You are on page 1of 4

Pagtatalaga ng Isang Troop at Investiture Ceremony

Ang Pagtatalaga ng isang troop at Investiture Ceremony ay ginaganap para sa mga bagong kasapi at bagong
tatag na troop bilang pagsisimula at panunumpa sa mga alituntuning dapat nilang isakatuparan.

Mga kagamitan : Simbolo o sagisag ng iskawting na may pagtutusukan ng tatlong kandila sa bawat sulok,
bandila ng Pilipinas at ng troop, isang maliit na kalap na may tutusukan ng 10 maliliit na kandila, apat na
malalaking kandila na may iba’t ibang kulay( puti, dilaw at pula) 10 maliliit na kandilang kulay luntian, isang
mesa, katibayan ng pangkat ang mga insigniya ng pagiging kasapi ng iskawting.

Mga Bahagi ng Palatuntunan

I. Pagbubukas : Pagpasok ng mga panauhin at mga namumuno ng iskawting.


Pagpasok ng mga bandila
Pagpasok ng mga kasapi sa troop sa pangunguna ng Scout Master.
Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas at Pambansang awit

II. Pambungad na Pananalita (Puno ng Komite ng Troop)

III. Pag-aabot ng Troop Chater (ng isang kinatwan ng Konsehal-Lokal sa puno ng Institusyon)

IV. Panunumpa ng Troop Komite, Scoutmaster at Katulong


(Ako’y nangangakong gagawin ang aking makakaya sa katungkulang iniatang sa akin bilang
___________________ ng troop bilang _________________ Council Boy Scout of the Philippines para sa
kapakanan ng mga batang Iskawt sa buong daigdig.

V. Ang Seremonya
Sa pagsisimula ng seremonya ang mga bagong kasaping iskawt ay papasok na may piring sa mga
mata, na akay-akay ng kanilang Senior Patrol Leader. Titigil sila pagdating sa may harap ng hignubay.

Hignubay : Patrol Leader, sino ang mga kasama mo?


SPL : Mahal na Hignubay, sila po ay mga batang nais sumapi sa ating kilusan.
Hignubay : Sila ba’y nakahandang tumalima at sumunod sa ating mga tuntunin at patakaran?
Mga Bata : Opo, nakahanda po kami.
Hignubay : Mga bata, dumating kayo ditong nakapiring ang inyong mga mata. Ano ang inyong
nadarama?
Isang Bata : Tila po kami ay nawawala at hindi namin alam ang aming patutunguhan.
Hignubay : Ganyan nga ang inyong mararamdaman at ganyan din ang kalagayan ng mga kabataan
sa ngayon. Hindi nila alam ang landas na dapat nilang tahakin. Nalilito sila sa
kanilang mga nakikita. At marami sa kanila ang patuloy na namumuhay sa
masamang kaasalan. Yamang kayo’y nagnanais na makakita ng liwanag sa
pamamagitan ng diwa ng iskawting. (Aalisin ng mga bata ang piring sa mata).
Hignubay at SPL : (Hahawakan ang malaking kandila)
Ang araw na ito’y isang kasaysayan.
Sa buhay ng bata’y dito mamamasdan.
Sa kaniyang isip dito’y makikintal.
Magiging bahagi ng kanyang buhay.

Bawat isa sa ating natatalastas.


Sa paghubog ng ugali ang isang batayan.
Madaling hutukin ang isang halaman.
Sa isang matandang makunat ang tadyang.

Sa murang isipan nitong kabataan.


Gawang kabutihan ang dapat malinang.
Dito sa iskawting layuning matibay.
Maging mabuting mamamayan itong kabataan.

Itong seremonyas na ating gagawin,


Magsisilbing gabay sa bawat Gawain.
At sa araw-araw hagdan na matibay,
Mga alituntunin ang maging tanglaw.
(sisindihan ang kandila)

Sisindihan ang Kandilang Dilaw:


Hignubay : Ang kandilang ito ay sumasagisag sa pangunang layunin nitong kapisanan, magiging
kasangkapan sa kanilang landas at tanglaw sa buti’t sa sama ay kalasag.
(pagsisindi ng malaking kandila)

Unang Bata : (lalapit at kukunin ang unang kandila)


Ang kandilang ito na aking sisindihan sa diwa ng iskawting ay kumakatawan sa Unang
pangako ng Iskawt (sisindihan ang kandila)

Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang aking makakaya upang tumupad sa aking
tungkulin sa Diyos at bayan at sumunod sa batas ng Iskawt.
(sasaludo, ibabalik ang kandila at babalik sa lugar)

Pangalawang Bata : (kukunin ang ikalawang kandila)


Ang kandilang ito na aking sisindihan sa diwa ng iskawting ay kumakatawan sa ikalawang
pangako ng iskawt. (sisindihan ang kandila) Tumulong sa ibang tao sa lahat ng
pagkakataon.

Pangatlong Bata : (kukunin ang ikatlong kandila)


Ang kandilang ito na aking sisindihan sa diwa ng iskawting ay kumakatawan sa Ikatlong
pangako ng iskawt. (sisindihan ang kandila) Pamalagiing malakas ang aking katawan,
gising ang isipan at marangal ang asal.

Hignubay : Maliliit na kandilang inyong nakikita


Ang batang iskawt kinakatawan nila ang dapat tandaan ay labingdalawa na dapat
tuparin sa tuwi-tuwina.
Pagsisindi ng 12 na kandila at pagbigkas ng 12 batas ng Iskawt.

1. Ang Iskawt ay Mapagkakatiwalaan - Ang Iskawt ay nagsasabi ng katotohanan. Tumupad siya sa


kanyang mga pangako. Ang pagiging matapat ay bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay
maasahan ng ibang tao.

2. Ang Iskawt ay matapat – Ang Iskawt ay matapat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa
iskawting, sa paaralan at bayan.

3. Ang Iskawt ay matulungin – Ang Iskawt ay may kalinga sa ibang tao. Nagsisikap siyang makatulong
sa iba na hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.

4. Ang Iskawt ay mapagkaibigan – Ang Iskawt ay kaibigan ng lahat. Itinuturing niyang kapatid ang
kanyang mga kapwa iskawt. Sinisikap niyang umunawa sa iba. Iginagalang niya ang mga
paniniwala at kaugalian ng ibang tao na naiiba sa kanya.

5. Ang Iskawt ay magalang – Ang Iskawt ay magalang sa sinuman, ano pa man ang gulang nito o
katayuan. Alam niya na ang mabuting pag-uugali ay daan sa magandang pagkakasunduan ng
mga tao.

6. Ang Iskawt ay mabait – Ang iskawt ay nakakaunawa sa may angking lakas, ang pagiging mabait.
Itinuturing niya ang iba na gusto niyang pagturing ng iba sa kanya. Hindi siya nananakit o
namiminsala ng mga hayop at iba pang bagay na walang kadahilanan at sinisikap niyang ito ay
mapangalagaan.

7. Ang Iskawt ay masunurin – Ang iskawt ay sumusunod sa mga alituntunin ng kaniyang pamilya,
paaralan at tropa. Sumusunod siya sa mga batas ng kaniyang pamayanan at bayan. Kung
inaakala niyang may mga alituntuning hindi tama, sinusunod niya at hindi sinusuway ngunit
sinisikap niyang nabago iyon sa matiwasay na pamamaraan.

8. Ang Iskawt ay masaya – Ang iskawt ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay.
Masaya niyang ginagampanan ang mga naiaatang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap niyang
makapagbigay lugod sa iba.

9. Ang Iskawt ay matipid – Ang iskawt ay gumagawa upang matustusan niya ang kanyang sarili at
upang makatulong sa iba. Pinapangalagaan niya at ginagamit ng wasto ang mga likas yaman.
Maingat siya sa paggamit ng kanyang panahon at ari-arian.

10. Ang Iskawt ay matapang – Ang iskawt ay may lakas loob na humarap sa panganib kahit may taglay
siyang pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inaakala niyang tama at matuwid sa kabila ng
pananakot ng iba.

11. Ang Iskawt ay malinis – Ang iskawt ay pinapanatiling malinis ang kanyang katawan at kaisipan.
Siya ay sumasama sa mga taong may ganito ring panuntunan. Tumutulong siya sa
pagpapanatiling malinis ang kanyang tahanan at pamayanan.

12. Ang Iskawt ay maka-Diyos – Ang iskawt ay mapitagan sa Diyos. Tinupad niya ang kanyang mga
tungkulin sa kanyang pananampalataya. Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa kanilang
pananampalataya.
Hignubay : Narinig ninyo ang mga pangako at batas ng iskawt. Tinatanggap ba ninyo ang mga
gawaing kaakibat nito at nangangako ba kayong susundin ang mga batas ng iskawt.

Mga bata : Opo, nangangako po kami.

Hignubay : Mabuti. Nagsimula tayo sa ganap na kadiliman. Ngayon sa liwanag ng kandilang ito
ay nakikita natin ang isa’t isa. Nawa’y papaliwanagin ng mga pangako at batas na ito
ang ating landas. Ibaling ninyo ngayon ang inyong pansin sa ating watawat. Bilang
mga iskawt ay may kakaiba kayong damdamin sa atin bandila. Alam natin at
iginagalang ang bansang kinakatawan nito. Hinihiling ko ngayong harapin ninyo ito
at bigkasin ang inyong panunumpa sa watawat ng Pilipinas (pugay kamay)

Mga Bata : Ako’y nangangakong magtatapat sa watawat ng Pilipinas at sa Republikang kanyang


kinakatawan isang bansang pinapatnubayan ng Diyos buo at di nahahati na may
kalayaan at katarungan para sa lahat.

Hignubay : Ngayon naman ay inyong bigkasin ang pangako sa pagtatalaga bilang patibay sa
inyong gawain bilang iskawt sa paglilingkod.

Mga Bata : Kami po ang Patrol _______________________. Ako si __________________ ng


tipong bilang _________ ng Paaralng Tinajeros sa Metro Manila West Council ay
nangangakong gagawin ang aming makakaya upang maihanda ang aming sarili sa
paglilingkod sa kapwa. Ipinapangako namin na sisikapin naming mabuhay sa abot ng
aming kaalaman at kakayahan. Tulungan nawa kami ng Diyos.

Hignubay : Mga bata, tanggapin ninyo ang inyong mga ninong. (Pagkakabit ng panyo ng mga
ninong) Kayo ngayon ay tunay nang mga batang iskawt. Binabati ko kayo at
maligayang pagsapi.

VI. Maikling Pananalita ng Pangunahing Panauhin

VII. Awit Lahatan

VIII. Pagtatapos

 Scout Benedictions
 Pagbaba ng Watawat
 Paglabas ng Bandila, mga panauhin at ng buong Troop

Scout Benedictions
Sa pinakamataas na hignubay ng lahat ng mabubuting scout kami nawa’y bigyan ng lakas at
talino tungo sa pagsulong ng aming tipon.

Hanggang sa muling pagkikita.

You might also like