You are on page 1of 2

NARRATOR:

Sa isang napakalayong lugar na nababalot ng


kadiliman, nakabibingi ang katahimikan. Umiihip
ang malamig na hangin. Mga kaluskos ng umaagos
na batis at mga huni ng mga kuliglig ang iyong
maririnig. Kasabay nito ay ang mga tinig na
nagmula sa apat na sulok ng daigdig.

Scout A: Ako ang tinig na nagmula sa


Hilaga! Dala ko ay Pagkakaisa! Ang Pagkakabuklod
ng bawat puso at hangarin tungo sa
iisang mithiin. Tungo sa isang mapayapang
daigdig. Ngunit kailangan ko ng
liwanag! Bigyan nyo ako ng liwanag! LIWANAG!!!

Scout B: Ako ang tinig na nagmula sa


Timog! Dala ko ay Pagmamahalan! Ang mainit at
nag-aalab na pagmamahal at
pagpapahalaga sa bawat nilikha ng Maykapal.
Ngunit kailangan ko ng liwanag!
Bigyan nyo ako ng liwanag! LIWANAG!!!

Scout C: Ako ang tinig na nagmula sa


Kanluran! Dala ko ay Pagkakaunawaan!
Pagkakaunawaan tungo sa isang
mapayapang Daigdig. Ngunit kailangan ko ng
liwanag! Bigyan nyo ako ng
liwanag! LIWANAG!!!

Scout D: Ako ang tinig mula sa Silangan!


Dala ko ay Kalinisan. Ang kalinisan ng isip, salita,
at gawa. Ngunit kailangan ko ng
liwanag! Bigyan nyo ako ng liwanag! LIWANAG!!!

Scout E: (runs round out of the circle


formation)
(gets inside the formation and
lights the Campfire)
Program Master: (presents the program)
Malugod ko pong isinusulit sa inyo ang programa para sa gabing ito.

Scout Master: (looks at the program)


Nakita ko na maayos na nagawa ang programang ito. Buong puso ko itong
tinatanggap bilang pagbubukas sa mga mga gawain sa gabing ito.
(everybody claps)
Scout Master: Nawa ang liwanag ng apoy na ito ay magsilbing tanglaw ng lahat ng scout na
naririto. Ang init nawa ay tumagos sa puso ng bawat isa at patuloy na
maglagablab.
Scout Benediction
Scout Master: May the Great Scout Master of all good scouts be with us, ‘till we meet again!

You might also like