You are on page 1of 2

Investiture Ceremony for KAB Scouts

Panimulang Gawain:

Pagpasok ng mga KID/ KAB Scout, kasama ang mga Kawan Leaders at Color Group Leaders.

Pagpasok ng mga panauhin at Local Scout Officials

Pagpasok ng Colors:

National Anthem

Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas.

Pagbati ng Institutional Head

Pagpapakilala ng mga Bagong kasapi ng Kawan

Kawan Leader: Sa ating mga Institutional Heads, naririto po ang mga bagong kawan sa ating lupon.

Ang Pangkat Bughawan na pinangungunahan ni Chief USA (Grade Four Scout)


Ang Pangkat Pulahan na pinangungunahan ni Chief USA (Grade Four Scout)

Investing Officer: Sa inyo, mga namumuno sa bawat pangkat, kayo ay binabati ko sa inyong pagpatnubay
sa mga Kabataan Imumulat Diwa (KID) at Kabataang Alay sa Bayan (KAB)na nasa ating
harapan. Nawa’y kayo ang kanilang maging halimbawa upang maging mabuting Iskawt.

Kawan Leader: Ngayon mga KAB Scout, ating pakinggan ang Pangako ng KAB Scout.
(Tatawagin ang piling iskawt na sasambit ng Pangako:

KAB 1: Ako ay nangangakong gagawin ang makakaya. Upang mahalin ang Diyos at ang aking Bayan,
Gumawa ng mabuti araw-araw, at sumunod sa Batas ng KAB Scout.

Kawan Leader: Mga KAB Scout, nangangako ba kayo na susundin ang Pangako ng KAB Scout.

Mga KAB: Opo, nangangako ppo kami.

Kawan Leader: Ngayon naman ay pakinggan natin ang Batas ng KAB Scout (Tatawagin ang mga piling
mag-aaral na sasambit sa Batas ng KAB Scout.)

KAB 1: Ang KAB Scout ay sumusunod sa mga nakatatanda

KAB 2: Ang KAB Scout ay tumutulong sa pagsulong ng Kawan

KAB 3 Ang KAB Scout ay nagsisikap upang maging kapaki-pakinabang.

Kawan Leader: Ngayon ay tinatawagan ang Institutional Head para sa Panunumpa ng mga Magulang/
Sponsors. Ang mga magulang/ Sponsors ay tumayo sa gilid ng bawat KAB Scout.

Institutional Head: Mga Magulang, Mga Sponsors, Itaas ang kamay sa anyo ng panunumpa.

Ako, bilang magulang/ sponsor ng batang Iskawt na si


______________________( sambitin ang pangalan ng Iskawt), ay buong katapatang
ZAIDY S. ARGENTE, 2BH w/ CML, Council Advancement Chairman
nangangako, na aking papatnubayan, at gagabayan ang batang ito, upang siya ay maging
ganap na kapaki-pakinabang na mamamayan, na may takot sa Diyos, at handing
tumulong sa lahat ng nangangailangan, kagaya ng mga tunay na Scouts sa buong mundo.
Patnubayan nawa kami ng Maylikha.

Kawan Leader: Ngayon ay tinatawagan ang mga Sponsors ng mga batang ito na tumayo sa likuran ng
mga Batang Iskawt, at humanda sa paglalagay ng alampay (neckerchief) sa mga bata.
(tatawagin ang pangalan ng Iskawt, aakyat sa intablado kasama ng kanilang sponsor, at
ilalagay ang kanilang neckerchief)

Kawan Leader: Tinatawagan ang ating Investing Officer para sa Kompirmasyon at Pagbati

Investing Officer: (Pananalita at pagbati)

Kawan Leader: Tintawagan ang Institutional Head para sa pangwakas na pananalita:

Pangwakas na pananalita ng Institutional Head.

(Note to the KL)

Ang bawat sponsors ng Scouts ay may 2 sobre, ang 1 ay para sa School at ang 1 ay para
sa bata)

ZAIDY S. ARGENTE, 2BH w/ CML, Council Advancement Chairman

You might also like