You are on page 1of 9

PAGTATALAGA SA BOY SCOUT

I: Pagpasok ng Bandila, panauhin , Gala at Hignubay

a. Panalangin
b. Pambansang Awit

II. Pambungad na pananalita – Tagapangulo ng Lupon ng Tipon

III. Pag aabot sa Tipon ng Pagkatala sa Kinatawang Pang- Institusyon

IV. Panunumpa ng Lupong Pantipon

V. Pagtatalaga ng Tipon: (Para sa lahat ng kasaping bagong tipon.) Ito’y pwedeng ganapin sa
sa labas o loob ng gusali Isang mesa na may bandilang Pilipino at bandila ng tipon sa magkabila ay
kailangan. Ang tipon ay kailangang nakahanay ng hugis o tila sa regular na hanay teatro kung ang
grupo ay malaki.

Mga Kagamitan: Mesa, Bandilang Pilipino, Bandilang Tipon , Trefoil , mga kandila, 12 para sa
sampung Batas ng Iskaut at isang malaking kandilapara sa ispiritu ng
Iskauting.

HIGNUBAY: Ang araw na ito ay makasaysayan sa tipong nar ito at nagkapisan. Silang lahat
ngayo’y bibigyan ng buhay ng pagtatalaga sa ating kilusan. Matapos na sila ay ating
sanayin upang maging Scout sa gawa at sa turing, sila ay marapat na ating yakapin , sa kilusang
itong dakila ‘t butihin. Sila’y mga bagong nilalang na ngayon, pagka’t isinilang sa tamang panahon;
sila ay hindi na mangapaparool, pagka’t sa Scouting sila ay kumndong. At bilang Hignubay ay
sisimulan ko itong seremonyang kilala sa mundo. Sa harap ng madla’t saksing nagarito ang banal
an tagpo ay saksihan ninyo…

(Kukunin ang pinakamalaking kandila at sisindihan)

Ang sagisag ng kandilang tangan ay tanglaw na siyang gagamiting ilaw··········· Kayo ay kumadlo
ng kaliwanagan upang makarating sa lundo ng buhay. Ngayon ay lumapit, lumakad, kandilang
naririto ay bigyan ng ningas.

(UNANG BATA - Magpupugay kamay. Tatanggapin ang hignubay. Sisindihan ang gitnang kandila.)

Panggitnang kandilang aking sisindihan ay tungkol sa DIYOS nawalang kapantay, ang lahat ng Scout
ay dapat magtaglay ng paniniwala sa ating Maykapal.

(IKALAWANG BATA - gagawin ang gaya nung una).

Kandilang panggilid ay sumasagisag nitong pagmamahal sa bayan at lahat; maging kapatid ka saan
man lumatak at maging uliran sa mga pagliyag.

(IKATLONG BATA - gagawin ang gaya ng sinundan.)

Panggilid din itong aking sisisndihan ukol sa sariling dapat ding itanghal………..
Sarili”y mahalin upang magampanan ang layong maglingkod kailanma’t saan.

HIGNUBAY: Yamang ang kandilang tatlo’y sugo ng kaliwanagan sa diwa’t puso . Ang tatlong
daliri’y dapat ding matanto. Sulo ring maningas sa ganitong tagpo. Ito’y isang sumpang taglayin sa
isip , saan man ipadpad ng panaginip…….Bawat adbenturang taglayin sa lirip tatluhang ningas
dapat na ikapit. At upang lalo pang magningning na tuna yang ating daigdig at katalagahan. Ang
sampung kandilang dito’y nakahanay ay sisindihan natin ng buong paggalang.
UNANG BATA: Batlang kamay at hihiyaw ng malakas; ANG SCOUT AY MAPAGKAKATIWALAAN
Ikaw ay magtiwala sa lahat ng scout pagka’t siya’y batang may dakilang loob,
Ano man ang iyong sa kanya’y iutos ay maaasahan sa mga pagsunod.

IKALAWANG BATA: ANG SCOUT AY MATAPAT


Matapat ang Scout, malinis ang budhi, kaya binusilak ang taglay na mithi,
laging taglay niya ang timyas ng binhi ng mabuting loob sa bawat sandali.

IKATLONG BATA: ANG SCOUT AY MATULUNGIN


Sa gawain ay katulong lagi siyang aasahan na tutulong sa sa sandaling
tulong niya ay kailangan , matag-araw, matag- ulan walang pinipiling
lugar maging araw na simple lang lalo na kung Piesta Opisyal.

IKAAPAT NA BATA: ANG SCOUT AY MAPAGKAIBIGAN


Kami ay magiliw sa matanda’t bata. At ang bawat tao ay aming kapwa
Kaakbay sa lungkot kaakbay sa tuwa , sapagkat magiliw sa puso adhika.

IKALIMANG BATA: ANG SCOUT AY MAGALANG


Katangian ng isang Scout ay pagiging magalang, bata’t matanda man.
Puno at duluhan ay kanyang igagalang , pagkat nahirati sa bawat tao
Ay kanyang ukulan ng simpatiya at respeto na tatak na sa katauhan.

IKAANIM NA BATA: ANG SCOUT AY MABAIT


Ang kabaitan ng batang scout wari’y kakambal na sa pagsilang
Likas na ugali’t-gawi’y kalakip na sa katauhan
Mapagbigay , may unawa, laging sa puso’y may laan
Pagmamahal sa kapwa sa kanya’y walang sukatan.

IKAPITONG BATA: ANG SCOUT AY MASUNURIN


Tiwasay na tumutupad sa tungkuling gagampanan
Ni tumutol wala siya sa ganitong katangian
Kailan ma’t nasa wasto at matuwid yaong utos
Walang hindi, walang kupas dagli siyang sumusunod.

IKAWALONG BATA: ANG SCOUT AY MASAYA


Matamis at masigla, halakhak ay humahawa
Parang pulot na matamis, parang suman at mangga
Magaan ang katawan niya , paglahok sa pagsasaya
Kahit mahirap na gaw’y hinaharap ng masigla.

IKASIYAM NA BATA: ANG SCOUT AY MATIPID


Masinop at may katipiran sa paggalaw sa lipunan
May malawak na paningin sa darating na kasalukuyan
May matibay na disiplina, pagsuheto sa karangyaan
Nag-iimpok, nagtitipon, sinisinop ang kanyang buhay.

IKASAMPUNG BATA: ANG SCOUT AY MAGITING


Magiting ang Scout kung ipagtatanggol ang bansa sa mga tusong
Mandarambong. Ihahai’y buhay kahit maparool, kung dahil sa bansa
niyang mayumungmong.

IKALABING ISANG BATA: ANG SCOUT AY MALINIS


Sa panlabas na anyo, kaylinis ng tikas
Wari’y isang Adonis siya, walang taglay na maipipintas
Maging sa kanyang gawi at salitang malinis din
Iyan ang batang scout huwaran sa kalinisan.
IKALABINDALAWANG BATA: ANG SCOUT AY MAKA- DIYOS
May DIYOS na sinasamba, may langit na inaasam
Pagka’t siya’y isang scout may talino at may dangal
Alam niyang ang buhay niya’y kaya lamang gumagalaw
Ay dahil sa may isang lakas na sa tao’y bumubuhay.

HIGNUBAY: Ang pagtatalaga’y yayamang nagwakas, bayaning tanggapin silang


lahat-lahat nitong kinatawang mabunyi, magilas sa Sanggunian pa
nanggaling buhat sa ____________________________, siya ay naglakbay upang
tayo rito ay saksihan ………………….tinatawagan po kayo nang magalang
tanggapin ang batang dito’y naghihintay.
Ceremonies in KID Scouting:

( A bell Parents and boys gather on semi-circle formation, langkay Leaders facing parents and KIDs)

LL:
Magandang araw sa inyong lahat.
Puso’t damdamin nami’y nagagalak.
Abo ang pakay ninyo’t buhay
Sabihin,sabihin nang kami’y mamulat.
Magulang:
Nais naming isali an gaming naka sa Kid Scouting.
LL:
Sabihin muli ng igit na malaman.
Magulang:
Nais naming isali an gaming naka sa KID Scouting.
LL:
Nais ng magulang
Gusto ba rin ninyo, mga kabataan?
Nais ba ninyong sumali sa KID Scouting?
Mga bata:
Opo
LL:
Ulitin nang malakas nag higit na mapakinggan.
Nais ba ninyong sumali sa KID Scouting?
Mga bata:
Opo
LL:
Handa ba nag inyong katawan at isipan?
Mga Bata:
Opo
LL:
Sabihin ang inyong mga pangalan.
Mga bata: ( isa-isang pagsagot)
LL:
Sabihin ang isang maganda ninyong katangian,
Mga bata:
(isa-isang pagsagot )
LL:
Sabihin ang inyong kagustuhan
Mga bata:
(isa-isang pagsagot )
LL:
Tingnan ko nga kung ang mga sumusunod ay inyong magagwa.
( bawat sabihin ng LL ay gagawin ng mga bata. Sabayan ng tambol o anumang intrumento ang mga
galaw ng mga bata.)
Mga hal. Galaw:
Talon- Dipa – Magkapit – kamay sa isang bilog
Tawa-
Magkamayan
Sumaludo- atbp.
LL:
Ngayong napatunayan
Ilang kakayahan
Tanggapin ang alampay
Unang alay at bigay
Mga magulang ng mga batang ito,
Ibigay ang alampay sa anak ninyo.
Ilang salita ang maaring sabihin
Na magiging aral sa araw na darating.
( Isususot ng mga magulang/ ninang/ninong ang alampay sa mga bata habang nagbibigay ng ilng
pangaral. Aalis na ang mga nag-alay pagkatapios nito)

LL:
( Magbigay ng ilang pananalita tungkol sa alampay bilang simbolo ng mga gawain s KID Scouting )
Itaas an gating kamay sa ayos ng panunumpa at sabay-sabay nating bigkasin ang Pangako at batas
ng KID Scout ( Ang pangako at batas ng KID Scout )

Ang aking pangako mahalin ang diyos, at ang aking bayan, maging masunurin atmabuting bata, sa
tahanan at saan man.

Ibibigay ng kahulugan ng kuliling

Ngayong bawat isa


Isang tunog ng kuliling ang kailangan na
Bilang hudyat ikaw ay handang handang na
Sa mga gagawin KID Scout na darating pa.
Mga bata ( Kukulilingan ng bawat bata ang kampana ng minsan )
LL:
Samam-sama umawit gumalaw
Bilang pagsasaya at pagpupugay.

Mga bata: Isa, dalawa tatlo


Isa dalawa tatlo
Handang handa ako
Sa aking gagawin Ang KID scout na rin.
Mag-isip matuto
Gumawa sa buong grupo
Magsaya’t makiisa
KID Scout masisigla.
Isa, dalawa, tatlo
Handang handa ako.
Sa aking gagawin
At Kid Scout na rin.
( palakpak )
LL: Ngayon namay mataimtim na magpugay
Sa Maykapal na umalalay

( Isang maikling dalangin ekumenikal habang kumikililing ang kampana nang mahina. Pagkatapos
ay isa-isang ihahatid sa upuan ang mga bata sa pamumuno ng LL habang isang makabagong
tugtugin ang maririnig sa paligid.)

PAGTATALAGA SA BAGONG KAB SCOUT

Sa lakad ng buhay ng tao, bata o matanda ay may nagaganap sa mga sandaling


lubhang kasiya-siya sa Mababang Paaralan hanggang sa sapitin niya ang kolehiyo o
pamantasan, pagtanggap kaya ng katungkulan sa harap ng bayan, pakikipag-isang dibdib sa
napili niyang kakasamahin sa habang – buhay ay may marangal at banal na seremonya.

Ang seremonya ay ganyan din ang halaga sa KAB SCOUTING. Sa isang Kab Scout,
Ang kanyang gulang ay mula pito hanggang sampung taon , ang seremonyas ay
nagbibigay ng higit na kadakilaan na tumitining sa kanyang murang isipan. Ang seremonya
ay lakas na nagbubunsod upang hangarin ang bai-baitang na “ Antas “ o panungkulan sa
kilusang Kab Scout. Ipinakikilala din naman sa mga bata sa pamamagitan ng seremonyas
na ang kanilang ginawa at pinag-aralan ay mahalaga upang sapitin ang dakilang
pagkakataon tulad nito. At ditto isa pa ring pagkakataon sa mga Kab Scout Lider na
makilala angmga magulang ng bata upang pahalagahan ang kanilang pagtulong sa kanilang
mga anak at sa Kilusang Iskauting.

Kab Lider: Ang kandilang ito’y dakilang liwanag,


Sa pagtitipong ito ay siyang sagisag ,
Kaya ngayong oras sa kandilang hawak,
Ating sisimulan ang pagsumpang tapat.

Hinihiling ko sa mga magulang ng mga bata n asana ay tumabi sila sa kani- kanilang
mga anak ditto sa aking harapan . Sa mga KAB Scout ay hinihiling ko naming itaas ang
kanilang kamay sa ayos ng Panunumpa ng Scout.

ANG PANUNUMPA:

Ako ay nangangakong gagawin ang makakaya


Upang mahalin ang Diyos at ang Bayang Pilipinas
Gumawa ng mabuti araw-araw at
Sumunod sa Batas ng KAB Scout.

Ang araw na ito’y mahalagang araw


Dapat matangi sa diwa’t isipan
Sa bata, sa ama, ian’t magulang
Ang araw na ito’y dakila’t marangal.

Ito’y siyang araw ng kanyang pagsumpa


Sa kilusang ito na dinadakila
Sila ay nangako na isasagawa
Pagtupad sa batas na abot ng diwa.

Sa kanyang Bathala’t Bansang Pilipinas


Sa kanyang kapatid, magulang na liyag
Nanunumpa silang lalaging matapat
Sa kanyang kapwa sa lahat ng oras.

Isang KAB Scout na kumakatawan


Sa kanyang kapatid ditto sa kilusan
Ang unang kandila’y kanyang sisindihan
Hudyat ng pagsumpa ngayo’y sisimulan.

Unang Bata- Ang putting kandila’y aking sisindihan


Sagisag na kulay nuong Kalinisan
Ito’y paggunitang sa lahat ng araw
Ugaliin natin ang tapat na asal

Kaputian nito’y nagpapaala-ala


Araw na nagda’y di dapat maaksaya
Tumpak na gawain ang gawin tuwina
Upang sa buhay tayo’y lumigaya.
Iyan ang kahulugan ng putting kandila
Na siyang pangako naming mga bata
Na aming gagawin yaong magagawa
Sa abot ng kaya, sa abot ng diwa.

( Matapos ito, ang kandila ay iaabot sa pangalawang bata upang sindihan naman ang
kandilang may pulang kulay. )

Ikalawang Bata: Ang Pulang kandila’y aking sisindihan,


Kakulay ng dugo ng taga- Silangan
Sagisag ng Lahi at Katapangan
Dugo ng KAB Scout na puno ng buhay.

Kahulugan nito’y lumaging tapat


Sa Diyos, sa Bayan , sa lahat-lahat
Sa aming kapwa’t magulang na liyag
Sa pakikitungo sa lahat ng oras

Ang Kulay na Pula’y sagisag ng tapang


Sa KAB Scout itong siyang katapatan
Ito’y isang sangkap sa murang isipan
Kapag inugali’y mahalagang yaman.

( Katulad din ng Unang paraan )

Pangatlong Bata : Ngayo’y sisindihan ng buong pag-giliw


Bughaw na kandilang may uri at ningning
Kulay bughaw itong ang hatid sa atin
Lahat sana tayo’y maging masunurin.

Kulay bughaw itong sinasagisag


Sa pagka-kandila’y may dalang pahayag
Tayo ay sumunod, tayo ay gumanap
Sa atas ng batas, sa lahat ng oras.

Ang bughaw ay isang kulay na dakila


Pang-ikatlong kulay sa ating Bandila
Katarungang kulay ng mayama’t dukha
Nitong Pilipinas bayan nating Mutya.

( Katulad din ng Unang paraan ngunit ang kandila ay iaabot sa kanilang KAB Lider. )

KAB LIDER: Iyan ang buod at laman ng Batas


Na nadinig natin at dito’y binigkas
Nitong KAB Scout na ating namalas
Na siyang pag –asa sa araw ng bukas.

Pangalawang yugto’y ating sisimulan


Yayamang natapos na ang unang sumpaan
Ang ating tatlong kandilang mapuputi ang kulay
Siya naman natin ngayo’y sisindihan.

( Matapos sindihan ng KAB Lider , ang unang batang lalapit ay pamuling sisindihan
ang unang kandilang puti at bibigkasin ang mga sumusunod:
( Ganito din ang gagawin ng pangalawa at pangatlong bata.)

1. Unang BATA: Ang kandilang ito ay sumasagisag na ang KAB SCOUT


AY SUMUSUNOD SA NAKATATANDA.

2. Ikalawang BATA: Ang kandilang ito ay sumasagisag na ang KAB SCOUT AY


TUMUTULONG SA PAG- UNLAD NG KAWAN.

3. Ikatlong BATA: Ang kandilang ito ay sumasagisag na ang KAB SCOUT AY


NAGSISIKAP UPANG MAGING KAPAKIPAKINABANG.

KAB LIDER: Diyan natatapos sa tatlong salita


Batas ng KAB Scout na lubhang dakila
Ito ay mahirap masunod ng bata
Matutuhan din habang ginagawa.

Iyng mga bata ay dapat na imulat


Sa gawang mabuti sa lahat ng ors
Sapagkat kung ito’y tumanda ng ganap
Pinagkatandaan ay mahirap makatkat.

Gayundin ang kahoy habang ito’y bata


Hubugin sa ayos habang ito’y mura
Kung ito’y lumaki. tumaas, tumanda
Anumang hutok mo’y di magagawa.

Presentation: KAB SCOUTS


Scout Benediction:
Aakyat sa Stage kasama mga parents at sponsors
Inihanda ni:

SCTR. MARIBEL N. PORCIUNCULA, ALT.


STA. MARIA EAST DISTRICT- BULACAN

You might also like