You are on page 1of 8

PAGTATALAGA NG MGA

SCOUTS
CALERO ELEMENTARY SCHOOL

SY 2022 - 2023
PROGRAM FOR INVESTITURE

I. PAMBUNGAD NA SEREMONYA

● Pagpasok ng Scout na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistan


Troop Leader.
● Panalangin
● Pagpasok ng Kulay
● Pambansang awit
● Panunumpa ng katapatan sa watawat

II. PAMBUNGAD NA PANANALITA -

III. INVESTITURE PROPER


● Pagbigkas ng Pangako at Batas ng Scout
● Paglalagay ng Neckerchief

IV. HAMON SA MGA SCOUTS AT MAGULANG –

V. AWIT NG SCOUT

VI. PANGWAKAS NA SEREMONYA


● Scout Benediction
● Paglabas ng mga kulay
● Paglabas ng mga Scouts at Panauhin
SPIEL FOR INVESTITURE PROGRAM

EMCEE: Magandang gabi po sainyong lahat. Mangyari po lamang na


tumayo ang lahat para sa pambungad na seremonya. Sisimulan natin ito
sa pagpasok ng mga Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader,
Assistant Troop Leader.

(pagpasok ng mga scouts na pinangungunahan ng troop leader, assistan


troop leader at ng mga panauhing pandangal)

- Para sa ating panalangin, tinatawagan ko si scout master


________________.

(Panalangin)

- Manatili po tayong nakatayo para sa pagpasok ng mga kulay at


Pambansang Awit ng Pilipinas sa pangunguna at pagkumpas ni
__________________________.
(pagpasok ng mga kulay at pambansang awit)

- Para sa panunumpa ng katapatan sa Watawat ng Pilipinas, narito si


__________________________.

(Panunumpa)

- Maaari na po tayong lahat na maupo.


Isang mapagpalang gabi sa inyong lahat. Sa gabing ito ay ating
masasaksihan ang pagtatalaga ng ating mga scouts. Upang
pasimulan ang programang ito, narito ang tagapamanihala ng ating
sangay, ______________________ (Pambungad na pananalita)

Maraming Salamat po ________________________.

- Bago natin simulant ang pagtatalaga, atin po munang bigyan ng isang


mainit na pagsalubong ang ating mga scout. (isang malakas na
palakpakan)
- Ngayon ay umpisahan na natin ang pagtatalaga sa mga Boy Scout na
pangungunahan ng ating Adviser na si ___________________.

ADVISER ___________: tinatawagan ko si Scouter _________________ na


tawagin ang mga itatalang mga Scouts.

Scouter________: Lakad Patakda na! (palalapitin sa unahan ang mga scouts.

ADVISER ___________: Mga itatalang scouts kayo ay nandito sa aming harapan at


nagnanais na maging isang ganap na scout. Ito ba ang inyong nais?

PARTICIPANTS: Sir, Yes Sir!!!

ADVISER ____________: Sa seremonyang ito kayo ay itatalaga kayo ay itatalaga


bilang miyembro ng scouting sa Jose Panganiban East District at sa kapatiran ng
scouting sa buong mundo. Sa harap ninyo ay ang isang nasindihang kandila. Ito
ang sumasagisag sa diwa ng scouting.
Ang mga adhikain ng scouts na nakasaad ayon sa Panunumpa at batas ng Scout ay
nagbibigay gabay para sa ating maayos at marangal na pamumuhay at ito ay
magiging isang pamantayan ng pag uugali na dapat sundin ng lahat ng kasapi ng
kapatiran ng scouting sa lahat ng oras.
Kapag kayo ay nagiging isang ganap na scout matututo kayo ng maraming bagay
patungkol sa diwa ng scouting. Ang panunumpa at batas ng Scout ay
Pangungunahan ni Scouter ____________________.

(bigkasin ng mga participant ang scout oath and law)

( Ang pagsisindi ng tatlong malalaking kandila na kumakatawan sa diwa ng


scouting kasunod ang 12 na kandila na simbulong labing dalawang puntos ng
batas ng scout na magbibigkas ng panunumpa ng scout)

SCOUT A: ANG Panunumpa ng scout; Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang


buong makakaya; upang tumupad sa aking tungkulin sa Diyos at sa aking Bayan;
ang republika ng Pilipinas (sisindihan ang gitnang kandila)
SCOUT B: Sa ngalan ng aking dangal ay gagaawin ko ang buong makakaya na
sumunod sa batas ng scout; tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon.
(sisindihan ang kaliwang kandila)

SCOUT C: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya;


pamalagiing malakas ang aking katawan, gising ang isipan at marangal ang asal.
( sisindihan ang kanang kandila)

ANG PAGSASALITA NG 12 PILING SCOUT (pagsisindi ng 12 kandila)


EMCEE: Dumako na po tayo sa Batas ng Scouts

SCOUT 1: Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN: Ang scout ay nagsasabi ng


katotohanan, Tumutupad siya sa kanyang mga pangako. Ang pagiging matapat ay
bahagi ng kanyang pag uugali. Siya ay maaasahan ng ibang tao.

SCOUT 2: Ang scout ay MATAPAT. Ang scout ay matapat sa kanyang pamilya, mga
kaibigan, mga pinuno sa Scouting, sa paaralan at sa bayan.

SCOUT 3: Ang Scout ay MATULUNGIN. Ang scout ay may kalinga sa ibang tao.
Nagsisikap siyang makatulong sa iba na hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.

SCOUT 4: Ang scout ay MAPAKAIBIGAN. Ang scouts ay kaibigan ng lahat.


Itinuturing niyang kapatid ang kanyang mga kapwa scout. Sinisikap niyang
umunawa sa iba. Iginagalang niya ang mga paniniwala at kaugalian ng ibang tao
na naiiba sa kanya.

SCOUT 5: Ang scout ay MAGALANG. Ang scout ay magalang sa sinuman, ano man
ang gulang nito o katayuan. Alam niya na ang mabuting pag-uugali ay daan sa
magandang pagkakasunduan ng mga tao.

SCOUT 6: Ang scout ay MABAIT. Ang scout ay nakakaunawa na may angking


lakas ang pagiging mabait. Itinuturing niya ang iba gaya ng gusto nitong pagturing
ng iba sa kanya. Hindi siya nanakit o namiminsala ng mga hayop at iba pang
bagay na walang kadahilanan at sinisikap niyang ito ay mapangalagaan.
SCOUT 7: Ang scout ay MASUNURIN. Ang scout ay sumusunod sa mga alituntunin
ng kanyangpamilya, paaralan at tropa. Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang
pamayanan at bayan. Kung inaakala niyang may mga alituntuning hindi tama,
sinusunod niya ito at hindi sinusuway ngunit sinisikap niyang mabago iyon sa
matiwasay na pamamaraan.

SCOUT 8: Ang scout ay MASAYA. Ang scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas


na bahagi ng buhay. Masaya niyang ginagampanan ang mga naiatang sa kanyang
mga tungkulin. Sinisikap niyang makapagbigay ng lugod sa iba.

SCOUT 9: Ang scout ay MATIPID. Ang scout ay gumagawa upang matustusan ang
kanyang sarili at upang makatulong sa iba. Nag iimpok siya para sa hinaharap.
Pinapangalagaan niya at ginagamit ng wasto ang mga likas na yaman. Maingat
siya sa paggamit ng kanyang panahon at ariarian.

SCOUT 10: Ang scout ay MATAPANG. Ang scout ay may lakas ng loob na humarap
sa panganib kahit may taglay siyangng kanyang pangamba. Siya ay naninindigan
sa mga inaakala niyang tama at matuwid sa kabila ng tudyo o pananakot ng iba.

SCOUT 11: Ang scout ay MALINIS. Ang scout ay pinapanatiling malinis ang
kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama sa mga taong may ganitoring
panuntunan. Tumutulong siya sa pagpapanatiling malinis ng kanyang tahanan at
pamayanan.

SCOUT 12: Ang scout ay MAKA-DIYOS. Ang scout ay mapitagan sa diyos.


Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin ng kanyang pananampalataya.
Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa kanilang pananampalataya.

ADVISER: Narinig ninyo ang Panunumpa at labing dalawang puntos ng Batas ng


Scout. Bilang isang scout, tinatanggap ba ninyo ang tatlong tungkulin at labing
dalawang puntos ng batas na ito?

PARTICIPANTS: Sir, Yes Sir!

EMCEE: Nawa ay isabuhay ninyo ang mga aral na ito. Ipinakikiusa ko po sa ating
mga magulang, ninnong at ninang na sila ay tumayo sa may likuran ng kanilang
mga bata, sagisag na sa anumang adhikain ay nasa likuran kayo ng mag batang
ito.
Tinatawagan ko ang inyong scout leader upang pangunahan ang scout code.

SCOUT LEADER __________: Ako po ang mag uuna at mangyari na kayo po ay


sumunod sa akin.

AS A SCOUT CITIZEN,

I will live the Scout Oath and Law, the Scout Motto, and the Scout slogan;
I will be familiar with the Constitution of the Republic of the Philippines,
Especially my rights and obligation as a Filipino citizen;

I will share in the responsibilities of my home, school, church, neighborhood,


community, and country

I will deal fairly and kindly with my fellowmen in the spirit of the scout law

I will work to preserve our Filipino heritage, aware that the privileges we enjoy
Were won by hard work, sacrifice, clear thinking and faith of our forefathers;

I will do everything in my power to pass on a better Philippines to the next


generation.

EMCEE: At ngayon upang opisyal ng matalaga kayo, inaanyayahan po ang aming


kagalang galang na punong guro na siya ring ating punong institusyunal na
itatalaga na ang mga bagong iskawt

INTITUTIONAL HEAD/PRINCIPAL: Sa pamamagitan ng kapangyarihang


ipinagkaloob sakin ng Boy Scout of the Philippines bilang Punong Institusyonal ng
Jose Panganiban East District itinatalaga kayo bilang opisyal na miyembro ng Boy
Scout of the Philippines.

Ngayon po ay sabay sabay nating ilagay ang alampay o ang neckerchief sa leeg ng
mga batang itinalaga.

(hintaying maging maayos ang lahat)


Malugod po naming kayong tinatanggap sa pamilya ng scouting.
Maraming maraming Salamat po

Ngayon naman ay tinatawagan natin si ____________________upang magbigay


hamon at inspirasyon sa inyong mga bagong itinalaga.

(Hamon at inspirasyon)

(pagbibigay pasasalamat sa lahat na gumawa at sumuporta sa mga gawin>

(Paglabas ng mga kulay at mga scout kasaama ang mga panauhin.

You might also like