You are on page 1of 4

Boy Scouts of the Philippines

Tarlac Council
Tarlac North A District- Cluster III
CAPULONG E L E M E N T A R Y S C H O O L

PROGRAM FOR THE INVESTITURE CEREMONY


TIME ACTIVITIES

8:30-8:50 am Setting-up
8:50-9:00 am Entrance of Colors
9:00-9:15 am Opening Ceremony (Doxology, Singing of the National Anthem)
9:15-10:50 am Investiture Proper
10:50-11:00 am Closing Remarks/Announcements

SEREMONYA SA PAGBIBINYAG NG MGA BOY SCOUT


** scouting songs (On My Honor, The Boy’s Plea, We’re All Together Again, Cumbaya, etc.) play

** boys with their sponsors, scouters and guests enter the hall

** singing of the Nat’l Anthem


SENIOR PATROL LEADER: Humanda para sa pagtatalaga!

SCOUTS: Laging handa!

SENIOR PATROL LEADER: Sir, Ma’am… handa na po ang lahat para sa pagtatalaga!

TROOP LEADER: Mga bata, ang inyo bang pagdalo sa Seremonyang ito upang italaga sa pagiging Boy Scout ay
kusang loob at kagustuhan ninyo?

SCOUTS: Opo, kusang loob at kagustuhan namin!

TROOP LEADER: Sa seremonyang gaganapin sa hapong ito, ang mga Boy Scout ng paaralan ay tatanggapin sa
kanilang tropa at sa kapatiran ng Scouting.

Tinatawagan ko ang ating Institutional Scouting Head, Madam Venus C. Yumul, two-bead
holder, upang sindihan ang unang kandila.

** Institutional Scouting Head lights the mother candle

(as the ISH lights the mother candle) Ang kandilang may sindi ay kumakatawan sa ispiritu ng
Scouting. Nawa ang liwanag ng kandila ay magsilbing gabay ng lahat sa lahat ng panahon.
Magsisilbing tanglaw sa landas na inyong tatahakin bilang mga Scout.

Maaari na po kayong magsi-upo.

Sa inyong pagiging scout, matututunan ninyong mabuti ang diwa ng scouting. Ito ay alam at
sinusunod ng milyung-milyong scouts sa buong daigdig. Nakatakdang matutunan din ninyo ito
at buong pusong sundin.

Ang mga bahagi ng batas ng scouting ay bibigkasin ng mga piling scouts. Pakinggan ninyo itong
mabuti sapagkat itatanong ko sa inyo kung tinatanggap ninyo ang mga batas na ito.
** 12 scouts enter one by one to explain the points of Scouting as they light the candle representing the law they explain
SCOUT 1: Ang scout ay MAPAGKAKATIWALAAN. Ang iskawt ay tunutupad sa kaniyang pangako; ibinibigay
niya ang buong makakaya sa pagtupad ng kaniyang tungkulin; maaasahan siya sa lahat ng oras. 

SCOUT 2: Ang scout ay MATAPAT. Ang iskawt ay mapagmahal sa katotohanan; walang puwang sa kaniya
ang anumang kasinungalingan.

SCOUT 3: Ang scout ay MATULUNGIN. Ang iskawt ay may malasakit sa kanyang kapwa; ginagamit niya ang
lahat ng pagkakataon upang makagawa ng mabuti; hindi siya naghihintay ng kabayaran, papuri,
o anumang kapalit sa kaniyang pagtulong.

SCOUT 4: Ang scout ay MAPAGKAIBIGAN. Ang iskawt ay kaibigan ng lahat; kapatid siya ng lahat ng iskawt;
palagi niyang inuunawa ang kaniyang kapwa; inire-respeto niya ang paniniwala ng iba.

SCOUT 5: Ang scout ay MAGALANG. Ang iskawt ay may mainam na asal sa pakikisalamuha sa iba, anuman
ang edad o katayuan ng mga ito sa buhay.
Page 1
Boy Scouts of the Philippines
Tarlac Council
Tarlac North A District- Cluster III
CAPULONG E L E M E N T A R Y S C H O O L

SCOUT 6: Ang scout ay MABAIT. Ang iskawt ay mahinahon sa kaniyang pakikitungo; niiwasan niya ang
salita o kilos na maaaring makasakit.. Hindi siya nananakit o pumapatay ng mga hayop.

SCOUT 7: Ang scout ay MASUNURIN. Ang iskawt ay sumusunod sa mga panntunan ng kaniyang pamilya,
paaralan, at tropang kaniyang kinabibilangan; tinutupad niya ang mga batas ng kaniyang
komunidad.

SCOUT 8: Ang scout ay MASAYA. Ang scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay.
Masaya niyang ginagampanan ang mga ibinibigay sa kanyang tungkulin. Sinisikap niyang
makapagbigay ng lugod sa kapwa.

SCOUT 9: Ang scout ay MATIPID. Ang scout ay gumagawa upang hindi maging pabigat ang sarili sa iba.
Siya ay nag-iipon para sa hinaharap. Pinangangalagaan niya ang wastong gamit ng mga likas na
yaman. Maingat siya sa paggamit ng kanyang panahon at ari-arian.

SCOUT 10: Ang scout ay MATAPANG. Ang scout ay may lakas ng loob na humarap sa panganib kahit na siya
ay may taglay na pangamba. Siya ay naninindigan sa tama at matuwid sa kabila ng mga tukso ng
buhay.

SCOUT 11: Ang scout ay MALINIS. Ang scout ay malinis sa kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama
sa mga taong may ganito ring panuntunan. Tumutulong siya na panatilihing malinis ang tahanan
at kapaligiran.

SCOUT 12: Ang scout ay MAKA-DIYOS. Isinasabuhay niya ang mga aral ng relihiyong kinabibilangan.
Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa pananampalataya.
TROOP LEADER: Mga batang scout, magsitayo.

Narinig ninyo ang Labindalawang Puntos na Batas ng Boy Scout. Tinatanggap ba ninyo ang
mga batas na ito?

SCOUTS: Opo, tinatanggap namin!

TROOP LEADER: Ipinapangako ba ninyo na gagawin ang buong makakaya upang ang mga ito ay maisabuhay?

SCOUTS: Opo, ipinapangako namin!

TROOP LEADER: Kayo ay mabubuhay sa Pangako at Panunumpa ng Scouting. Ang Panunumpa ay nahahati sa
tatlong tungkuling kinakailangang tanggapin ninyong lahat.
** Senior Patrol Leader gives the candles to the scouts who are to assist him in lighting these candles; the SPL then faces the crowd

SCOUT A: Ang kandilang ito ay sumasagisag na mahal ko ang Diyos at ang aking bayan.

SCOUT B: Ang kandilang ito ay sumasagisag sa paggawa ng mabuti araw-araw.

SCOUT C: Ang kandilang ito ay sumasagisag sa pagsunod sa Batas ng Iskawt.

SENIOR PATROL LEADER: Mga kapwa ko scout, sumunod kayo sa akin sa Panunumpa.

Ilagay ang kanang kamay sa anyo ng panunumpa…na!

“Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya upang tumupad sa
aking tungkulin sa Diyos at sa aking bayan, ang Republika ng Pilipinas. At sumunod sa
batas ng scout. Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon. Panatilihing malakas
ang aking katawan, gising ang isipan at marangal ang asal.
Handa baba…na!
TROOP LEADER: Matapos ninyong marinig ang Panunumpa, ang Batas at kahalagahan nito, ipinapangako ba
ninyo ang pagtupad sa lahat ng ito?

SCOUTS: Opo, ipinapangako namin!

TROOP LEADER: Sa espiritu ng liwanag ng mga kandilang naririto, mapatnubayan nawa ang inyong landas sa
pagtahak ninyo sa mundo ng scouting, tungo sa pagiging kapaki-pakinabang na bahagi ng
ating lipunan.

Page 2
Boy Scouts of the Philippines
Tarlac Council
Tarlac North A District- Cluster III
CAPULONG E L E M E N T A R Y S C H O O L

Hinihiling ko na ang inyong pansin ay ituon sa watawat na sagisag ng ating bansa. Minahal
tayo at inaruga ng bansang kinakatawan nito. Bilang mga scout, mayroon tayong dakilang
tungkulin sa kanya.

Tinatawagan ko si Scout_______, upang pangunahan ang pagbigkas sa Panunumpa ng


Katapatan sa Watawat ng Pilipinas.

SCOUT D: Ilagay ang kanang kamay sa anyo ng panunumpa…na!

“Ako ay Pilipino, buong katapatang nanunumpa sa Watawat ng Pilipinas. At sa


bansang kanyang sinasagisag, na may dangal, katarungan, at kalayaan, Na
ipinakikilos ng sambayanang maka-Diyos, maka-kalikasan, maka-tao at maka-bansa.”
Handa baba… na!

SCOUT E: Bigkasin ng sabay-sabay ang Scout Motto!

SCOUTS: Laging handa!

SCOUT F: Bigkasin ng sabay-sabay ang Scout Slogan!

SCOUTS: Gumawa ng mabuti araw-araw!

TROOP LEADER: Tinatawagan ang pangkalahatang pinuno ng mga scout upang pasimulan ang pagtatalaga.

INST’L SCOUTING HEAD: Bilang Institutional Scouting Head ng Capulong Elementary School, malugod kong inihaharap
ang ____ batang Scout na nagpahayag ng kanilang kagustuhan sa pagtatalaga bilang tunay na
scout. Aking napatunayan ang kanilang pagtupad sa panuntunan ng Batas ng Boy Scouts of the
Philippines, kung kaya malugod kong hinihiling na sila ay tangggapin sa Samahan ng Scouting.

SCOUTING OFFICIAL: Sa bisa ng kapangyarihang iginawad sa akin ng Boy Scouts of the Philippines bilang kinatawan ng
Scouting sa Lalawigan ng Tarlac, aking pinatutunayan na kayo ay rehistrado sa Kilusan ng Boy
Scouts of the Philippines ngayong ika-15 ng Setyembre, 2017. Ngayon, sa harap ng inyong mga
Scout Leader, mga magulang, ninong o ninang, tanggapin ninyo ang simbolo ng inyong pagiging
kasapi sa kilusan ng scouting.
TROOP LEADER: Tinatawagan ang mga ninong o ninang, na tumayo sa harap ng kanilang magiging inaanak.

Isuot po ninyo sa bata ang kaniyang neckerchief na siyang simbulo ng kanilang pagiging
aktibong kasapi ng Scouting.

Matapos pong maisuot sa inyong inaanak ang kanilang neckerchief, ay manatili kayong
nakatayo sa kanilang likuran.

Ang pagtayo sa likuran ng inyong inaanak ay may katumbas na pangakong lagi kayong nasa
kanyang likuran upang umalalay sa kaniyang pagtahak sa mundo ng Scouting.

Tinatawagan ko po ang aming butihing Institutional Head, upang pangunahan ang


panunumpa ng mga ninong at ninang. Itaas po ninyo ang inyong kanang kamay sa ayos ng
panunumpa.
INST’L SCOUTING HEAD: Mga ninong o ninang, ilagay ninyo ang kaliwang kamay sa kaliwang balikat ng inyong inaanak.
Ilagay ang kanang kamay sa anyo ng panunumpa, at ulitin ang Panunumpang aking bibigkasin.

“ Ako / ay nangangakong gagawin ang buong makakaya / upang akayin ang batang ito /
sa maliwanag / at tamang landas ng buhay, // upang lumaki siya na mabuting
mamamayan / ng ating bansang Pilipinas. // Kaya tulungan Mo po kami Panginoon.”
TROOP LEADER: Mga ninong at ninang, maaari na po kayong magsibalik sa inyong upuan. Mga bata, magsi-
upo.
Sa puntong ito ay tinatawagan ko ang ating School BSP Coordinator, Scouter Ronald C.
Tanedo, para ibigay ang mga mahalagang announcement kaugnay ng mga gawain sa
scouting.
** School BSP Coordinator presents BSP-related announcement
TROOP LEADER: Salamat Scouter ________, tinatawagan ko pong muli ang masigasig nating Council Program Commissioner, three-
bead holder, _____________, para sa kanyang makabuluhang mensahe.

Page 3
Boy Scouts of the Philippines
Tarlac Council
Tarlac North A District- Cluster III
CAPULONG E L E M E N T A R Y S C H O O L

** CPC delivers his message for the parents, the scouts, sponsors and guests (message from the Brgy. Capt. and/or PTA president may also be
solicited)
TROOP LEADER: Binabati ko kayo mga bagong BOY SCOUT! Mabuhay ang BSP Tarlac Council!

Magsitayo po ang lahat at sabay sabay nating awitin ang awit na inyong napapakinggan
** community singing of the song, “We’re Here Together Again”
TROOP LEADER: Tinatawagan ang aming panauhin para sa Scout Benediction.

** scouting official administers Scout Benediction


** sound of scouting songs (On My Honor, The Boy’s Plea, We’re All Together Again, Cumbaya, etc.) play as the Institutional Scouting Head, guest
speaker and other guests handshake the scouts
** everybody exits

Preapared by:
RONALD C. TANEDO
BSP- School Leader

Noted by:
IRMA D. GORDO, EdD,
ESHT-I II/ Institutional Scouting head

Page 4

You might also like