You are on page 1of 3

Investiture Ceremony

Hignubay: SPL sino ang mga kasama mo?

SPL: Mahal na hignubay, sila po ay mga batang nais sumapi sa ating kilusan.

Hignubay: Sila ba’y nakahandang tumalima at sumunod sa ating mga tuntunin at patakaran?

Mga bata: Opo, nakahanda po kami.

Hignubay: Mga bata, dumating kayo ditong nakapiring ang inyong mga mata, ano ang inyong nadarama?

Isang bata (Eushin Joe): Tila po kami ay nawawala at hindi alam ang aming patutunguhan.

Hignubay: Ganyan nga ang inyong mararamdaman at ganyan din ang kalagayan ng mga kabataan sa ngayon.
Hindi nila alam ang landas na dapat nilang tahakin. Nalilito sila sa kanilang mga nakikita. At marami sakanila
ang patuloy na namumuhay sa masamang kaasalan. Yamang kayo’y nagnanais na makakita ng liwanag sa
pamamagitan ng diwa ng iskawting, maari niyo nang alisin ang inyong mga piring.

Hignubay: (hahawakan ang malaking kandila)


Ang araw na ito’y isang kasaysayan.
Sa buhay ng bata’y dito mamasdan.
Sa kaniyang isip dito’y makikintal.
Magiging bahagi ng kaniyang buhay

SPL: Bawat isa sa ating natatalastas.


Sa paghubog ng ugali ang isang batayan
Madaling hutukin ang isang halaman.
Sa isang matandang makunat ang tadyang.

Sa murang isipan nitong kabataan.


Gawang kabutihan ang dapat malinang,
Dito sa iskawting layuning matibay.
Maging mabuting mamamayan itong kabataan.

Hignubay: Itong seremonyas na ating gagawin,


Magsisilbing gabay sa bawat gawain.
At sa araw-araw hagdan na matibay,
Mga alituntunin ang magiging tanglaw.

Sisindihan ang kandila (malaking kandila)


Hignubay: Ang kandilang ito ay sumasagisag sa pangunahing layunin nitong kapisanan, magiging kasangkapan
sa kanilang landas at tanglaw sa buti’t sa sama ay kalasag.

Maam Sai: (lalapit kukunin ang unang kandila)


Ang kandilang ito na aking sisindihan sa diwa ng iskawting ay kumakatawan sa
unang pangako ng iskawt. (sindihan ang kandila)
Tumutupad sa tungkulin sa Diyos at sa bayan at sumusunod sa batas ng iskawt.
( ibabalik sa lagayan at sasaludo )

Maam Sharon: (kukunin ang ikalawang kandila)


Ang kandilang ito na aking sisindihan sa diwa ng iskawting ay kumakatawan sa
ikalawang pangako ng iskawt. (sindihan ang kandila)
Tumutulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon (ibabalik sa lagayan at
sasaludo )

Maam Myla: (kukunin ang ikatlong kandila)


Ang kandilang ito na aking sisindihan sa diwa ng iskawting ay kumakatawan sa
ikatlong pangako ng iskawt. (sindihan ang kandila)
Pamalagiing malakas ang katawan, gising ang isipan at marangal ang asal
(ibabalik sa lagayan at sasaludo)

Hignubay: Ang pagsisindi ng labindalawang maliliit na kandila na kinakatawan ang mga dapat tandaan at
tuparin ng mga batang iskawt.
1 – 12
1- Ang Scout ay Mapagkakatiwalaan 6 - Ang Scout ay Mabait
2 - Ang Scout ay Matapat 7 - Ang Scout ay Masunurin
3 - Ang Scout ay Matulungin 8 - Ang Scout ay Masaya
4 - Ang Scout ay Mapagkaibigan 9 - Ang Scout ay Matipid
5- Ang Scout ay Magalang 10 - Ang Scout ay Matapang

11 - Ang Scout ay Malinis 12 - Ang Scout ay MakaDiyos

Hignubay: Narinig ninyo ang mga pangako at batas ng iskawt. Tinatanggap ba ninyo ang mga gawaing kaakibat
nito at nangangako ba kayong susundin ang mga batas ng iskawt?
Mga bata: opo nangangako po kami.

Hignubay: Mabuti. Nagsimula tayo sa ganap na kadiliman, ngayon sa liwanag ang kandilang ito ay nakikita
natin ang isa’t-isa. Nawa’y papaliwanagin ng mga pangako at batas na ito ang ating landas. Ibaling ninyo ngayon
ang inyong pansin sa ating watawat. Bilang mga iskawt ay may kakaiba kayong damdamin sa ating bandila.
Hinihiling ko ngayong harapin ninyo ito at bigkasin ang inyong panunumpa sa watawat ng Pilipinas sa
pangunguna ng inyong SPL na si Charles Jayvee Mangahas.

SPL: Ako’y nangangakong/ magtatapat sa watawat ng Pilipinas/ at sa Republikang kaniyang kinakatawan/ isang
bansang/ pinapatnubayan ng Diyos/ buo at di nahahati/ na may kalayaan/ at katarungan para sa lahat.

Hignubay: Mga bata, tanggapin ninyo ngayon ang inyong mga ninong at ninang upang ikabit sa inyo ang
inyong mga alampay.
Kayo ngayon ay tunay nang mga batang iskawt. Binabati ko kayo. Maligayang pagsapi.

Sabay-sabay nating awitin ngayon ang Iskawting ang Sandigan

*Scout Benediction – Maria Jeza O. Pelagio

You might also like