaukulang himig.

Shining Star : Ang sabi ng Magic Star kayong lahat ay maaaring maging Twinklers. Ang Twinklers ay
mga mumunting Girl Scouts na laging masaya sapagkat gumagawa sila ng mabubuting
gawain at nagagawa nilang maging masaya ang ibang tao.
Ngayon, pakikingan ng Guiding Star, ang sasbihin ninyong Pangako ng Twinklers.
Tatayo siya sa tabi ng trefoil na kumakatawan sa Girl Scouts ng Pilipinas, ang
samahang kinabibilangan ninyo ngayon.

(Bawat batang babae ay gagwa ng ilang hakbang patungo sa Guiding Star. Ipasasbi ang
Pangako ng Twinkler habang isinasagawa niya ang Twinkler Sign)... “Mahal ko ang Diyos,
ang aking bansa at ang mga taong nakapaligid sa akin.”
Guiding Star : (o kung sinumang Investing Officer)(Isasagawa ang Girl Scout Sign pagkatapos
mabigkas ng batang babae ang Pangako, ituturok ang World Pin at Twinkler Pin sa
kanyang uniporme)
Tinatanggap kayo sa samahan ng Girl Scout bilang kasapi ng Twinkler
Troop(Kakamayan sa kaliwa ang Twinkler)
Ingatan ang inyong Pangako at lagging masayang Twinkler.

Twinklers : “Happy Little Twinklers”


(Itutuloy ang pag-awit habang lumalabas ang mga bata nang paigpaw)
Girl Scouts of the Philippines
LAGUNA COUNCIL
Los Baños Laguna

PAGBIBINYAG
(Investiture Ceremony)
Juniors/Seniors

I. Pagtitipon
a. Ang mga Junior Scouts ay magtitipon sa labas ng pagdarausan.
b. Ang Investing Officer, mga magulang ay uupo sa likuran ng lamesa na kung saan ang mga
scouts ay magsisiayos sa horseshoe formation na nakaharap sa kanila.

II. Pagpasok
Sa pagsenyas ng Presiding Leader ang mga bat ay papsok ng nagmamartsa at magsisiayos sa
horseshoe formation.

III. Seremonya
a. Sisindihan ng Presiding Leader ang pinakamalaking kandila, “ang unang kandilang ito ay
sumasagisag sa espiritu ng Girl Scouting. Nawa’y ang liwanag nito’y magsilbing gabay sa inyo
habang buhay.”
Ang pangalawang malaking kandila, “ang kandilang ito ay sumasagisag sa Pangako ng Girl
Scout na maglingkod sa Diyos, sa aking bayan, tutulong ako sa aking kapwa sa lahat ng
pagkakataon at isasabuhay ko ang batas ng Girl Scout”.
Ang pangatlong malaking kandila, “Ang liwanag ng kandilang ito ay magsilbing gabay sa inyong
maayos na pamumuhay sa pamamagitan ng pagsunod sa Batas ng Girl Scout.”
Ang maliliit ng kandilang ito ay isa-isang sisindihan ng mga bata sa pinakamalaking kandila at
sasabihin ang batas habang ang kanyang kamay ay naka Girl Scout sign.
b. Tatawagin ng Presiding Leader and Investing Officer na kung saan ay tatayo sa kanang lamesa.
c. Tatawagin ng Presiding Leader at Patrol Leader ng bawat grupo
“Mga Patrol Leader, maari na ninyong ipakilala ang mga batang nais mapabilang sa samahan
ng Girl Scout”.
d. Hahakbang ng isa ang Patrol Leader at ipakilala ang mga batang nais mapabilang sa samahan
ng Girl Scou.
e. Hahakbang ng isa ang Patrol Leader at ipakikilala ang bumubuo ng tropa.
“Mahal na __________________ o Ginang ________________. Nais ko pong ipakilala ang mga
sumusunod: ____________________. Matagumapy po nilang nagawa ang mga kinakailangan
upang sila ay mapaanib sa samahan ng Girl Scouts at ngayo’y nagnanais ng mapabilang bilang
Junior Scouts.”
Habang tinatawag ang pangalan, hahkbang ng isa at gagawin ang GS sign.

IV. Ang panunumpa


a. Ang Investing Officer ay lalapit sa bawat batang kasama ng Presiding Leader na dala ang
lalagyan ng Junior pins.
“Nauunawaan mo ba ang iyong karangalan? Maasahan ko ba sa iyong karangalan ay gagwin
mo ang iyong tungkulin maglingkod sa Diyos, sa iyong bayan at sa sangkatauhan?”
Sagot ng bata: “Opo”
“Ngayon bigkasin mo ang Pangako ng Girl Scout.”
Bibigkasin ng bata ang Pangako habang naka GS sign.

V. Ang paglalagay ng pin


Ilalaagay ng Investing Officer sa kaliwang kolar at babatiin sa pamamagitan ng GS handshake,
kasabay ang pag tanggap na sasabihin, Maligayang pagsanib sa tropa bilang______ Ikaw ay
tinatanggap sa kapatiran ng Girl Scouts.

VI. Paglalagay ng panyo


Ilalagay ng magulang o ng ninang ang panyo sa kolar ng damit.

VII. Pagtatapos
Maaaring dumako sa ikalawang bahagi (palatuntunan).Kung hindi naman maaring lumabas na
pabilog habang inaawit ang GS Hymn.

You might also like