You are on page 1of 6

SPIEL FOR INVESTITURE PROGRAM

MARK JOHN: Magandang umaga po sa inyong lahat. Mangyari po lamang na


tumayo ang lahat para sa Pambungad na seremonya. Sisimulan natin ito
sa pagpasok ng mga Scouts na pinangungunahan ng ating Troop Leader,
Assistant Troop and Crew Leader.

(Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant


Troop/Crew Leader at ng Panauhing Pandangal)

Para sa ating panalangin, tinatawagan ko si SCTR. NOVY D. SILVESTRE.

(Panalangin)

Manatili po tayong nakatayo para sa pagpasok ng mga kulay at


Pambansang Awit ng Pilipinas mula sa paggamit ng Audio presentation.

(Pambansang Awit)

Para sa Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas, narito si


SCOUT JULIUS S. ALFONSO.

(Panunumpa)

MARK JOHN: Isang pinagpalang umaga sa inyong lahat. Sa umagang ito ay ating
masasaksihan ang pagtatalaga ng ating mga Scouts. Upang pasimulan
ang
programang ito, narito ang Pambungad na pananalita ng ating BRGY.
CAPTAIN DIOSDADO T. DUMO

(Pambungad na Pananalita)

MARK JOHN: Maraming salamat po, KAP.

Ngayon ay uumpisahan na natin ang pagtatalaga sa mga Boy at Senior


Scouts na pangungunahan ng ating Outfit Leader na si Ginoong Jerson L.
Robina.

G. ROBINA: Tinatawagan ko si SCTR. JOEL DE GUZMAN na tawagin ang mga


Itatalang Bagong Scout at Muling pagtatalaga sa mga dating Scouts.

SCTR JOEL: Lakad patakda na, tungtong kanan tungtong harap Ta. SALUTE!

G. ROBINA: Mga bagong itatalang scout at muling itatalagang scouts kayo ay nandito
sa aming harapan at nag nanais na maging isang ganap na scout. Ito ba
ang inyong nais?

Participants: Sir, Yes Sir!!!

1
G. ROBINA: Sa seremonyang ito kayo ay itatalaga bilang miyembro ng scouting sa
Sta. Cruz Integrated School at sa kapatiran ng scouting sa buong mundo.
Sa harap ninyo ay ang isang nasindihang candila. Ito ang sumagisag sa
diwa ng Scouting.
Ang mga adhikain ng Scouts na nakasaad ayon sa Panunumpa at batas ng
Scout ay nag bibigay gabay para sa ating maayos at marangal na
pamumuhay at ito ay maging isang pamantayan ng pag-uugali na dapat
sundin ng lahat ng kasapi ng kapatiran ng scouting sa lahat ng oras.
Kapag kayo ay naging isang ganap na scout matututo kayo ng maraming
bagay patungkol sa diwa ng scouting.

Ang Panunumpa at batas ng Scout ay pangungunahan ni SENIOR SCOUT


JOHN LEYNARD OLAIS.

SENIOR SCOUT JOHN LEYNARD OLAIS: Ang Panunumpa Ng Scout; Sa ngalan ng


aking dangal; ay gagawin ko ang buong makakaya; Upang tumupad sa
aking
tungkulin sa Diyos at sa aking Bayan; ang Republika ng Pilipinas.
(sisindihan
ang gitnang kadila)

Sa ngalan ng aking dangal – Ang dangal ay ang pinaka mahalaga at


sagradong pag aari sa iyong buhay. Kalakop nito ay ang iyong pangalan,
integridad at maganda reputasyon. Sa tuwing kayo’y nanunumpa bilang
isang scout, kayoy nangangako na mamumuhay na ayon dito upang
mapagpahalagahan ang ideyalismo na gagabay sa iyong buhay.

Gagawin ko ang buong makakaya- Sa lahat ng iyong ginagawa, ikaw ay


nakipagtipan na gagawin mo ang lahat na iyong makakaya. Kung may
bagay na mahalagang gawin ito ay dapat gawin at tapusin, kung tatapusin
ito tapusin ito ng mabuti. Ang paggawa ng buong makakaya ay isang
personal na pagsubok. Laging magsumikap na gawin sa pinakamahusay
na antas sang lahat ng iyong ginagawa.

sa Diyos at sa aking Bayan …Tayo, na kabilang sa kilusan ng scout ay na


nanalig sa Diyos. Di man tayo nakakapareho sa pamamaraan ng
pagsamba sa kanya, ngayon may tayo’y isa sa pag titiwala at paniniwala
sa puong may kapal, na ating Diyos at Panginoon. Upang gawin ang
tungkulin sa Diyos, kailangan nating sambahin sya at sumunod sa kayang
kautusan na naayon sa inyo-inyong paniniwalang pang relihiyon.
Makasusumpong kayo ng kaligayahan kung kayo’y taus pusong tutupdin
ang tungkulin para sa ating Diyos.

2
SCOUT MICHAEL JULIUS: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong
makakaya na sumunod sa Batas ng Scout;( sisindihan ang kaliwang
kandila)

Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon; sumunod sa Batas ng


Scout – Sa pamumuhay ng ating Sinumapaan pangako sa scouting-
kailangan natin ang batas ng scout upang maging gabay natin. Ang labing
dalawang puntos ng batas ng scout ay ang pamantayan ng pag-uugali
habang tayo’y naglalakbay sa buhay ng isang Scout. Kaya iminumungkahi
na kayo’y mag pasyang mamuhay ayon sa panunumpa at batas ng scout.

Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon – ang isang dahilang


kung bakit ang scouting ay lumago sa bansang ito ay sa kadahilanang
nakatangap ito na suporta sa mamamayan. Ang scouting ay
pinahahalagahan ang suportang ito ay dahil sa ang mga scout ay
nagpakita ng pagiging mahalangang bahagi ng lipunan. Ang diwa ng
paglilingkod ay nasa puso ng tunay na Scout.

SCOUT WARIENE NATIVIDAD: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang


buong makakaya; Pamalagiing malakas ang aking katawan, gising ang
isipan at marangal ang asal. (sisindihan ang kanang kandila).

Pamalagiing malakas ang aking katawan … Sa ngayon, alam na natin ang


pagiging malinis at ang kalusugan sa ating paaralan na kung ito ay
masusunod matutulungan nito tayong maging malusog at maligaya sa
buhay. Kung ninanais ninyong mag karoon ang isang alertong isipan at ng
kahandaang tumulong sa iba, kailangan ninyong panatilihing malusog at
malakas ang inyong pangangatawan.

gising ang isipan … Ang pagkakaroon ng gising ang isipan ay magpapakita


ng alerto at matalinong isipan. Hindi sapat ang mga scout ay puro pisikal
na lakas lamang; kailangan niyang mag karoon ng gising na isipan din. Ang
kanyang pagkilos ay dapat maliksi, kalkulado at handang tumugon sa
anumang pangangailangan at sa mga hinihingi ng pagkakataon.
marangal ang asal…Kailangan ng scout na maging huwaran ng
magandang asal. Ang kanyang asal ay nasa pinaka mataas na antas. Ang
kanyang isip, salita at gawa ay laging nag papakita ng wastong asal.

MARK JOHN: Dumako napo tayo sa Batas ng Scout. Na pasisimulan ni


Scout Manuel James Custo.

SCOUT MANUEL JAMES: Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN. Ang


Scout ay nagsasabi ng katotohanan. Tumutupad siya sa kanyang mga
pangako. Ang pagiging matapat ay bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay
maasahan ng ibang tao.
3
SCOUT ETHAN JAY: Ang Scout ay MATAPAT. Ang Scout ay matapat sa
kanyang pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa Scouting, sa paaralan at
sa bayan.

SCOUT CLYDE TUMMIEH: Ang Scout ay MATULUNGIN. Ang scout ay


may kalinga sa ibang tao. Nagsisikap siyang makatulong sa iba na hindi
naghihintay ng kabayaran o pabuya.

SCOUT KYLE ANGELO: Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN. Ang Scout ay


kaibigan ng lahat. Itinuturing niyang kapatid ang kanyang mga kapwa
Scout. Sinisikap niyang umunawa sa iba. Iginagalang niya ang mga
paniniwala at kaugalian ng ibang tao na naiiba sa kanya.

SCOUT RAY ANGELO: Ang Scout ay MAGALANG. Ang Scout ay


magalang sa sinuman ano pa man ang gulang nito o katayuan. Alam niya
na ang mabuting pag-uugali ay daan sa magandang pagkakasunduan ng
mga tao.

SCOUT JERRY: Ang Scout ay MABAIT. Ang Scout ay nakakaunawa na


may angking lakas ang pagiging mabait. Itinuturing niya ang iba gaya ng
gusto nitong pagturing ng iba sa kanya. Hindi siya nanakit o namiminsala
ng mga hayop at iba pang bagay na walang kadahilanan at sinisikap
niyang ito ay mapangalagaan.

SCOUT MICHAEL JOHN: Ang Scout ay MASUNURIN. Ang Scout ay


sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan at tropa.
Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang pamayanan at bayan. Kung
inaakala niyang may mga alituntuning hindi tama, sinusunod niya itoat hindi
sinusuway ngunit sinisikap niyang mabago iyon sa matiwasay na
pamamaraan.

SCOUT ALEXIS: Ang Scout ay MASAYA. Ang Scout ay nagsisikap


tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya niyang
ginagampanan ang mga naiatang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap
niyang makapagbigay ng lugod sa iba.

SCOUT FERNANDO: Ang Scout ay MATIPID. Ang Scout ay gumagawa


upang matustusan ang kayang sarili at upang makatulong sa iba.
Nagiimpok siya para sa hinaharap. Pinapangalagaan niya at ginagamit ng
wasto ang mga likas na yaman. Maingat siya sa paggamit ng kanyang
panahon at ariarian.

Scout ELE: Ang Scout ay MATAPANG. Ang Scout ay may lakas ng loob na
humarap sa panganib kahit may taglay siyang pangamba. Siya ay
naninindigan sa mga inaakala niyang tama at matuwid sa kabila ng tudyo o
pananakot ng iba.

Scout ELEM: Ang Scout ay MALINIS. Ang Scout ay pinapanatiling malinis


ang kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama sa mga taong may

4
ganito ring panuntunan. Tumutulong siya sa pagpapanatiling malinis ng
kanyang tahanan at pamayanan.

Scout ELEM: Ang Scout ay MAKA- DIYOS. Ang Scout ay mapitagan sa


Diyos. Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin ng kanyang
pananampalataya. Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa kanilang
pananampalataya.

G. ROBINA: Narining ninyo ang Panunumpa at labing dalawang puntos ng Batas ng


Scout. bilang isang scout, tinatangap ba ninyo ang tatlong tungkulin at
labing
dalawang puntos ng batas na ito?

Participants: “Sir Yes, Sir!”

MARK JOHN: Nawa ay isabuhay natin ang mga aral na ito. Ipinakikiusap ko po sa
ating
mga magulang kung meron pong nandito, at mga SCOUTERS na sila ay
tumayo sa may likuran ng kanilang anak o mga itatalagang scouts, sagisag
na sa ano mang adhikain ay nasa likuran kayo ng mga batang ito.

Aking pangungunahan ang Scout code.


Ako po ang maguuna at kayoy susunod sa akin.

As a Scout Citizen,

I will live the Scout Oath and Law, the Scout Motto, and the Scout Slogan;
I will be familiar with the Constitution of the Republic of the Philippines,
especially my rights and obligations as a Filipino citizen;

I will share in the responsibilities of my home, school, church,


neighbourhood, community, and country;

I will deal fairly and kindly with my fellowmen in the spirit of the Scout Law;

I will work to preserve our Filipino heritage, aware that the privileges we
enjoy were won by hard work, sacrifice, clear thinking, and faith of our
forefathers;

I will do everything in my power to pass on a better Philippines to the next


generation.

MARK JOHN: At ngayon upang opisyal ng matalaga kayo, ina-anyayahan po namin


ang
kagalang-galang na Punong Guro DR. MARY GRACE P. TAMASE na siya
ring ating Punong Institusyunal na italaga na ang mga bagong iskawt.

DR. MARY GRACE P. TAMASE: Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinag kaloob

5
sakin ng Boyscout of the Philippines bilang Punong Institusyonal ng STA.
CRUZ INTEGRATED SCHOOL. Itinatalaga kayo bilang Opisyal na
miyembro ng Boyscout of the Philippines.
Ngayon po ay sabay-sabay nating ilagay ang alampay o ang neckerchief
sa
leeg ng mga batang itinalaga.

(hintaying maging maayos ang lahat)

G. ROBINA: Malugod naming kayong tinatangap sa pamilya ng scouting. Maraming


maraming salamat po.

MARK JOHN: Maraming salamat G. ROBINA. Bigyan po nating muli nang matunog na
pagpugay ang mga bagong itinalagang scouts.

Ngayon naman ay tinatawagan natin si SCTR. LEOPOLDO DOMINGO JR,


upang magbigay ng hamon at inspirasyon sa inyong mga bagong itinalaga.

(Hamon at Inspirasyon)

MARK JOHN: Maraming salamat po, G. DOMINGO. Nakasisiguro po kaming sapat


ang
inyong mga salita upang pagibayuhin ng mga scouts ang kanilang paglilingkod.

MARK JOHN: Magaling mga Scouts! Para sa Scout Benediction, narito si SCTR.
JOEL DE GUZMAN
(SCOUT BENEDECTION)
MARK JOHN: Maraming salamat, SCTR JOEL. Tayo po ngayon ay magsitayo para sa
paglabas ng mga kulay kasunod ang mga Scouts at ang mga pinuno ng
ating paaralan.

Isang taos-pusong pasasalamat po mula sa STA. CRUZ INTEGRATED SCHOOL sa


inyong walang sawang pagsuporta sa adhikaing ito. Muli po, isang magandang umaga
sa inyong lahat.

You might also like