You are on page 1of 6

Investiture Ceremony (For Boy Scout)

Equipment:
Table
Phil. Flag
Troop Flag
Trefoil
Posporo/ Lighter
Script
Kandila (12 para sa Batas ng Iskawt, 3 para sa Panunumpa ng Iskawt, at 1 malaking kandila na
sagisag ng Kapatiran ng Iskwts

Setting: Sa isang silid o entablado na may nakasinding malaking kandila sa gitna.

Pamamaraan:

Troop Leader: (Tatawagin ang namumuno sa bawat pulutong ng Boy Scout) Senior Patrol Leader,
Iharap sa lupon ang mga bagong kasapi ng samahan

SPL: Humanay! Patakda na..( Ang mga bata ang magmamartsa)


Pasulong, Kad! (Ang mga bata ay papasok sa entablado)
Pulutong, Hinto! (Ang mga bata ay titigil.
(Troop Formation—U Formation)

SPL: Patrol Leaders! Ipakilala ang mga scouts na itatalaga ngayong umaga.

Ipapakilala ng Patrol Leaders ang mga bagong kasapi ng kanyang Patrol hal: Ako po
Scout James Manongsong. Malugod ko pong ipinakikilala ang mga itatalagang scouts sa
Patrol Narra na sina Scout Miguel Dechosa (hahakbang pauna ang tinawag, at saka
sasaludo.

Troop Leader: Kayo ngayon ay narito upang maging ganap na kasapi ng Boy Scout, ito ba ang inyong
talagang ninanais?

Mga Scouts: Sir, yes, Sir!

Troop Leader: Sa seremonyang ito, kayo ay tinataggap sa lupong ito at sa kapatiran ng mga iskawt sa
buong mundo. Sa harap ninyo ay ang nakasinding kandila. Sinasagisag nito ang diwa ng
Scouting. Sa inyong pagiging ganap na Iskawt, lubos ninyong mauunawaan ng diwa nito.
Ang Batas ng lupon, ay ang Batas ng Iskawt. Ito ay batid at sinusunod ng lahat ng
Iskawts sa buong mundo. Matututunan ninyo at susundin ang Batas na ito. Matamang
pakinggan ang mga batas na ito sapagkat tatanungin ko kayo kung masusunod ba ninyo
ang bawat batas na ito.

OA: Ang mga Iskawts ay mayroong isang Batas na kanilang sinusumpaang susundin. Ito ay
mayroong 12 punto at bibigkasin ng 12 piling Iskawts habang iniilawan ang 12 kandila na
kumakatawan ng 12 puntong batas ng Iskawt

Pakinggan mabuti ang isinasaad ng batas na ito – Sapagkat kayo’y aking tatanungin kung ito’y
inyong matatanggap bilang sariling batas na inyong susundin.

Tinatawagan ko ang 12 Iskawts na simulan ang pag-iilaw ng 12 kandilang Kumakatawan sa


Batas ng Scouts. (12 Scouts LIGHTING OF THE CANDLES)

ZAIDY S. ARGENTE, 2BH w/ CML, Council Advancement Chairman


(pagkatapos sabihin ng bawat scout ang batas ay may paliwanag itong katumbas)

SCOUT 1 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Unang Punto ng Batas ng Scout.
- ANG SCOUT AY MAPAGKAKATIWALAAN-

TINIG 1 Ang Scout ay nagsasabi ng katotohanan. Tumutupad siya sa kanyang mga pangako ang pagiging
matapat ay bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay maaasahan ng ibang tao.

SCOUT 2 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ikalawang Punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MATAPAT-

TINIG 2 Ang Scout ay matapat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa Scouting, sa paaralan at
bayan.

SCOUT 3 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ikatlong Punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MATULUNGIN-

TINIG 3 Ang Scout ay may kalinga sa ibang tao. Nagsisikap siyang makatulong sa iba hindi naghihintay ng
kabayaran o pabuya.

SCOUT 4 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ikaapat na Punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MAPAGKAIBIGAN-

TINIG 4 Ang Scout ay kaibigan ng lahat. Itinuturing niyang kpatid ang kanyang mga kapwa Scout. Sinisikap
niyang umunawa sa iba. Iginagalang niya ang mga paniniwala at kaugalian ng ibang tao na naiiba sa
kanya.

SCOUT 5 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ikalimang punto ng Batas ng Scout
-ANG SCOUT AY MAGALANG-

TINIG 5 Ang Scout ay magalang sa sinuman ano pa man ang gulang nito o katayuan. Alam niya na ang
mabuting paguugali ay daan sa magandang pagkakasunduan ng mga tao.

SCOUT 6 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumsagisag sa Ikaanim ma punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MABAIT-

TINIG 6 Ang Scout ay nakakaunawa na may angking lakas ang pagiging mabait. Itinuturing niya ang iba gaya
ng gusto niyang pagturing ng iba sa kanya. Hindi siya nanankit o namiminsala ng mga hayop at iba
pang bagay na walang kadahilanan at sinisiklap niyang ito ay mapangalagaan.

SCOUT 7 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ikapitong punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MASUNURIN-

TINIG 7 Ang Scout ay sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan at tropa. Sumusunod siya
sa mga batas ng kanyang pamayanan at bayan. Kung inaakala ngunit sinisikap niyang mabago iyon sa
matiwasy na pamamaraan.

SCOUT 8 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ikawalong punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT MASAYA-

TINIG 8 Ang Scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya niyang ginagampanan
ang mga naiatang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap niyang makapagbigay lugod sa iba.

SCOUT 9 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ikasiyam nap unto ng Batas ng Scout.
ZAIDY S. ARGENTE, 2BH w/ CML, Council Advancement Chairman
-ANG SCOUT AY MATIPID-

TINIG 9 Ang Scout ay gumagawa upang matustusan niya ang kanyang sarili at upang makatulong sa iba. Nag-
iimpok siya para sa hinaharap. Pinapangalaan niya ang at ginagamit ng wasto ang mga likas na yaman.
Maingat siya sa paggamit ng kanyang panahon at ari-arian.

SCOUT 10 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ikasampung punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MATAPANG-

TINIG 10 Ang Scout ay may lakas ng loob na hunarap sa panganib kahit na may taglay siyang pangamba. Siya
ay naninindigan sa mga inaakala niyang tama at matuwid sa kabil ng tudyo o pananakot ng iba.

SCOUT 11 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag ng Ikalabing isang punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MALINIS-

TINIG11 Ang Scout ay pinapanatiling malinis ang kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama sa mga taong
may ganito ring panuntunan. Tumutulong siya sa pagpapanatili na malinis ang kanyang tahanan at
pamayanan.

SCOUT 12 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumsagisag ng Ikalabing dalawang punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MAKA-DIYOS-

TINIG 12 Ang Scout ay mapitagan sa Diyos. Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin ng kanyang
pananampalataya. Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa kanilang pananampalataya.

Troop Leader: Narinig ninyo ang Batas ng Iskawt. Tinatanggap ba ninyo ang batas na ito bilang Iskawt,
at nangangako ba kayo na gagawin ang buong makakaya upang isabuhay ang mga ito?

Mga Iskawts: Sir, yes, Sir!

Troop Leader: Ang mga Scouts ay sumusunod din sa isa pang panuntunan: Ang Panunumpa ng Iskawt.
Ang Panunumpa ng Iskawt ay naglalarawan sa tatlong tungkulin na dapat sundin at
gawin ng mga iskawt. Bawat Iskawt ay dapat tanggapin ang kanyang tungkulin sa Diyos
at sa Bayan, sa kanyang kapwa, at sa kanyang sarili. Nais kong gawin ang panunumpang
ito sa unang pagkakataon. Ulitin pagkatapos ko.
Scout Sign!
(Kukunin ng Troop Leader ang malaking kandila upang sindihan an gang tatlong kandila
habang sinasambit ang Panunumpa ng Iskawt)
Troop Leader: Sa ngalan ng aking dangal, ay gagawin ako ang buong makakaya, upang tumupad sa aking
tungkulin, Sa Diyos, at sa aking bayan, Ang Republika ng Pilipinas, (Sisindihan ang
gitnang kandila), at sumunod sa Batas ng Iskawt. Tumulong sa lahat ng tao, sa lahat ng
pagkakataon, (Sisindihan ang kaliwang kandila). Pananatilihing malakas ang aking
katawan, gising ang isipan, at marangal ang asal (Sisindihan ang Kanang Kandila)

Troop Leader: Narinig ninyo ang Panunumpa ng Iskawt. Tinatanggap ba ninyo ang tungkuling ito at
nangangako na susundin ang Panunumpa ng Iskawt?
Mga scouts: Opo, susundin po namin.

Troop Leader: Magaling. Nagsimula tayo sa iisang tanglaw ng kandila. Ngayon ay natatanglawan tayong
mabuti ng mga ningas ng mga kandilang ito, Patunay lamang na ang Panunumpa ng
Iskawt at ang Batas ng Iskawt ang siyang tanglaw natin sa tamang landas.Ngayon ay
humarap tayo sa ating Pambansang watawat. Alam na natin kung para saan siya.
ZAIDY S. ARGENTE, 2BH w/ CML, Council Advancement Chairman
Natutunan natin na dapat natin siyang pag-ingatan at mahalin. Mahal natin at
pinagdarangal ang bansang kanyang sinasagisag. Ngayon tayo ay manunumpa ng
katapatan sa kanya.
Scout Sign!

Lahat : Ako ay Pilipino, buong katapatang nanunumpa. Sa watawat ng Pilipinas, at sa bansang


kanyang sinasagisag. Na may dangal, katarungan at kalayaan. Na pinakikilos, ng
Sambayanang Maka-Diyos, Makatao, makakalikasan at Makabansa.

Troop Leader: Ngayon ay tinatawagan ang mga Sponsors ng mga batang ito na tumayo sa likuran ng
mga Batang Iskawt, at humanda sa paglalagay ng alampay (neckerchief) sa mga bata.
(tatawagin ang pangalan ng Iskawt, aakyat sa intablado kasama ng kanilang sponsor, at
ilalagay ang kanilang nickerchief)

Troop Leader: Ngayon, mga Iskawt, Atin naming bibigkasin ang Panunumpa ng Bagong Kasapi.

Itaas ang kamay sa anyo ng Panunumpa.

Ako si _____________(sambitin ang pangalan), ng Lupon Blg. ___, Boy Scout of the
Philippines, Oriental Mindoro Council, ____________ School Chapter, ay buong
katapatang nangangako, na gagawin ko ang buong makakaya, upang ihanda ang aking
sarili, sa paglilingkod sa aking kapwa. Matapat kong isasabuhay, Ang Panunumpa ng
Iskawt, Ang Batas ng Iskawt, ang Scout Motto, at ang Scout Slogan, ng Boy Scout of the
Philippines, sa abot ng aking buong makakaya. Patnubayan nawa ako ng Poong Lumikha.

Troop Leader: Ngayon ay inaanyayahan ang ating Institutional Head, para sa panunumpa ng mga
Magulang at Sponsors, kasama ng kanilang mga inanak.

Institutional Head: Mga Magulang, Mga Sponsors, Itaas ang kamay sa anyo ng panunumpa.

Ako, bilang magulang/ sponsor ng batang Iskawt na si ______________________(


sambitin ang pangalan ng Iskawt), ay buong katapatang nangangako, na aking
papatnubayan, at gagabayan ang batang ito, upang siya ay maging ganap na kapaki-
pakinabang na mamamayan, na may takot sa Diyos, at handing tumulong sa lahat ng
nangangailangan, kagaya ng mga tunay na Scouts sa buong mundo. Patnubayan nawa kami
ng Maylikha.

Troop Leader: Dadako naman tayo sa pagbibigay ng mga sertipiko ng pagiging kasapi.
(Tatawagin isa-isa ang mga batang iskawt upang ibigay sa intablado ang Certificate of
membership na gagampanan ng Institutional Head at ng Investing Officer (Kinatawan ng
BSP Oriental Mindoro Council).

Troop Leader: Ngayon naman ay ang pananalita ng Investing Officer (Institutional Head, kung siya rin
ang Investing Officer)

Investing Officer: (Kumpirmasyon, pagbati at pananalita)

ZAIDY S. ARGENTE, 2BH w/ CML, Council Advancement Chairman


Investiture Ceremony for KAB Scouts

Panimulang Gawain:

Pagpasok ng mga KID/ KAB Scout, kasama ang mga Kawan Leaders at Color Group Leaders.

Pagpasok ng mga panauhin at Local Scout Officials

Pagpasok ng Colors:

National Anthem

Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas.

Pagbati ng Institutional Head

Pagpapakilala ng mga Bagong kasapi ng Kawan

Kawan Leader: Sa ating mga Institutional Heads, naririto po ang mga bagong kawan sa ating lupon.

Ang Pangkat Bughawan na pinangungunahan ni Chief USA (Grade Four Scout)


Ang Pangkat Pulahan na pinangungunahan ni Chief USA (Grade Four Scout)

Investing Officer: Sa inyo, mga namumuno sa bawat pangkat, kayo ay binabati ko sa inyong pagpatnubay
sa mga Kabataan Imumulat Diwa (KID) at Kabataang Alay sa Bayan (KAB)na nasa ating
harapan. Nawa’y kayo ang kanilang maging halimbawa upang maging mabuting Iskawt.

Kawan Leader: Ngayon mga KAB Scout, ating pakinggan ang Pangako ng KAB Scout.
(Tatawagin ang piling iskawt na sasambit ng Pangako:

KAB 1: Ako ay nangangakong gagawin ang makakaya. Upang mahalin ang Diyos at ang aking Bayan,
Gumawa ng mabuti araw-araw, at sumunod sa Batas ng KAB Scout.

Kawan Leader: Mga KAB Scout, nangangako ba kayo na susundin ang Pangako ng KAB Scout.

Mga KAB: Opo, nangangako ppo kami.

Kawan Leader: Ngayon naman ay pakinggan natin ang Batas ng KAB Scout (Tatawagin ang mga piling
mag-aaral na sasambit sa Batas ng KAB Scout.)

KAB 1: Ang KAB Scout ay sumusunod sa mga nakatatanda

KAB 2: Ang KAB Scout ay tumutulong sa pagsulong ng Kawan

KAB 3 Ang KAB Scout ay nagsisikap upang maging kapaki-pakinabang.

Kawan Leader: Ngayon ay tinatawagan ang Institutional Head para sa Panunumpa ng mga Magulang/
Sponsors. Ang mga magulang/ Sponsors ay tumayo sa gilid ng bawat KAB Scout.

Institutional Head: Mga Magulang, Mga Sponsors, Itaas ang kamay sa anyo ng panunumpa.

ZAIDY S. ARGENTE, 2BH w/ CML, Council Advancement Chairman


Ako, bilang magulang/ sponsor ng batang Iskawt na si ______________________(
sambitin ang pangalan ng Iskawt), ay buong katapatang nangangako, na aking
papatnubayan, at gagabayan ang batang ito, upang siya ay maging ganap na kapaki-
pakinabang na mamamayan, na may takot sa Diyos, at handing tumulong sa lahat ng
nangangailangan, kagaya ng mga tunay na Scouts sa buong mundo. Patnubayan nawa
kami ng Maylikha.

Kawan Leader: Ngayon ay tinatawagan ang mga Sponsors ng mga batang ito na tumayo sa likuran ng
mga Batang Iskawt, at humanda sa paglalagay ng alampay (neckerchief) sa mga bata.
(tatawagin ang pangalan ng Iskawt, aakyat sa intablado kasama ng kanilang sponsor, at
ilalagay ang kanilang neckerchief)

Kawan Leader: Tinatawagan ang ating Investing Officer para sa Kompirmasyon at Pagbati

Investing Officer: (Pananalita at pagbati)

Kawan Leader: Tintawagan ang Institutional Head para sa pangwakas na pananalita:

Pangwakas na pananalita ng Institutional Head.

(Note to the KL)

Ang bawat sponsors ng Scouts ay may 2 sobre, ang 1 ay para sa School at ang 1 ay para
sa bata)

ZAIDY S. ARGENTE, 2BH w/ CML, Council Advancement Chairman

You might also like