You are on page 1of 2

Girl Scout Script Investiture Ceremony

Mam Kim: Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat. Masasaksihan po natin ngayon ang pagpasok ng mga
Junior Scout

Glaiza: Attention! Patrol Behind the markers into line formation, march!
o Kakanta ng Girl Scout Chant
Mam Kim: Kayo ngayon ay malapit nang maging kasapi ng Batangas Girl Scout Council. Dadako po tayo
ngayon sa Pangako ng Girl Scouts. Ito po ay pangungunahan ng ating Adult leader na si Gng. Gemma O.
Marquinez
o Sasabihin ng mga girls ang Pangako at Batas ng Girl Scouts
Ngayon naman po ay dadako tayo sa pagsisindi ng mga kandila
Mam Gemma: Ang kandilang ito na aking sisindihan ay kumakatawan sa ispiritu ng iskawting na inaasahang
magiging gabay ninyo sa habang panahon.
o Sisindihan ang malaking kandila
Mam Kim: Ngayon naman po ay sisindihan ang tatlong kandila na kumakatawan sa tatlong bahagi ng
pangako ng girl scouts.
o Sisindihan ang katamtamang kandila)
o Mam Brenda – Ang liwanag ng kandilang ito ang magiging sagisag ng pagiging matapat ng bawat
Girl Scout na handing maglingkod ng walang pag - iimbot
o Mam Zaida - Sana’y ang liwanag ng kandilang ito ay maging sagisag ng bawat Girl Scout na handing
maglingkod ng walang pag – iimbot.
o Mam Marites – At sana’y ang liwanag ng kandilang ito ang maging sagisag ng mga Girl Scouts bilang
mga tapat na huwaran na kumakatawan sa mga Pangako at Batas ng Girl Scouts.
- Mam Kim: Ngayon naman po ay sisindihan ang sampung kandila na sumasagisag sa Sampung batas ng Girl
Scout ito po ay sisindihan ng mga piling sponsors.
 Sponsors Mga Piling Scouts
o 1. Mrs. Vergieledette Reyes - Ang girl scout ay mapagkakatiwalaan
o 2. Ms. Nonielyn Villalobos- Ang girl scout ay matapat.
o 3. Ms. Jyna Rose Robles/ Kon. Elizabeth Robles- Ang girl scout ay matulungin
o 4. Mrs. Dolly Vega- Ang girl scout ay kaibigan ng lahat at kapatid ng bawat girls scout
o 5. Mrs. Aida Villalobos- Ang girl scout ay mapitagan.
o 6. Capt. Criselda Calingasan- Ang girl scout ay magalang sa lahat ng may buhay
o 7. Mrs. Celine Bendana- Ang girl scout ay disiplinado
o 8. Mrs. Ruchelle Escanda- Ang girl scout ay may sariling paninindigan
o 9. Mrs. Irene Huelba- Ang girl scout ay matipid
o 10. Mrs. Alma Huelba- Ang girl scout ay malinis sa isip, sa salita at sa gawa
- (Ikalawang Bahagi)
Mam Kim: Tinatawagan at pinakikiusapan po namin si Gng. Shiela G. Dela Luna ang ating Investing Officer
upang maipresenta ang mga batang itatalaga.
Mam Kim: Sisimulan po natin ito sa Patrol Tulips sa pangunguna ni Shaila Mae Robles.
o (Ipapakilala isa – isa ang mga members. Hahakbang pauna, then scout sign)

Mam Kim: Tinatawagan po naming ang mga ninong at ninang ng mga batang ito upang ilagay ang kanilang panyo.
Mananatili po tayong nakatayo sa kanilang likuran upang maging saksi sa mga pangakong uusalin ng mga batang
bininyagan
o (Magsusuot ng panyo tapos irerecite ang Pangako ng Girl Scout)
- Mam Kim: Thank you po sa mga ninong at ninang ng ating mga scouts
Ngayon naman po ay pinakikiusapan si Gng. Shiela Dela Luna para sa pagtatalaga ng mga batang
iskwats
o Mam Shiela (investing Officer): Akoy nagtitiwala sa inyong karangalan na gagawin ninyo at iingatan
ang pangakong inyong binitawan
o (Gagawin ng IO) – kakamayan ang mga bata then scout sign
- Mam Kim – Ngayon naman po ay pag-akyat sa entablado ng patrol Rosa na pinangungunahan ni Keth Ashley
M. Bolante (ipakilala mo ang iyong mga kasapi. )
o (Uulitin lahat ng ginawa)

Patrol Sunflower- Elethyia Montenegro


Patrol Gumamela- Glaiza Arangilan
Patrol Sta. Ana- Maureece Shane Macalintal
Patrol Yellowbell- Leigh Angelli Gudtan

- (after ng lahat ng patrol)

Mam Kim: Ngayon, ay binabati namin kayo bilang mga kasapi ng samahan ng Batangas Girl Scout Council.
Mangyaring awitin ninyo Girl Scout “Ignite Song”.
Masasaksihan po natin ang paglabas ng mga bagong kasapi ng Batangas Girl Scout Council.
Marami pong salamat sa inyong pagdalo.

You might also like