You are on page 1of 3

SEREMONYA SA PAGTATALAGA NG MGAJUNIOR AT SENIOR SCOUTS I.Pagpasok .

Papasok ang tropa sa hudyat ng Namamahalang Puno (Troop Leader) at bubuo g kakal-kabayong hugis (Horseshoe Formation) II. ANG SEREMONYA:1. Namamahalang Puno o Lider .. a) Kayo ngayoy itatalaga sa Junior/Senior TroopSilang ________ at ________ ng Bulacan GS Council.a) Sindihan ang pinakamalaking kandila.) Ang kandilang ito na aking sisindihan ay kumakatawan sa diwang Iskauting na inaasahan naming siyang tatanglaw sa inyo habang kayoy nabubuhay.b. Ang tatlo pang kandila na sisindihan din ay kumakatawan sa tatlong bahagi ng Pangako ng Girl Scout.2. Katulong na Lider (Co-leader) Tatawag ng tatlong panauhin upang magsindi ng kandila ang bawat isa. a) Sisindihan ag kandilang nasa gitna. Unang Panauhin.Ang kandilang sisindihay pangako ang binabanggit,Una ito siyang sagisag, punung puno ng pag-ibig;Ukol ito sa Lumikhang kay Bathalang nasa langit,At kasama ang sa bayang kadluan ng tuwat hapis. (b) Sisindihan ag pangalawang kandila . (Pangalawa)Ikalawang kandilang sisindihay sakop pa rin ng pangako,Sagisag ay kabaitang sa taoy siyang sugo ;Ang pagtulong sa kapuway laging taos, hindi biro.Pagkat bunga ay ligaya kung pagtulong ay nasa puso. (c) Sisindihan ang ikatlong kandila. (Pangatlo)Ang ikatlong sisindihay yaong batas na susundin.Mayrong sampu yaong bilang, isa-isang babanggitin;Buod nitoy katuturay may magandang layot turing,Maliwanag at malinag kapag iyong nanamnamin.3. Pagsisindi ng sampung kandila na siyang isasagawa ng sampung Girl Scouts.(Kanan 1) Ang Babaeng scout ay malinis ang isip salita at gawa.Malinis na lagi yaong kaisipanSa salita riy gayot gawaiy marangal;Kung makipag-usap di inililiban Nang hindi masira sa salitaan.Laging ganyan kami sa Bagong Lipunan.Dangal nitong lahi , sa lahat ay huwaran,Malinis na gawa ay isang karangalan,May magandang bukas at may kaunlaran. (Kaliwa 2 ) Ang Babaeng Scout ay Mahabagin.Akoy mahabagi at hadag dumamay,Sa lahat ng tao, saan mang lugar,Ang aking tungkulin ay pakinabangan,Di lang ng kaanak kundi ng iba man.Maganda ang aking hangad na pagtulongSumigla ang iba sa munti kong layon.Nais kong umunlad iba kong kanayon,Guminhawa sila sa lahat ng panahon (Kanan 3) Ang Babaeng Iskawts ay DisiplinadoAng Magandag disiplina ay laging taglaySa puso,diwa, lakas at buhaySa bawat gawain, sa pagtulong, sa pagsasanayMay lakas na pagpipigil sa ginagawang pagdamayMay disiplia ako sa bawat balakin .May pagpipigil ako sa mapusok kong damdamin.Aking nilalabanan ag masidhing nasain.Makapagbigay lamang sa kapwa ng magandang simulain. (Kanan 4) Ang Babaeng Iskawt ay MasipagAng taong masipag,marami ang natutulunganMaraming kawanggawa ang natutuklasan.Sagana sa kaibigan, sagana sakaligayahan.At hindi dinadalaw ng anumang kalungkutan.Ang taong masipag,taglay ang kasiyahan.Masigla ang tahanan, gayondin ang bayan.Mapagkawanggawa asa lahat ng nangangailangan.Tumutulong sa kapawa hanggang libingan. (Kanan 5 ) Ang Babaeng Iskawt ay Masunurin sa BatasPagsunod sa batas ang lagging nasa isip.Sapagkat ang batas ay dapat sundin at igalangBawat batas ng bayan ay taglay angpagmamahalanKayat angpaggalang sabatas ay dapat pag-aralan.Ang taoy kaya laging napapahamak Laging

nabibigo,nalulungkot,at sawi sa lahatAng tunay na sanhi at kadahilanang tapat.Hindi sa batas marunong tumupad. (Kaliwa 6) Ang Babaeng Scout ay Matapat.Ang Babaeng Scoutsa kapwa ay laging matapat,Isipan ay malinis, at dibdib, lagging bukas,Matapat kung dumamay, sa isa o sa lahatWalang halong pag-iimbot, walang ganting hinahangad.Ang ganitong kasalany bukal sa diwa at isipan.Ang gumawa at maglingkodsa kapway lagging pakay,Ang tungkulin at pagdamay saiba ay karangalan,Iyan ang laging nasa isp nitong Babaeng scout araw-araw. ( K a n a n 7 ) A n g B a b a e n g S c o u t a y M a t u l u n g i n s a K a p w a . Ang Babaeng Scout ay Matulungin sa Kapwa.Sa lahat ng tao samundong ibabaw,Maralita kapuspalad, gahol sa buhayAking pinaliligaya hanggang makakayanan. Uliran ang kilos sa pakikpanayam.Sapagkat marangal ang pusot isipan,Handang tumulong at laang makiramaySa bawatsandali, sa bawat oras, sa buong buhay. ( Kaliwa 8) Ang Babaeng Scout ay Mapitagan sa Lahat ng May Buhay.Bawat hayo na ay buhay ay dapat galang,Sapagkat gaya din natin silay nilalangNang Poong Bathala upang tayoy matulunganSa ating pakikipamuhay sa mundong ibabaw. (Kanan 9) Ang Babaeng Scout ay may Sariling Paniniwala.Ang lahat ng tao ay may sariling paninindiganMay sariling paniniwalaat karapatan.Kaya nating tumayo sa sariling paanan.Sapagkat tayong lahat ay may angking katalinuhan.Tayo ay nasa likuran ng kalalakihanNagpapalakas, nagpapasigla nagbibigay ng buhay,Ang paninindigan natin ay matatag laging laangMakatulong sa kanila sa pagpapalakas ng bayan. (Kaliwa 10 ) Ang Babaeng Scout ay Mapagkakatiwalaan.Maipagkakapuri sa lahat ng saglit,Pagkat karangalay nasa puso at isip.Ang gawang mabuti y laging nasa dibdib.Upang ang katauhay hindi magkabatik.Bawat galaw niya ay pinag-aaralan.At sa gawain niyay maingat, uliran.Masiglat matapat, sa kilos at galaw.Dangal at uliran nitong inang bayan.Lider Yaong mga Batas ay inyong narinig,Mayroon pa ba ritong hindi ninyo nababatid?Buong Tropa Lahat po ng Batas aming naulinigAt ang bawat isa y may-aral na hatid.Pagsisindi ng Pangako: (Banbalik na muli sa dating lugar.Kukunin ang nasa gitna ng tatlong kandilang nasa itaas. Ang kandilang ito na sinisindihan saDiwa ng Iskauting ay kumakatawan sa unang bahaging Girl Scout. Sa aking karangalan ay sisikapin kong gampanan ang aking tungkulin saDiyos. ( Sasaludohabang binabanggit ang pangako.)Sa pagiging Girl Scout una kong tungkulin,Ang Diyos at bayan ay pakamahalin ;Diyos ang lumalang nitong bayan natinKanyang pinayaman sq biayayang angkin.(Kanan 6) Kukunin ang kandilang nasa gawing kanan ) Ang kandilang ito na sinisindihan sa Diwa ng Iskauting ay kumakatawan saikalawang bahagi ng Pangako ng Girl Scout. Sa aking karangalanay sisikapinkong maglingkod sa bayan at sa aking kapwa.Sa lahat ng dakokami aykinikilalaSa pagtulong sa lahat, sa bayan at sa pamilya.Mabubuting gawa ng paglilingkod laan sa iba.Tatak at sagisag naming sa tuwituwina.(Kaliwa 7) Kukunin ang kandilang nasa gawing kaliwa. Ang kandilangna sinisindihan sa Diwa ng Iskauting ay kumakatawansa ikatlong bahagi ng Pangako ng Girl Scout.Sa aking karangalan ay susundin ko ang mga Batas ng Babaeng Scout.Kahit na mahirap ang gawang tumupadkaming mga Babaeng Scout ay handa sa lahat,Yaong sampung sandigan marangal at sagisag,Aming susundin ng buong pagtatapat(Punong Namamahala; Muling hahakbang at magsasalita sa mga itatalagang kasapi.)Mga batas at pangako nainyoy binigkas,Aking itatanong kung unawayganap;Sa narinig ninyong mga paliwanag,Mayron pa ba ritong sa isip ninyoy salat?(Sasagot ang tropa) Malinaw nang lahat sa aming isipan,Atsa ngayon kami ay nasisiyahanBats at pangakong sa amiy tinuranMganda at malinaw at may kagalingan.III.PAGPAPAKILALA SA PATROLYA-------------------------------------------------------------------------Tatawagin ngPunong Namamahala ang bawat Lider ng

Patrolya, Mga Lider ng Patroya ________ maaari bang iharap ninyo ang inyong itatalagangmga kasapi. Inihaharap ko ang bawat lider at mga kasapi ng Patrolya na akingkaalaman ay matagumpay na nakasulit sa mga kinakailangan ng babaeng Scoutat ngayoy handa na upang tunay na maging mga Girl Scouts.IV. Pagkakabit ng Alpiler ----------------------Ninong at Ninang:Paglalagay ng mga Panyo.-----------------V. AAWITIN ANG SCOUT CHANT _------------------------------------------------------------VI. Aanyayahang muli ang mga ninong at ninang upang ikabit ang WorldPin atiaabot ang katibayan ng pagiging kasapi. (babasahin ang mga pangalan ng ninong at ninang.)

You might also like