You are on page 1of 3

BOYSCOUT INVESTITURE CEREMONY

Magandang umaga/hapon po sa inyong lahat. Ngayong umaga/hapong ito ay gaganapin natin ang seremonya para sa
panunumpa at pagtatalaga sa mga batang iskawts.

Hinihiling po namin ang ganap na katahimikan ng lahat.

Tinatawagan ko po ang ating Scout Master, Scouter ______________, upang sindihan ang malaking kandila na
kumakatawan sa diwa ng scouting.

SCOUT MASTER: (Sisindihan ang kandila)

“ Ang kandilang ito na aking sinindihan ay kumakatawan sa mga dakilang simulain ng Scouting. Sapul ng matatag ang
kilusang ito ay mahigit ng 50 milyong Boy Scout sa buong mundo ang nanumpa at nagtaaga ng kanilang paglilingkod sa
scouting. Magsisimula tayo sa ating seremonya sa pamamagitan ng pagsisindi ng 3 kandila na sumasagisag sa 3 pangako
ng Boy Scout buhat sa 3 piniling Scouts.”

(Sabay-sabay papasok ang 3 piniling scouts)

SCOUT 1: Ang kandilang ito na aking sisindihan ay kumakatawan sa unang pangako ng isang mabuting Scout (Sisindihan
ang hawak na kandila sa malaking kandila at muling babalik sa dating kinalalagyan. Itataas ang kanang kamay sa
panunumpa ng Scout)

SA NGALAN NG AKING DANGAL, AY GAGAWIN KO ANG BUONG MAKAKAYA, UPANG TUMUPAD SA AKING
TUNGKULIN, SA DIYOS AT SA AKING BAYAN, AT SUMUNOD SA BATAS NG SCOUT.

SCOUT 2: Ang kandilang ito na aking sisindihan ay kumakatawan sa ikalawang pangako ng isang mabuting scout (Sisindihan
ang hawak na kandila sa malaking kandila at muling babalik sa dating kinalalagyan. Itataas ang kanang kamay sa
Panunumpa ng scout)

TUMULONG SA IBANG TAO SA LAHAT NG PAGKAKATAON

SCOUT 3: Ang kandilang ito na aking sisindihan ay kumakatawan sa ikatlong pangako ng isang mabuting Scout ( Sisindihan
ang hawak na kandila sa malaking kandila at muling babalik sa dating kinalalagyan. Itataas ang kanang kamay sa
Panunumpa ng Scout.)

PAMALAGIING MALAKAS ANG AKING KATAWAN, GISING ANG ISIPAN AT MARANGAL ANG ASAL.

UNIT LEADER: Sa pamamagitan ng tatlong kandilang may sindi, sana’y Makita ninyo ang liwanag na nagsisilbing gabay sa
inyong pang araw - araw na buhay ay huwag malimutan ang kawikaang “ LAGING HANDA” sa paggawa ng Mabuti sa kapwa
sa lahat ng pagkakataon. Ngayon naman ay bigyan ninyo ng liwanag ng 12 kandila na kumakatawan sa Batas ng Scout.

( Ang 12 nahirang na Scout ay sabay-sabay na lalapit sa Unit Leader at isasagawa an gkatulad ng ginawa ng naunang tatlong
Scout)

SCOUT 1: Ako’y naririto upang sindihan ang unang kandila na kumakatawan sa unang Batas ng Scout. ANG SCOUT AY
MAPAGKAKATIWALAAN. Ang Boy Scout ay subok. Laan sa pagtupad sa lahat ng utos. Ang dangal ay lagging nakatampok.
Sa masamang gawa’y hindi masasangkot.

SCOUT 2: Ako’y narito upang sindihan ang ikalawang kandila na kumakatawan sa ikalawang Batas ng Scout. ANG SCOUT
AY MATAPAT. Iyang katapatan ay dakilang yaman habang nabubuhay . Sa ating kapwa, pinuno at magulang lagging maging
tapat sa lahat ng araw.
SCOUT 3: Ako’y naririto upang sindihan ang ikatlong kandila na kumakatawan sa ikatlong Batas ng Scout. ANG SCOUT AY
MATULUNGIN. Laging bukas palad. Siya ay mapagbigay sa lahat ng mga nangangailangan. PAgtulong sa kapwa sa anumang
paraan, siya’y lagging handa at maasahan.

SCOUT 4: Ako’y naririto upang sindihan ang ika-apat na kandila na kumakatawan sa ika-apat na Batas ng Scout. ANG
SCOUT AY MAPAGKAIBIGAN. Ang lahat ng tao ay kanyang kaibigan. Tunay na magiliw ditto sa samahan. Kahit na mahirap
o maging mayaman, sa pakikisama pawing pantay-pantay.

SCOUT 5: Ako’y naririto upang sindihan ang ikalimang kandila na kumakatawan sa ikalimang Batas ng Scout. ANG SCOUT
AY MAGALANG. Magalang sa tuwina. May paninindigan. Hindi kayang sirain damdaming matibay. Ang kanyang sarili ay
iniingatan. Malayo sa tukso at mga kasamaan.

SCOUT 6: Ako’y naririto upang sindihan ang ika-anim na kandila na kumakatawan sa ika-anim na Batas ng Scout. ANG
SCOUT AY MABAIT. Ang scout ay mapagtimpi. May taglay na bait. Uliran sa kilos, sa gawa, at isip. Kahit na kanino may
puso at pag-ibig.

SCOUT 7: Ako’y naririto upang sindihan ang ikapitong kandila na kumakatawan sa ikapitong Batas ng Scout. ANG SCOUT
AY MASUNURIN. Bata o matanda kapag may utos, ito’y kanyang sinusunod ng maluwag sa loob. Hindi alintana ang
mumunting pagod. Nasa puso niya ang gawang mapaglingkod.

SCOUT 8: Ako’y naririto upang sindihan ang ika-walong kandila na kumakatawan sa ikapitong Batas ng Scout. ANG SCOUT
AY MASAYA. Masiglang kumilos sa mga Gawain. May sariling plano, likas sa damdamin. Kahit nahihirapan may ngiti at
lambing. Masayang gumaganap sa kanyang tungkulin.

SCOUT 9: Ako’y naririto upang sindihan ang kandilang kumakatawan sa ika-siyam na Batas ng Scout. ANG SCOUT AY
MATIPID. Matipid na bata, siya’y mapag-impok. Mga munting bagay kanyang sinisinop. Ang kanynag ugali pag may
isinuksok, sa araw ng bukas ay may madudukot.

SCOUT 10: Ako’y naririto upang sindihan ang ika-sampung kandila na kumakatawan sa ika-sampung Batas ng Scout. ANG
SCOUT AY MATAPANG. May taglay na tapang at buo ng loob. Kahit pagbantaan hindi natatakot. Pilit tinutuwid ang mali
at baluktot. Tnaging tuwiran ay ibinabantayog.

SCOUT 11: Ako’y naririto upang sindihan ang kandilang kumakatawan sa ikalabingisang Batas ng Scout. ANG SCOUT AY
MALINIS. Sa kilos, sa salita at sa gawa niya ay matuwid. Ugali at isipan ay kanais-nais. Karangalan niya’y salaaming malinis.
Ang pagka Boy Scout di bibigyang dungis.

SCOUT 12: Ako’y naririto upang sindihan ang kandila na kumakatawan sa ikalabing dalawang Batas ng Scout. ANG SCOUT
AY MAKADIYOS. Pangunahin niya ay maging mapitagan sa Poong Lumikha. Sa bawat sandal ay mananalangin.
Nagpapsalamat sa hiram na buhay.

Maraming Salamat mga Batang Scouts. Ngayon naman ay dadako tayo sa panunumpa ng mga Batang Scouts.

(Sabay-sabay bibigkasin ang pangako ng Boy Scouts)

SA NGALAN NG AKING DANGAL, AY GAGAWIN KO ANG BUONG MAKAKAYA, UPANG YUMUPAD SA AKING
TUNGKULIN, SA DIYOS , AT SA AKING BAYAN, ANG REPUBLIKA NG PILIPINAS. TUMULONG SA IBANG TAO SA LAHAT NG
PAGKAKATAON. PAMALAGIING MALAKAS ANG AKING KATAWAN, GISING ANG ISIPAN AT MARANGAL ANG ASAL.
Akin ngayong tinatawagan ang ating Investing Officer _____________________ upang italaga at pagtibayin ang inyong
pagiging kasapi sa pangkalawakang kilusan ng Scouting.

(The investing officer will confirm the membership of the Scout candidates to the Boy Scout of The Philippines)

Marami pong Salamat ______________________.

Matapos mapagtibay ang pagiging kasapi ninyo sa kilusan ng Scouting; tayo ay dadako sa paglalagay ng panyong panleeg
na sumasagisag sa kasapi ng Pandaigdigang Samahan ng Scouting.

(FORMING O SHAPE)

Akin pong tinatawagan ang mga magulang, ninong at ninang na lumapit sa kanilang mga anak upang ilagay ang panyong
panleeg sa kanilang mga anak.

Marami pong Salamat mga magulang,

Ninong at ninang sa inyong pakikiisa sa pandaigdigang Samahan ng Scouting.

Ngayon naman ay maghanda tayo para sa Scout Benidiction.

Amin muling inaanyayahan ang ating _______________________ upang pamunuuan ito.

MAY THE SPIRIT OF ALL SCOUTS, AND GREAT SCOUTS MASTERS BE WITH YOU ALL. TILL WE MEET AGAIN.

You might also like