You are on page 1of 3

Seremonya ng Pagbibinyag

Twinkler

Pook: Isang malawak na lugar na napaplamutian ng bituin ang buong paligid.

Isang malaking bituin na nababalutang tin foil ang nakalagay sa harapan ng lugar. Sa gitna ay may
malaking salamin na hustong kakikitaan ng mukha ng Twinklers. Bago ang seremonya, ang bituin ay
natatakpan ng damit na aalisin lamang kung kalian nararapat alisin sa bahagi ng seremonya.

Sa tabing bituin ay may malakingtrefoli na sumasagisag sa GSP Movement.

Sa simula ng seremonya ay may magpapatugtog ng masiglang awitin habang ang mga Twinklers
ay masiglang umiigpaw patungo sa lugar na mayroong hinahanap na bagay.

Shining Star: ( Haharap sa mga bagong Twinklers ) Hello, mga munting kaibigan.)

Malaman ko nga kung bakit kayo naririto?

Bagong Twinklers: Hinahanap po namin ang Magic Star,Gusto po naming malaman kung maaari po

kaming maging Twinklers.

Shining Star: Mabuti, Sumama kayo sa akin at dadalhin ko kayo sa Guiding Star. ( Sasamahan ng Shining

Star ang mga babae sa Guiding Star.)

Shining Star: Guiding Star, ito pong mga munting batang babae. Sila po ay nagpapahanap ng magic
star.

Gusto po nilang maging Twinklers at nais din po nilang malaman kung maaari silang
maging twinklers.

Guiding Star: Tuloy kayo, mga mumunting kaibigan. Pero bago ang lahat, dapat sabihin ninyo sa akin
kung bakit gusto ninyong maging Twinklers.

Batang Babae Blg. 1: Gusto ko pong maging masaya!

Batang Babae Blg. 2: Gusto ko pong maging mabuti!

Batang Babae Blg. 3: Gusto ko pong maglaro.

Batang Babae Blg. 4: Gusto ko pong gawing masaya ang iba pang tao
Guiding Star: Halikayo at tingnan natin ang Magic Star. ( Lalapit sa Magic Star at aalisin.

ang nakatakip na damit hababg may ipinaririnig na kaugnay na himig

“ Sa harap ng Magic Star, tumayo kayo , Sasabihin niya kung kayo ay sino.”

“ Sa pagtingin ninyo at inyong mukha nakita. Sa katotohanan , kayo ay Twinkler na.”

( Bawat Twinkler ay titingin sa salaminat kapag nakita ang kanilang mukaha, siya ay masayang
sisigaw;” Ako ay Twinkler” sasabayan ang mga kaukulang himig.

Shining Star: Ang sabi ng Magic Star kayong lahat ay maaaring maging Twinklers. Ang mga Twinklers ay
mga mumunting Girl Scouts na lagging masaya sapagkat gumagawa sila ng mabubuting Gawain at
nagagawa nilang maging masaya ang ibang tao.

Ngayon, Pakikinggan ng Guiding Star ang sasbihin ninyong Pangako ng Twinklers. Tatayo siya sa tabi ng
tre foil na kumakatawan sa GSP.

Scouts ng Pilipinas,ang samahang kinabibilangan ninyo ngayon.

(Bawat batang babae ay gagawa ng ilang hakbang patungo sa Guiding Star. Ipasasabi ang Pangako

Twinkler habang isinasagawa niya ang Twinkler Sign)…

“ Mahal ko ang Diyos, ang aking at ang mga taong nakapaligid sa akin.”

Ngayon naman po ay tinatawagan ko ang mga ninong at ninang upang ikabit ang pin

Guiding Star( o kung ano sinumang Investing Officer)Isasagawa ang girl scout sign pagkatapos mabigkas
ng batang babae ang Pangako, Ituturok ang World Pin at Twinkler Pin sa kanyang uniporme)

Tinatanggap kayo sa samahan ng Girl Scout bilang kasama ng Twinkler Troop( Kakamayan sa kaliwa ang
Twinkler)

Twinklers: “ Happy Little Twinklers”

( Itutuloy ang pag-awit habang lumalabas ang mga bata nang paigpaw)

You might also like