You are on page 1of 3

Creative Star Montessorian School Inc.

Boy Scout of the Philippines


PALATUNTUNAN
Unang Bahagi

I. Pagpasok ng mga Batang Boy Scout

II. Pagpasok ng mga Kulay

III. Panalangin

IV. Pambansang Awit

V. Pambungad na Pananalita

Ikalawang Bahagi

A. Sisindihan ni sir JESUS LAZARA ang tatlong kandilang malalaki.


B. Kukunin ni GNG CHRISTINE PASCASIO ang kandila at sasabihin sa mga kandidato:
--Kayo ngayon ay tatanggapin sa pangkat ng Boy Scout of the Philippines. Ang kandilang ito ay kumakatawan sa
diwa ng iskawting na inaasahan naming magigiting na tanglaw ninyon habang buhay.

K. Pagpapakilala sa mga batang itinalaga ni Gng. Christine M. Pascasio.

-- Ngayong hapong ito, nais kong ipkilala ang mga batang nais sumapi sa kapisanan ng Boy Scout.

(Tatawagin ang mga patrol leaders at ang pangalan ng Patrol)

Patrol Leader _____________________, maaari mo bang ipakilala ang iyong mga batang nais sumapi sa kapisanan ng
Boy Scout?

Patrol Leader_____________________: (gagawa ng isang hakbang pasulong; ibibgay ang pananda)

: Malugod ko pong ipinakikilala sina ( pangalan ng mga members isa-isa ) na nakapasa sa mga
hinihinging pangangailangan sa pagsapi at ngayon ay nagnanais na maitalaga bilang mga Boy Scout of the Philippines.

Patrol Leader: METIN ALDEN ALEXUS

Patrol Leader: TOPACIO, DON JULIANNE

Patrol Leader: CASIROMAN JHON RAFAEL

(Matapos magpakilala ang lahat, ang mga batang Boy Scout ay titingin sa Boy Scout sign ni ____________________at
pag ibinaba na ni ___________________, ang kanyang Boy Scout sign, sabay-sabay na magbababa ang mga bata ng
kanilang mga pananda.)

D. ___________________ : Pagpapaliwanag sa inyo ng mga Batas ng Boy Scout

E. Pag-iilaw (Pagsisindi ng 10 maliliit na kandila ng mga piling Boy Scout. Isa-isang sisindihan ang kandila
habang ipinaliliwanag ang mga Batas ng Boy Scout at pagkatapos ay muling ibabalik ang kandila sa tusukan at babalik sa
pwesto o lugar.)

Ang mga piling Boy Scout ay isa-isang bibigkas ng mga Batas. (kukunin ang kandila at hahawakan, lalapit sa
mikropono at saka bibigkasin ang Batas ng Boy Scout).

Ito ay sunud-sunod na gagawin:

DELOS SANTOS, SAM G.: Ang Boy Scout ay mlinis sa isip, sa salita at sa gawa. Pinagsusumikapan niyang maghari
ang kanais-nais na isipan sa kanyang gawa at pinagyayaman ang kanyang buhaysa mga kapakipakinabang na gawa.

TARROSA, DAN MATTHEW A.: Ang Boy Scout ay madamayin. Buong puso siyang dumadamay sa lahat ng tao,
mayaman man o mahirap, marunong o mangmang man lalo na sa oras ng kagipitan.

MANGULABNAN, TERZO: Ang Boy Scout ay disiplinado. Siya’y magalang sa pagsasalita, sa pagkilos at paggawa.
Hindi siya magaslaw.
PENAFLOR, LAWRENCE: Ang Boy Scout ay masipag. Siya ay laging gumagawa kahit walang nag-uutos, maging
gawaing pantahanan o pampaaralan man.

CAMOTE, NJ JHOMIGZ :Ang Boy Scout ay masunurin sa batas at sa kapwa. Masunurin siya sa Batas ng Boy Scout at
sa mga taong dapat niyang sundin, sa kanyang mga magulang, guro at sa lahat ng tao, matanda man o bata.

MANGALUS, ALLAN LEBRON : Ang Boy Scout ay matapat. Siya’y matapat sa kanyang mga gawain, sa tahanan, sa
paaralan at sa panlipunan.

HACKER, LIAN JEREEMI Ang Boy Scout ay matulungin sa kapwa. Siya’y laging handang tumulong sa lahat ng
nangangailangan ng kanyang tulong.

METIN, ALDEN ALEXUS: Ang Boy Scout ay may paninindigan sa saril. Siyay pwedeng makipag-isa at makisama sa
kapwa nang walang takot at buo ang loob na gumaganap ng tungkulin sa ikabubuti ng lahat.

PALSIMON, MANUEL JR: Ang Boy Scout ay magalang sa lahat ng may buhay. Mabait siya sa mga hayop at sinisikap
niyang maipagsanggalang ang mga ito sa kapabayaan at kalupitan ng mga tao.

TOPACIO, DON JULIANNE G.: Ang Boy Scout ay mapagkakatiwalaan. Siya’y laging tapat sa kapwa at sa kanyang
mga gawain. Hindi niya ginagawan ng usap ang kanyang kapwa.

CHRISTINE M PASCASIO: Narining ninyo ang mga ipinaliwanag na Batas ng Boy Scout. Mayroon ba kayong hindi
nauunawaan?

Boy Scout: Wala po.

CHRISTINE M PASCASIO: Ngayon naman ay ipaliliwanag sa inyo ang pangako ng KAB Scout

ni INOFRE, JOHN CARLO, S. ( kukunin at hahawakan ang kaitas-itasang panggitnang kandila)

CHRISTINE M PASCASIO: Narinig ninyo ang pagpapaliwanag hinggil sa Batas at Pangako ng KAB Scout. Mayroon
ba kayong hindi nauunawaan?

Boy Scout: Wala po.

CHRISTINE M PASCASIO: Maaasahan ko ba na inyong sisiskaping magawa ang inyong tungkulin sa Diyos at sa
inyong bansa, tulungan ang ibang tao sa lahat ng panahon at sususndin ang Batas ng Boy Scout?

Boy Scout: Opo gagawin po namin.

CHRISTINE M PASCASIO: Kung gayo’y kayo ay magiging Scout na. Bigkasin ninyo ngayon ang pangako ng Boy
Scout.

Sa pamumuno ni PALSIMON, MANUEL JR, U. Ang Panunumpa ng Scout :Sa ngalan ng aking dangal, ay gagawin ko
ang buong makakaya Upang tumupad sa aking tungkulin sa Diyos at sa aking bayan, at Republika ng Pilipinas, At
sumunod sa Batas ng Scout; Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon; Pamalagiing malakas ang aking katawan,
gising ang isipan at marangal ang asal. Ang Batas ng Scout (baba kamay na)

(Troop leaders gagawa ng pananada, Boy Scout sign)

F. Pagkakabit ng Alampay

Teacher Christine: Tinantawagan ko po ang mga ninong at ninang na ikabit ang alampay sa kani-kanyang inaanak.

: Bigyan naman natin ng matunog na palakpakan ang mga ninong at ninang at mga magulang.

H. Pagpapakilala ng Panauhing Pandangal: G. Dexter Ferranco

*International clap*

I. Pagtatagpo at paglabalas ng mga batang scout.

Awit: Boy Scout of the Philippines

You might also like