You are on page 1of 3

Scout A: Ang Panunumpa Ng Scout; Sa ngalan ng aking dangal; ay gagawin ko ang buong makakaya; Upang

tumupad sa aking tungkulin sa Diyos at sa aking Bayan; ang Republika ng Pilipinas. (sisindihan ang gitnang
kadila)

SCTR. Eric D. Casanas: Sa ngalan ng aking dangal – Ang dangal ay ang pinaka mahalaga at sagradong pag aari
sa iyong buhay. Kalakop nito ay ang iyong pangalan, integridad at maganda reputasyon. Sa tuwing kayo’y
nanunumpa bilang isang scout tayo ay nangangako na mamumuhay na ayon dito upang mapagpahalagahan
ang ideyalismo na gagabay sa ating buhay. Gagawin ko ang buong makakaya- Sa lahat ng ating ginagawa, tayo
ay mangako na gagawin natin ang lahat ng ating makakaya. Kung may bagay na mahalagang gawin, ito ay
dapat gawin at tapusin, kung tatapusin ito, tapusin ito ng mabuti. Ang paggawa ng buong makakaya ay isang
personal na pagsubok. Laging magsumikap na gawin sa pinakamahusay na antas sa lahat ng ating ginagawa. Sa
Diyos at sa aking Bayan …Tayo, na kabilang sa kilusan ng scouting ay nananalig sa Diyos. Di man tayo
magkakatulad sa pamamaraan ng pagsamba sa kanya, ngayon tayo’y iisa sa pagtitiwala at paniniwla sa Poong
Maykapal, na ating Diyos at Panginoon. Upang gawin ang tungkulin sa Diyos, kailangan nating sambahin siya at
sumunod sa kayang mga kautusan na naayon sa ating paniniwalang pang relihiyon. Makasusumpong tayo ng
kaligayahan kung tayo ay taus-pusong tutupad sa ating tungkulin para sa ating Diyos.

Scout B: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya; Tumulong sa ibang tao sa lahat ng
pagkakataon; sumunod sa Batas ng Scout – (sisindihan ang kaliwang kandila).

SCTR. Melchizedeck D. Deromol : Sa pamumuhay ng ating sinumapaang pangako sa scouting- kailangan natin
ang batas ng scout upang maging gabay natin. Ang labing dalawang puntos ng batas ng scout ay ang
pamantayan ng pag-uugali habang tayo’y naglalakbay sa buhay ng isang Scout. Kaya iminumungkahi na tayo’y
magpasyang mamuhay ayon sa panunumpa at batas ng scout. Tumulong sa ibang tao sa lahat ng
pagkakataon – ang isang dahilan kung bakit ang scouting ay lumago sa bansang ito ay sa kadahilanang
nakatatangap ito na suporta sa mamamayan. Ang scouting ay pinahahalagahan ang suportang ito ay dahil sa
ang mga scout ay nagpapakita ng pagiging mahalagang bahagi ng lipunan. Ang diwa ng paglilingkod ay nasa
puso ng tunay na Scout.

Scout C: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya; Pamalagiing malakas ang aking
katawan, gising ang isipan at marangal ang asal. (sisindihan ang kanang kandila).

SCTR. Mylene Aton: Pamalagiing malakas ang aking katawan … Sa ngayon, alam na natin ang pagiging malinis
at ang kalusugan sa ating paaralan ay mahalaga na kung ito ay masusunod matutulungan nito na tayo ay
maging malusog at maligaya sa buhay. Kung ninanais natin na magkaroon ang isang alerto at gising na isipan
na nakahandaang tumulong sa iba, kailangan nating panatilihing malusog at maglakas ang ating
pangangatawan. Gising ang isipan… Ang pagkakaroon ng gising ang isipan ay magpapakita ng alertong at
matalinong isipan. Hindi sapat na ang mga scout ay puro pisikal na lakas lamang; kailangan din nating
magkaroon ng gising na isipan. Ang kanyang pagkilos ay dapat maliksi, kalkulado at handang tumugon sa
anumang pangangailangan at sa mga hinihingi ng pagkakataon. Marangal ang asal…Kailangan ng scout na
maging huwaran ng magandang asal. Ang kanyang asal ay nasa pinaka mataas na antas. Ang kanyang isip,
salita at gawa ay laging nagpapakita ng wastong asal at huwaran ng pagiging disiplinado.

Scout 1: Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN. Ang Scout ay nagsasabi ng katotohanan. Tumutupad siya sa
kanyang mga pangako. Ang pagiging matapat ay bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay maasahan ng
ibang tao. Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN!

Scout 2: Ang Scout ay MATAPAT. Ang Scout ay matapat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa
Scouting, sa paaralan at sa bayan. Ang Scout ay MATAPAT!
Scout 3: Ang Scout ay MATULUNGIN. Ang scout ay may kalinga sa ibang tao. Nagsisikap siyang makatulong sa
iba na hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya. Ang Scout ay MATULUNGIN!

Scout 4: Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN. Ang Scout ay kaibigan ng lahat. Itinuturing niyang kapatid ang
kanyang mga kapwa Scout. Sinisikap niyang umunawa sa iba. Iginagalang niya ang mga paniniwala at
kaugalian ng ibang tao na naiiba sa kanya. Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN!

Scout 5: Ang Scout ay MAGALANG. Ang Scout ay magalang sa sinuman ano pa man ang gulang nito o
katayuan. Alam niya na ang mabuting pag- uugali ay daan sa magandang pagkakasunduan ng mga
tao. Ang Scout ay MAGALANG!

Scout 6: Ang Scout ay MABAIT. Ang Scout ay nakakaunawa na may angking lakas ang pagiging mabait.
Itinuturing niya ang iba gaya ng gusto nitong pagturing ng iba sa kanya. Hindi siya nanakit o
namiminsala ng mga hayop at iba pang bagay na walang kadahilanan at sinisikap niyang ito ay
mapangalagaan. Ang Scout ay MABAIT!

Scout 7: Ang Scout ay MASUNURIN. Ang Scout ay sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan
at tropa. Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang pamayanan at bayan. Kung inaakala niyang may
mga alituntuning hindi tama, sinusunod niya ito at hindi sinusuway ngunit sinisikap niyang
mabago iyon sa matiwasay na pamamaraan. Ang Scout ay MASUNURIN!

Scout 8: Ang Scout ay MASAYA. Ang Scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya
niyang ginagampanan ang mga naiatang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap niyang makapagbigay ng
kasiyahan sa iba. Ang Scout ay MASAYA!

Scout 9: Ang Scout ay MATIPID. Ang Scout ay gumagawa paraan upang matustusan ang kayang sarili at upang
makatulong sa iba. Nagiimpok siya para sa hinaharap. Pinapangalagaan niya at ginagamit ng wasto ang
mga likas na yaman. Maingat siya sa paggamit ng kanyang panahon at ariarian. Ang Scout ay MATIPID!

Scout 10: Ang Scout ay MATAPANG. Ang Scout ay may lakas ng loob na humarap sa panganib kahit may taglay
siyang pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inaakala niyang tama at matuwid sa kabila ng tudyo o
pananakot ng iba. Ang Scout ay MATAPANG!

Scout 11: Ang Scout ay MALINIS. Ang Scout ay pinapanatiling malinis ang kanyang katawan at kaisipan. Siya ay
sumasama sa mga taong may ganito ring panuntunan. Tumutulong siya sa pagpapanatili ng kalinisan ng
kanyang tahanan at pamayanan. Ang Scout ay MALINIS!

Scout 12: Ang Scout ay MAKA- DIYOS.Ang Scout ay mapitagan sa Diyos. Tinutupad niya ang kanyang mga
tungkulin ng kanyang pananampalataya. Iginagalang niya ang paniniwala at pananampalataya ng
ibang tao. Ang Scout ay MAKA- DIYOS!

You might also like