You are on page 1of 2

STAR SCOUT INVESTITURE PROGRAM

NOVEMBER 8, 2023
CCS SOCIAL HALL
INVESTITURE PROPER
I – Ang North Star at Morning Star ay nakatayo sa bulwagan. Ang mga Bright Star dala ang Magic Carpet
ay papasok na palundag-lundag, palukso-lukso at inaawit ang kanilang awitin sa tono ng London Bridge is
Falling Down.
Kami ay mga munting bituin, munting bituin, munting bituin,
Kami ay mga munting bituin, dala’y magic carpet (2x)
(Si Morning Star ay pupunta sa harap, gagawin ang pananda ng star scout bilang pagpupugay kay North Star
na gagantihan naman nito.)

Morning Star: North Star aking natagpuan sa ating bakuran ang mga Bright Stars na masisiglang tunay.
North Star: Hayaan mo silang sa akin ay lumapit nang malaman kung bakit.
Ang mga Bright Stars ay lalapit kay North Star.
North Star: Bright Stars, ano ba ang aming maipaglilingkod?
Bright Stars: May mga kasama po kami na gusto kayong makausap.
North Star: Mga kaibigan, ano ang inyong dahilan ng inyong pagparito?
Star Scouts: Nais po naming maging Star Scouts, Tatanggapin po ba ninyo kami?
North Star: Bukal ba sa inyong kalooban ang pagpunta rito?
Mga Star Scouts: Opo
North Star: Natapos nyo ba ang lahat ng kailangan sa pagiging Star Scouts?
Mga Star Scouts: Opo
North Star: Nakahanda na ba kayo na isabuhay at sundin ang Pangako at Batas ng Star Scouts?
Mga Star Scouts: Opo
North Star: Dahil sa ipinakita ninyong kagustuhanna maging kasapi ng Star Scout, kami ay nakahandang
tanggapin kayo sa aming samahan.
Morning Star: Bago namin kayo tanggapin, amin munang pakikinggan ang pagbigkas ninyo ng Pangako at
Batas ng Star Scout.
Bright Star: Scout Sign
Mga Star Scout:
Pangako ng Star Scout
Ang Batas ng Star Scout
Star Scout Motto
Star Scout Slogan

Emcee: Atin pong pakinggan ang sagisag na kumakatawan sa bawat kulay ng mga bituin sa ating carpet.
Bright Stars:
Starlight
Kami’y starlight na makinang
Matulungin kanino man
Star Glow
Kami ay Starglow ang ngalan
Mumunting kamay laan
Starray
Kami ay Starray na gabay
Kabalikat at alalay.
Stardust
Kami ay stardust na tunay
Tumutulong araw-araw
Starbeam
Kami ay starbeam na masaya
Kami ay nagpapaligaya

North Star: Sa puntong ito, ilalagay na namin ngayon sa inyong uniporme ang simbolo ng pagiging Star
Scout.

(Upang may partisipasyon ang mga magulang, ninong at ninang, palalapitin sila sa kani-kanilang anak o
inaanak upang ilagay ang scarf. Kailangang sinanay na sila sa paglagay ng mga ito.)

North Star: Tinatawagan ko po ang mga magulang, ninang o ninong na ilagay ang scarf sa
kani- kanilang anak. Maligayang pagdating sa malaking samahan ng mga Girl Scouts. Kayo ngayon ay
ganap ng kasapi ng Star Scout. Inaasahan ko na isasabuhay ang inyong pangako at maging masaya. Binabati
namin kayo.

Emcee: Ngayon naman po ating saksihan ang mga batang starscout sa kanilang ipapakitang galing sa
pagsayaw.

You might also like