You are on page 1of 6

Boy Scout of the Philippines

Southern Tagalog Region


Oriental Mindoro Council
NAUJAN SOUTH DISTRICT SCOUTING COMMITTEE
“ALANGAN MANGYAN ISKAWT”

Senior Scout Investiture Ceremony


PROGRAM
OPENING CEREMONY
1. Entrance of Colors and Candidates with their Sponsors
2. Opening Prayer
3. National Anthem
4. Allegiance to the Philippine Flag
5. Introduction about today events “Investiture Ceremony for Senior Scouts”
6. Welcome Remarks
Institutional Head/ Representative
7. Inspirational Message
BSP Council Representative

INVESTITURE PROPER

I. INVESTITURE CEREMONY

SCL : Humanda sa Pagtatalaga! (LAGING HANDA)


Scouts: Sir, Handa na po ang mga Scouts sa Pagtatalaga.

OA: Mga Iskawts ang inyo bang pagdalo sa SEREMONYANG ito – upang italaga sa pagiging
Iskawts ay kusang loob at kagustuhan ninyo – OPO, kusang loob at kagustuhan po namin

OA: Kung gayon – sisimulan na natin ang seremonya sa pagtatalaga – Sa seremonyang ito kayo ay
tatanggapin bilang kasapi ng Boy Scout of the Philippines – Sa inyong Outfit/ Crew sa inyong
paaralan sa Oriental Mindoro Council at kikilalaning Iskawts saan mang dako ng bansang
Pilipinas.

OA: Ngayon ay sisindihan ng pangkalahatang pinuno ng mga Iskawts ang kandila.


(may maikling paalala habang sinisindihan ang kandila)

Ang kandilang ito ay sumasagisag at kumakatawan sa DIWA ng SCOUTING.


Sana ang liwanag ng ilaw ng kandilang ito ay magsilbing gabay sa inyong lahat sa lahat ng
panahon – magsilbing tanglaw sa mga landas ng inyong tatahakin sa hinaharap bilang
mga Scouts.

Magsiupo ang lahat.

ZAIDY S. ARGENTE, 2BH w/ CML, Council Advancement Chairman


II. ANG BATAS NG ISKAWT

OA: Ang mga Iskawts ay mayroong isang Batas na kanilang sinusumpaang susundin. Ito ay mayroong
12 punto at bibigkasin ng 12 piling Iskawts habang iniilawan ang 12 kandila na kumakatawan ng
12 puntong batas ng Iskawt

Pakinggan mabuti ang isinasaad ng batas na ito – Sapagkat kayo’y aking tatanungin kung ito’y
inyong matatanggap bilang sariling batas na inyong susundin.

Tinatawagan ko ang 12 Iskawts na simulan ang pag-iilaw ng 12 kandilang Kumakatawan sa Batas


ng Scouts. (12 Scouts LIGHTING OF THE CANDLES)
(pagkatapos sabihin ng bawat scout ang batas ay may paliwanag itong katumbas)

SCOUT 1 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Unang Punto ng Batas ng Scout.
- ANG SCOUT AY MAPAGKAKATIWALAAN-

TINIG 1 Ang Scout ay nagsasabi ng katotohanan. Tumutupad siya sa kanyang mga pangako ang pagiging
matapat ay bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay maaasahan ng ibang tao.

SCOUT 2 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ikalawang Punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MATAPAT-

TINIG 2 Ang Scout ay matapat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa Scouting, sa paaralan at bayan.

SCOUT 3 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ikatlong Punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MATULUNGIN-

TINIG 3 Ang Scout ay may kalinga sa ibang tao. Nagsisikap siyang makatulong sa iba hindi naghihintay ng
kabayaran o pabuya.

SCOUT 4 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ikaapat na Punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MAPAGKAIBIGAN-

TINIG 4 Ang Scout ay kaibigan ng lahat. Itinuturing niyang kpatid ang kanyang mga kapwa Scout. Sinisikap
niyang umunawa sa iba. Iginagalang niya ang mga paniniwala at kaugalian ng ibang tao na naiiba sa
kanya.

SCOUT 5 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ikalimang punto ng Batas ng Scout
-ANG SCOUT AY MAGALANG-

TINIG 5 Ang Scout ay magalang sa sinuman ano pa man ang gulang nito o katayuan. Alam niya na ang mabuting
paguugali ay daan sa magandang pagkakasunduan ng mga tao.

SCOUT 6 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumsagisag sa Ikaanim ma punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MABAIT-

TINIG 6 Ang Scout ay nakakaunawa na may angking lakas ang pagiging mabait. Itinuturing niya ang iba gaya
ng gusto niyang pagturing ng iba sa kanya. Hindi siya nanankit o namiminsala ng mga hayop at iba
pang bagay na walang kadahilanan at sinisiklap niyang ito ay mapangalagaan.

SCOUT 7 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ikapitong punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MASUNURIN-

TINIG 7 Ang Scout ay sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan at tropa. Sumusunod siya
sa mga batas ng kanyang pamayanan at bayan. Kung inaakala ngunit sinisikap niyang mabago iyon sa
matiwasy na pamamaraan.

ZAIDY S. ARGENTE, 2BH w/ CML, Council Advancement Chairman


SCOUT 8 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ikawalong punto ng Batas ng Scout .
-ANG SCOUT MASAYA-

TINIG 8 Ang Scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya niyang ginagampanan
ang mga naiatang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap niyang makapagbigay lugod sa iba.

SCOUT 9 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ikasiyam nap unto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MATIPID-

TINIG 9 Ang Scout ay gumagawa upang matustusan niya ang kanyang sarili at upang makatulong sa iba. Nag-
iimpok siya para sa hinaharap. Pinapangalaan niya ang at ginagamit ng wasto ang mga likas na yaman.
Maingat siya sa paggamit ng kanyang panahon at ari-arian.

SCOUT 10 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag sa Ikasampung punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MATAPANG-

TINIG 10 Ang Scout ay may lakas ng loob na hunarap sa panganib kahit na may taglay siyang pangamba. Siya
ay naninindigan sa mga inaakala niyang tama at matuwid sa kabil ng tudyo o pananakot ng iba.

SCOUT 11 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumasagisag ng Ikalabing isang punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MALINIS-

TINIG11 Ang Scout ay pinapanatiling malinis ang kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama sa mga taong
may ganito ring panuntunan. Tumutulong siya sa pagpapanatili na malinis ang kanyang tahanan at
pamayanan.

SCOUT 12 Aking sisindihan ang kandilang ito na sumsagisag ng Ikalabing dalawang punto ng Batas ng Scout.
-ANG SCOUT AY MAKA-DIYOS-

TINIG 12 Ang Scout ay mapitagan sa Diyos. Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin ng kanyang
pananampalataya. Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa kanilang pananampalataya.

OA Inyong narinig ang 12 punto ng Batas ng Scout. Tinatanggap ba ninyo ang Batas na ito at
nangangakong gagawin ang buong makakaya upang ito’y sundin at isakatuparan bilang mga
Scouts? – OPO, isasakatuparan po namin

(Magsitayo ang lahat ng Iskawts)

Ibig kong patunayan ninyo sa madla sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagbigkas ng Batas


ng Scout sa pangunguna ng isa sa mga punong gabay. – Perf Rajo Fesalvo

-ANG BATAS NG SCOUT-

SCOUTS : Ang Scout ay Mapagkakatiwalaan, Matapat, Matulungin, Mapagkaibigan, Magalang,


Mabait, Masunurin, Masaya, Matipid, Matapang, Malinis at Maka-Diyos.

OA : Maari ng bumalik ang punong gabay at labindalawang scouts sa kanilang upuan

Ang Scout ay may isang sumpa na sinusunod. Dito napapaloob ang 3 tungkulin na dapat
nilang gampanan.

Tinatawagn ko ang 3 Scout na bibigkas ng tatlong tungkulin ng Scout habang sinisindihan


nila ang kandilang kumakatawan sa tungkuling dapat gampanan (3 Scouts Lights Candle).
ZAIDY S. ARGENTE, 2BH w/ CML, Council Advancement Chairman
Scout 1: Ang kandilang ito ay sumasagisag na Mahal ko ang Diyos at Ang Aking Bayan
Scout 2: Ang kandilang ito ay sumasagisag sa paggawa ng mabuti araw-araw
Scout 3: Ang kandilang ito ay sumasagisag sa pagsunod sa batas ng Scout

OA: Tinatawagan ko ang isa sa mga punong gabay na Scout upang mamuno sa pag-bigkas ninyo ng
sabayan sa sumpa o pangako ng Scout (Scout Lead the Scout Oath,others follow).

III. PANUNUMPA NG ISKAWT

Sabay sabay ninyong bigkasin ang Scout Oath sa pangunguna ng isa sa mga punong gabay ng mga Iskawt
ANG PANUNUMPA NG SCOUT

Sa ngalan ng aking dangal


ay gagawin ko ang buong makakaya
Upang tumupad sa aking tungkulin sa Diyos
at sa aking bayan ang Republika ng Pilipinas
at sumunod sa Batas ng Scout;
Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon;
Pamalagiing malakas ang aking katawan
gising ang isipan at marangal ang asal.

OA: Inyong naririnig at binigkas ang sumpa ng Scouts at ang tatlong tungkulin nanapapaloob dito. Ang
unang tungkulin ay sa Diyos at sa bayang Pilipinas, ikalawa ang tungkulin sa ibang tao at ikatlo
ang tungkulin ng isang Scout sa kanyang sarili. Tinatanggap ba ninyo ang 3 tungkulin inihahayag
sa Sumpa ng Scout at nangangakong ito’y inyong susundin sa abot ng inyong makakaya?

SCOUT: OPO, tinatanggap po namin

IV. Reciting the Senior Scout Code

OA: Bigkasin sabay-sabay ang Senior Scout Code:


The Senior Scout Code
As a Senior Scout
I will live up to the Scout Oath and Law,
The Scout Motto, and the Senior Scout Slogan:

I will be familiar with the Constitution


Of the Republic of the Philippines,
Especially my Rights and Obligations
As a Filipino Citizen:

I will share in the responsibilities


Of my home, school, church, neighborhood, community and Country:

I will deal fairly and kindly with my fellowmen


In the spirit of the Scout Law:

I will work to preserve our Filipino Heritage,


Aware that the privileges I enjoy
Were won by hard work, sacrifices, clear thinking,
And faith of our forefathers:

I will do everything in my power


To pass on a better Philippines
To the next generation.

ZAIDY S. ARGENTE, 2BH w/ CML, Council Advancement Chairman


SCL: Tinatawagan ko po ang aming Institutional Head para sa Pananlitang Pagtanggap sa mga Batang
Iskwat.

V. ACCEPTANCE (Institutional Head )

Sa itinalagang Kinatawan ng Samahang Iskawt ng Pilipinas – Oriental Mindoro Council, ikinagagalak ko


pong isinusulit sa inyo ang mga Senior Scouts ng Outfit _____, ________________________ High School.
Akin pong hinihiling ang inyong Pagpapatibay at Pagtanggap sa kanila, upang maging ganap na kasapi ng
Samahang Iskawt ng Pilipinas.

VI. DECLARATION (Council Representative/Deputy)

“Sa kapangyarihang iginawad ng Boy Scout of the Philippines, kay Scouter Babylyn M. Pomarejos, ALT
w/ CMT, bilang kanyang kinatawan, Ang mga batang ito na itinalaga bilang kasapi ng Outfit ______,
________________ High School, ay ganap nang kasapi ng Samahang Iskawt ng Pilipinas, at kikilalanin ding
kasapi ng Kapatirang Iskawt ng Daigdig.

Welcome to the Worldwide Brotherhood of Scouting.”

VII. DONNING

OA: Ngayon dadako na po tayo sa galian ng alampay.

Tinatawagan ko po ang Sponsors ng mga Scout na lapitan na sila kapag nakita nyo po na sila ay
nakatayo na sa may stage. (Papalitan ang Green Neckerchief ng Red Neckerchief)

VIII. THE PLEDGE OF BATCH MAKABANSA

Magsitayo muli ang mga lupon ng scouts.

OA: Tinatawagan ko si _________________________ isa sa mga punong gabay ng mga Iskawts upang
pangunahan ang sabay-sabay na pag bigkas ng PANATA sa pagtatalaga.

SCOUT: Tumayo ng ayos at iayos ang kamay ayon sa ayos ng panunumpa.

AKO SI, __________________ bilang kasapi ng Outfit ______scout ng


____________________________ High School, Boy Scouts of the Philippines Oriental Mindoro
Council, / ay nangangako / sa ngalan ng aking dangal / na gagawin ko ang buong makakaya / upang
tumupad sa pangako at batas ng scout / tumulong sa pagsulong ng aking Crew at Outfit / gumawa
ng kabutihan araw-araw at sisikapin kong mamuhay na isang tunay na Scout, sa isip, sa salita at
sa gawa. Kasihan nawa ako ng Panginoon.

IX. CLOSING REMARKS

Pinakikiusapan ko po na magsiupo muli

OA: Tinatawagan ko po ngayon si ______________________________, para sa kanyang huling pananalita.

X. SCOUT BENEDICTION

“May the great, great Scout Master, of all good scouts, be with us, till we meet again”

ZAIDY S. ARGENTE, 2BH w/ CML, Council Advancement Chairman


CONGRATULATIONS!

ZAIDY S. ARGENTE, 2BH w/ CML, Council Advancement Chairman

You might also like