You are on page 1of 5

PROGRAM FOR INVESTITURE

PAMBUNGAD NA SEREMONYA
 Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant Troop/Crew Leader
 Panalangin
 Pagpasok ng mga Kulay
 Pambansang Awit
 Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas

II. PAMBUNGAD NA PANANALITA – DR.LYNNIE-GAY B. ESTEPA


III. INVESTITURE PROPER
 Pagbigkas ng Pangako at Batas ng Scout
 Paglalagay ng Neckerchief

IV. PANGWAKAS NA SEREMONYA


 Scout Benediction
 Paglabas ng mga Kulay
 Paglabas ng mga Scouts at Panauhin

SPIEL FOR INVESTITURE PROGRAM


EMCEE: (SCTR LEA B.BANGOT)
Magandang umaga po sa inyong lahat. Mangyari po lamang na tumayo ang lahat para sa
Pambungad na seremonya. Sisimulan natin ito sa pagpasok ng mgaScouts na
pinangungunahan ng ating Troop Leader, Assistant Troop and Crew Leader.

(Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant Troop/Crew Leader at


ng Panauhing Pandangal)

Para sa ating panalangin, tinatawagan ko si SCTR GLYNEZ A.TIBIGAR

(Panalangin)

Manatili po tayong nakatayo para sapagpasok ng mga kulay at Pambansang Awit ng Pilipinas
sa pangunguna at kumpas ni SCTR P.AUSTRIA JR.

(Pagpasok ng mga Kulay at Pambansang Awit)

Para sa Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas, narito si SPL BRINT DE


GUZMAN

(Panunumpa)

Maari na po kayong magsiupo.

Isang pinagpalang umaga sa inyong lahat. Sa umagang ito ay ating masasaksihan ang
pagtatalaga ng ating mga Scouts. Upang pasimulan ang programang ito, narito ang
tagapamahala ng ating sangay, si DR. LYNNIE-GAY B. ESTEPA

(Pambungad na Pananalita)

Maraming salamat po,


Ngayon ay uumpisahan na natin ang pagtatalaga sa mga Boy Scouts na pangungunahan ng
ating TROOP LEADER P.AUSTRIA JR

G. AUSTRIA: Tinatawagan ko si SPL BRINT na tawagin ang mga itatalang Scout.

BRINT: Lakad patakda na, tungtong kanan tungtong harap Ta

G. AUSTRIA: Mga itatalang scout kayo ay nandito sa aming harapan at nag nanais na maging
isang ganap na scout. Ito ba ang inyong nais?

Participants: Mam, Yes Mam!!!

G. AUSTRIA: Sa seremonyang ito kayo ay itatalaga bilang miyembro ng scouting sa


MACAYUG ELEMENTARY SCHOOL at sa kapatiran ng scouting sa buong mundo. Sa harap
ninyo ay ang isang nasindihang candila. Ito ang sumagisag sa diwa ng Scouting.

Ang mga adhikain ng Scouts na nakasaad ayon sa Panunumpa at batas ng Scout ay nag
bibigay gabay para sa ating maayos at marangal na pamumuhay at ito ay maging isang
pamantayan ng pag-uugali na dapat sundin ng lahat ng kasapi ng kapatiran ng scouting sa
lahat ng oras.

Kapag kayo ay nagging isang ganap na scoutmatututo kayong ng maraming bagay patungkol
sa diwa ng scouting.Ang Panunumpa at batas ng Scout ay pangungunahan ni SPL BRINT
(bigkasin ng mga participants ang Scout Oath and Law)

(Ang pag sisindi ng tatlong Malalaking kandila na kumatawan sa Diwa ng Scouting kasunod
ang 12 na candila na simbulo ng labing dalawang puntos ng Batas ng Scout. Ang 12 dalawang
kandila ay sisindihan ng isa isa pagkatapos sabihin ang puntos na sinisimbulo nito. Ang 3
scout na mag bibigkas ng Panunumpa ng Scout.)

SPL BRINT: Ang Panunumpa Ng Scout; Sa ngalan ng aking dangal; ay gagawin ko ang
buong makakaya; Upang tumupad sa aking tungkulin sa Diyos at sa aking Bayan; ang
Republika ng Pilipinas. (sisindihan ang gitnang kadila)

SCTR GLYNEZ: Sa ngalan ng aking dangal – Ang dangal ay ang pinaka mahalaga at
sagradong pag aari sa iyong buhay. Kalakop nito ay ang iyong pangalan, integridad at
maganda reputasyon. Sa tuwing kayo’y nanunumpa bilang isang scout, kayoy nangangako na
mamumuhay na ayon dito upang mapagpahalagahan ang ideyalismo na gagabay sa iyong
buhay.

Gagawin ko ang buong makakaya- Sa lahat ng iyong ginagawa, ikaw ay nakipagtipan na


gagawin mo ang lahat na iyong makakaya. Kung may bagay na mahalagang gawin ito ay
dapat gawin at tapusin, kung tatapusin ito tapusin ito ng mabuti. Ang paggawa ng buong
makakaya ay isang personal na pagsubok. Laging magsumikap na gawin sa pinakamahusay
na antas sang lahat ng iyong ginagawa.

sa Diyos at sa aking Bayan …Tayo, na kabilang sa kilusan ng scout ay na nanalig sa Diyos. Di


man tayo nakakapareho sa pamamaraan ng pagsamba sa kanya, ngayon may tayo’y isa sa
pag titiwala at paniniwla sa puong may kapal, na ating Diyos at Panginoon. Upang gawin ang
tungkulin sa Diyos, kailangan nating sambahin sya at sumunod sa kayang kautusan na
naayon sa inyo-inyong paniniwalang pang relihiyon. Makasusumpong kayo ng kaligayahan
kung kayo’y taus pusong tutupdin ang tungkulin para sa ating Diyos.

SCOUT B: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya na sumunod sa


Batas ng Scout; Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon;

SCTR GLYNEZ : sumunod sa Batas ng Scout – Sa pamumuhay ng ating Sinumapaan


pangako sa scouting- kailangan natin ang batas ng scout upang maging gabay natin. Ang
labing dalawang puntos ng batas ng scout ay ang pamantayan ng pag-uugali habang tayo’y
naglalakbay sa buhay ng isang Scout. Kaya iminumungkahi na kayo’y mag pasyang mamuhay
ayon sa panunumpa at batas ng scout.
Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon – ang isang dahilang kung bakit ang scouting
ay lumago sa bansang ito ay sa kadahilanang nakatangap ito na suporta sa mamamayan. Ang
scouting ay pinahahalagahan ang suportang ito ay dahil sa ang mga scoutay nagpakita ng
pagiging mahalang bahagi ng lipunan. Ang diwa ng paglilingkod ay nasa puso ng tunay na
Scout.

SCOUT C: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya; Pamalagiing


malakas ang aking katawan, gising ang isipan at marangal ang asal. (sisindihan ang kanang
kandila). Pamalagiing malakas ang aking katawan

SCTR GLYNEZ Sa ngayon, alam na natin ang pagiging malinis at ang kalusugan sa ating
paaralan na kung ito ay masusunod matutulungan nito tayong maging malusog at maligaya sa
buhay. Kung ninanais ninyong mag karoon ang isang alerting isipan at ng kahandaang
tumulong sa iba, kailangan ninyong panatilihing malusog at maglakas ang inyong
pangangatawan.

gising ang isipan … Ang pagkakaroon ng gising ang isipan ay magpapakita ng alertong at
matalinong isipan. Hindi sapat ang mga scout ay puro pisikal na lakas lamang; kailangan
niyang mag karoon ng gising na isipan din. Ang kanyang pagkilos ay dapat maliksi, kalkulado
at handing tumugon sa anumang pangangailangan at sa mga hinihingi ng pagkakataon.
marangal ang asal…Kailangan ng scoutna maging huwaran ng magandang asal. Ang kanyang
asal ay nasa pinaka mataas na antas. Ang kanyang isip, salita at gawa ay laging nag papakita
ng wastong asal.
(Ang pag sasalita ng 12 piling scout.)

EMCEE: Dumako napo tayo sa Batas ng Scout.

Scout 1: Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN.


SCTR GLYNEZ Ang Scout ay nagsasabi ng katotohanan. Tumutupad siya sa kanyang mga
pangako. Ang pagiging matapat ay bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay maasahan ng
ibang tao.

Scout 2: Ang Scout ay MATAPAT.


SCTR GLYNEZ Ang Scout ay matapat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa
Scouting, sa paaralan at sa bayan.

Scout 3: Ang Scout ay MATULUNGIN.


SCTR GLYNEZ Ang scout ay may kalinga sa ibang tao. Nagsisikap siyang makatulong saiba
na hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.

Scout 4: Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN.


SCTR GLYNEZ Ang Scout ay kaibigan ng lahat. Itinuturing niyang kapatid ang kanyang mga
kapwa Scout. Sinisikap niyang umunawa sa iba. Iginagalang niya ang mga paniniwala at
kaugalian ng ibang tao na naiiba sa kanya.

Scout 5: Ang Scout ay MAGALANG.


SCTR GLYNEZ Ang Scout ay magalang sa sinuman ano pa man ang gulang nito o katayuan.
Alam niya na ang mabuting pag- uugali ay daan sa magandang pagkakasunduan ng mga tao.

Scout 6: Ang Scout ay MABAIT.


SCTR GLYNEZ Ang Scout ay nakakaunawa na may angking lakas ang pagiging mabait.
Itinuturing niya ang iba gaya ng gusto nitong pagturing ng iba sa kanya. Hindi siya nanakit o
namiminsala ng mga hayop at iba pang bagay na walang kadahilanan at sinisikap niyang ito
ay mapangalagaan.

Scout 7: Ang Scout ay MASUNURIN.


SCTR GLYNEZ Ang Scout ay sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan
at tropa. Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang pamayanan at bayan. Kung inaakala
niyang may mga alituntuning hindi tama, sinusunod niya itoat hindi sinusuway ngunit sinisikap
niyang mabago iyon sa matiwasay na pamamaraan.

Scout 8: Ang Scout ay MASAYA.


SCTR GLYNEZ Ang Scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay.
Masaya niyang ginagampanan ang mga naiatang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap niyang
makapagbigay ng lugod sa iba.

Scout 9: Ang Scout ay MATIPID.


SCTR GLYNEZ Ang Scout ay gumagawa upang matustusan ang kayang sarili at upang
makatulong sa iba. Nagiimpok siya para sa hinaharap. Pinapangalagaan niya at ginagamit ng
wasto ang mga likas na yaman. Maingat siya sa paggamit ng kanyang panahon at ariarian.

Scout 10: Ang Scout ay MATAPANG.


SCTR GLYNEZ Ang Scout ay may lakas ng loob na humarap sa panganib kahit may taglay
siyang pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inaakala niyang tama at matuwid sa kabila ng
tudyo o pananakot ng iba.

Scout 11: Ang Scout ay MALINIS.


SCTR GLYNEZ Ang Scout ay pinapanatiling malinis ang kanyang katawan at kaisipan. Siya
ay sumasama sa mga taong may ganito ring panuntunan. Tumutulong siya sa pagpapanatiling
malinis ng kanyang tahanan at pamayanan.

Scout 12: Ang Scout ay MAKA- DIYOS.


SCTR GLYNEZ Ang Scout ay mapitagan sa Diyos. Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin
ng kanyang pananampalataya. Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa kanilang
pananampalataya.

G.AUSTRIA JR: Narining ninyo ang Panunumpa at labing dalawang puntos ng Batas ng
Scout.bilang isang scout,tinatangap ba ninyo ang tatlong tungkulin at labing dalawang puntos
ng batas na ito?

Participants: “Mam, Yes, Mam!”

EMCEE(LEA): Nawa ay si buhay ninyo mgaaral na ito. Ipinakikiusap ko po sa ating mga


magulang, Ninong at Ninang na sila ay tumayo sa may likuran ng kanilang anak o aanakin,
sagisag na sa ano mang adhikain ay nasa likuran kayo ng mga batang ito.

Tinatawagan ko ang inyong SCL upang pangunahan ang Scout code.

SPL BRINT: Ako po ang maguuna at kayoy susunod sa akin.

As a Scout Citizen,

I will live the Scout Oath and Law, the Scout Motto, and the Scout Slogan; I will be familiar with
the Constitution of the Republic of the Philippines, especially my rights and obligations as a
Filipino citizen;

I will share in the responsibilities of my home, school, church, neighbourhood, community, and
country;

I will deal fairly and kindly with my fellowmen in the spirit of the Scout Law;

I will work to preserve our Filipino heritage,aware that the privileges we enjoy were won by
hard work, sacrifice,clear thinking, and faith of our forefathers;

I will do everything in my power to pass on a better Philippines to the next generation.

EMCEE:(LEA) At ngayon upang opisyal ng matalaga kayo, ina-anyayahan po ang namin


kagalang-galang na Punong Guro na siya ring ating Punong Institusyunal na italaga na ang
mga bagong iskawt. DR. LYNNIE-GAY B. ESTEPA

DR. LYNNIE-GAY B. ESTEPA: Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinag kaloob sakin ng


Boyscout of the Philippines bilang Punong Institusyonal ng MACAYUG ELEMENTARY
SCHOOL. Itinatalaga kayo bilang Opisyal na miyembro ng Boyscoutof the Philippines
CONGRATULATION.
P.AUSTRIA JR: Ngayon po ay sabay-sabay nating ilagay ang alampay o ang neckerchief sa
leeg ng mga batang itinalaga.

(hintaying maging maayos ang lahat)

P.AUSTRIA JR: Malugod naming kayong tinatangap sa pamilya ng scouting. Maraming


maraming salamat po.

Maraming salamat . Bigyan po nating muli nang matunog na pagpugay ang mga bagong
itinalagang scouts.

Ngayon naman sabay sabay TUMINGIN SA WATAWAT NG PILIPINAS at ating bigkasin ang
PANATANG MAKABAYAN.

EMCEE:(LEA)Magaling mga Scouts! Para sa Scout Benediction, narito si G.AUSTRIA JR

G.AUSTRIAJR: SCOUT SIGN BOTH HANDS


TO ALL GREAT GREAT SCOUT OF ALL YOUNG SCOUT BE WITH US TILL WE MEET
AGAIN

EMCEE (LEA)Maraming salamat G.AUSTRIA JR. Tayo po ngayon ay magsitayo para sa


paglabas ng mgakulay kasunod ang mga Scouts at ang mgapinuno ng ating paaralan.

Isang taos-pusong pasasalamat po mula sa MACAYUG ELEMENTARY SCHOOL sa inyong


walang sawang pagsuporta sa adhikaing ito. Muli po, isang magandang hapon po sa inyong
lahat

Paalala po sa mga makikilahok sa Institutional Camping and Team Building, kayo ay


inaasahang narito na sa paaralan sa ganap na 5:30 PM ng hapon.BRING YOUR PACK
DINNER Kita-kits!

You might also like